Iris TUMAWA lamang si Storm sa narinig kaya nagtataka ko naman siyang tiningnan. Gusto yatang mamatay ng isang 'to ng 'di oras. Akamang lalapitan ko na sana siya para paalisin pero napatigil muli ako sa paghakbang ng muling hawakan ni Sebastian ang braso. “Hindi ka aalis sa tabi ko,” pagbabanta niya dahilan para panlamigan ako at muli siyang tiningnan. Ganoon pa rin ang hitsura niya, akala mo ay kanina pa siya nagpipigil ng galit. Ano bang problema ng lalaking 'to? Kaya sinamaan ko siya ng tingin at malakas na binaklas ang kamay niya sa braso ko. Dahil sa ginawa ko ay pumikit siya ng mariin at malakas na bumuntong hininga. “Pumasok ka sa loob, Iris.” Matigas na sambit niya kaya napakuyom naman ako ng kamay at matapang siyang hinarap. “Ano bang problema mo? Kakausapin ko lang 'tong

