Chapter 12

1220 Words
  TALUNANG lumabas ng ICU si Nathan. Hilam ng luha ang kanyang mga mata nito habang tila wala sa sarili na naglalakad. Napakahirap mang tanggapin ngunit iyon ang totoo. Wala na ang lola  niya.           Wala pang dalawang oras ang nakakalipas nang biglang dumating ang papa niya sa ospital. Hindi rin pala nito matitiis ang sariling ina. Hinayaan niyang kausapin nito ang kanyang lola. Paulit – ulit itong humingi ng tawad habang umiiyak. A miracle happened. Dumilat at gumalaw ang kamay ni Lola Marcela.Hinawakan nito ang pisngi ng papa niya ng ilang segundo. Pagkatapos ay muli itong pumikit at bumagsak ang kamay na nakahawak sa pisngi ng kanyang papa.Tumunog ang isang aparato, palatandaan na nag – aagaw  - buhay na ang pasyente. Humahangos na pumasok ang isang nurse, tinignan nito sandali ang lola niya at kaagad tumawag ng doctor.Mabilis na dumating ang doktor at sinubukan nitong i – revive ang pasyente. Hindi nagtagal ay idineklara nito ang pagpanaw ng kanyang lola. Napasandal siya sa isang haligi at napapikit. Tila nawalan siya lakas na lumakad.           “Nathan…” Nagmulat siya ng mata nang marinig ang pamilyar na boses ni Anne. Wala siyang naramdamang galit nang muling makita ang dalaga. “Wala na si Lola, Anne,” aniya sa tinig na tila nagsusumbong.           Tumango ang dalaga. Halata niyang nagpipigil ito sa pag – iyak ngunit namumula ang mga mata. Halata niyang galing din ito sa pag - iyak. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat. Hindi na niya napigilan ang sarili at sumubsob ng yakap dito. Sa mga bisig nito ay pinalaya niya ang sakit na nararamdaman.       SA ISANG funeral home sa bayan inilagak ang mga labi ni Lola Marcela. Si Rigor Montemar ang nag – asikaso ng funeral service nito. Tila sa pamamagitan niyon ay bumabawi ito sa pagkukulang sa ina. Nakatunghay si Anne sa mga labi ni Lola Marcela nang maramdaman niyang may humawak sa balikat niya. “Mama Lyn,” aniya nang malingunan ang mama ni Rommel.           Ngumiti ito sa kanya. “Umuwi ka muna at magpahinga, Anne.”           Mapait siyang ngumiti. “Wala na po si Lola, wala na rin akong matutuluyan.” “Parte ka na ng pamilya, Anne. Sumama ka sa amin sa bahay, hinihintay ka na ni Rommel.” Ngumiti siya at yumakap dito. “Thank you.”           Sandali hinagod nito ang likod niya bago sila bumitiw sa isa’t-isa. Magkaakbay silang lumabas ng funeral home. Nakasalubong nila si Nathan. Sandaling nagkasalubong ang kanilang mga mata. Tulad niya ay halos hindi rin ito umalis sa tabi ng mga labi ni Lola Marcela. Tahimik lang ito at halos hindi nagsasalita. Ito ang unang nagbawi ng tingin at itinuloy ang pagpasok sa loob. Pagdating nila sa parking lot ay naghihintay na si Rommel sa gilid ng sasakyan nito.Sinalubong sila ng lalaki. Sandali siyang nagpakulong sa mga bisig nito bago nila tuluyang nilasan ang lugar na iyon.     Two weeks later…   “ARE YOU sure kaya mo nang mag – isa sa loob?” nag – aalalang tanong ni Rommel sa kanya. Sinamahaan ni Rommel si Anne sa Hacienda Montemar upang kuhanin ang mga naiwan pang gamit nito roon. Natawa siya sa kanyang narinig. “Ano ka ba? Kalahati ng buhay ko dito ako tumira. Bakit naman hindi ko kayang pumasok sa loob nang mag – isa?” Hindi ito kumibo. “Hintayin mo na lang ako rito, sandali lang ako.”  Hinalikan muna niya ito sa pisngi bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Pagpasok niya sa bahay ay kaagad siyang nagtungo sa kanyang dating silid. Bago siya nagtungo sa hacienda ay tumawag siya kay Aling Pilar upang magpatulong na iempake ang mga gamit niya kaya pagdating niya doon ay nakaayos na ang lahat. Ang mga katulong ang nagdala ng mga gamit niya sa sasakyan ni Rommel. Sa huling pagkakataon ay inilibot ni Anne ang tingin sa silid. Maraming alaala sa kanya hindi lamang ang silid na iyon kundi ang buong hacienda. Subalit ang lahat ay mananatiling alaala na lamang. Ipinagpatuloy na niya ang kanyang buhay sa piling ni Rommel. Nagsasama na sila nito at nakatakda na ang kanilang civil wedding pagkatapos ng forty days ni Lola Marcela. Kasunod na rin niyon ang kasal nila sa simbahan. Lumanghap siya ng hangin bago dinampot ang huling maletang naiwan at lumabas na ng silid.Malapit na siya sa hagdanan nang makasalubong niya si Nathan. Napakunot siya ng noo nang makitang nakaipit sa isang braso nito ang jewelry box ni Lola Marcela. Kahit ibinigay na iyon ni Lola Marcela sa kanya ay nagpasya siyang iwanan iyon nang umalis siya. “Puwede ba muna tayong mag – usap?” walang emosyong tanong nito. Tumango siya. “Sige.” Ibinaba niya ang hawak na maleta. Nagsimulang magsalita si Nathan. “Marami akong masasakit na salita na nasabi sa ’yo. Nagawan din kita ng masama. I’m very sorry for that, Anne.” “Let’s just forget it, Nathan. Hindi na maibabalik ang naging samahan natin noong mga bata pa tayo pero maaari naman nating ipagpatuloy ang mga buhay natin na hindi kinamumuhian ang isa’t – isa, ‘di ba?” Masaya na siya sa piling ni Rommel at ayaw niyang magpatuloy ang kanyang buhay na may galit sa lalaking ito. Mas madali para sa kanya na magpatawad na lang. Tumango ito. “Pero huwag mong ipilit sa aking makipagkasundo kay Rommel, hindi na mangyayari ‘yon, Anne.” Siya naman ang tumango. Hindi naman niya ipipilit ang bagay na iyon. Bahala na ang tadhana kung magagawa pang mapatawad ni Nathan si Rommel sa pagkakamali nito. Nang maglahad ito ng kamay ay tinaggap niya iyon. “Babalik na ako sa Portland sa susunod na linggo. Sina Gerson at Papa ang maiiwan at titira dito,” sabi ni Nathan nang bitiwan nito ang kamay niya. “Okay.” “Puwede ka bang bumalik bukas? Bukas na babasahin ang last will and testament ni Lola,” paalala nito sa sinabi ng abogado ni Lola Marcela sa kanya pagkatapos ng libing. “Alam kong may iniwan si Lola para sa ’yo at gusto kong tanggapin mo ‘yon,” sabi pa nito. “Pero Nathan, hindi na kailangan …” “Please, Anne, sundin na lang natin ang kagustuhan ni Lola,” giit nito. “At para sa ’yo ito.” Inilahad nito sa kanya ang jewelry box. “We both know ibinigay na ito sa ’yo ni Lola, hindi mo dapat iniiwan ito. Please take it, Anne.” Napabuntong – hininga siya; tinanggap ang jewelry box. Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya kay Nathan. Ito ang nagbuhat ng maleta niya hanggang sa front door. Magaan ang kanyang pakiramdam nang lumabas siya nang mansiyon. Kaagad siyang sinalubong ni Rommel upang kunin ang kanyang maleta subalit binitiwan niya iyon bago pa ito makalapit sa kanya.Sa halip ay iniabot niya rito ang jewelry box at mabilis niyang kinintalan ng halik ang mga labi nito. “Para saan ‘yon?”takang tanong nito. “Salamat sa pagmamahal mo sa akin.”   Ngumiti si Rommel. Hinalikan din nito nang mabilis ang kanyang mga labi. Kinuha nito ang maleta niya at ilang sandali pa ay masaya na silang nagbibiyahe patungo sa Hacienda Custodio, ang lugar kung saan sila magsisimula ng kanilang pamilya at bubuo ng kanilang mga pangarap.         PEACH SEVILLA       ***WAKAS***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD