CHAPTER 33 "ANO KA ngayon, ha?! Anong napala mo? Edi ayan, sakit ng katawan. Pinagsabihan ka na nga, sumuway ka pa rin. TSK! Sa susunod kasi ikadena mo 'yang curiousity mo." Malakas na paninermon ni Father Tyron kay Night. Halos marinig na sa buong mansion hanggang sa labas ang boses nito. Nandito kaming apat ngayon sa living room ng mansion. Nakaupo si Night sa single sofa habang namimilipit pa rin sa sakit ng katawan. Hindi naman na katulad kanina na halos hinfi na ito makahinga at makagulapay sa sakit. Si Tyron naman ay nakatayo sa harap ng kawawang si Night at walang habas na sinisermonan ang lalaki. Isang oras bago kami makita ni Tyron ay wala na itong ginawa kundi sermunan si Night. Kawawang Night. Hindi naman makaangal ang isa dahil nanghihina talaga ito. Si Travis naman ay s

