Chapter 11

1505 Words
“HMM…” ungol ni Anne nang maramdaman ang mainit – init na bagay sa kanyang mukha. Nang magmulat siya ng mga mata, ang guwapong mukha ni Rommel ang kanyang nakita. “Huwag mo akong hanapan ng alak dahil hindi ko ibibigay sa’yo ‘yon,” walang kangiti – ngiting sabi nito habang patuloy sa pagpupunas sa kanyang mukha at leeg.           Hindi siya umimik at nanatiling nakatitig dito. Pati mga braso niya ay pinunasan na rin nito.Biglang nawala ang pagkalasing niya dahil sa ginagawa ng lalaki. “Rommel, bakit ba ang bait – bait mo pa rin sa akin?Sabi mo niloko kita, ‘di ba?” mayamaya ay tanong niya rito.           Huminto ang binata sa ginagawa; tumingin ito sa kanya. “Ano bang klaseng tanong ‘yan?” Itinigil na nito ang ginagawa at ibinaba sa gilid ng bedside table ang palanggang nasa gilid niya. “Just answer me please…” sabi pa niya. Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama.           Humugot muna ito ng malalim na hininga bago sumagot. “Hindi mo dapat tinatanong ‘yan, Anne. Mahal kita. I’ll always here for…”           “You still love me?”Kaagad siyang napangiti siya sa sa pag – amin nito.           “Of course, Anne.Because you’re my best friend. Hindi ko kayang lumayo sa ’yo nang tuluyan, hindi ko pala talaga kaya. At kahit hilingin mo pa, hindi ko pa rin gagawin.”           Biglang namasa ang kanyang mga mata sa kanyang narinig. Nag – uumapaw sa kaligayahan ang puso niya. Hindi na niya napigilan ang sarili at mahigpit na yumakap sa binata.             Yumakap din si Rommel sa kanya. “Hey, why are you crying?” tanong nito habang hinahagod ang kanyang likod.           “Tears of joy.” Kumalas siya rito at walang babalang siniil niya ito ng halik sa mga labi.           “Anne?” gulat na bulalas nito sa kanyang kapangahasan. Bahagya pa siyang inilayo nito sa sarili.           “I wanna kiss you, just kiss me back,” ani Anne at muling hinalikan ito sa mga labi. Marahil ay nagkulang siya sa pagpaparamdam dito kung gaano niya ito kamahal kaya inakala ni Rommel ipinagpalit niya ito sa iba. Hindi na mabilang kung ilang beses nang muntik – muntikanang may mangyari sa kanila. Sa bandang huli kasi ay ito ang unang natatauhan at nagpipigil dahil gusto nilang hintayin ang “right time”. Hindi na niya hahayaan na muling mawala ito sa kanya. Iyon na ang tamang pagkakataon para sa kanila. Patutunayan niyang ito lang ang may karapatang umangkin ng katawan niya. Napaungol si Anne nang sa wakas ay tumugon ito sa mga halik niya. Naging mapusok ang mga halik na pinagsasaluhan nila. Naunang naglikot ang mga kamay niya. She touched him all over. Itinaas niya ang laylayan ng suot nitong T–shirt at ito na mismo ang naghubad niyon nang maunawaan ang gusto niyang gawin.Napangiti siya nang makita ang engagement ring niya sa loob ng chain ng suot nitong kuwintas. Muling nagtagpo ang kanilang mga labi. Nang pareho na silang kakapusin ng hininga ay naglandas ang halik nito sa kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg. Walang pagtutol sa kanya nang kalasin nito ang butones ng suot niyang blouse. Kasunod noon ang pag – unhook ng suot niyang bra. Ilang sandali pa ay hubad na sa paningin nito ang dibdib niya.           “You want me to stop?”pahingal na anas nito.           Sa halip na sumagot ay hinila niya ang chain ng suot nitong kuwintas, nagdikit ang kanilang mga dibdib at muli ay nagtagpo ang kanilang mga labi.     ALAS-DOS ng madaling araw nang magising si Anne. Nakayakap ang mga braso ni Rommel sa kanya. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang maalala ang namagitan sa kanila.           “Hey.”  Nakangiti siya habang humaharap dito.           Ngumiti rin si Rommel. Napapikit siya nang kintalan siya nito ng halik sa noo. “Did I hurt you?”           “You were gentle.” Masakit ang katawan niya partikular na sa pagitan ng kanyang mga hita. Subalit bale-wala iyon kumpara sa luwalhating naranasan niya sa mga bisig nito.  Ilang sandali ang lumipas na mga mata lang nila ang nag – usap. Hanggang sa muling inangkin nito ang kanyang mga labi. Buong puso naman siyang tumungon. Kapwa sila humihingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi.           “Listen, Anne,” namumungay ang mga matang sabi ni Rommel habang nakayakap ang isang braso sa baywang niya. “There’s no way na papayag akong bumalik ka kay Nathan. You’re only mine at magpapakasal tayo,” sabi nito sa determinadong tono.           Napakurap – kurap siya. Nakaramdam siya ng disappointment nang malamang hindi pa rin pala nagbabago ang paniniwala nito na pinagtaksilan niya ito. “I’m all yours, Rommel, at hindi nagbabago ‘yon kahit pa noong wala ka. I’ve never cheated on you.” Biglang nag – iwas ng tingin; inalis nito ang kamay sa baywang niya. Halatang hindi naniniwala sa kanyang sinabi.           Napabuntong – hininga siya. “Yes, let’s get married. May habang-buhay naman ako para patunayan na mahal kita!” padaskol niyang sabi. Inayos muna niya ang nakabalot na kumot sa kanyang katawan bago siya bumangon at bumaba ng kama.           Subalit bago pa niya mailapat nang tuluyan ang parehong mga paa sa sahig ay hinawakan siya nito sa braso. “Anne…” Hinila siya nito at muli siyang napaharap dito. “Hindi na ‘yon importante, kalimutan na lang natin ang nangyari, okay?”           “It is, Rommel! It took time bago ako naniwala sa’yo noon na walang namamagitan sa inyo ni Rica, pero mahal pa rin kita. Bakit ngayon ayaw mong maniwala sa akin?” sumbat niya.           “Okay, wala na kung wala,” kulang sa conviction na sabi nito.           Marahas siyang napabuntong – hininga. Pumiksi siya subalit hindi siya binitiwan nito. “Ayusin natin ito, Anne.”           “Hindi natin ito maaayos dahil ayaw mong maniwala sa akin. Bakit ba ang hirap sa ’yong gawin ‘yon?” nasasaktang tanong niya. Nag – umpisa nang mamasa ang kanyang mga mata. “Sinubukan ni Nathan na agawin ako sa ’yo pero tinanggihan ko siya dahil ikaw ang mahal ko. Pinagtangkaan pa niya ako ng masama sa sinehan pero …”           “Ano? Anong sinabi mo?”napamulagat na tanong nito. Ikinuwento niya rito ang nangyari. “Sa pagkakataong ito, mapapatay ko talaga ang lalaking ‘yon,” taas - baba ang dibdib na sabi ni Rommel. Halatang nagpipigil sa galit.           “Naniniwala ka na ba sa akin ngayon?”           Bigla siyang hinila nito at niyakap ng mahigpit. “Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin ang ginawa niya?”           “Ayoko lang na mag – alala ka. At tungkol naman sa nangyari sa hotel noong una kaming magkita-” Bahagya niyang inilayo ang katawan dito. “Nadala lang ako sa halik niya pero wala talagang kahulugan ‘yon.”           “Mula ngayon, anuman ang sabihin mo, paniniwalaan ko. Pasensiya ka na, pinagdudahan kita.” “Sorry din. Hindi ko sinabi sa iyo ang tungkol sa sulat dahil na-insecure ako at natakot.  I was still young then at ilang taon pa lang siyang wala noon. I know madali ka niyang maaagaw sa akin kapag bumalik siya. Mahal na mahal lang talaga kita, Anne, kaya naging makasarili ako.”  “Mahal na mahal din kita. Kalimutan na natin ang nangyari, Rommel.” Tumango ito. Kumalas ito sa kanya at tinanggal ang singsing sa chain ng suot nitong kuwintas. Anyong isusuot na nito sa kamay niya ang singsing nang magtanong ito sa kanya.“Again, will you marry me, Annika Docher?” tanong nito. “Of course, Rommel. Of course.” Mabilis na isinuot nito sa kamay niya ang singsing. Muli ay nagtagpo ang kanilang mga labi. Ilang sandali pa ay muling pinatunayan nila kung gaano nila kamahal ang isa’t – isa.     KITANG – KITA ni Rommel kung paano natarantang napatayo si Marion sa kinauupuan nang makita siyang papalapit. Batid nitong malaki ang kasalanan nito sa kanya.           “Marion,” aniya nang makalapit na siya.           “Kuya, I’m sorry about last night. Busy ka kagabi kaya hindi ka na namin niyayang umalis ni Ate Anne,” paliwanag kaagad ng kanyang pinsan.           Natawa siya sa narinig.“Hindi ka galit?” takang - tanong nito. “No, I am not. But do that again and I’ll twist your neck. Pasalamat ka, okay na uli kami ni Anne. Matutuloy na ang kasal namin,” masayang pagbabalita niya. Tumili ito sa kanyang sinabi. “Oh, my God! I knew it!” Niyakap pa siya nito.           “Rommel…” Kaagad siyang napalingon nang marinig ang tinig ni Anne. Kumalas siya kay Marion. “What happened?” nag – aalalang tanong niya nang makitang namumutla ito habang hawak nito ang cell phone.           “Wala na si Lola.” Iyon lang at bigla itong humagulgol ng iyak. Kaagad siyang lumapit dito at niyakap ito nang mahigpit. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD