bc

Madeline Iris ( The Secret Lover )

book_age18+
1.0K
FOLLOW
3.7K
READ
dark
fated
forced
drama
tragedy
soldier
sniper
gorgeous
passionate
shy
like
intro-logo
Blurb

Si Madeline, ay isang simpleng dalaga na ang gusto lang ay magkaroon ng tahimik at masayang pamilya, natagpuan niya ito sa pamilya ng pangalawang asawa ng kanyang ina.

Nagkaroon siya ng mga kapatid, mababait ito at itinuring siya ng mga ito na parang totoong kapatid, pwera lang sa panganay na anak ng kanyang tito. Mainit na ang dugo sa kanya nito maging sa kanyang ina sa simula pa lang, at isa sa mga tumutol sa pagpapakasal ng kanilang mga magulang, ginawa niya ang lahat para mapalapit sa binata pero ni minsan ay hindi siya nito pinakitaan ng mabuti bagkus ay puro pangbubully lang ang isinukli sa kanya.

Kaya, kaya niyang mapaamo ang mala-lion nitong ugali o siya ang kusang bumigay sa maiinit nitong mga yakap.

Original story of mine: Seirinsky

chap-preview
Free preview
Prologue: Madeline
Nagulat ako ng may lumapag na libro sa harap ko kaya napaayos ako ng upo, at nang may umupo sa harap ko ay dahilan para mabilis kong samsamin ang mga gamit ko. "Iniiwasan mo ba ako?" Tanong sa akin ni Krista na nakahalukipkip na nakatingin sa akin. "Hindi, kailangan ko lang mapag-isa." Sagot ko sa kanya pero bigla niya akong hinawakan sa braso dahilan para mapaigik ako sa sakit. "Kapag kinakausap kita wag mo akong tinatalikuran!" Mahina pero madiin niyang turan kaya kinabahan ako. "Pwede ba Krista tigilan mo ako at hindi ako papatol sa'yo." Tinapangan ko ang boses ko at pinilit na makawala sa higpit ng hawak niya. "Ginawa mo ba ang iniuutos ko sa'yo?" Napatigil ako sa pagsukbit ko ng bag ko at tumingin sa kanya nang diretso. "Wala kang karapatan na utusan ako kung gusto mo ikaw ang gumawa tutal mukhang disperada ka naman." Matapang akong sumagot sa kanya akma na akong tatalikod sa kanya pero sinugod niya ako, pero nakailag ako sa akma niyang pagsuntok dahilan para mawalan siya ng balanse. Napatigil ang mga estudyante na nandito sa library dahil sa pagbagsak niya. "Walanghiya ka!" Hiyaw niya na nakatayo agad at akma na naman na lalapit sa akin pero tinignan ko siya ng masama. "Sige subukan mo lumapit sawa na ako sa pagiging bully mo! Hindi ako magdadalawang isip na ingudngod yang mukha mo sa semento." Napahinto siya at natulala sa galit kong boses narinig ko ang bulungan ng ibang mga estudyante habang papalabas ako sa library. Sawa na akong maging mahina at kawawa kaya pinag-aralan ko na hindi magkaroon ng panic attack kanina, nakahinga ako ng maluwag habang papaalis sa lugar na iyon. Naglalakad na ako papunta sa gate ng campus habang kipkip ko ang mga libro ko ng may mabanga ako dahilan para mapaupo ako sa damuhan lihim akong napahiyaw dahil sa sakit ng pangupo ko. "Okay ka lang Miss?" Narinig kong tanong ng boses ng lalaki kaya napatingala ako sa kanya. Nakilala ko siya agad dahil ito ang captain ng Football Club at ang step-brother ko. "Madeline ikaw pala iyan hindi kita nakilala." Gulat niyang turan. "Halika tumayo ka diyan hindi mo ba alam na may nagpa-practice dito?" Inalalayan niya ako na makatayo saka ako tinulungan na pulutin ang mga gamit ko. Napatingin ako sa paligid dahil gusto ko mag-shortcut ng daan ay dito pala ako napadaan sa school field may mga naglalaro pala at hindi ko napansin dahil sa pagmamadali ko kanina. "Pasensya ka na hindi ko alam." Bulong ko saka ko inayos ang salamin ko at tumingin sa paligid nakita ko ang mga ka teammate niya na nagpapahinga sa kabilang bahagi ng footbal field. "Sabay na tayo mamaya umuwi, si Kuya Tarick ang susundo sa atin." Habang naglalakad siya papunta sa isang bench na malapit lang sa amin nakasunod ako sa kanya at bahagyang tumango. "May klase ka pa ba?" Tanong niya at tumingin sa akin. "Wala na akong klase." Sagot ko sa kanya pagkalapag niya ng mga libro ko sa upuan. "Hintayin mo na lang ako may dalawa pa kaming rounds." Muli akong tumango mayamaya pa ay tinawag na siya ng mga kasama niya kaya nagpaalam na siya saka tumakbo papunta sa football field. Napabuntong hininga ako, tinignan ko ang ID ko kung saan nandito ang picture ko sa ibaba ay ang ID number at ang pangalan ko. Madeline Iris Gomez, ito ang pangalan ko ilang taon na rin ng muling mag-asawa ang aking ina at tumira sa mansion ng mga Rosenthal, ang asawa ng aking ina ay isang mayaman na business tycoon at mayroon siyang tatlong anak na lalake. Si Kuya Theo ang panganay, si Kuya Tarick ang pangalawa at si Tyron ang bunso isang taon lang ang tanda niya sa akin, mababait sila lahat at tinuring ako na parang tunay nilang kapatid, pero ang isa sa kanila ay hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako kay Kuya Theo ang panganay na laging malalim kung tumingin at ang hindi ko kinakausap dahil lagi siyang seryoso at tahimik. Lagi naman itong wala sa bahay dahil lagi siyang nasa Manila at doon nagta-trabaho, bihira namin siya makita dahil kahit weekend ay hindi umuuwi bagay na kinagagaan ng kalooban ko. Ayoko sa kanya kumpara sa mga kapatid niya, parehong mapagbiro at mababait sina Kuya Tarick at Tyron kaya palagay na ang loob ko sa kanila. Si Uncle Trey naman ay itinuturing kong ama dahil mabait siya at mula ng mapunta kami ni mama sa buhay nila ay naging masaya ang pamilya nila, namatay kasi ng maaga ang kanyang dating asawa kaya hindi niya masyadong nakakasama ang mga anak niya na naging malayo ang loob sa kanya dahil puro trabaho ang naging prayoridad niya. Pero nang mag-asawa muli si Uncle Trey at dumating kami sa buhay nila ay bumalik ang dating walang buhay nilang tahanan sa muling pagkakaroon ng kulay at naging mas malapit na sila sa isa't isa. Si mama ay masaya rin sa kabila ng pangit niyang karanasan sa dati niyang asawa, anak kasi ako ni mama sa pagka-dalaga ang ama ko ay patay na raw iyon ang sabi ni mama kaya mag-isa niya lang akong itinaguyod dahil lumaki ang ina ko sa bahay ampunan. Isang dating empleyado si mama sa kumpanya ng mga Rosenthal at doon ay nakilala niya mismo si Uncle Trey na CEO ng kumpanya at naging magkasintahan sila at walong taon na silang kasal. Masaya ako para kay mama dahil alam ko na masaya na siya ngayon at kita ko ang pagmamahal ni uncle sa aking ina, pero may mga tao na trabaho talaga ang mamuna at walang ibang ginawa kundi ang siraan ang aking ina. Masakit marinig ang masasakit na salitang ibinabato nila sa aking ina pero ang sabi nga niya sa akin ay wag akong papatalo sa mga taong iyon kaya nagsawa na rin ako lalo na at kilala sa lipunan ang napangasawa ni mama. Nakita ko na si Tyron na papunta sa gawi ko kaya tumayo na ako. "Ikaw talaga hindi kita nakilala kanina dahil diyan sa salamin mo at ayos ng buhok mo." Nakangiti siyang umupo sa tabi ko at saka nagpunas ng pawis. "Alam mo naman na hindi ako pwedeng walang salamin kasi sumasakit ang mata ko." Naupo ulit ako dahil sabi niya ay kaunting pahinga pa. "Okay wala na akong sinabi, may tubig ka pa ba?" Tanong niya kulang na kasi ang tubig niya at halatang uhaw kaya inilabas ko mula sa bag ko ang tumbler ko at isang supot crackers na lagi kong baon. "Thank you Maddie."Malambing niyang turan kaya napangiti ako sa kanya. Tyron is the sweetest among the Rosenthal Brother siya ang mas malapit sa akin dahil iisa lang kami ng pinapasuka na school mula ng malipat ako dito, at lagi ko rin siyang kasabay pumasok at umuwi ahead siya sa akin ng dalawang taon at ngayong taon ay graduating na siya. "Alam mo bakit hindi ka lumipat ng kurso?" Napailing ako sa muli niyang pagpapaalala sa kurso ko, gusto kong maging Chef kaya nasa culinary ang linya ko habang siya ay syempre buseness ad ang kinukuha. Gusto niyang lumipat ako ng kurso at iyon ay may kinalaman sa negosyo pero mas gusto kong mag-bake at magluto kaya ipinursige ko ito kahit kontra si mama pero si Uncle Trey ay hinayaan ako sa kung ano ang gusto ko. "Ayaw ko sa kurso mo maraming calculation." Irap ko sa kanya na ikinatawa niya kaya napailing na lang ako. Pero gusto ko rin naman magturo para sa mga bata kaya kapag natapos ko ang taon ko dito sa culinary ay susubukan kong mag-aral muli at kumuha ng education. "Okay tara na umuwi na tayo." Tumayo na siya at isinukbit ang bag niya at kinuha lahat ang mga libro ko na lahat ay culinary books nag-sermon pa siya sa mga libro pero nauna nang maglakad kaya sumunod na ako sa kanya. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa ibang estudyante na nakatingin kay Tyron na may paghanga sino bang hindi lilingunin ang isang ito siya yata ang heartrob sa buong campus dahil sa kagwapuhan niyang taglay kaya baliw si Krista sa kanya at inutusan pa ako na ipakilala siya kay Tyron. Pero Tyron is a Tyron kaya wala siyang napala dito dahil kung ano ang ikinahilig sa babae ni Kuya Tarick ay ibahin ang isang ito wala siyang hilig sa pakikipagdate sa iba't ibang babae. Kaya siya pinakakasundo ko sa lahat sa kanilang magkakapatid. Napahinto ako ng huminto rin siya dahil may bumusina sa gilid namin ng makalabas kami ng campus. Napatigil ako ng makita ko kung sino ang sakay ng sasakyan, at nang mapatingin siya sa akin ay literal na bumaha sa buo kong pagkatao ang kaba at hindi ko maipaliwanag na damdamin. Bumalik na siya ang lalaking dahilan kung bakit ganito ang pakiramdam ko. "Kuya Theo kumusta!" Lumabas siya sa sasakyan at niyakap si Tyron, matagal rin siyang hindi nagpakita sa amin siguro limang buwan rin dahil namalagi siya sa Japan para sa binuksan nilang panibagong kumpanya roon. "Madeline Iris...kumusta ka." Nagulat ako dahil nakalapit na pala siya kaya bahagya akong napatingala sa kanya dahil sa tangkad niya. "O-okay lang po Kuya Theo." Magalang kong sagot. Napatango lang ito matapos akong titigan ng matagal at kita ko ang paghagod niya ng tingin mula ulo hanggang sa pababa at huminto sa hita ko, maikli ang palda namin na umabot lang ng konti sa tuhod at pitted na uniform sa taas na hanggang siko ang manggas. "Tara na kuya nagugutom na ako." Natigil lang siya sa pagtitig sa akin dahil nailagay na ni Tyron sa likod ng sasakyan ang mga gamit namin. Sa likod ako sumakay at nasa unahan ang dalawa, maingay si Tyron at may ibinalita siya sa kapatid malapit sila sa isa't isa bagay na hinahangan ko sa kanila dahil sinusuportahan nila ang bawat isa. "Daan tayo sa drive-tru para mawala iyang gutom mo." Napatawa ako ng mahina dahil kay Tyron na reklamo na ng reklamo dahil sa gutom. Masaya ako oo dahil hindi iba ang tingin nila sa akin, isa lang akong ordinaryong dalaga. Pero ang bagay na gusto kong itago ay ang itsura ko hindi ako pangit, maganda ako at ang itsura na ito ang naging dahilan kung bakit itinatago ko ang totoo kong mukha sa ibang tao. Ito lang ang tanging paraan para magkaroon ako ng normal na buhay araw-araw. Napatingin ako sa rearview mirror at tumama ang tingin ko kay Kuya Theo na matiim pala na nakatingin sa akin kaya bigla akong kinabahan at napaiwas bigla ng tingin sabay hawak ko sa palda ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ang takot na nananalaytay sa buo kong pagkatao. Hindi ko alam kung ano na naman ang mangyayari gayong nandito na naman siya. Nang muki akong tumingin sa kanya dahil hindi ko maiwasan ay nakita ko sa gwapo niyang mukha ang kakaibang ngiti niya. Kaya lalo akong nakaramdam ng kaba at iyon na pala ang unti-unting magpapabago sa buhay ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
442.5K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.1K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
326.4K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.8K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
483.1K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook