Iris “MOMMY thank you! I love you,” bulong ng anak ko habang pinapatulog na siya sa higaan niya. Napangiti naman ako at hinalikan ang noo niya bilang tugon sa sinabi niya. “I love you too, baby. Sleep ka na.” Mahinahong saad ko kaya napatango naman siya at dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata. Wala pang kalahating oras ay lumalim na ang paghinga ni Draixon indikasyon na tulog na ito. Dala na rin ng matinding pagod kaya siguro mabilis nakatulog ang anak ko. Kaya inayos ko ang kumot niya at muling hinalikan ang noo niya. Tahimik na akong umalis sa kwarto niya at dumiretso naman ako sa kwarto ko. Matapos kong maligo at magpalit ng damit ay binagsak ko na ang katawan ko sa malambot na kama. Bigla akong napahawak sa labi ko ng maalala kong hinalikan ako ni Sebastian. Napasigaw at napa

