MABILIS na lumipas ang isang buwan na halos hindi namalayan ni Anne. Comatose pa rin si Lola Marcela at hindi nagbabago ang kondisyon nito. Halos hindi siya umaalis sa tabi ng matanda. Kahit hindi dapat ay nagpatulong siya kay Rommel nama – assign siya sa ICU.
Nang hapong iyon pagkatapos ng duty niya ay muli na naman siyang napaiyak nang magpaalam siya kay Lola Marcela.Dahil sa matinding pagkaawa sa kondisyon nito ay nakabuo siya ng isang desisyon.
Hindi iyon madali subalit naniniwala siyang kailangan na ng matanda ng pahinga. Pag – uwi niya sa mansiyon ay hinintay niya si Nathan at kinausap ito.
“Tungkol sa condition ni Lola, gusto kong malaman kung nakapag – decide ka na.”
“Anong ibig mong sabihin?” kunot – noong tanong nito.
“Doktor na ang nagsabi na brain-dead na si Lola, imposible na siyang gumising maliban na lamang kung may milagro. Mas mapapabuti siguro kung –”
Kaagad nagsalubong ang mga kilay ni Nathan sa narinig. “No!” sabi kaagad nito bago pa niya matapos ang sinasabi. “Hinding – hindi ako makakapayag sa gusto mong mangyari.”
“Pero, Nathan, hindi ka ba naaawa kay Lola? Hirap na hirap na siya.
“Hindi ako makapaniwalang sinasabi mo ‘yan. For fifteen years, Anne, ikaw ang nakasama ni Lola. ‘Tapos, ngayon gustong mong tapusin na ang lahat? Bakit ang bilis mong sumuko? Kung sawa ka na sa pag – aalaga sa kanya, makakaalis ka na. Pero ako, hinding – hindi ko siya isusuko.”
“Nathan…”
“Kahit ano’ng mangyari, ako pa rin ang magdedesisyon,” matatag na sabi nito.
“Nasaan ang puso mo kung patuloy mo siyang pahihirapan?”
“At ikaw? Wala kang utang-na–loob.Hindi ka na ba makapaghintay sa mamanahin mo?”
Hindi napigilan ni Anne ang sarili at umigkas ang kamay niya sa pisngi nito. “Habang - buhay akong magpapasalamat kay Lola sa pagkupkop sa akin.Sa ’yo na ang pera n’yo pero hindi mo maiaalis ang katotohanan na makasarili ka!”
“Whatever!” galit na sabi nito at iniwan siya.
BITBIT ang may-kalakihang carryall bag ay lumabas ng front door si Anne. Nagdesisyon na siyang umalis sa mansiyon. Iyon ang naging tahanan niya sa matagal na panahon at marami siyang maiiwang masasayang alaala roon kasama si Lola Marcela ngunit tama lang na ituloy na niya ang matagal nang planong pag – alis.
Pareho silang nagkagulatan ni Rommel paglabas niya ng pinto. Halos hindi ito umaalis sa tabi niya nang mga nakaraang araw. Lagi ito ang nagpapaalala at pumipilit sa kanya para kumain siya. Sinusundo at hinahatid pa rin siya kapag off–duty na nito sa ospital. Lagi rin nitong sinisilip at kinukumusta sa ICU si Lola Marcela.
“Susunod ka na ba sa Maynila?” tanong nito.
Napakunot – noo siya. “Bakit?”
“Nagdesisyon na si Nathan na ilipat si Lola Marcela sa isang ospital sa Maynila. Umalis sila kaninang umaga.Hindi mo alam?” takang-tanong nito.
Umiling siya. “Saang ospital?” Nasaktan siya sa nalaman. Initsapuwera na talaga siya ni Nathan.
Sinabi ni Rommel kung saang ospital.
“Puwede mo ba akong ihatid sa ospital? Magpa – file ako ng leave at susunod ako kina Nathan sa Manila.”
Tumango ang binata. Ilang sandali pa ay sakay na sila ng sasakyan nito palabas ng hacienda.
“Kung hindi mo alam na inilipat ni Nathan ng ospital si Lola Marcela, bakit ang laki ng bag mo?” kaswal na tanong ng binata na tinapunan ng tingin ang carryall bag sa backseat.
“We had an argument…” Ikinuwento niya kay Rommel ang pagsasagutan nila ni Nathan.
Hindi ito nagkomento pagkatapos.Namagitan sa kanila ang katahimikan hanggang sa makarating sila sa ospital. Sinamahan siya nito sa HR at kaagad siyang nagfile ng emergency leave. Napakunot – noo siya nang magsulat din sa isang form si Rommel at iniwan siya sandali. Palabas na sila ng ospital sakay ng sasakyan nito nang usisain niya ang tungkol sa f-in-ill up-an nito sa HR.
“Nag-file rin ako ng leave.Dumaan muna tayo sa bahay, I have to pack some things. Sasamahan kita sa Maynila.”
Hindi nakapagsalita si Anne sa pagkagulat.
“Nagmamalasakit din ako kay Lola Marcela. Gusto ko naroon din ako ano man ang maging development sa kondisyon niya,” patuloy nito.
“Thanks,” naluluhang tugon niya.
Ngumiti lang ito at bahagyang pinisil ang kanyang niya.
PAGDATING nila sa ICU ng St. Luke’s Medical Center, sa labas pa lang ay kaagad na silang sinalubong ni Gerson.
“What are you doing here, Ate Anne?”
“Gusto ko lang makita si Lola, Gerson. How is she?”
Malungkot na umiling ito. “Wala pa ring pagbabago sa lagay niya.”
“Puwede ba namin siyang makita?”
“Nasa loob si Kuya. He is so mad at you.Nagbilin siya sa akin na kung darating ka ay huwag kang papasukin.”
“Ganoon ba?” Napabuntong – hininga siya.Naramdaman niya ang pagpisil ni Rommel sa kanyang balikat.
“I can’t believe you already gave up on her, Ate Anne,” patuloy pa ni Gerson.
“Pati ba naman ikaw, Gerson, galit sa akin?”
Umiling ito. “Desisyon mo ‘yon, wala akong magagawa. Gusto ko pang makasama nang matagal si Lola, Ate Anne. I grew up listening to Kuya’s stories about Lola and the hacienda. I was so glad when I met her,kaya kahit anong paraan gagawin namin ni Kuya gumaling lang si Lola. Hindi kami basta susuko.”
“I’m sorry, Gerson. Naaawa lang naman ako kay Lola kaya ko nasabi ‘yon. Hindi ko kayang nakikita siyang nahihirapan.”
“I understand. But it’s better if you leave now, baka biglang lumabas si Kuya. Tatawagan na lang kita kapag puwede mo nang puntahan si Lola.”
Kahit papaano ay natuwa siya sa narinig. “Thanks, Gerson,” aniya at niyaya na si Rommel na umalis.
“HINDI BA nakakahiya kung pati ako makikituloy kina Marion?Puwede namang mag – rent na lang ako ng apartelle.”
“Sa tingin mo papayag ako, Anne?Gusto rin ni Marion na doon ka mag-stay.Matatagalan pa sa Europe sina uncle kaya mga maid lang ang kasama niya sa bahay. Malapit lang din ang bahay nila sa ospital kaya madali tayong makakapunta roon kapag tinawagan ka na ni Gerson,” tugon ni Rommel.
Hindi na siya tumutol. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa bahay ng pinsan nito sa New Manila. Masigla silang sinalubong ni Marion sa foyer.
“Salamat sa pagpapatira mo sa akin dito, Marion,”
“Wala ‘yon, ‘no. And I’m sorry for your Lola, Ate Anne. Feel at home, okay? Magiging cousin na rin naman kita, eh.”
Sandali siyang nakaramdam ng pagkailang sa narinig. “Magkaibigan na lang kami ng pinsan mo, Marion,” pagtatama niya.
“Oh,” sambit ni Marion na sandaling natigilan.Sinulyapan nito si Rommel na nasa likuran nila na kasalukyang binababa sa sasakyan ang mga bag. “It’s fine.” Ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Alam ko namang mahal n’yo pa rin ang isa’t – isa, eh. I’m sure eventually magkakaayos din kayo.”
Ngumiti na lang siya. Sana nga ay tama ito.
TAHIMIK na lumuluha si Anne habang nakaupo sa gilid ng hospital bed ni Lola Marcela. Mahigpit na hawak niya ang kamay ng matanda habang nakatitig siya sa hapis na mukha nito. Sarisaring aparato ang nakakabit sa katawan ng matanda na tila lalo pang nagpapahirap dito. Awang – awa na siya rito at gustong – gusto na niyang tanggalin ang mga tubong nakakabit sa katawan nito upang tuluyan nang matapos ang paghihirap nito subalit nanaig ang kanyang konsiyensiya. Hindi niya kaya kung siya mismo ang gagawa niyon.
Naramdaman ni Anne ang marahang paghaplos ni Rommel sa likod niya.“Let’s get out of here, Anne, baka bumalik na si Nathan,” bulong nito sa kanya. Nagtungo si Nathan tinutuluyan nitong condo unit kapag nasa Maynila ito kaya nagkaroon sila ng pagkakataon na silipin si Lola Marcela.
Tumango siya. Kung maari lang ay hindi na siya aalis sa tabi ng matanda.Ngunit hindi maaari, ayaw talaga ni Nathan na lumapit pa siya kay Lola Marcela kaya sumasalisi lang sila ni Rommel sa pagdalaw tuwing may pagkakataon.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya kay Lola Marcela. Nagpahila siya kay Rommel sa paglabas ng silid.
“BAKIT ba hindi n’yo magawang patawarin si Lola, Papa? Halos wala na si Lola, ano pa bang gusto mong mangyari sa kanya para mapatawad mo siya at puntahan mo siya rito?” galit na tanong ni Nathan sa kanyang papa over the phone.
“Para sa akin matagal na siyang patay, Nathan. Kaya puwede ba, tigilan mo na ang katatawag sa akin para kumbinsihin akong umuwi riyan,” matigas ng kanyang papa.
Lalong nagtangis ang mga bagang niya sa kanyang narinig. “Hindi na kita tatawagan uli. Pero huwag mong asahan na mapapatawad kita kapag tuluyang nawala si Lola na wala ka,” sabi niya at kaagad nang tinapos ang phone call.
Sandaling kinalma muna ni Nathan ang sarili bago siya pumasok sa ospital. Subalit muling nagtagis ang kanyang mga bagang nang matanaw sina Anne at Rommel na lumabas ng ICU. Napabilis ang kanyang mga hakbang at galit na sinalubong ang mga ito.
“What are you doing here?”
Halatang nagulat ang dalawa nang makita siya.
“Sinilip lang namin sandali si Lola, Nathan,” tugon ni Anne.
“Hindi ka na puwedeng lumapit sa kanya. Tinanggalan na kita ng karapatang gawin ‘yon dahil sa gusto mong mangyari sa lola ko.”
Bumuka ang bibig ng dalaga na tila may sasabihin subalit hindi nito itinuloy. Sa halip ay yumuko lang ito. Inakbayan ito ni Rommel.
“May karapatan din si Anne na makita si Lola Marcela, Nathan,” sabi ni Rommel.
“Anong karapatan ang sinasabi mo?” sarcastic na tanong niya.“Kami lang ni Gerson ang mga tunay na apo.”
Anyong sasagot pa sana si Rommel subalit hinila na ito ni Anne palayo.Sinundan niya ng tingin ang mga dating mga kaibigan habang palayo ang mga ito.
Fifteen years ago, walang ginawa si Rommel kundi asarin at paiyakin si Anne. Ngayon ay siya naman ang nang – aaway kay Anne at si Rommel na ang nagtatanggol sa dalaga. Kasalanan nito kung bakit nagkapalit na sila ng puwesto. At dahil din kay Rommel kaya sandali lang niyang nakasama ang lola niya at ngayon ay nanganganib na itong tuluyang mawala sa kanya. Hindi talaga niya basta mapapatawad si Rommel. Muli ay kinalma niya ang kanyang sarili bago siya nagtungo sa ICU.
ALAS-NUEVE ng gabi nang matapos si Rommel sa pagse–surf sa Internet. Lumabas siya ng libraryat nagtungo sa living room kung saan iniwan niya kanina sina Anne at Marion na nagkukuwentuhan. Subalit wala na roon ang dalawa.
“Si Anne?” tanong niya sa nakasalubong na maid.
“Umalis po sila ni Ate Marion kanina,” tugon nito.
“What?” gulat niyang sambit. “Saan daw sila nagpunta?”
“Wala pong sinabi pero parang pupunta yata sila sa bar.”
Inis na tinalikuran niya ang maid.Dinukot niya ang cell phone sa kanyang bulsa at tinawagan ang pinsan.
“Hello, Kuya,” ani Marion nang sagutin nito ang tawag niya.
“Where the hell are you? Kasama mo ba si Anne?”
“Oo. Nasa bar kami ni Matt. I can’t-”
Mabilis na tinapos niya ang tawag pagkatapos niyang malaman kung nasaan ang dalawa. Nagtungo siya sa kanyang silid at mabilis na nagbihis. Susunod siya sa mga ito.
“LOSE A BIT, Anne, malalagot ako kay Rommel sa ginagawa mo, eh,”konsimidong sabi ni Matt habang nakaupo ito sa kanyang tabi.
Tinawanan lang ito ni Anne; muli ay tinungga niya ang laman ng hawak na beer. Kanina,habang nagkukuwentuhan sila ni Marion sa bahay ay biglang dumating ang boyfriend nitong si David. Niyaya sila nitong lumabas at nagpaunlak siyang sumama sa mga ito. Hindi na nila sinabihan si Rommel na nasa library dahil alam niyang busy ito. Masyado na niyang naabala ito at nahihiya na siyang abalahin pa ang lalaki sa ginagawa nito para lang may makapareha siya sa pagpunta sa bar.
Nakaramdam si Anne ng bahagyang pagkahilo nang maibaba na niya ang hawak na beer. Ngunit wala siyang pakialam. Gusto lang niyangmagsaya at makalimot kahit sandali lang.Muli niyang itinaas ang hawak na bote, subalit bago pa niya mailapit iyon sa kanyang bibig ay isang kamay ang humawak sa kanyang braso. Nang magtaas siya ng tingin, nakita niya ang guwapong mukha ni Rommel na nakatunghay sa kanya.
“Enough, Anne, lasing ka na,” mariing sabi nito habang magkasalubong ang makakapal na kilay nito.
“Pare, kanina ko pa siya sinasabihan,” hands –off na sabi ni Matt.
Napangiti siya nang makita si Rommel. Kaagad siyang tumayo at humawak sa balikat nito. “Hey, handsome. You’re here, join me. Boring kasama itong pinsan mo, eh,” sabi niyang sinundan pa ng hagikgik.
“No, Anne. Let’s go home,” sa halip na sabi nito. Hinawakan siya ni Rommel sa kamay ang dalaga upang hinilahin palabas ng bar.
“Ayaw ko pang umuwi,” protesta niya. Siya namang paglapit ni Marion, kasunod ni David. Isang warning look ang ibinigay ni Rommel sa pinsan.
“Ibibigay ko sa ’yo ang lahat ng alak sa wine bar ni Uncle pag – uwi natin.”
Sa narinig ay hindi na nagprotesta si Anne. Bagkus ay humawak pa siya sa braso ng binata.
**** Maraming salamat po sa pagsubaybay at paghihintay ng update. Huwag po sana kayong magsawa. Kapit lang. Malapit na po ang wakas. God bless, everyone.****