CHAPTER 34 LUCAS POV Matapos naming mag-agahan, nagpaalam na si Zhed na babalik na raw siya sa hospital dahil hinahanap na siya ng mama niya. At kahit na hindi ko gustong umalis siya… wala naman akong magawa. “Sigurado ka?” tanong ko kanina, hindi maitago ang pag-aalala. “Opo, doc. Kailangan ko na pong pumunta,” sagot niya habang inaayos ang bag niya, iwas tingin pa. Pinilit ko pa siyang ihatid. Nag-offer din akong samahan siyang bumaba sa lobby para maghintay ng taxi. Pero ang tanging sagot niya ay “Huwag na po. Baka ho lalo lang kayong ma-late sa duty niyo…” Duty? Day off ko nga, ‘di ba? Pero hindi ko na iyon sinabi. Tumango na lang ako at hinayaan siyang umalis. At ngayon… ako na ang naiwan dito, nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling glass wall ng condo ko, sinusundan siya

