Chapter 38 Kamari’s Pov PAGKATAPOS namin kumain ni Rosalie ay umalis kami agad sa restaurant dala ang mga pagkain na inorder ko para sa mama at kapatid niya. Ang cellphone ko ay pinalagay ko na muna sa bag niyang dala dahil wala akong mapaglagyan. Wallet lang ang hawak ko dahil sabi ko ay ako ang magpapamasahe. Ang gusto ko sana ay taxi ang sasakyan naming dalawa ngunit inasar lang ako ng walangya kong kaibigan. Sinabihan ba naman ako na masyado na daw akong totyal sa buhay. Dapat ay sosyal ang tawag pero sa kanya ay totyal dahil mapang asar siyang kaibigan. Kaya ayon, no choice ako kundi ang sumakay ng jeep. Sanay naman ako sa ganito. Dati naman akong sumasakay ng jeep. Minsan nga kapag petsa de peligro at wala ng pera ay nilalakad na lamang namin ni Rosalie para naman hindi na m

