PINSAN

1035 Words

CHAPTER 35 LUCAS ERYX BELFORT POV Napadilat ako nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. Para akong nagulat mula sa malalim na tulog. Hinanap ko iyon sa gilid ng unan, napakunot ang noo nang makita kung sino ang tumatawag. Si Mom? “Bakit kaya siya tumatawag ng ganito kaaga?” bulong ko sa sarili habang pilit inaabot ang telepono. Sinagot ko ang tawag, medyo paos pa ang boses ko. “Hello, Mom?” Bumungad sa akin ang malamyos niyang boses malambing, kalmado, at laging may bitbit na comfort, kahit hindi niya sinasadya. “Hello, Lucas. Pwede ka ba ngayon?” tanong niya, malumanay pero may bahid ng pagmamadali. “Ah… opo, Ma. Nasa condo lang ako. Day off ko ngayon.” “Ah, mabuti. Puntahan mo ang airport, anak. Pakisundo ang lola mo. Kasama niyang uuwi ang dalawang pinsan mo.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD