CHAPTER 13 LUCAS POV Kinabukasan, maaga akong nagising kahit day off ko. Sanay na kasi ang katawan ko na gumigising ng madaling-araw, kahit pa wala akong pasok sa ospital. Mga alas-siete na siguro noon nang maalala kong hindi pa ako nakakauwi sa condo ko nitong nakaraang tatlong araw dahil sa duty. Kaya naman nagdesisyon akong umuwi muna ro’n para makapagpahinga at makaligo ng maayos bago bumalik sa hospital mamayang hapon. Sumama sa akin si Llianne hindi ko na nga siya inalok, kusa siyang nagprisinta. “Baka kasi mabulok ka na ro’n sa condo mo,” sabi niya kanina habang nagbibihis. At gaya ng inaasahan ko… hindi nga ako nagkamali sa reaksyon niya pagdating namin. Pagbukas pa lang ng pinto, halos sumabog ang tenga ko sa sigaw niya. “Tangina namang condo ‘to!” Napatigil ako at napakam

