Isa sa pinakamahalagang bagay sa isang babae ay ang kasal. Ang maikasal sa lalaking gusto na niyang makasama habang-buhay at bumuo ng pamilya na pinapangarap nila. Sa sitwasyon ko ay pangarap ko lang ito noon na alam ko na mukhang imposibleng mangyari dahil sa mga pagkakamaling nagawa ko. I have a secret affair with my step-brother siguro sa mga mata ng ibang tao ay malaking eskandalo ito dahil anak siya ng asawa ng aking ina. Kasalanan iyon sa mga tao na nakulong na sa isang tradisyon dahil masyadong imposible pero naging posible iyon kay Theo. Marami kaming pinagdaanan nandito ang sakit at kabiguan pero dinala pa rin kami ng tadhana para sa isa't isa. Napatingin ako sa pamilya ko na nagkakasiyahan maayos na natapos ang seremonya ng kasal namin kanina at para pa rin akong lumulutang

