Iris TUMIGIL ang pagtibok ng puso ko miski na rin ang paghinga ko ng makita ko ang taong limang taon ko ng hindi nakikita. Mas lalong naging maangas ang hitsura niya, nagkaroon na rin ng kakaunting balbas at bigote ang mukha niya, at higit sa lahat ay hindi ko na mabasa ang emosyong nakapaloob sa mga mata niya. Ibang-iba na ngayon ang isang Sebastian Craixon Buenavista. Halos manlambot ako at mahilo sa nasaksihan ko. Gusto kong tumakbo pero hindi na makagalaw ang mga paa ko dahil sa panlalambot na nararamdaman ko. “Iris!” Napatingin ako kay Leo na kararating lang at kitang-kita sa mga mata niya ang labis na pagaalala kaya tumakbo siya papunta sa direksyon ko. Nang makarating na siya ay hinawakan niya ang dalawang braso ko at inalog ako ng kaunti para bumalik sa huwisyo. Pero mas l

