CHAPTER 23 ZHED QUIAH POV Pagkababa ko ng taxi sa harap ng hospital, agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin galing sa loob ng gusali. Ala sais na, pero tila buhay pa rin ang paligid may mga nurse na nagmamadaling lumalakad, mga kamag-anak ng pasyente na nakaupo sa gilid, at ang amoy ng disinfectant na halos kabisado ko na. Pagpasok ko sa main entrance, binati ako ng guard na palaging nakabantay sa gabi. “Magandang gabi, Miss Zhed,” sabi niya. Ngumiti ako at bahagyang tumango. “Magandang gabi rin po, Kuya. ICU pa rin po si Papa?” tanong ko. “Oo, Miss. Gising na raw sabi ng nurse kanina. Nakangiti pa nga raw,” tugon niya. Bahagya akong napangiti parang biglang gumaan ang dibdib ko. “Salamat po,” sabi ko at nagmadaling naglakad papunta sa elevator. Habang nasa loob, pinipigi

