CHAPTER 20 LUCAS POV Tanghali na, at ang tanging maririnig sa loob ng opisina ko ay ang tunog ng ballpen na paulit-ulit kong pini-flip habang nakatitig sa mga papel sa mesa. Sobrang init, at pakiramdam ko kahit ang aircon ay sumusuko na sa tindi ng araw. Gusto ko nang umuwi, gusto kong mahiga, pero hindi pa pwede tambak pa ang trabaho, at parang mas lalong dumarami habang tumatagal. Napabuntong-hininga ako at napatingala sa kisame, iniisip kung paano ko na-survive ang ganitong klaseng buhay puro duty, puro pasyente, walang pahinga. Biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Hindi man lang kumatok. At hindi ko na kailangang tumingin para malaman kung sino. “Bakit nakatulala ka d’yan? Sinong iniisip mo?” tanong ni Llianne, sabay pasok at walang kaabog-abog na umupo sa sofa na parang sari

