CHAPTER 18 ZHED QUIAH Alas-siyete pa lang ng umaga nang dumating si Mama sa ospital para palitan ako sa pagbabantay kay Papa. Kagabi pa ako gising, pero sa sobrang excitement at totoo lang, kaba hindi ko halos naramdaman ang antok. “Anak, umuwi ka na muna,” sabi ni Mama habang inaayos ang kumot ni Papa. “Ako muna ang bahala dito. Sabi mo alas-nueve daw ang pasok mo, ‘di ba? Ayusin mo muna sarili mo, baka ma-late ka pa sa unang araw mo.” Tumango ako, pero bago ako umalis, humawak muna ako sa kamay ni Papa. Mahimbing pa rin siyang natutulog, pero mukhang mas maayos na ang lagay niya kaysa dati. “Pa, aalis muna ako ha. Magta-trabaho na ako ngayon… para kahit paano, may maibalik ako sa lahat ng ginagawa n’yong sakripisyo. Magpagaling ka po.” Lumabas ako ng kwarto nang marahan, sabay labas

