PROLOGUE

855 Words
Naramdaman ko na may sumusunod sa akin, kaya hindi ako nagpahalata. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang mahigpit na nakahawak sa sling bag ko, pilit na pinapakalma ang sarili. Bawat kaluskos at anino ay tila nagiging banta sa aking isipan. Tila nagbabadya ng panganib. Nang marating ko ang restaurant na pupuntahan, agad akong pumasok. Hinanap ko ang taong pakay ko, ang dahilan kung bakit ako lumabas nang gabing iyon kahit alam kong delikado. Kailangan ko ng tulong niya. Sa isang sulok, nakita ko siya. Napangiti ako at agad na lumapit. "Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya, umaasang hindi niya ako pinaghintay ng matagal. "Hindi pa naman, kadarating lang," sagot nito, bahagyang ngumiti. "Mabuti. Akala ko kanina ka pa eh. Ngayon lang kasi ako nakalabas sa hospital, nagpaalam lang ako saglit kay Tatay," paliwanag ko. "Kamusta na pala si Tito?" tanong niya, may pag-aalala sa kanyang boses. "Okay lang naman. Naka-schedule na ang operation niya, pero wala pa akong pera pambayad eh," malungkot kong sabi, at napayuko. Naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Ramdam ko ang init ng kanyang palad, isang bahagyang aliw sa gitna ng aking problema. "Pasensya ka na, wala akong maibigay na pera ngayon. Kapos din kasi ako, at nagkasakit si Nanay. Naipadala ko na lahat sa probinsya," sabi niya, habang hawak pa rin ang kamay ko. "Ano ka ba, Luis, hindi mo naman dapat ikahingi ng pasensya eh. Okay lang, kaya ko naman siguro. Hahanap ako ng maraming raket o ibang paraan para lang mabuo ang kulang sa hospital," sabi ko, pilit na nagpapakita ng pag-asa. Sa pag-uusap namin ni Luis, ramdam ko pa rin ang pakiramdam na parang may nakatitig sa amin, lalo na sa akin. Hindi ko mawari kung sino o ano ang nagmamasid. Kinausap ko si Luis at may binulong. Sa una ay nagtataka siya, pero nakiusap ako gamit ang aking mga mata na tulungan niya ako. Sa huli, pumayag siya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang buhok ko, hinawi ito sa aking mukha. Ako naman ay ngumiti, yung ngiti na parang sweet na magkasintahan at in love na in love. Isang pagpapanggap na sana'y makatulong. "Get your hand off her, or I will break that," isang malamig na boses ang pumutol sa aming pagpapanggap. Napatingin ako sa lalaking lumapit. Tama nga ako, may sumusunod sa akin mula pa kanina. "Sino ka ba?" matapang na tanong ni Luis, nagtatangkang protektahan ako. "Sino ako? Ako ang dahilan kung bakit mababali ang kamay mo ngayon at dito mismo kapag hindi mo pa inalis 'yan sa kanya," banta ng lalaki, nagngingitngit sa galit. Dahil sa takot, mabilis na binawi ni Luis ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak sa kamay ko. Tumayo ako para harapin ang lalaki. "Sino ka ba para mangialam sa buhay ko? At bakit ka ba sunod nang sunod sa akin?" Tinanggal niya ang hood at maskara. Nagulat ako nang makita ang kanyang mukha. "Lucas?" "What the... ikaw ang stalker ko?" gulat na tanong ko, hindi makapaniwala. Hindi siya sumagot at malamig na tumingin sa akin. "How dare you stalk me? Alam mo bang halos mahimatay ako sa nerbiyos dahil sa'yo?" Nanatili siyang tahimik habang ako'y di na mapigil ang aking galit. Ang kaninang gulat ay napalitan ng inis. Inis dahil sa kanya, lagi akong kinakabahan dahil sa pakiramdam na lagi akong mapapahamak. Inis dahil ginugulo niya ang buhay ko. "Hindi ka ba makaintindi? Ayoko sa'yo, kaya layuan mo na ako!" "Sayang ka. Mayaman ka, lahat nakukuha mo, doktor ka pa. Tapos mahuhulog ka lang sa isang mahirap na katulad ko, diba?" sarkastikong sabi ko. "At hindi mo ba nakikita? May boyfriend na ako," sabi ko sabay turo kay Luis. Nagulat ito, pero nagets niya ang gusto kong iparating kaya sumang-ayon siya at sinubukang paalisin si Lucas. "Umalis ka na, Lucas. Wala kang mapapala dito," mariing sabi ni Luis, nagtatangkang magpakatatag sa harap ng nagngangalit na si Lucas. Ngumisi si Lucas. "Talaga? Akala ko ba'y magkaibigan lang kayo? Bakit parang sobra kang apektado?" Hindi nakasagot si Luis. Alam ni Lucas na isa lamang itong pagpapanggap. "Tama na, Lucas. Hindi mo ba talaga ako titigilan?" pagmamakaawa ko. "Ano ba ang gusto mo?" "Gusto ko? Gusto ko lang naman na maging masaya ka," sagot niya, ngunit batid ko ang pait sa kanyang tinig. "Pero bakit sa piling ng iba? Bakit hindi sa akin?" "Hindi mo ba naiintindihan? Hindi kita mahal. At hindi kita mamahalin," mariin kong sabi. "Kailan mo ba 'ko titigilan?" Biglang nagbago ang ekspresyon ni Lucas. Ang kaninang galit ay napalitan ng isang malamig na determinasyon. "Kung hindi kita makukuha sa paraang alam ko, gagawin ko sa gusto ko.” "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko, naguguluhan sa kanyang mga sinabi. Hindi siya sumagot, bagkus ay ngumisi lamang sa akin bago tumalikod at umalis. Naiwan akong nagtataka habang nakasunod ang tingin ko sa kanyang papalayo. Ano kaya ang ibig niyang sabihin? At bakit ba hindi niya ako kayang tigilan? Ilang beses ko na siyang pinahiya at tinanggihan, pero parang walang talab sa kanya. At heto, sinusundan pa rin niya ako. Ano pa kaya ang kayang gawin ng isang Lucas Eryx Belfort?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD