Chapter 37 Kamari’s Pov NANDITO ako sa office ni Evander. Wala siya ngayon dahil may meeting sila. Hindi na niya ako pinasama at baka ma stress lang daw ako. Hindi na din ako nagpumilit pa at nagpaiwan na lamang ako dito sa office niya. Wala din naman akong gagawin kaya naisipan ko nalang basahin ang history ng kompanya ni Evander. Doon ko nalaman na ang pamilya pala talaga ni sir Philip ang humahawak nito sa matagal na panahon. Hindi pala talaga nagpapakita si Evander. Pero dahil sa nakita niya ako ay tuluyan siyang lumabas at nagpakilalang may ari ng kompanya. Natuwa ako habang binabasa ang history ng kompanya niya at hindi ko na napansin ang oras. Sabi pa naman ni Evander na kapag natagalan siya ay mauna na daw akong kumain. Hindi ko man lang napansin dahil sa dami kong binasa.

