Chapter 1

1624 Words
PAGPASOK pa lang ni Rommel sa coffee shop kung saan sila magkikita ng kanyang best friend na si Anne ay kaagad na niyang napansin ang lalaking nakaupo sa two – seater table sa isang sulok. Nasa tabi ng glass wall ang lalaki at nakasandal sa kinauupuang silya habang nagbabasa ng kung anong papeles sa harapan nito. Marahil ay kasing edad lang niya ang lalaki. He was twenty – nine years old.  Pamilyar din ito sa kanya subalit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita. Nakaupo na siya sa kabilang sulok ng coffee shop at naibigay na niya ang kanyang order sa waiter ay patuloy pa rin siya sa pag – iisip kung saan niya nakita ang lalaki. Muli siyang napatingin dito. Nang makitang magbabaling ito ng tingin sa gawi niya dahil marahil naramdamang may nagmamasid dito ay kaagad siyang nagbawi ng tingin. Hindi niya gustong ma-misinterpret nito ang kanyang pagtingin at baka mapagkamalan nitong bakla siya. Hindi na niya ibinalik ang kanyang tingin sa lalaki; sa halip ay tinanaw niya ang entrada ng coffee shop. He couldn’t wait to see Anne. Halos dalawang buwan na ang lumipas mula nang huli silang magkita. Naging abala kasi siya sa pagsama sa mga medical missions sa malalayong probinsya kasama ng mga dating kaklase niya sa medical school kaya hindi niya nagagawang umuwi sa kanilang probinsiya. He was a doctor. Nang malaman niyang nasa Maynila si Anne para sa isang seminar ay nasa Surigao pa siya. Mabuti na lamang at maaabutan pa niya ito sa huling araw ng seminar.  Kaya nang makabalik ang team nila sa Maynila ay tinawagan niya si Anne at kaagad siyang nagtungo sa tinutuluyan nitong hotel para makita ang dalaga. At doon nga sa coffee shop sa ibaba ng hotel sila nagkasundong magkita. Ilang sandali pa ay nakita na ni Rommel ang dalaga na pumapasok sa entrada ng coffee shop. Kaagad niya itong kinawayan. Sandaling nabitin ang kanyang paghinga nang ngumiti ito pagkakita sa kanya. Para kay Rommel, si Anne ang pinakamagandang babae sa buong mundo.  Limang talampakan at limang pulgada ang taas nito. Hindi ito purong Filipina. Namana nito ang maputi at makinis na balat, itim na itim na buhok at malalaki at bilog na bilog na mga mata na nagniningning tuwing ngumingiti ito sa amang Norwegian. Ngunit ayaw pag – usapan ni Anne ang tungkol sa ama nito. Ayon dito ay hindi na dapat pinag – uusapan pa ang mga walang-kuwentang tao.           Nakatayo na siya bago pa man ito makalapit. “Hey, sorry natagalan ako,” apologetic na sabi nito.           Ngumiti siya. “I’ve missed you,” sa halip na sagot niya.           “‘Miss you, too,” tugon nito. Hinalikan niya si Anne sa pisngi at mahigpit na niyakap. Inalalayan niya itong makaupo. Inayos muna niya ang dala nitong traveling bag sa tabi ng table nila bago siya naupo sa katabing silya. “How many hours have we got?” tanong ni Rommel habang sinesenyasan ang waiter na lumapit.           “Two hours,” kagat–labing tugon nito. Sandali siyang napatanga nang makita ang mapupulang labi nito. Gustong – gusto niyang hinahalikan ang mga labi iyon subalit iba na ang sitwasyon nila ngayon. Matagal na siyang walang karapatang gawin iyon dahil magkaibigan na lang sila at hindi na niya nito girlfriend.           Nakipagkalas si Anne sa kanya tatlong taon na ang nakakalipas. Nahuli kasi nitong magkadikit ang mga labi nila ng dati niyang classmate sa medical school na lagi nitong pinagseselosan nang minsang dumalo sila sa isang party. Hiniwalayan siya nito nang gabi ring iyon kahit pa sumumpa pa siyang hindi niya hinalikan si Rica. Isa si Rica sa mga naging flings niya pero tapos na iyon bago pa man niya niligawan si Anne. Pinaniwalaan lang nito ang nakita ng mga mata nito. Si Anne ang kauna – unahang babaeng sineryoso at tanging naging nobya. Katorse anyo pa lang siya ay in love na siya rito.  Hindi niya ito hinintay na magdalaga at inalagaan sa puso niya sa matagal na panahon para lang ipagpalit sa isang katulad ni Rica. Tinanggihan pa niya ang gusto ng kanyang papa na ipagpatuloy niya ang pag – aaral ng Medisina sa ibang bansa dahil nagdesisyon si Lola Marcela na pag – aralin si Anne ng kolehiyo sa Maynila. Hindi niya pinalagpas ang pagkakataon na makasama ito habang nag – aaral sila. Ilang buwang sinuyo ni Rommel si Anne at pinaliwanagan na wala silang relasyon ni Rica. Sa kalaunan ay naniwala rin naman ito subalit hindi pa rin ito nakipagbalikan sa kanya. Ayaw nito ng long – distance relationship. Graduate na kasi si Anne noon ng Nursing at tapos na rin ang board exam nito kaya uuwi na ito sa probinsya nila at doon na lang maghihintay ng resulta. Ayaw pa sana niyang pumayag na hindi sila magkabalikan subalit nang mangako ito na hihintayin siya at patuloy na mamahalin ay hindi na siya nangulit. Sa oras kasi na matapos ang specialization niya ay babalik na siya sa probinsya nila, at sa ospital ng namayapa niyang Lolo Guimo siya magtatrabaho, ang Dr. Guillermo Memorial Medical Center o DGMMC. Doon din kasalukuyang nagtatrabaho si Anne bilang nurse. “What would you like to have?” tanong niya nang makalapit sa table nila ang waiter. “Cappuccino,” matipid na sagot nito. Sinamahan niya ng paborito nitong tuna sandwich ang order.  “Nakakainis ka, may seminar ka palang dadaluhan dito sa Manila pero hindi mo man lang sinabi sa akin earlier para naayos ko ang schedule ko,” nakasimangot na sabi ni Rommel pagkaalis ng waiter. “Sorry, I forgot, eh. Halos ayaw ko na ngang tumuloy rito dahil may sakit si Lola Marcela.” “How is she now?” concern na tanong niya. He loved Lola Marcela. Parang tunay na lola na rin niya ang turing niya rito. Ito na lang din ang nag - iisa at itinuturing na kamag - anak ni Anne. Lola ito nang dating kaibigan nilang si Jonathan. Lola Marcela adopted Anne when her Lola Cora passed away when she was ten. “So far, she’s okay, sabi ni Aling Pilar. Pero hindi pa rin ako matatahimik hangga't hindi ako nakakauwi.” “Hindi naman siguro magsisinungaling si Aling Pilar sa kalagayan ng lola mo. Stop worrying, okay?" Tumango ito. Natigil ang pag - uusap nila nang lumapit ang waiter dala ang order nila.Wala sa loob na napatingin siya sa kinaroroonan ng lalaki kanina habang isini- serve ng waiter ang order nila.Kaagad nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makitang nakatingin ang lalaki sa direksyon nila, partikular na kay Anne. Admiration ang nakalarawan sa mukha nito na tila may halong panghihinayang dahil may kasama ang dalaga. Tinignan niya nang masama ang lalaki, kaagad naman itong nagbawi ng tingin. Nang makaalis ang waiter, inilabas ni Rommel ang kanyang Ipad mula sa dala niyang bag. “Look at my pictures from my medical mission," aniya habang umiinom ito ng kape si Anne. Interesadong kinuha naman nito ang kanyang Ipad. Inilapit pa niya ang kanyang silya sa tabi ng silyang inuupuan nito upang maikuwento niya rito ang bawat detalye sa mga larawan. Possessive na iniakbay pa niya ang kanyang kaliwang kamay sa balikat nito. Ilang minuto ang lumipas. Naramdaman niya ang biglang paninigas ni Anne sa kinauupuan nito habang nakatingin sa lalaking tinignan niya nang masama kanina. Sinulyapan niya ang lalaki - nakatingin na uli ito kay Anne.  "What's wrong? Kilala mo ba s'ya?" kunot - noong tanong niya. Binawi ng dalaga tingin mula sa lalaki at ibinalik nito ang tingin sa kanya. Tila nag – alangan ito sandali sa pagsagot."No, hindi ko s'ya kilala," sabi nito at sinundan pa ng ngiti. Naniniwala siya rito. "Hindi mo na ginalaw ang sandwich mo," puna niya. Kinuha ni Anne ang sandwich at nagsimula na itong kumain. Muling sinulyapan ang lalaki, nakatuon na ang atensyon nito sa mga papeles sa harap nito. Nagpatuloy sila ni Anne sa kuwentuhan. Mabilis na lumipas ang dalawang oras. Mula sa glass window ng coffee shop ay nakita nilang nagsimula nang magsakayan sa tourist bus ang mga nakasama ng dalaga sa seminar. Tumayo na rin sila pagkatapos niyang bayaran ang bill. Hindi nakaligtas sa kanya ang muling pagsulyap ni Anne sa lalaki. Nakatingin na naman ang lalaki kay Anne. Nakaramdam na si Rommel ng iritasyon dahil sa patuloy na pagtingin ng lalaki kay Anne subalit nagpigil siyang sugurin ito. Sa halip, hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinila ito palabas ng coffee shop. “Ingat ka sa pagda-drive, ha,” bilin sa kanya ng dalaga nang makarating sila sa gilid ng bus. “Of course, regards me to Lola Marcela. I’ll go home as long as I can,” pangako niya. “Okay.” Lumapit ang mukha nito sa kanya para halikan siya sa pisngi ngunit sinadya niyang ibaling ang kanyang mukha upang sa mga labi niya lumapat ang mga labi nito. Halatang nabigla si Anne sa ginawa niya at hindi kaagad nakakilos. Sinamatala niya ang pagkakataon. Sinapo niya ang mukha nito at marubdob na hinalikan sa mga labi.  Napalo siya ng dalaga sa dibdib nang bitiwan niya ito. “Loko ka talaga!” bulyaw nito pero nakangiti naman. Napangisi si Rommel. “Can’t help it, sweetheart, I really missed you.” Hinapit niya ito at niyakap nang mahigpit. Gumanti rin ito nang mahigpit na yakap sa kanya. Napabuntong – hininga siya. He really could’t wait to go home in San Rafael and work with her in their hospital. Tatlong taon na ang nakakaraan mula nang maghiwalay sila subalit nanatiling ito pa rin ang nagmamay – ari ng puso niya, at nag – iisang babaeng gusto niyang pakasalan. Hinintay muna niyang makaalis ang bus bago siya sumakay sa kanyang SUV na nakapark sa labas ng coffee shop. Nabuhay na niya ang engine nang mapatingin siya sa loob ng coffee shop. Naroon pa ring naka – upo sa puwesto nito ang lalaki at nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanyang direksyon. Muli niyang tinignan ito nang masama bago pinaandar ang kanyang sasakyan paalis ng lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD