CHAPTER 21 ZHED QUIAH POV Pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan, naghilamos muna ako sa lababo ng maliit na kusina ng condo. Ramdam ko pa rin ang pagod sa katawan ko parang lahat ng buto ko ay humihingi ng pahinga. Pero nang maisip kong may ilang oras pa bago ako umalis, nagpasya akong umupo muna sa sofa. “Grabe, para akong naglinis ng buong subdivision,” bulong ko sa sarili ko habang marahang humihiga at nilalamas-lamas ang balikat kong sumasakit. “Hindi ko alam kung anong klaseng tao ang titira sa ganitong condo. Ang kalat, parang may bagyong dumaan.” Napatingin ako sa paligid. Sa kabila ng pagod ko, napangiti ako nang makita kong malinis na ulit lahat makintab ang sahig, nakaayos ang mga libro sa shelves, at pati ang mga nakatambak na damit kanina ay maayos nang nakatiklop. Sa wa

