CHAPTER 36 (1)

26095 Words
                 Friend nalang ? Masakit ng maringig ko ang mga katagang iyon mula kay dennis. Pero ano nga bang magagawa ko, Kung yun ang kagustuhan niya. Naupo nalang ako sumimangot. “ Huy ano galit ka ?? “, Tanong niya sa akin. Lalo pa akong nainis !! Huy ano ang tawag niya sa akin ?? di na talaga ako nirerespeto nitong alimangong toh ehh, Pag-nainis talaga ako gagawin ko tong Ulam. “ Hoy may pangalan ako ahh !! Bakit huy lang tawag mo sa akin ?!”, sigaw ko naman sa kanya.                 “ Ano ba gusto mong itawag ko sayo ? “, Sabi niya sabay parang nag-isip siya at tingin ulit sa akin. “ Alam ko na !! tatawagin na kitang Friend !! .. Huy friend salamat pala dito sa bigay mo ahh .. bait mo talaga “ Nakakbuysit .. Puta !! pati pa naman tawag friend lang ?? gagi !! tong dennis na ito iniinis talaga ako. “ Huy Ikaw wag mo nga ako tawaging friend !! Ang sagwa ehh “, Sigaw ko sa kanya. Tinaas ko yung Paa ko sa may mesa naka-upo ako tulad ng isang boss na Pogi *^___^*                 “ Hala anong masagwa dun Friend ?? “, nakangiti niyang sabi ulit. “ Ano ba nang-iinis ka na talaga noh !! AYoko sa tawag na yun .. Tawagin mo ako sa pangalan ko Jhonny !! Ganny !! Pogi o Kra.. “, DI ko na natuloy yung panghuli, baka kase magalit siya. Tsaka imbis na magkabati na kame ehh magkaroon ulit nanaman ng alitan.                 “ Krab ?? Gusto mo tawagin kitang krab ?? .. Hmmm Tapos ako tatawagin mong Krib ?? “ medyo napangiti ako .. naaalala pa pala niya ang tawagan naming iyon. Tumayo ako at naupo sa may lamesa malapit sa kinatatyuan niya. “ kung pwede ? “, sabi ko. “ Sorry .. di pwede, Ganny nalang itatawag ko sayo .. hehehe nice to meet you Kuya Ganny in a Good way “, Ha ??!! Kuya ?? .. ANong !!!!!                 “ ANong kuya Ganny ?? Ang sagwa parin !! .. Sobrang tanda ko na ba para kuyahin mo ?? Grabe ka naman “, Ako na napapa-iling na. “ Sa Edad at lebel natin , Ok lang naman atang tawagin kitang kuya ehh diba ?? Kuya Ganny ?? .. Oh kung gusto mo Kuya Jhonny ?? “, Nakatawa parin na sabi niya. Naiinis na .. gusto ko ang pang-aasar niya sa akin. “ Ayoko ng Jhonny may kapangalan akong weird na Cartoon character niyan .. yung si Jhonny Bravo na parang baliw “, pagrereklamo ko sa kanya.   Sumimangot ako at inilagay ko sa malungkot na estado yung pagmumukha ko. “ Gehh tawagin mo nalang akong Hoy .. mas ok na yun “, Mahinang sabi ko.                 “ Huy andrama naman sige na .. Sorry na Krab “ .. Bigla akong nakuryente , basta parang nakuryente !! Huh ?? tinawag niya akong Krab ?? Bat ganun parang nakiliti buong katawan ko tapos parang may malakas na kumakatok sa kaliwang bahagi ng Dibdib ko ?? Hala !! Eto ba yung sinasabi nilang Kilig ?? Tinignan ko siya. “ uyy tinatawag na niya akong Krab .. mahal mo na ulit ako noh ?? “ Tapos kinuha ko yung isang kamay niya. “ Ako din mahal parin kita Krib   .. “, Nakatingin lang siya sa akin na parang gustong matawa. nakak-inis !! parang di naman siya seryoso !                 “ Tinawag lang na Krab .. mahal na ulit agad ?? Hehehe Friend nga lang tayo. Alam mo naman diba na may partner ako ngayon “, Sumimangot ako sa kanya. “ Mahal mo pa rin siya kahit niloloko ka lang niya “, Nasabi ko sa kanya. “ Ayan ka nanaman kung ano nanaman sinasabi mong kasinungalingan kay Joross .. Please naman oh ayoko na ng away , sana naman tigilan mo na paninira sa kanya “, Parang nainis siya tapos kinuha niya yung kamay niya at Lumabas na sa Pinto. Mabilis naman akong tumalon at lumabas rin .. Sinundan ko siya dahil may gusto pa akong sabihin sa kanya.                 Hinarangan ko siya sa unahan. Tapos huminto naman siya na nakakunot yung nuo .. “ Sorry na di ko na ulit uulitin , basta wag kana magalit sa akin “ , kaylangan kong sundin ang gusto niya. Kahit alam kong niloloko lang talaga siya ng Mukhang perang yun .. Ipapagtatanggol ko nalang siya ng di niya nalalaman. Nabulag at nauto na nga siya ng janitopr na yun. Alam kong di na ako kayang paniwalaan ni Krib ng mabilis dahil din naman sa mga ginawa ko nuon. Pero seryoso ako .. Hindi ko hahayaan na magwagi ang binabalak ng janitor na yun !!                 “ Oh sige , pwede na ba ako makadaan   ?”, tanong niya. “ May gusto ako sanang hilingin sayo “, Sabi ko sa kanya. Siya kase ang naiisip kong kunin na katulong para sa pag-aayos ng nalalapit na Acquaintance Party dito sa skul. “ Ano yun ?? “, sabi niya.   “ pwede bang dun tayo sa loob mag-usap ? ", sabi ko sa kanya. Tapos parang bagot na siya. Tinanggal niya yung bag niya pagkatapos pinasok niya dun yung regalo ko sa kanya. “ Teka lang pasok ko lang tong regalo mo .. “ ..                 Hala !! bakit ganun .. biglang may kumakatok ulit sa may bandang dibdib ko. bumabalik nanaman yung pakiramdam ko kanina nung tinawag niya akong krab. May mga dumadaan nun na mga kaklase ko na nakatingin sa akin , sa amin ni dennis. “ tara na .. dumadami na mga tao oh “, sabi ko sa kanya. Shettt !!! Baka makita pa niya si Janitor !! dito. Di maari eto !!                 Hinawakan ko yung kamay niya at hinila ko siya papuntang secret room. “ Huy ano ba … !! “, sabi niya sa akin. hanggang sa maka-pasok kame dun ko na siya binitiwan. Kasabay nun nilock ko yung pinto. Kinuha ko yung isang upuan at Pina-upo ko siya. “ matagal ba yung pag-uusapan natin ? “, tanong niya. “ Mabilis lang , pero nasasayo kung gusto mo akong makasama dito sa room magdamag .. Ayos lang sa akin “, Sabay nagpapacute ako sa kanya. Napapayuko siya habang nakangiti .. hala ano kayang iniisip nito.                 “ Oh ano bang sasabihin mo ? “, tanong niya sa akin habang tumitingin-tingin sa paligid. “ Sino ba kausap mo? ako o itong kwarto ? “, Nararamdaman ko kase sa kanya na parang hindi importante sa kanya kung ano man ang sasabihin ko. “ Oh ito na nakatingin na ako sayo Mr. pogi “, Sabay ngiti siya sa akin. tang-ina !!! yang mga tingin nayan ohh .. Parang gusto ko siyang yakapin paglaruan yung pisngi niya. tapos asar-asarin. Nakakamiss na yung ganun.                 “ Pwede bang tulungan mo ako sa pag-asikaso sa nalalapit na Acquaintance Party ? Ako kase yung inassign ng kuya ko para mamuno .. ehh wala naman akong ibang makasama. Ikaw lang yung naisip kong pwedeng makatulong sa akin “, Ngumiti ako sa kanya .. “ Ahh walang problema kaylan ba yan ?? “, tanong niya. “ After nung 1st periodical exam “, sagot ko sa kanya.                 “ Pero ngayon na sana tayo magplano .. “, sabi ko. Paraparaan lang toh !! Heheheh sana umuo siya. Para sakali mang pumayag siya. Pwede ko siyang yayain sa bahay namin at dun magplano :)))) .. “ Huh ?? ngayon magpalano ..   Pasensiya na marami pa kase akong gagawin , Gagawa pa kase ako ng Project then magrereview din para sa exam next week “ .. Yes !! nakakuha rin ako ng pwedeng gawing Palusot makasama ko lang siya.                 “ Uyyy .. ako pwede kitang tulungan , ano ba yung Project mo ?? “, tanong ko. Hindi ako titigil hanggang di ko siya mayaya sa bahay. kaylangan ko tohh .. !! kaylangan ko mailayo siya sa janitor na yun. “ talaga tutulungan mo ako ?? Hindi nga ?? “, Gulat at nagtatakang tanong niya. “ Oo naman diba ako nga nanalo dun sa Investigatory project ?? kaya kitang tulungan mapaganda yang Project mo “, pagmamayabang ko sa kanya. SIguro dagdag pogi points na yun noh ??                 Tumayo siya at lumapit sa akin. “ Pahug nga “, nagulat ako sa sinabi niya. At lalo akong nagulat ng yumakap na siya. hala .. eto nanaman siya yung kumakatok tapos lalong palakas ng palaks. tapos yung nararamdaman kong sobrang saya. Niyakap niya ako ??? Hindi ko narin napigilan yung sarili ko at niyakap ko rin siya. “ Namiss kita “, mahinang sabi niya. Parang gusto kong tumalon sa saya .. Wow !! namiss !! niya ako !! namiss ako ng mahal kong alimango !!                 “ Namiss din kita “, mahina ko ring sabi habang ngiting ngiti yung mukha ko sa sobrang saya. “ kaya maging mabait ka na sa aking kaibigan huh ?? “                 Mabait na kaibigan daw :((( .. Kainis nanaman. Andun na ehh nararamdaman ko na yung Pagmamahal niya eh. tapos ganun lang. kaibigan nanaman. Tapos tinanggal na niya yung pagkakayakap sa akin. “ kaibigan lang talaga ? “, iritang tanong ko. “ Bakit anong gusto mo ? tayo ulit ?? Ayoko na Ganny .. tama na yung nuon mas mabuti nga siguro yung ganito , na Friend nalang tayo .. Para wala ng nasasaktan sa atin. “, Sabi niya.                 “ Ganun ba , sige wala akong magagawa kung gusto mong magkaibigan lang tayo .. alam ko naman sa darating na araw magiging magka^-ibigan na tayo “, Heheheh sabi ko sa kanyang nakangiti.” Adik ka talaga noh ?? Asa ka pa “, sabi niya.                Ouch .. sakit !! Parang gusto kong bumulagta, Huhuhuhuhuhuhuhuhu. Pero pinilit ko nalang ngumiti at banatan ulit siya. “ Alam ko na kung bakit gusto mo ko maging friend nalang .. “, Sabi ko sa kanya. “ Bakit ?? ", tanong niya. “ Kase .. naniniwala ka sa kasabihang friend’s can be lovers but lovers cannot be friends :)))) “, nakangiti kong sabi.                 “ Lul ehh bat tayo naging friend ?? “, sabi niya. “ Wala basta !!! alam ko may gusto ka parin sa akin “, pang-aasar ko sa kanya. “ Grabe yabang mo parin ahh .. Sige ano kaylan mo ko tutulungan sa pag-gawa ng Project ?? at saan “, tanong niya.                 “ Sa bahay gusto mo ? “, tanong ko sa kanya. “ Medyo malayo ehh ang time ko lang kase sa paggawa gabi at pwede na rin sa time ni Sir renales “, sagot niya. bayan !! kainis !! Ayaw niya sa bahay namin. Bigla kong naisip .. hmmm kung hindi sa bahay ?? bakit hindi dito sa secret Room. Atleast ayun .. malapit lang at sa skul lang. Tsaka kulong naman dito at may Tulugan naman :))                 “ Dito kaya sa secret room .. gusto mo ?? “, tanong ko sa kanya. Ngmiti siya at napa-isip. “ Oo nga nohh .. Cool !! sige dito nlang tayo gawa , tsaka pwede ko rin isama mga classmate kong ka-group dito !! Diba ?? “, Ewan .. naiinis na ako sa kanya. Diba niya ba napapansin , na gusto ko siyang masolo ? Pero lagi siyang rumarason na gusto niyang may ibang kasama. Nakakainis !!                 “ Gehh kung ayaw mo di nalang kita pipilitin “, sabi ko sabay balik ako dun sa upuan. Matutulog na muna ako dito sa secret room. Nakakabadtrip lang. “ tsaka kung ayaw mo rin na tulungan ako sa pagpalano .. ok lang hanap nalang ako ng iba gehh makaka-alis ka na “, malungkot kong sabi sabay inilapat ko na ang mga ulo ko sa mesa upang matulog.                 “ Sige na dito na .. basta tulungtan mo mapaganda Project ko ha ?? “ .. napangiti ako habang nakalapat pa mukha ko sa lamesa. Ayoko muna tumingin.. gusto ko suyuin niya pa ako. Nagtatampo ako sa kanya. “ galit ka ? “, naringig ko yung boses niya sa malapit sa akin. “ Sorry na … naiilang lang kase ko , alam mo naman yung nangyari sa atin dalawa diba ?? kaya medyo awkward pa ganun kaya sana maunawaan mo ako “, Pagrarason niya.                 “ Uhmmm gusto ko ng yakap “ .. mahina kong sabi . Ewan ko kung naringig niya yun. “ huh ?? Anong sabi mo ?? “, tanong niya. Bumangon na ako at tumingin sa kanya. kasabay nun ay hinatak ko siya papunta sa kina-uupuan ko. kaya ang pwesto namin ngayon ay naka-upo siya sa may bandang hita ko parang isang bata na kalong ko sa loob ng jeep. “ Huy anong ginagawa mo ?? “, gulat na tanong niya.                 “ payakap namiss ko na kasi si Krib ehh “, Niyakap ko talaga siya ng mahigpit nung una pumapalag siya pero paglaon naramdaman ko nalang na yung kamay niya ay pumunta sa may bag niya. Tinanggal niya yung bag niya at nilagay sa ibabaw ng lamesa. Natutuwa ako .. nagugustuhan na niya kaya ang ginagawa ko. ?? ., tapos   hiniga niya yung ulo niya sa may braso ko ..                 “ kaw naman kase ehh .. kung nagtiwala kalang kase nuon sa akin , di sana hindi tayo ganito ngayon , tsaka ikaw din naman minsan may kasalanan ehh “, Imbis na sumagot ako ehh , hinigpitan ko nalang yakap ko sa kanya. “ Kahit friend nalang tayo ngayon , ayos lang basta andito lang ako ipapagtatanggol kita sa mga nang-aaway sayo , Alam ko naman na sa takdang oras kung tayo-talaga .. tayo parin . Diba ? Krib ?? “,Puma-ikot siya sa akin nakaharap mismo sa akin habang nakakalong pa siya sa akin.                 Hinalikan niya ako sa labi. Sa gulat ko ay napatulala ako. “ Kung sakali man dumating ang oras na yun, sige wala ako magagawa kundi mahalin kang uli “, Tapos yumakap siya sa akin. Hala .. kumakabaog talaga !! yung Puso ko. Anong nangyayari ??? Shettt .. sana di na matapos tong araw na ito. sana tumigil ang oras .. at nasa ganito lang kameng posisyon nakayakap siya sa akin. Parang isang alimango na nakasipit sa aking Puso. *^____^*                 Ang saya ko !! may pag-asa pa talaga ako !! kaylangan ko lang talaga patunayan na niloloko lang siya ng Joross na yun !! Pero gagawin ko yun sa tahimik at hindi magulong paraan. “ I Love you “, sabi ko sa kanya. “ Sa ngayon di ko muna masasagot yan , sana maunawaan mo ako Krab “, Ngumiti nalang ako.                 “ Oo naman maghihintay ako “ …. SM BICUTAN (Nasa Jeep na Kame )                 Nasa unahan kame ni Krib magkatabi , kwentuhan kame sa kung ano-ano nakikita namin. Napag-usapan namin yung pagpunta namin sa Divisisoria , nakita kasi namin yung PNR na dumaan .. Heheheh kita kase sa Service Road yung tren kaya ayun napag-usapan nga namin ang pagiging kawawa ko nung pumunta kameng divisoria :’( … Agad naman niyang chinage yung Topic sa gagawin niyang Project.                 Nadaanan na namin yung Subdivision na tinitirhan niya kaya ibig sabihin malapit na kame sa SM BICUTAN. “ ANo bang Project mo ?”, tanong ko. “ Gagawa kame ng Libro tungkol sa state ng matter , Yung nabunot kong state is Liquid kaya More on searching at Paprint lang ang gagawin. Ang bibilihin ko sa NBS yung mga materials para sa gagawin kong Pang cover na tulad ng Libro tsaka .. pati yung mga materials na gagawin ko para sa 3d sample ng structure ng Liquid. “                 “ Medyo madali lang pala Krib .. gusto mo ako na gagawa ng pang Cover mo ? “, tanong ko sa kanya. “ Wag na Krab ako na bahala papatulong nlang ako sa mga Groupmate ko ..”, sabi niya sa akin. Groupmate ? .. Baka naman may lalaki sa mga Groupmate niya. “ Siguro babae lahat Groupmate mo Krib .. tama ba ako ? “, tanong ko sa kanya .. hinuhuli ko siya kung sino mg kagrupo niya.                 “ NO COMMENT !!! “, nagulat ako ng medyo lumakas yung boses niya. “ Usog na diyan bababa na tayo “, Sabi niya Ulit. No Comment ??? ANu yun !! Ano ba ibig sabihin ng no Comment ??? .. Baka may tinatago nga ito si Krib !!! Parang sinasabi niyang no Comment dahil ayaw niyang   malaman ko na may mga lalaki !! kainis.                 Nauna akong bumaba ng Jeep sumunod naman siya. “ bakit no comment ? “, tanong ko. Tumabi siya sa akin at hinaplos-haplos yung kamay ko. “ No comment dahil ayoko na mag-away nanaman tayo .. tara na nga “, sabi niya. DI ako sanay pero gusto ko siyang akbayan , pero parang nanginginig yung buong parteng kamay ko. Bigla nalang kinuha niya yung kamay ko na pansin niya ata na gustong umakbay .. “ Ganyan lang kadali umakbay krab hehehehe nahihiya ka pa eh , nagawa mo na rin to nuon eh “, Sabi niya. AYun umakbay ako sa kanya .. Ganun ang pwesto namin habang naglalakad kame sa Overpass sa malamig na gabi papunta sa SM BICUTAN.                 " Hilom na pala yung sugat mo ? ", tanong niya sa aki. " Oo naman basta ikaw ang nasa isip at Puso naghihilom lahat ng sugat .. ganun ka kalakas sa buhay ko krib", Nakangiti kong sabi sa kanya. Kinuha niya yung kamay ko na nasugatan niya kahapon at Hinalikan niya ito. " Ayan lalo pa yang gagaling at di yan magiiwan ng peklat .. ", Natuwa ako sa ginawa niya. Kunuha ko rin ang kamay niya at hinalikan ko ito. " I Love You ", mahina kong sabi. " I Love you too ", sabi niya naman. Nasa tapat na kame nun ng mall at Papasok na rin.                 Pagpasok ay agad pumunta kame sa may National Book Store .. Habang pumipili na siya nung mga kailangan ay nag-excuse ako sa kanya .. itext ko lang saglit si kuya Joel. Para saan mga Ka'Green ??? Secret … Hehehehehe                 Lumapit ako sa kanya habang pumipili siya ng mga pangdesign na bids ata yun at pang balot. “ Ano bang design ang gagawin mo ? “, tanong ko sa kanya. “ Secret .. “, sabi niya habang abala sa paghahanap ng mga pang design. Nandun lang ako sa likod niya nakatingin sa kung ano man hinahanap niya. “ Baka nababagot ka na ahh “, sabi niya sa akin. “ Bakit naman ako mababagot ? kung nasa paningin ko ang pinakmamahal ko “, ako sabay tawa ng mahina .. “ SSSSsssssssssssssssss.. “, Sabay senyas siya na wag maingay. “ Baka may makaringig sayo .. “, mahina niyang sabi.                 “ krib .. bili na kaya ako ng Ticket ? “, Tinanong ko siya. Sayang kase yung oras baka di kame maka-abot sa last full show “ patapos na ko .. wait mo nalang ako, ako pipili ng panunuorin natin “, tapos ngumiti nanaman siya sa akin. “ Krab pakuha nalang nung Plastic Cover dun ohh “, turo niya sa may mga Plactic Cover .. Pumunta naman agad ako at kumuha nung isang nakarolyo. Binigay ko yun agad sa kanya.. at nagmadali na rin siyang Pumunta sa Cashier.                 Sinalubong ko siya at dinala ko yung pinamili niya. “ Ako na diyan …”, sabi ko. Agad niya namang inabot. Pagkalabas namin ay Huminto siya. “ Krab .. ano hati tayo ?? “,.. Tanong niya sa akin. “ hati saan ? “, tanong ko naman. “ Sa gasto para sa sine “, nakangiting sabi niya. “ Hindi .. ako , ako na bahala .. “, sabi ko sa kanya. “ Seryoso Krab ?? Baka wala ka na diyang Pera ahh “, sabi niya. Umiling ako at ngumiti. “ Ah tara na ? “, aya niya. “ bili muna tayo pagkain .. “, sabi ko sa kanya. “ ganito nalang krib ako nalang bibili Ticket at ikaw sa pagkain “, napa-isip ako .. Sige na nga para mas mabilis.                 Kinuha ko yung wallet ko. Kumuha ako ng 1k at binigay ko yun kay Krib. “ SIge Krib text mo nalang ako pag nakabili ka na ng ticket .. Bili narin ako ng makakain natin sa loob dito sa Jolibee .. May gusto ka bang ipabili ? “, tanong ko sa kanya. “ kahit ano .. hehehe “, sabi niya. “ oh sige punta kana sa taas .. text mo agad ako ah “, sabi ko sa kanya.                 Sumakay na nga siyang escalator pataas ako naman pumila na sa Jollibee. Maikli lang yung Pila kaya nakabili naman agad ako. Apat na Yum at dalawang malalaking French Fries… Iniwan ko yung Drinks ayoko kase nagbibitbit ng ganun, baka mabuhos ang lagkit . kaya pumunta nalang ako sa may Hyper market malapit lang din sa may Jollibee, Bumili ako ng mineral. Isang malaking summit at isang Cobra energy Drinks.                 Tinignan ko naman yung cellphone ko at may text nga siya   .. Krib .>>>> FLASHBACK ..                 “ Pre ihi lang muna ako ah !! “, Naringig kong sabi ng NakaJacket na may Design na One Piece. Nagulat nalang ako nung pagtayo nung lalake ehh biglang Tumingin siya sa akin. Nahiya ako kaya Binaling ko sa iba yung pagtingin ko. Ewan ko ba .. bigla nalang din ako dinatnan ng pakiramdam na naiihi. Shettt .. Paano ko ito mapapaliwanag kay Krab baka naman pagselosan nanaman niya. Baka isipin niya. Dahil may umihing lalaki .. agad naman akong pupunta sa C.R.                 Pero di ko na talaga kaya. naiihi na ako .. Tumayo naman ako at pupunta na sa C.R. Di nga ako nagkakamali agad nagkomento si Krab. Pansin ko na rin na parang inis na siya kanina pa sa ginagawi nung lalaki kanina. “ San ka pupunta ? “, tanong ni Krab. “ iihi lang ako Krab “, sabi ko sa kanya. Di pa naman nagsisimula yung palabas kaya ayus lang siguro. “ Sasama ako .. “, Biglang sabi niya. Medyo nainis ako .. Dumadating nananamn yung pag di niya pagtiwala sa akin. Kainis !! Ihing-ihi na kaya ako.                 “ Krab naman .. pati ba naman pag-ihi ko sasamahan mo pa ako ? Kung sasama ka walang magbabantay diyan .. tsaka mabilis lang naman ako eh “, sabi ko sa kanya. Medyo inis na ako nun .. yung tipong ihing ihi ka na tapos pinipigilan mo. Parang sasabog na yung Urinary System ko !!! “ Kahit na sasama ako “, Sabi niya sa akin .. na parang galit. “ Eh paano yang mga pagkain yang mga gamit ha ? “, Naiinis na ng sinabi ko yun. Paano ba naman .. sinong magbabantay nung mga gamit ?? .. Di ko na magets pumapasok sa utak nitong si Krab. “ Eh di bibitbitin ko .. “, Ewan bahala na nga toh bahala na maiihi ako dito !! ..!! . “ Ewan ko ng sayo .. wag na nga lang .. di ko alam bakit ganyan ka nanaman “, Tapos padabog akong naupo.                 Naiinis na .. naiihi na ako ng Tumingin siya sa akin. “ Sige MagC.R kana Krib .. “, Biglang sabi niya. SInungitan ko siya !! “ Ayoko di na ako naiihi “, sabi ko. Tapos nagsisimula yung paa niyang dinidikit niya sa paa ko pati yung kamay niya kinikiliti ako, pati sa bewang ko. “ Wag mo nga ako hawakan “, Sabi ko, sabay mahinang hawi ko sa kamay niya .. pero Deep inside Kinikilig ako hihihihi. “ Di na yan magagalit ..”, tapos patuloy pagkiliti niya sa akin. DI ko na mapigilan mapangiti hehehehehe … “ Mag C.R ka na baka maihi ka pa dito habang di pa nagstart ohh “, Sabi niya. Oo nga kaylanagn maabutan ko yung start !! kainis kase tong mahal ko .. dame pa kase arte, nagpaalam na ako nun sa kanya.. at mabilis akong Pumuntang C.R.                 Kinakabahan ako dahil Ineexpect ko na nasa Loob pa yung lalaki. Yung lalaking nakaJacket ng One Piece .. Pagbukas ko ng pinto nadun nga siya nanalamin. AWKWARD ….                 Yun yung naramdaman ko. kame lang kase yung nasa C.R , Inaayos niya yung buhok niya. Ako naman di ko alam kung saan ako iihi dun ba sa may Cubicle o dun sa lang sa may urinal . Pero naiinis at nagulat ako ng makita ko yung nakapaskil sa tatlong Cubicle .. “ Out of Order “ .. Shettt !! pansin kong tumitingin rin siya sa akin.                                 “ Sarado yan may Inaayos daw, sabi nung Janitor “, Biglang nagsalita siya. Yung Inaayos niya yung patilla niya sa may harap ng salamin. So CooL :)))))                 “ Ahh ganun ba .. ahh geh salamat sa labas nalang ako “, Nahihiya kong sabi . Lalabas na sana ako ng bigla siyang nagsalita. “ Meron namang Urinal ahh .. di ka ba sanay umihi sa ganyan ? “, sabi niya. “ Ahhhhh .. “ .. Shett di ako makapagsalita. Sa totoo di talaga ako sanay kase ang Awkward tapos may kasabay ka pa .. Parang di ko kase mapigilang sumilip.                 “ Or Else bakla ka “, Pilyong sabi niya. Medyo nasaktan   .. ako shett . ganun ba yun ?? Pag Lumipat lang ng C.R bakla agad ?? Tskkk .. Tumingin na nga ako dun sa Urinal at dun na ako Umihi. Habang umiihi ako nagulat ako ng Pumunta siya sa tabing Urinal .. Shett !! Kakahiya AWKWARRRRRRRRRRRRRRD !!!                 “ Pero joke lang yun hehehehehe “, Bawi niya sa sinabi niya kanina. AYun tumahimik ng Saglit yung paligid at tanging ragasras lang ng Ihi namin yung nariringig. Pero .. may iba na talaga akong nararamdaman di ko mapigilang sumilip. Yun nga ang nangyari .. sumulip ako ng bahagya sa may bandang baba niya. Nakita ko siya nakatingin sa mukha ko .. Pilyong ngumiti. Napansin kong Umurong siya ng bahagya .. kaya ayun may nakita ako .. Huhuhuhuhuhu Kasalanan ba ito ?                 Parang ang nangyari .. Pinagbigyan niya ang Gusto ko. Shettt nakakahiya. tapos parang pinagsisihan ko. Parang yung nagyari is .. after s*x .. Parang nagsisisi ako. Nauna siyang natapos .. Pagkasara niya ng Zipper niya ay Tumungo ulit siya sa may salamin.. Ako naman nung natapos Pumunta rin sa may Lababo. Habang nagkakatinginan kame sa salamin. Bigla siyang nagsalita.                 “ Gusto mo bang kunin number ko ? “, Nakangiting tanong niya. hala ??!! Anu tohh palitan agad ng Number ?? .. Pero wala akong nagawa. Tumango ako .. “ Kung okay lang sayo “, nahihiya kong sabi. “ Akin na phone mo “, sabi niya. Kinuha ko nanaman Phone ko sa aking Bulsa. Inabot ko ito sa kanya.                 Tapos tinype na niya yung number. pagkatapos binigay sa akin. Di ko na muna tinignan yung number .. Tinanong ko agad kung anong pangalan niya. “ Pangalan mo ? “, malambing kong sabi. “ Ah Wowie .. Evangelista , yan name ko “, sabi niya sa akin. Tinype ko buo niyang name sa may contact tsaka sinave ko na. Pagkatapos ay binulsa ko na yung cellphone ko.                 “ Ikaw anong pangalan mo ? “, tanong niya. Hala sasabihin ko ba totoong pangalan ko ??   Paano na ito. paano kung may Mutual Friend siya na kilala ako ? Hala baka mabuking ako . kaya naman nagsinungaling uli ako. “ Justin .. Morales heheheheh yan name ko “, Pagsisinungaling ko sa kanya.                 “ Sige Justin text text nalang .. Una na ako baka hinahanap na ako ng mga adik kong kaibigan “, sabi niya. Ngumiti nalang ako sa kanya .. tapos umalis na siya . Lumabas na sa banyo. Napangiti ako na kinakabahan ako sa pagbalik .. Pero masaya ako. May Gwapo nanaman akong nakilala .. hehehe.                 2 minuto pinalipas ko , bago ako Bumalik sa Upuan namin. AT sa pagkakataon na yun patay malisya muna ako kay Wowie .. Baka kase makahalata si krib. Pero bago pa ako bumalik tinawagan ko na muna si Kuya Vince at sinabi ko kung nasaan ako. Di naman galit si Kuya Vince basta daw mag-ingat ako sa pag-uwe. END OF FLASHBACK …. <<<<< ---                 Agad ko naman kinuha ang cellphone ko. May dalawang message .. Pero pinuntahan ko muna yung contact. Sinearch ko .. W..o.wie …. Wowie Evangelista. Clinick ko yung message button at nagtype na ako ng message para sa kanya. hi Gud eve justin 2 (Message not sent!)                 Hala bakit ganun ??? may load pa naman ako ahh. Inulit ulit ko yung [pagsend pero bakit ganun ??? yun parin ang Lumalabas . Anong mali ?? (Message not sent!) (Message not sent!) (Message not sent!)                 Naisipan ko naman icheck yung number ni Wowie. at dun nga ako nanlumo. Wahahahahahahahahahahaha kulang ng isa number niya. Paano yun ??? Di ko alam ang kulang na number at di ko rin alam kung san nakapwesto.                 Ewan ko ba pakiramdam ko irita na irita ako. parang gusto ko itapaon yung cellphone. Kainis dapat kase chineck ko yung number after niyang ibigay yung cp huhuhuhuhu :’(                 Ano man ang gawin ko. Wala na akong magagawa .. Destiny na gumawa ng desisyon sapat na ang dalawa lalake sa buhay ko. Siguro balang araw magkikita rin kame .. hindi man sa C.R , o sa sinehan baka sa ibang Lugar sa ibang pagkakataon :))))))                 Yung dalawang message binuksan ko na . mula lahat kay Krab <3 .. Unang message : Hi Krib ko. Hope nag enjoy ka kanina I Love you. <3 Pangalawang message : Krib samahan mo ko Bukas ahh. Dito sa bahay Papagupit kase ako at papakulay. Gusto nasa tabi kita habang ginagawa iyon. <3 *Agad ko naman siyang nireplayan “ Paano yun may Klase Ako bukas ng Umaga ? Pero halfday ako sa hapon Tsaka Krab bz ata ako bukas gagawa ako Project :-( *reply niya” Don’t worry d2 kana gawa sa bahay project mo. Pagpapa-alam kita kuya mo *reply ko” Eh paano klase ko Bukas sa Eng? *reply niya “ Dba Mr. Gavillo Teachr mo ? *reply ko” OO bakit ? *reply niya” Oh la na pala prob ehh May seminar sa ibang skul ukas Kasama nila kuya Si Mr. Gavillo. kaya wala kayong klase *reply ko” Paano u nalaman ? *reply niya” Wag ng matanong krib. Basta Pumayag ka na Plzz *Reply ko : Sabihin mo muna kung pano mo nalaman. malay ko ba niloloko mo lang ako. *Reply niya : Meron kaya ako kopya ng sked mo Tapos tinanong ko si kuya Sabi niya. Yun nga wala yung englsh Teachr mo :P *Reply ko : Ganun ? talagang’ may Kopya ng sked ko . hmmm geh na nga .Naka-uwe knb? *Reply niya : Di pa. Pero lp8 na *Reply ko : Oh sige . 2log na ako Krab .. Anong oras mo pala ko Sunduin bukas ? *Reply niya : Sundo talaga ? Pwede bang ikaw nalang Pumunta dito ? *_~ ----                 Napapangiti nalang ako habang Binabasa mga reply niya. Sa kanila ako gagawa ng Project, Makagawa kaya ako ? O puro harutan nanaman gagawin namin. Aii hindi !!! makakagawa ako nito. Baka makalibre pa ko Print nito sa kanila heheheheh :-) … Nireplayan ko na yung text niya na alam kong Biro alang. *Reply ko : AH ganun ? Ok di na ko sasama :P (Agad naman siyang nagreply) *Reply niya : Jowk lang Krib Sige text nalang kita Bukas pag susunduin na kita. - Antok ka na ba talaga? *Reply ko : Geh txt mo nalang ako Yup antok na ko Krab. Z__z .. *Reply niya : Sige 2log kana Krib ko :) Sleep well ahh. I Love u. Hanapin mo ko sa panaginip mo. *Reply ko : Ayoko! uko ng may halimaw sa panaginip ko Jowk lang. :) Love u’ din Krab ko <3 muah.. ------                 Nakangiti kong tinabi yung cellphone. grabe .. Iba yung pakiramdam ng may nagmamahal at laging may nangungulit sayo. <3____<3 … Hindi lang isa , Pero dalawa sila. Pero malay ko kung meron pa bang Iba. Hehehhehehe ^*____*^                 Pinatay ko na yung ilaw tsaka nahiga ako. nilagay ko yung malaking unan sa ulunan ko at niyakap ko yung isa. Bukas lang yung aircon pero nakalow lang ito. Sarado yung pinto ng balcony at tahimik ang paligid. Pero habang pinakikiramdaman ko ang malamig at tahimik na paligid, may nariringig ako na isang tunog at tunog na alam ko na nanggagaling sa isang Gitara.                 Di ko alam yung pamagat ng kantang ginigitara niya. Pero ang alam ko lang ay malungkot at napakalamig ng Himig na nilalabas ng gitara. Alam kong siya yun Pero galit kaya siya sa akin ?? kanina nung niyaya nila akong kumain sa canteen..   Pero tumanggi ako sinabi niya : “ Masanay na kayo diyan . lagi na yang bz sa iba “, Hala nagtatampo ba siya?. Dahil di ko siya napansin nitong Lumipas na araw ?                 Tapos kanina naggigitara siya sa tapat ng bahay nila. Nung pagbaba namin ni Krab bigla siya tumayo at pumasok sa bahay nila. Galit nga siya sa akin. Kausapin ko kaya siya ? Gising pa kaya siya ?? Obvious naman ehh .. kaya nga may naggigitara .. Ano ba dennis !! baliw ka na ba ?!                 Dahil sa hindi ako mapakali , Tumayo nga ako at Tumungo sa may Balcony upang tignan siya, Dinala ko rin yung cellphone ko. Paglabas ko sobrang lamig .. ang sarap sa pakiramdam nung simoy ng hangin. Tapos bigla ko siyang nakita kahit madilim nasa may Bintana nakahiga habang hawak yung gitara at patuloy na Pinapatunog ito. Pinagmamasdan ko lang siya, naka-upo ako habang nakatingin sa kanyang seryosong ginagawa.                 Bigla napatingin siya sa may Pwesto ko. Siguro napasulyap lang siya. Nang makita niya ako .. bigla niyang tinigil ang Paggigitara .. Bumaba sa may Bintana at Hinarang na niya yung Kurtina. Parang tinusok ako ng ng milyong kutsilyo ng hiya sa mga oras na yun . Parang Bumaba yung sarili ko sa isang Kumunoy .. Parang hiyang-hiya ako. Di niya man lang ako pinansin :’( Galit nga siya sa akin --____--                 Tinitigan ko yung Bintana niya. Pero wala akong nakikitang ni anino niya. Tulog na kaya siya ? Pero ambilis naman ata. Siguro nakahiga lang siya sa kama niya at Patuloy ang pagka-inis sa akin. Hindi kaya dahil dun sa Project kaya siya nagalit ?? Hala baka iniisip niya di ko pa ginagawa yung group Project namin. kaya naman Kinuha ko yung cellphone ko at tinext ko siya. Text ko kay threz : Galit k b skin? (Message sent) ---                 Tapos naghintay ako na magreply siya. Di naman ako nabigo, nagbeep na yung cellphone ko at nakita ko ngang may nagtext na. Unti-unti kong hinintay' at nakita ko yung message mula sa kanya .. Agad ko yun binuksan pero nalungkot ako ng makita kong blanko yung message niya :(((((((                 hala bakit kaya galit sakin si Threz ? Tinext ko ulit siya .. Galit ka ba.. dahil dun sa grup Project. ? Don’t Worry nagsisimula na ako. (Message sent)                 Ganun parin reply niya. Puro Blanko .. Wala na akong nagawa kundi tumigil na sa pagtetext sa kanya. baka kase makulitan siya sa akin. Lumapit nalang ako sa mesa kung saan nakapwesto si Bonsi. Napansin ko na may mga dew sa   dahon at medyo moist yung Lupa niya. “ Bonsi diniligan ka ba ni Step-Daddy ? “, Para nanaman akong baliw kinaka-usap ang sarili ko pati si Bonsi. “ Sabi ko na nga ba di ka matitiis nun .. Pero galit ata siya sa akin ehh .. Galit sa akin si Step-Daddy mo “ … INimagine ko sinagot ako ni Bonsi ng “ bakit Mommy ? “                 Ayun tumatawa ako at nagsasalita mag isa .. Wew. para na akong baliw. Pero sinagot ko si Bonsi dun sa Imaginary conversation namin. “ Kase iniiwasan niya ako, di niya ko pinapansin tapos ang reply pa niya sa akin sa text blanko “, sabi ko. Napatitig nalang ulit ako kay Bonsi at Bigla kong naalala Ang Daddy niya !! Si Xavier … “ Bonsi Birthday na pala ni Daddy Next Month at invited ako .. Miss ka na rin nun ni daddy di lang niya Pinapahalata “, Yun ang huli kong sinabi habang naka-upo ako sa harap ni Bonsi't nakatawa dahil sa pkikipag-usap ko sa aking Bonsai heheehehehe. Walang maka-usap ehh!!. Bigla kong naalala may Guyabano pala sa aking binigay si Xavier. Naigilid ko pala yun kanina nung nilabas ko yung Pinangat .. Shett kaylangan ko na yung Ilagay sa Ref baka masira.                 Pero bago ako pumasok , inayos ko muna si bonsi at hinalikan ko siya sa mga dahon niya. Muli tumingin ako sa Bintana ni Threz .. Pero wala parin madilim at parang tulog na siya. Pumasok na nga ako sa kwarto at sinara na ang Pinto sa balcony. Agad kong binuksan yung ilaw at Kinuha yung Nakaplastic na Guyabano. Mabilis akong Bumaba upang ilagay sa ref   yung Guyabano na salamat ay hindi naman Nadurog :))))) .. Walang tao sa Baba Panigurado Abala sa kanya-kanyang Kwarto. Pati rin si manang di ko nakikita. Sabagay malinis naman na yung Buong bahay .. kasama na dun yung kusina.                 Naghanap ako ng papel .. Swerte naman na nakakita ako sa taas ng Ref. Sinulat ko dun ay : () Note ! Walang makiki-alam ng Pinangat at Guyabano. Akin lang yun -Dennis ()                 Pagkatapos ay Dinikit ko yun gamit yung mga magnetic na Prutas sa may Pinto ng Ref. Iba kase kutob ko sa mga kuya ko, baka mapagdiskitahan pa nila pag nakita nila. kakainin ko pa yun Bukas Ulam yung Pangat at Dessert naman yung Guyabano :) .. pagkatapos Bumalik na ako sa sarili kong Kwarto at Pinagpatuloy ko na yung nararamdaman kong. ANTOK’’’ ************** **************                 Kinaumagahan …                 Pagkabangon ko ay Pumunta agad ako sa balkonahe upang tignan si Bonsi. Tsaka para dun narin makapag-unat-unat. Alas sais palang nun at Medyo madilim pa. Di ko nga alam kung bat ang aga kong nagising ang alam ko .. namulat nalang ang mata ko at Tumayo ako at Pumunta ako dito sa Balcony. Pinatong ko yung katawan ko sa may harang sa may Ungkuan ng Balkonahe. Tinignan ko yung kwarto ni Threz may ilaw na ng bahagya. Gising na kaya siya ?? Basta ayun nakatingin lang ako. Di naglaon nakita ko ng may Anino ng naglalakad-lakad sa kwarto niya, Ang napansin ko Parang nagbibihis siya.                 Hala .. Papasok siya ? Diba wala kameng pasok ? .. Ai Oo nga pala di pa nila alam. Sabihin ko kaya sa kanya na wala kaming pasok ? Hmmmmm .. Wag na nga lang , baka kung ano lang isipin niya, Na bakit alam ko na walang klase mamaya sa English. Kinuha ko nalang yung maliit na Sprinkler at nilagyan ko ng Tubig para pandilig ko mamaya kay Bonsi. Nilagay ko nalang muna yun sa Gilid. “ Mamaya na kita didiligan Bonsi ahh .. wala pa kase si haring araw “, sabi ko.                 Ano kayang pwedeng Magawa ngayon ? magjogging kaya ako ?? Hay wag na lang baka may makakita na classmate ko at baka malaman nilang di ako papasok. Aga pa naman .. matulog muna kaya ako Ule ?? .. Bahala na !! Basta lalabas ako at magjojogging :))))                 Naghanap ako ng maiisusuot na na short yung Pangjogging .. Yung Pangbasketball na Short. Alam ko kase meron ako nun galing pa sa probinsya namin. Hinalungkat ko talaga yung Bag ko nuon kung saan nakalagay mga luma kong damit. Nakahanap naman ako ng dalawa .. pero pinili ko yung Kulay Itim na Jersey Short. Ayun naghilamos lang ako saglit .. Tsaka nagbihis. Yung Snicker’s nalang din ang sinuot kong Foot Wear. Ayoko magsuot ng Jersey Shirt dahil di ko bagay .. Feeling basketball Player ako kahit di naman ako marunong. kaya nagsando nalang akong Puti.                 Magdadala kayo ako ng bag ? Cellphone para may music ? Tapos malamig na Tubig ? .. Sige manghihiram ako kay kuya Tope ng Bag , may nakita akong maliit na bag minsan na dala niya. bagay yun pag magjojogging :)))                 Lalabas na sana ako ng Biglang Tumunog yung cellphone. Tumunog yung cellphone sa isang pamilyar na Tone. Isang tone na Kinostumize ko para sa isang Number owner. Kinabahan ako .. habang naglalakad ako pabalik sa kama kung saan nakalagay yung cellphone. Unti-unti ko tinatanggal yung suot kong Sneakers. Hanggang sa makarating ako .. Kinuha ko yung cellphone .. At binuksan ko yung message na alam ko galing sa kanya. Pagkabukas ko agad kong binasa yung text ..                 Yung text na biglang nagpagulo ng utak ko, nagpaturete sa Pakiramdam ko, nagbakaba sa dibdib ko at higit sa lahat nagpaBaliw sa Umaga ko. Paano na ito ??? .. Shetttt Anong gagawin ko. Nagtext na siya. ito na yung araw na tinutukoy niya. -- -- -- --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD