CHAPTER 32 AKALA ko ay sisitahin ako ni Travis about sa sinabi ko, pero iniwan lang n'ya ako sa kusina pagkatapos no'n. Wala akong nagawa kundi tapusin ang aking pagkain. Hinugasan ko rin ang pinagkainan ko at ang ilang ginamit ni Travis sa pagluluto. Pagkatapos ay umakyat muna ako saglit sa kwarto para kunin ang phone ko, bago ako lumabas ng mansion. Dumiretso ako sa likod-bahay para pumunta sa garden ng hacienda. May shortcut sa likod papunta roon. Hindi naman na siguro ako maliligaw dahil maliwanag naman. Kita ko na ang tamang daan. Ilang saglit pa ay natatanaw ko na ang naka-arkong kahoy sa b****a ng hardin. May halamang baging na nakapukupot sa kahoy na nagsisilbing gate niyon. Napalilibutan ang baging ng iba't ibang kulay ng bulaklak. Feeling ko tuloy papasok ako sa isang mahi

