Nagpaa-alam na sina Janine nung sumapit ang Gabi. Hinatid ko siya kasama si Tito at Tita sa Labas. Meron silang service na sumundo sa kanila. Sa pinag-usapan namin ng Pinsan ko ay bigla akong naliwanagan sa lahat .. ANg Bottomline na ‘wala talagang kasalanan si Krib ‘. Ang sama ko bakit ko siya sinisi !!! Pumasok ulit ako sa bahay at Pinuntahan si kuya. Gusto kong kunin yung mga Picture ..
“ Pwede ko bang makuha yung mga larawan ? “, tanong ko ulit sa kanya. “ Eh sabihin mo muna .. ano mo ba itong si dennis, nakakapagtaka lang kase na Pinagtanggol mo siya nuon dun sa Teacher niyang si Renales “, Hindi rin chismoso tong si kuya noh .. Parang gusto lahat malaman. “ Simple lang ang sagot diyan kuya .. Bunsong kapatid siya ng Bestfriend ko .. Remember brenth ?? “, Siguro naman matitigiL na siya sa kakatanong.
“ Ahh OO naalala ko siya, Magkapatid pala sila .. SO Ibig sabihin mo ay Pinoprotektahan mo lang si dennis dahil kapatid siya ni Brenth. Tama ba ako ? “, Ayun nakuha niya din ang Gusto kong ipunto .. “ Absolutely right kuya .. Hehehe “, Tapos binigay na niya sa akin Yung mga Pictures. “ Nga pala After ng Exam .. Gaganapin na yung Acquaintance party ng School at celebration na rin yun para sa pagbabalik ko ulit sa state :-) “, Wala akong paki-alam sa mga party na yan. DI ko gusto mga ganyan. “ EH ano naman ngayon ? Pati ba naman pag-alis mo ulit ipagdidiwang pa .. Tsaka ano naman gagawin ko kung may party diyan sa Skul", Wala akong pake sa pinagsasabi nitong Zhabby na toh !!! may paparty'party pang nalalaman eh..
“ Simple lang isa ka sa mga mamumuno para sa pag-aasikaso nung Party kaya habang maaga plang kaylangan mo ng Magplano .. Jhonny Han “, ANong !!! ANong trip nanaman nitong si Zhabby ha !!! Putcha gagawin nanaman akong Organizer ano ako .. Bakla para magplano sa Party na yan. “ Kuya naman bakit ako pa ??? Dame naman diyan iba ehh yung mga Student Council na bahala diyan .. ako nanaman eh “, Pagrereklamo ko sa kanya. “ Oh yan naman pala ehhh .. di magpatulong ka , basta Ikaw ang magiging Chairman-In-Charge sa pag-aasikaso .. Nagkaka-intindihan ba tayo ? “, Tanong niya. “ Kuya naman ehh “. Pagrereklamo ko. “ Utos yan .. at wala kang magagawa oh sige bahala ka na dito sa bahay may aasikasuhin pa ko .. At itong hinihingi mo “, Sabay lapag niya nung Mga Pictures. “ San ka pupunta kuya ? “, Tanong ko. “ Mambabae habang nandito pa ko sa Pilipinas heheh .. Oh sige mauna na muna ako “, Paalam niya.
Kinuha ko naman yung mga Picture , Habang sumisilay na yung ngiti ko sa aking mukha, ramdam ko yun na parang .. Ewan natutuwa akong makita yun. Habang nakangiti akong tinitigyan ang mga iyon ay biglang may tumatawag .. Kinuha ko agad yung cellphone at ..
Zhabby Calling . . .
Puta ano nanaman kaya Trip nitong si kuya !!! Tumatawag nanaman ang wala , nakaka-irita na!!. “ Ano nanaman ba huh ! “, sigaw ko sa cellphone. “ Aba sinisigawan mo talaga ako noh ! “, sabi niya nanaman. “ Oh ano nanaman ba kaylangan mo ?? “, tanong ko. “ May isa pa pala kayong Picture diyan sa may Ilalim ng Telephone hanapin mo .. Tsaka pakipaliwanang narin niyan sa akin .. “, Pagkatapos naputol na ulit yung Linya namin. Gago talaga tong si Zhabby .. Ano nanamang Picture yan.
Pumunta naman agad ako sa May Telephone sa lamesa niya at pagkatingin ko sa ilalim ay nakita ko yung Picture ng .. Nagulat ako na natawa. Bakit Meron nito si kuya hahahahahah. Picture namin ni Dennis na nakatulog sa ilalim ng Punong Kahoy at puno ng Nutella ang mukha namin heheh. Naalala ko tuloy ang kulitan naming iyon. Bigla tuloy akong may naisip ng makita ko yung nutella. Isa na yun sa naisip kong Peace Offering .. Nag-isip pa ako ng Iba. Ng maalala ko nung ginawan niya akong ng Tula .. Paano kaya kung replayan ko yung Tula niya ?? Gawan ko rin kaya siya ng Cookies na hugis alimango ??
Pero hindi naman ako marunong gumawa ng tula .. Tsaka di rin ako marunong magbake. Paano na yun ??? Mabilis ay bumalik ako sa kwarto at nag-isip ng Paraan naka-upo ako sa harap ng Computer ng Maisip kong magsearch .. kung Paano gumawa ng Tula at Paano gumawa ng Cookies *^…….^*
- Paano gumawa ng Tula ?
- How to bake Cookies ?
Yan yung mga sinearch ko na meron naman akong nakuwang mga idea. Para sa tula nabasa ko na mas maganda gumawa ng Tula pag mula sa puso mo at maganda daw pag nasa ritmo. Hehehehe .. Yung iba ayaw kong basahin medyo napakalalim .. nung mga step. Sa Cookie naman , Meron narin akong nasearch .. Mukha madali lang. Papatulong nalang ako sa mga katulong dito. kaylangan sa Lunes ayos na itong lahat .. Sa Lunes ako makikipag-usap sa kanya.
Kaylangan na rin niyang malaman ang Ginagawa sa kanya ng janitor na yun. Hindi ako makakapayag na patuloy parin siyang Lolokohin ni Joross .. Walang hiyang mukhang Pera !! Sarap sapakin kasama ng Mark Flores na yun. Para talaga sa Pera walang papatusin yung Janitor na yun pati mukhang Patong Tikbalang ehh Pinatulan pa.
Kumuha ako ng Ballpen at sulatan .. Nahiga ako sa kama at binuksan ko yung Ilaw. Paano ko kaya sisimulan tong tula ?? Kahit mahirap mag-isip gagawin ko ang lahat .. mapatawad niya lang ako. Bahala na basta ang isusulat ko sa papel na to ay Tulang mula sa Puso ko hehehe. Di man kagandahan atleast para sa mahal ko nagawa kong maging isang manunulat, Para naman ang puso niyang nagsara sa akin ay Muling Magmulat.
{{ END of GANNY's P.O.V }}
**************************
{{ DENNIS P.O.V }}
“ Magsisine ano pa ba “, Sagot ko kay Joshua. Medyo inis pa nga ako sa kanya dahil siya talaga ang dapat sisihin kung bakit magka-away kame ni Joey. Tsaka bat andito tohh nayon sa aking harap ?? Anong ginagawa niya dito. SInundan niya kaya ako ? O Talagang dito lang niya ako nakita ? “ Galit ka pa ba sa akin ?? “, tanong niya.
“ Oo galit ako sayo .. kase napakachismoso mo “, sabi ko naman. “ Sorry na di ko naman alam na ganito ang mangyayari , na magkakatampuhan kayo ni Joey .. Hindi ko talaga ginusto na ganito ang mangyayari “ Nakita ko sa mukha niya yung Parang totoo yung sinasabi niya. “ Ok ano palang ginagawa mo dito .. tsaka paano mo nalaman na nadito ako “, tanong ko sa kanya.
“ Nakita kita kanina sa may Taas nanunuod sa may ice rink .. Ehh alam ko kase galit ka kaya di kita nilapitan “, sabi niya sa akin. “ Ehh bakit mo ko nilapitan ngayon ?? “, tanong ko. “ EHh para kaseng malungkot ka .. gusto lang kitang samahan kung gusto mo ng kakwentuhan .. tsaka para makapagsorry na rin “, paliwanag niya.
Hmmm may naisip tuloy ako. Magkaklase si Joey at Joshua kaya pwede kong magamit tong si Joshua para matulungan ako sa gagawin kong pakikipag-usap kay Joey. Hmmm Oo nga hihingi ako sa kanya ng Tulong. “ May kasama ka ba?”, tanong ko sa kanya. “ Ahhhh … wala “, sabi niya. “ Sure ba yan ?? “, tanong ko naman .. “ Oo “, nakangiti niyang sabi. “ Gusto mo bang manuod ng sine ? “, tanong ko. “ Uy bakit lilibre mo ba ako ?? “, Nakangiting sabi niya. “ Dalawa kase nabili kong ticket ehh di naman sumipot kuya ko kaya samahan mo nalang ako kaysa naman masayang .. tsaka ito ohh di ko ito mauubos “, angat ko ng hawak kong pinamili.
“ Uy dame naman niyan .. Kapatid mo ba talaga kasama mo mo dito o … “, Alam ko ang gusto niyang sabihin. Maybe kung may katagpo akong di ako sinipot o kadate ko na inalisan ako. “ ANo sasama ka ba o hindi malapit na mag alaskwatro ohh “, Sabi ko sa kanya. Tapos napapansin kong patingin tingin siya sa paligid. “ May kasama ka nohh .. gehh balikan mo nalang sila , ayos lang na wala akong kasama “, Sabi ko sabay bigay ko na sa isang Ticket dun sa lalaki. “ Dennis .. wala akong kasama ahh .. natingin lang ako kung ano mga palabas dito .. “ Godzilla tong ticket na nabili ko .. Ano tatayo ka nalang ba diyan ?? “, Inip na inip na sabi ko . Hanggang sa may nagdadatingan ng ibang tao.
“ Bahala ka nga diyan .. “, ako sabay tumalikod na. “ Asan yung ticket ko ?? “, Naringig kong tanong niya. “ Excuse me kung may LQ man kayo pwede bang dun na kayo sa labas .. dameng niyong naaabala ehh “, Sabi nung matandang Babae sa Likuran. “ tara na nga pare .. tignan mo napagkakamalan na LQ tayo ehh .. Lol di tayo talo “, ako sabay hatak sa kanya. “ Kuya Ticket niya ohh “, Pagkatapos mabigay nung nagbabntay yung kalahati nung ticket ay naglakad na kame papasok.
“ Arte mo noh ? “, sabi ko sa kanya ng naiinis. Tapos di parin siya nagsasalita. Konti palang yung tao ng makapasok kame .. Siguro walang masyadong nanuod sa oras na iyon. “ Huy magsalita ka naman “, sabi ko sa kanya. Pagtingin ko ehh nakita kong nakangiti siya. Tapos inangat niya yung kamay niya na hawak ko pa pala !!! Hmmm Nakakahiya, Agad ko yun binitiwan.
“ Ehem !”, umubo ako kunwari . Commercial palang nun ng mga trailer ng ibang movie hindi pa mismo yung Godzilla. “ Dun nalang tayo sa taas “, Naglakad na ako papunta dun sa taas sa may bandang Fire Exit .. Kitang kita kase dun. Naupo ako dun sa pangatlong Upuan. Siya naman eh naupo sa may pang-una. “ Matutulungan mo naman ako diba ? para maka-usap ko si Joey ?? “, tanong ko sa kanya. “ Sige subukan ko .. mga anong oras ba yan .. Hapon o Umaga ?? “, tanong niya.
“ Hapon nalang , pag uwian na “, sabi ko. “ Sige ako bahala .. Ano bang cellphone number mo para matext kita .. tungkol dun .. “, Hinihingi niya number ko ?? Hmmm para nga sa magandang plano binigay ko digit ko sa kanya. Siya nalang daw magtetxt. Nagsimula na yung Palabas .. kaya natahimik na kame. Binuksan ko yung isang PiC-A .. at nagsimula na akong kumain. Tapos napatingin naman ako sa kanya nakatunganga lang sa screen .. Kuha ka diyan sa Plastic ng gusto mo .. Libre lang yan “, sabi ko sa kanya. “ Talaga ?? “, Ulit niya .. “ Oo nga kulit mo rin nohh “, sabi ko. “ Siyempre nahihiya ako .. ehh di naman kase tayo halos magkakilala ng husto ehh .. Pero nakilala na kita sa mukha nung sa camping diba ikaw yung may Pic na may Chocolate sa mukha ??? heheh kasama yung si … “, Sinalpakan ko nalang ng Chips yung bibig niya. “ past is Past pre wag mo na nga yun ipa-alala kumain ka nalang diyan “, Sabi ko sa kanya. Natawa naman ako ng Tumigil siya at parang nahiya sa akin Heheh .. KUlit din kase eh.
Nasa kalagitnaan na ng Palabas ng bigla siyang magsalita. “ Naglalaro ka ng basketball ?? “, tanong niya sa akin. “ hindi ako mahilig sa larong yun .. “, sagot ko sa kanya. “ Ah bakit naman ??? gusto ko pa naman makipaglaro sayo “, Ang kulit talaga nitong lalaking tohh .. I hate basketball , masyadong nakakpagod laruin. “ Eh ikaw magaling ka ba sa math ??? “, nang-iinis na tanong ko sa kanya. “ ha ??? Math? layo nung tinalon ng Topic ahhh .. Pero alam mo yan ang Paborito ko sa klase ang Math .. “, Nakangiting sabi niya. habang kain lang ng kain ng mga Pinamili namin ni Joross.
Huh ?? !! yabang ahh .. magaling daw sa math . Di naman halata sa mukha. “ Weh magaling ka talaga ?? Sige nga .. Any Number raised to zero is equal to what ??? ", Tanong ko sa kanya. Tapos napakamot siya sa ulo niya. “ Hindi dennis .. ibang math ang tinutukoy ko “, Sabi niya sabay tingin sa akin. “ Huh ??? Anong math ba ang tinutukoy mo ahh ?? “, tanong ko ulit.
“ Yung MATHulog sa Room habang nagkaklase .. Ohh diba astig yun “, Siya sabay tawa .. Gagstie mathulog daw hehehe .. Hmmm napatawa niya ko dun ahh. Pero ewan ko lang kung biro niya lang yun. Pero parang seryoso siya ehh .. Tsaka halata naman sa kanya. Tamad mag-aral hehehe. Pahubad-Hubad na nga lang sa Klase nila ehh. Pagkatapos nun di na siya nagsalita at nanuod nalang ulit. Ganun na rin ang ginawa ko. Hehehehe nandito na si Godzilla ehh to the rescue na sa Madla ng Pelikula ^____^
---
Madaldal at Pilyo .. yun ang nakita ko sa kanya ngayong nakasama ko tong Joshua na ito. Di nga ako makapaniwala yung taong di ko pa masyado close ang nakasama para manuod ng sine. Mas mabuti na yun kahit sa dalawang oras man lang nalimutan ko ang Ginawang pang-iiwan sa akin ni Joross. Masakit man pero naiintindihan ko si Chu. Problema lang ito kaya kaylangan namin lumabang dalawa. Pero ang totoo may pagtatampo ako sa kanya. --_____--
“ Ganda nung palabas diba dennis ? “, Naringig kong sabi ng katabi ko. Ako naman tulala habang tinitingnan yung Pagtatapos ng kwento at pinapakita nalang yung mga pangalan ng cast at buong Production ng Pelikula. Alam kong nagsalita siya kaya nilingon ko naman “ Oo nga maganda .. “, ako sabay ngiti sa kanya. Binuksan na yung ilaw at nagtayuan na yung mga tao. Kame naman tumayo na rin .. Aayusin ko na sana yung kalat ng Pinagkainan namin ng Lumapit siya pagitna. “ Ako na bahala diyan “, sabi niya. Kaya pinabayaan ko na siya.
Pagkatapos niyang mag-ayos ehh binigay niya sa akin yung mga natirang pagkain. Kinuha ko naman iyon at nilagay sa aking bag. “ Tara na aya ko sa kanya “, nagsimula naman nga kameng bumaba. Habang nagsasalita siya ng kung ano-ano napatigil ako ng may Limang Studyante na napahinto dun sa may Gitna malapit sa may hagdan. Lima sila dalawang babae at tatlong lalaki. Parang gulat kase sila at nakatingin sa amin kaya napahinto ako .. habang patuloy na nagsasalita si Joshua.
“ Oh bat napatigil ka dhenz ?? “, tanong niya habang napatingin sa akin. Habang ako nakatingin sa mga tao sa harap. Tapos parang napansin niyang may tinitignan ako sa harap. Ng unti-Unti siyang tumingin. Napansin kong napangiwi siya .. “ Ohh anong ginagawa niyo dito ??? .. “, Slow mo .. na pagsasalita niya. “ Ikaw nga dapat tanungin namin niyan Gray ehh kala ko ba uuwi ka na kase may gagawin ka pa sa bahay niyo ? “, sabi nung isang lalaki. “ Ahh ganito kase yun … Ahh natipuhan kong manuod ng sine “, Nakangiting sabi niya.
“ Eh bakit di mo kame niyaya “, sabi nung isang babae. “ Eh diba gusto niyong panuorin ehh yung Malificent ba yun ?? “, sabi naman ni Joshua. “ Hmmm Pero may kasama ka ahh .. Diba si Mr. Mathematician yan ?? “, Sabi nung isang babae. “ Ahh Oo .. si dennis kaibigan ni Joey .. na Classmate natin “, sabi nito. Humakbang na ako pababa .. “ Sige Joshua mauna na ako .. may pupuntahan pa kase ako “, sabi ko sa kanya. Ngumiti rin ako dun sa mga kaibigan niya. “ Ah ganun ba dennis ahh .. sige ingat ka “, naringig kong sabi niya. Naglakad na ako pababa sa may hagdan ng maringig kong nagsalita mula sa mga kaibigan niya. “ Ikaw Joshua ahh may dapat kang Ikwento sa amin “, Babae yun at parang ewann .. Hmmm yan nanaman . Issue nanaman. Ayan kunwari kaseng walang kasama meron naman .. pla. #BoomBuking tuloy siya.
Basta ang mahalaga matutulungan niya ako para kay Joey para maka-usap ko. Lumabas na ako ng sinehan at Dumeretso narin palabas sa may sakayan ng Jeep. FTI ang sasakyan ko sabay baba ng tenement at Sakay ng papuntang Service Road at Baba sa may UPS 2 . Yun ang tinahak kong biyahe .. malayo man pero di ako inantok man lang. Nakapatay yung cellphone ko .. para kaseng di ko matiis na itext si joross at mag-maka-awa sa kanya. Siguro sa bagay na yun, na nakapatay ang cellphone ko ay mapipigilan ko ang sarili ko.
Gabi na nga bumaba ako sa may Tapat ng Subdivision. Pumunta muna ako sa may waiting shed at naupo muna ng saglit. Madilim sa bandang yun dahil yung maliwanag ng parte ay nasa may 7/11 mismo. Habang dumadaan yung mga sasakyan ehh nakatingin lang ako .. sarap nilang panuorin parang mga U.F.O na nasa kalsada nagsisiliparan .. *^____^*
Nasa moment ako ng kalungkutan ng mapansin kong may papalapit sa akin. Nakajacket at mahinang naglalakad papunta sa may pwesto ko. Agad ko siyang nakilala. Si Joross .. Pero anong ginagawa niya dito ??? .. Bigla akong Tumalikod ng upo ng maramdaman ko ulit yun sakit ng kaninang ginawa niya. “ Anong ginagawa mo dito ? “, sabi ko habang naglalakad pa siya. naramdaman ko nalang na yumakap siya sa akin.
“ Sorry na baby .. di ko sinasadya yung kanina .. Siguro nabigla lang ako dahil sa init narin ng Ulo. madame kase akong iniisip ngayon ehh “, Sabi niya habang nakayakap sa akin. “ Kahit marame kang problema .. Pwede naman natin yung pag-usapan ehh .. Sana naman di mo ko iniwan kanina .. SObrang sakit kaya na magmukha kang tanga na iwanan ka ng taong inaasahan mong sasamahan ka “, Ako na parang tutulo muli ang aking mga luha. “ Sorry na talaga baby ko .. hindi ko talaga sinasadya .. Sorry sorry .. Patawarin mo ako “, Tapos humarap na siya sa akin Lumuhad habang hawak-hawak ang kamay ko.
“ Babawi ako sayo Sorry talaga .. “, Bigla naman akong naawa sa kanya .. ng Hinawakan ko yung noo niya Upang icheck kung may lagnat pa siya ay .. Naramdaman kong mainit pa siya. “ Ohhh mainit ka pa ahh , bakit ba pumunta ka pa kasi dito .. anlamig kaya “, Sabay hinaplos haplos ko na ang Pisnge niya. Hindi ko matitiis na magtampo pa sa kanya , Kung sa ganitong panahon ehh humihingi naman siya ng tawad. Mahal ko siya kaya , Uunawain ko siya .. kahit magmukha pa akong tanga.
“ Ok lang kahit magyelo ako sa ginaw .. basta maka-usap lang kita at makahinge ng tawad. Hindi ko kase kayang masaktan ka nanaman ng dahil sa akin. Kaya sana kalimutan na natin yung kanina “, Sabi niya. “ Ayan tuloy di mo nakilala si Godzilla “, Sabi ko sa kanya. Sabay tawa kameng dalawa. Tumayo ako at niyaya ko siya sa 7/11 .. Tumambay muna kame dun. “ Umuwi ka na kaylangan mo pang magpahinga , baka lumala pa yang sakit mo .. uminom ka kase ng gamot “, Paalala ko sa kanya.
“ Oo na .. bumili na nga ako ohh , “, sabay labas niya nung mga gamot. “ Kanina ka pa nandito ? “, tanong ko sa kanya. “ Oo kanina pa .. nung simulang di mo sinasagot ang mga tawag ko.. “, sabi niya. “ Nakapatay ang cellphone ko “, sabi ko sa kanya.. “ nga pala kumusta yung Sine ?? “, tanong niya. “ Wag mo na nga itanong yan Chu .. naalala ko lang nung iniwan mo ako dun sa may Ice Rink ehh .. isusumbong talaga kita kay Godzilla .. lalabas yun dun sa seaside ng MOA .. “, Biro ko sa kanya. “ hehehehe .. pati si Godzilla naging kaibigan mo na para paghigantihan ako ?? Hmm kawawa naman ako nun “, sabi niya. Napatingin ako bigla sa may bandang leeg niya. May band Aid ng nakatakip .. Agad ko naman yun pinuna.
“ Bat may band Aid na ??? “, tanong ko sabay lagay ko ng daliri ko sa leeg ko para magets niya kung anong tinutukoy ko. “ Eh nilagyan ko na nga band aid kaw kase sinasabi mong .. Ano ehh Kiss mark kahit kagat lang ng Lamok. “, Sabi niya. Di nalang ako nagrect pa baka kase humaba pa. Pero mali man .. iisipin ko nalang na Kagat yun ng Lamok.
Tumayo ako at may kinuha ako sa ref dalawang Moo yun hehehehe. namiss kong uminom eh ,, tapos binayran ko na sa cashier. “ Oh para sayo “, sabi ko sa kanya. tapos niyaya ko na siyang Lumabas na. “ Uwi ka na .. kaylangan mo ng magpahinga “, utos ko sa kanya. Sumang-ayon naman siya sa akin kaya naghintay na kame ng masasakyan niya Pauwe. Nung makasakay na siya ay .. nagsimula na rin naman akong maglakad pauwe ng Puno ng ngiti sa aking mga Labi.
-----------
LUNES ng UMAGA …
Dumating na ang araw ng Lunes , eto na yung araw para maka-usap ko si Joey. Pero mamayang hapon pa yun .. Pero may mali. Hindi pa nagpaparamdam sa akin si Joshua kahit Blanko man lang na text. Pumunta na ko sa May Quadrangle for the Flag Ceremony. Gamit ang mata ko .. hinanap ko sa Ibang linya ang Section nila Joshua. Nakita ko naman sila .. Pero nakaharap sila sa may Flag, Dahil nga magsisimula na yung Ceremony. “ Huy sino bang tinitignan mo diyan ? “, Biglang salita ni Threz na nasa Likuran ko na pala. “ Ah Ako ?? Tinitignan ko ?? Ahh hinahanap ko lang si Joey “, palusot ko. “ Ahh bakit mo naman hinahanap ?? “, Tanong niya. “ Bayang magiliw …… “ Ng maringig ko yun ay Tumayo na ko ng tuwid at nilagay ang kanang kamay sa aking dibdib. DI ko na siya nasagot kase baka mahuli kame ng mga teacher na nag-iikot’ikot makuha pa tong i.d ko.
Pagkatapos nung mahabang seremonya ehh , nag anunsyo na nga yung Teacher na nasa harap na , Kung may mga Project daw gawin na at kung ano pang kaylangan tapusin at mag-aral na rin daw para sa nalalapit na Final Exam this first Period. Kasabay ko si threz na Pumunta sa Classroom. Nakwento niya sa akin na hindi daw papasok ngayon si Louie dahil meron daw itong aasikauhin kasama ang nanay nito. Hindi na niya nabanggit kung ano , basta yun daw di papasok si Louie.
“ Guy’s may pinasasabi nga pala si Sir “, Bigla sabi ni Mark na nakatayo at nakangiti pa sa akin. Ang plastik ng ngiti ng Puta .. Oh !! napatingin naman yung lahat. “ Sige para maringig ng lahat .. I will go the to gitna. Ohh peace tayo ngayon ahh diba Friend dennis ?? .. ( Buang talaga tong baklang ito !! banggit banggit ng pangalan ko .. Kinikilabutan ako ) .. Oh ganito sabi ni Sir sa Thurday daw pasahan nung Project .. at dapat kumpleto na, And magreview narin daw para sa test next week .. Ibig sabihin wala si Sir this following days .. Pero sa akin niyo lang ipapasa yung Project niyo .. Ok yun lang naman sasabihin ko. babushh na muna ako .. I have a important Appointment “, Sabay umalis na ito sukbit-sukbit ang shoulder bag niyang Kumikinang .. kinang pa.
Tinipon ko yung mga kagrupo ko at sabi ko sa kanila na ako nalang ang gagawa at bayaran nalang ako nila sa magagasto ko. Pumayag naman sila at masaya pa nga. Ayan nasa Room lang kame tambay .. Ng biglang dumating si naruto. Napatingin ako sa kanya tapos siya dirediretso sa upuan niya sa tabi ko. AWKward … Ayun wala kameng imikan. Si Threz naman, nakikipagkwentuhan sa Ibang lalaki naming classmate. At ako nakatutuk sa Cellphone ko naghihintay ng text ng Boy Hubad na yun !! Kainis Ahh !! dapat kase siya ang nagbigay ng number at hindi ako ang nagbigay lang.
Lumipas na yung Oras.. hapon na nuon at malapit na matapos ang Klase namin sa Araling panlipunan , Wala parin talagang text. “ Baka mahuli ka ni Maa’m iwas iwas sa kakatext “, Biglang naringig ko sa katabi ko. Bigla ko naman tinago yung cellphone ko sa ilalim ng aking Libro. “ Pake mo “, mahina kong sabi . Ayun ngumiti lang ang Ninja.
“ Right minus Wrong ang magiging sistema ng exam at Puro yun fill in the Blank kaya kung di kayo mag-aaral panigurado Mababa ang makukuha niyo at baka bumagsak pa kayo “, Yun ang Huling sinabi ni Mrs. Pandan , bago niya kame palabasin. Unti-unti na naguwian mga kaklase ko. Pati nga rin si threz na niyaya akong sabay na kame pero tinanggihan ko ulit. “ May kababalaghan ka nanamang gagawin noh ?? “, Sabi ng Ninja Habang inaayos na nito yung Bag niya at Paalis na rin.
“ ANo bang pinagsasabi mo ?? Hmmm ikaw kaya yang may gusto sa aking ipagawang kababalaghan “, Biro ko sa kanya sabay ngiti. “ Kala ko ba galit ka dahil dun , pero inopen mo nanaman ulit .. Ikaw ha .. parang gusto mo “, Tumayo ako at kinuha ko bag ko. “ Kadiri ka naruto .. UloL ka tlaga !! itong sayo “, sabay f**k u sign ko sa kanya. “ Hehehehe biro lang “, Sabi naman niya. Hinintay ko siya sa Pinto .. “ Uuwi ka na ? “, tanong ko sa kanya. “ Oo magjajakol pa kase ako ehh “, Siya sabay alis na. “ UloL ka !! “, sigaw ko sa kanya.
Ayun wala na ko kasama .. nganga nanaman dito sa Hallway. nakatingin ako sa Phone ko at naghihintay ng may magtetext. Ayun bigla ngang may isang message ng Unregistered number. Yes !!
0947556----
Hi dhenz
Yun yung text niya na agad ko naman rineplayan. Kainis kanina ko pa hinihintay text nitong Joshua nato ehh .. Ngayon lang nagparamdam.
Reply ko :
Hoy Joshua !!
bat ngayon ka lang nagtext ahh.
Ano san tayo magkikita ??
( Agad naman nagreply si Joshua )
0947556----
Joshua ??!!
Reply ko :
Ulol ka ba.. ??
Hubaran kita ng Damit diyan ehh
Pre naman. Diba nga may usapan tayo nung nagsine tayo ?
0947556----
Ay Oo nga pla !!
Sorry !! Nalito lang !!
Reply ko :
Oww san tayo magkikita dito
sa Skul ?? tsaka yung Plano ??
0947556----
Dito sa may Likod ng Basketball Gym!!
Bilisan mo !!
Oo ok na yung Plano !!
Reply ko :
Galit ??
Bat may ‘!’ sa text ?
0947556----
Ah wala yan !!
Ganto lang talaga
Ako magtext !!
Reply ko :
Sige papunta na ako..
0947556----
K !!!
-------------
Ano yun ??? galit lang kung makipagtext. Nakaka-ulol naman tong si Joshua katext. Pareng nakakatakot .. may exclamatory point kase eh. Pero Anyway, ehh ganun daw siyang Magtext ehh. Wala akong magagawa *^____^*
Nagsimula na ako maglakad papunta dun sa may Basketball court. Nge bakit duon ??? baka may mga naglalaro dun ehh. Adik talaga tong si Joshua eh. Siguro nagbabasketball ang Loko. Pagbungad ko palang sa may Court ehh agad ko naman nakita si Joshua na , agad din akong nakita. Naka School Uniform siya ng makita ko. Parang gulat siya at agad sa akin Lumapit. “ buti nakita kita ! “, sabi ni Joshua.. “ Oh wala ng paliwanag .. ano nasan na si Joey ?? “, sabi ko. “ Ahh kase .. may nakabantay na lalaki sa kanya ehh .. kaya di ko maka-usap ng ayos si Joey.. Pero nasa canteen sila ngayon “, sabi niya.
“ Kala ko ba ok na ??? Please dalahin mo siya dito .. sa may Likod ng Gym .. Please ???”, Sabi ko sa kanya. “ Sige na nga .. geh hintayin mo ako diyan “, Siya sabay saludo sa akin sabay patakbong umalis. Ako naman Pumunta na sa may Likod ng Gym .. malawak yung Likuran at may mga mauupuan din duon. Dun ako umupo sa Lumang Bangko.
Binuksan ko yung cellphone ko at Hinanap ko na yung Picture na balak kong ipakita kay Joey :))) Bwahahahahahahahaha!! Hehehehe panigurado maglalaway yung Tomboy na yun sa inggit hehe. halos 10 minuto ata ng mapansin kong may tao ng papalapit sa Pwesto ko. Natuwa ako ng makita ko si Joey kasama si joshua. Tapos sinenyasan ako ni Joshua na .. Alis na siya. Ngumiti nalang ako. Hanggang sa Lumapit na nga sa akin si joey.
“ Ano bang sasabihin mo ?”, Seryoso niyang tanong. Ako naman lumapit sa kanya. “ Joey .. wala ka na ba talagang balak na magkabati tayo ?? “, tanong ko sa kanya. “ Lupet mo rin noh .. ginamit mo pa talaga si joshua para lang sa mga kalokohan mong ito noh?! “, Napabuntong hininga ako sa sinabi niyang iyon. “ Joey .. Patawarin mo naman na ako Ohh .. Promise hindi naman talaga masama sila kuya Harold ehh “, Sabi ko sa kanya. “ Ewan ko nga sayo dennis , Nakikipagkaibigan ka parin sa mga Adik !! “, Sigaw niya sa akin.
Aba .. sinisigawan na ako ng Tomboy nito. Hmmm sabihin ko na nga ang mga rebelasyon ko. “ Grabe ka naman maka-Adik ?? may ebidensya ka ?? Eh ikaw hindi ka ba nakaranas na maadik sa isang bagay ?? “, Sabi ko sa kanya na naiinis. “ Hinding hindi !! .. Hindi mo naman ako tulad ehh na palahabol sa mga lalaki mo .. hayok ka kase sa mga lalaki !! “, Ouchh sakit nun ahh . Grabe na talaga tong si Joey sa akin.
“ Sige .. hindi ako interisado sa kung ano man ang sasabihin mo, wala akong pake “, tapos Tumalikod na siya sabay alis. “ Weh !!! Siguro nagagalit ka sa akin dahiL .. Alam mong makakasama ko si Jhoven !! “, tapos bigla siyang napahinto. “ ANong sabi mo ??”, Tanong niya na parang naiinis. “ Wag ka nga magmalinis Joey .. Kunwari ka pang hindi ka yung Tipong nag-hahabol?? .. If I know … Patay na Patay ka kay Jhoven !! Oh ano gulat ka ?? “, Nakangiti kong sabi sa kanya.
Namula siya at parang di makagalaw. “ Si Jhoven .. ?? Nakilala mo na ?? “, tanong niya. “ Ako pa .. at meron pa kong sasabihin .. Hmmm nasolo ko siya sa kwarto.. Ganun ako kalandi Joey !! “, Pagpapamukha ko sa kanya. “ Ano magsalita ka ?? !! “, sigaw ko ulit. “ Talaga ?? maniwala ako sayo !! si Jhoven ang tipong lalaking di pumapatol sa Tulad mo !! patawa ka talaga .. Siguro nakilala mo siya pero hanggang tingin ka lang !! “, Alam kong naiiyak na siya .. Pero pinipigilan niya.
“ Weh ??? Paano ko malalaman na patay na patay ka sa kanya ?? .. Ebidensya ba ?? Oh ito ohh “, Ako sa bay pakita ko sa Larawan sa may Cellphone ko. “ Ayan titigan mo !! “, Sabay abot ko sa cellphone. Pinakita ko yung larawan na kinunan namin ni Jhoven sa may Kwarto ni kuya Harold. Sabi ko nga kay Jhoven papakita ko kay Joey bilang ebidensya , dahil alam ko .. Di naniniwala si Joey pag di niya makita.
“ May nangyari sa inyo ni Jhoven ?? “ , tanong niya. “ oo Joey may nangyari sa amin .. Masarap nga siya ehh ..malaki din yun ano .. So ano selos ka ?? “, sabi ko sa kanya. Bigla siyang nalungkot .. at napa-upo. At tumingin sa akin ng masama .. yung Tipong parang nakakasapak na. hala nanlilisik na mata niya. Tumayo siya .. dun ehh kinabahan na ako.
Ng biglang may “ Clatttttttttt !! “, tunog ng parang isang bato.Sa may Gilid. napatingin kame pareho ni Joey sa may Gilid. Bigla tuloy akong kinabahan. Unti-unti akong pumunta sa may Gilid ng biglang Dumaan yung isang malaking Pusa. hay … Pusa lang pala !!.. Tapos Binalikan ko na ulit si Joey. Tapos galit na galit na talaga yung mata niya .. kaya Kinabahan na ako ..
“ Joke lang !! “, Bigla kong sabi sa kanya. “ ANong Joke ??? “, sabi niya. “ Joey palabas lang ang lahat ng ito .. para maka-usap kita, Ang totoo kase niyan Jhoven want to talk you , yung kayong dalawa lang “, Sabi ko. Tumayo siya at Lumapit sa akin. “ Ehh paano yung Picture na pinakita mo ?? “, tanong niya. Nagulat ako sa mga oras na iyon dahil parang naging babae na talaga si Joey .. Ang hina nung pagsasalita niya. “ Scripted lang yan .. Nagpicture lang kunwari kame na ganyan ang istilo .. wag kang mag-alala di ko naman natikman yang Childhood Crush mo .. este love pla ahiiii “, Pang-iinis ko sa kanya. “ So alam niyang ano ka ??? “, Tumango nalang ako at ngumiti.
“ Paano na yan .. “, pag-aalala niya. “ Wag mo na ko alalahanin .. ang mahalaga makapag-usap kayo, kase sabi niya magtatransfer na siya next Period sa Cebu after ng exam “, Sabi ko sa kanya. “ Totoo ba yang sinasabi mo ? “, tanong niya. “ Joey bat ako magsisinungalking sayo ?? Bestfriend kita di kita kayang ipahamak .. Kaibigan man ni Jhoven yung mga sinasabi mong adik . Pero matino siya Joey .. Gusto ka lang talaga niyang maka-usap “, Biglang tumahimik yung paligid nakatingin kame sa isat isa. Nang bigla siyang lumapit sa akin.
“ Sorry din if .. nagalit ako sayo. Concern lang naman talaga ako sayo eh , Alam mo naman malandi ka diba ? EH baka gahasain ka ng mga yun at maguat nalang ako natagpuan ka nalang na patay “, Sabay tumawa na siya sa akin. “ Aba Joey .. malandi ka rin noh !! Patay na patay ka kaya kay Jhoven “, sabi ko naman. “ Oo aaminin ko .. patay na patay talaga ako sa gagong yun .. pati nga sa pagtulog ko di ako mapakali hanggat di ko siya makita ehh .. Kaya ang ginagawa ko. Tinitignan ko yung Picture niya na Tinatago ko “, Masayang sabi niya. “ Joey may tanong ako .. “, Tapos nagseryoso ang mukha niya. “ ANo yun ??? “, tanong niya. “ Mahal mo pa si Jhoven ?? “, nakangiti kong tanong. “ tatanungin kita .. Gusto mo bang di kita pansinin ulit ?? “, tanong niya. .. Andaya talaga nito laging kinukontra ang tanong ko ng isang tanong. Tskkk !! “ Ok ok .. Oh anong balak mo kakausapin mo ba siya ?? “, tanong ko. “ Ikaw na bahalang magset .. “, sabi niya.
“ Eh di pumapayag ka na nga ??? “, tanong ko ulit. “ oo nga !! Sige .. yung gamit ko na kay Karl .. Bukas nalang tayo mag-uusap. kausapin mo siya sabihin mo bibigyan ko lang siya ng isang oras para maka-usap ako. Intindi ?? “, Sabi niya. “ Salamat Joey !!! The Best BestFriend ever ka talaga !! “, Ako sabay Yakap sa kanya. .. Tapos bigla niya akong natulak .. “ Ewwwwww .. wag mo nga ako akapin ..”, sabi nya sa akin. “ hala Joey bakit ka ganyan !! “, Naiinis na sabi ko. “ Iyayakap mo ang mga nayakap mo sa mga lalaki mo .. eww dennis. Landi mo talaga !! pati si Jhoven di pinatos !! “, Siya habang papalayo na. “ Innggit ka lang !! “, sigaw ko.
Tapos bigla siyang tumalikod at binelatan ako sabay hinat ng mata niya. Sabay ngiti at Takbo pabalik sa may Canteen. Andun pa kase si Karim .. Hmmmp !! Nakakapagtaka napakaclose na ng dalawang yun. May something na kaya sa kanila ??? . Ako din ay umalis na parang,Relax. Masaya ako dahil bati na kame ni Joey at may nagawa akong Pabor mula kay Joey at Jhoven ang Tambalang JoJho .. MoJoJho hahahahah!!!
---
Naglalakad na ako nun pauwe ng biglang nakasalubong ko si Joshua sa may gate. “ Huy dennis .. ano ok na ba ?? “, tanong niya. “ Oo ok na salamat ha .. Pero tagal mong magtext kanina ahh “, sabi ko sa kanya. Pero nakangiti pa ako nun. “ Nagtext ???? “, gulat na tanong niya. “ Oo, hapon ka na ng nagtext .. matagal ko kaya hinintay text mo “, Sabi ko. “ Huh ??? Pero dennis di kita tinext ehhh .. yung cellphone ko kase nawala kahapon kaya ayun .. di kita matext. Di rin naman kita mapuntahan sa Room niyo dahil marami akong ginagawa, kaya nung nakasalubong kita ehh .. natuwa ako dahil ikaw na mismo naghanap sa akin “, Bigla akong nagulat. At napatingin sa Cellphone..
“ Totoo ba yang sinasabi mo ??? “, Malakas at gulat na gulat kong tanong. “ OO nga hindi talaga kita tinext ..”, Bigla kong kinuha yung cellphone at may isang text akong nabasa. Mula sa Number na nagtext sa akin kanina.
0947556----
:’(
“ Sige Joshua .. never mind .. geh may aasikasuhin lang ako “, patakbo ay Bumalik ako sa may Likod ng Basketball Court. AT unti-unti ay tinungo ko yung bandang gilid. Kinakabahan ako at nageexpect na may makikita. Sana mali ang naiisip ko kung sino ang katext ko kanina. "Sino ka ?? napakinggan mo ba ang pinag-usapan namin ni Joey ???" ---> Tumatakbo sa isipan ko.
..
Bumalik ako kung saan kame nag-usap ni Joey. Tinungo ko yung bandang Gilid ng Gym at duon ay nakita ko yung isang Paper bag, may desenyo itong alimango na tila nagmamahalan. Bigla akong kinilabutan sa nakita ko. Tama kaya ang iniisip ko na kay ganny galing ito. ?? Agad ko itong Pinulot at tinignan sa Loob. Isang nutella ang nakita ko sa Loob na may nakadikit pang larawan. Larawan naming dalawa na kapwa puno ng nutella chocolate ang aming mukha habang himbing sa ilalim ng isang malaking Puno. DI ko alam ang gagawin ko .. biglang may Kilig akong naramdaman.
Meron din isa pang box .. Alam kong para talaga ito sa akin at Mula ito kay Ganny. Binuksan ko yung box at nakita ko ang mga Cookies na personal pa talagang ginawa. Kahit hindi masyado perpekto yung hulma ng alimango ay matutukoy mo paring alimango ito. Dalawang alimango iyon at sa gitna ay ay may Puso ring Cookies. Wow .. Ewan ko ba kung mapapluha ak, pero natutuwa ako sa mga nakikita ko.
May isang papel na kumuha ng pansin ko .. kulay Blue yun na papel at nakatiklop. Agad ko yun kinuha at binuklat. Binasa ko yung nilalaman ng papel. natouch ako sa nakita ko .. Isang gawang tula na may pamagat na “ Alimangong Bakla “, nakak-inis yung pamagat pero alam kong para sa akin. Sinimulan ko itong basahin …
////
Ewan ko ba kung bakit ko nagawa
Ang gumawa nitong tula.
Gagawin ko lang ito bilang sagot
Sa tulang iyong isinulat na pag-ibig ang dulot.
Hoy alimangong bakla !!
Bakit ba hindi ka mawala
Sa isip kong nalilito
pabalik-balik ka parang Trumpo.
Umiikot-ikot sa aking isip
Bakit di pa pumuntang puso at itoy isipit
ng kamay mong atat dumikit
Sa puso kong matagal mo ng inaakit.
Alam mo bang nagselos ako !
Nasaktan at parang pinukpuk ng pako !
Isang araw bigla akong nagalit
Sa isang mali paratang ikinabit
Pasensiya na alimangong bakla…
Sa pagdagan ko sayo ng higanteng angkla
Di ko alam na ako ang mali
Kaya andito ako angkla ay hinihila ng tali
Upang umahon ka kasama ang sipit
Upang puso koy muling makamit
Ako naman ngayon ang magtatanong..
Paki-usap lang wag sumagot tulad ng pagong.
Alimangong bakla ..
ANo ?? Mahal mo pa ba ang alimangong siga ?
////
…
Bigla akong napangiti sa nakita ko. Ang ibig bang sabihin nito .. Hindi na siya galit sa akin ??? Mabilis ay agad akong Pumunta sa Lugar na alam ko kung nasaan siya. Sa isang kwarto malapit sa Senior Department. Dun siya kadalasan tumatambay .. patakbo ay Pumunta ako sa Lugar na yun .. Sarado ang pinto. Pero ng inikot ko yung door Knob ay bukas ito.
{{ END of DENNIS P.O.V }}
*************************
{{ GANNY's P.O.V }}
Napuyat ako kakasulat nung Tula kagabi. Maaga rin akong nagising upang Asikasuhin ang mga Cookies na ibebake ko. Umabsent ako ng Umaga para dito. Para gawin ng Buong Puso ang mga bagay na ibibigay sa taong mahal ko. Si Krib …
Dun sa tula ay medyo nainis ako wala kase ako magawang pamagat kaya ayun ang ginawa kong title ay “ Alimangong Bakla “, hehehehe. Diba kase may ganun naman talagang alimango ?? Tsaka para marecognize niya agad na siya ang tinutukoy ko.
Sa Cookies naman ehh .. Dame kong palpak na nagawa. Inaway ko pa nga yung mga maid namin ehh kahit wala naman sila ginagawang kasalanan. Ehh nakakapikon kase naman di ko makuha-kuha yung perfect form nung Crabs. Kaya dun sa Huling Subok .. nabuo ko naman ng Konti panigurado naman maapreciate na yun ni Dennis. pinagpaguran ko kaya ito. Kaya kahit yupi yung dalawang alimango ok na yun atleast i try my best ng sarili ko lang.
----
Hapon na nun at uwian na sila .. nakita kong nag-uusap sila ni Naruto. Kaiinis to si Miggy ahh .. pinopormahan niya ang Krib ko !! hanggang sa nakita kong umalis na si Miggy. kaya Chance ko na ito .. Gamit ang bago kong sim card ay Tinext ko siya.
Text ko :
Hi dhenz
Ganun nalang ang way ng text ko para naman di niya agad maiisip na ako ang nagtetext gusto ko kase siyang surpresahin ehh .. Tapos bigla siyang nagreply agad.
Reply niya :
Hoy Joshua !!
bat ngayon ka lang nagtext ahh.
Ano san tayo magkikita ??
( ouchhh !!!! bigla akong natusukan ng maraming sinulid sa dibdib .. Joshua ??? Sino yung Joshua na yun ??? at bakit yun ang tawag niya sa akin ?? .. Nagreplay naman agad ako. )
Reply ko :
Joshua ??!!
Reply niya :
Ulol ka ba.. ??
Hubaran kita ng Damit diyan ehh
Pre naman. Diba nga may usapan tayo nung nagsine tayo ?
( Shettt !! bigla ehh parang nanghina ako at the same time naiinis ako !! Hubaran ?? Anong ibig sabihin nitong si Dennis na nag-eexpect siya ng text mula sa isang Joshua ??? tapos hubaran pa anu yun ??? .. Tsaka nagsine sila :’(((( .. siya Yung Joshua kaya yung kadate niya nung sabado ??? Nagsine pa sila. dahil sa gusto ko siyang mahuli ay nagpanggap nalang ako tulad ng iniisip niya )
Text ko :
Ay Oo nga pla !!
Sorry !! Nalito lang !!
( rason ko kunwari para di niya ako mahalata .. )
Reply niya :
Oww san tayo magkikita dito
sa Skul ?? tsaka yung Plano ??
( At talagang sa skul pa sila magkikita ahhh !!! ibig sabihin taga rito rin ang Joshua na yun ?? !! Humanda siya sa akin !!! Pati itong Krib na toh sumusubra na siya sinasaktan na niya talaga ako. Niloloko na nga siya ng janitor na yun tapos nagpapa-uto nanaman siya sa iba !! )
Text ko :
Dito sa may Likod ng Basketball Gym!!
Bilisan mo !!
Oo ok na yung Plano !!
( Yun ang lugar na alam kong tahimik at walang makakakita sa amin kaya dun ko siya niyaya, Wala man akong alam sa plano nila .. Bahala na !! nasasaktan ako .. Sa text ay pinapakita kong galit ako )
Reply niya :
Galit ??
Bat may ‘!’ sa text ?
( sarap niya sanang sagutin na ako toh !! Si ganny at galit talaga ako dahil nagseselos ako sa Joshua na yan !! )
Text ko :
Ah wala yan !!
Ganto lang talaga
Ako magtext !!
( palusot ko sa kanya )
Reply niya :
Sige papunta na ako..
Text ko :
K !!!
( Sa Sobrang inis ko ay yun nalang ang tinext ko sa kanya .. nakak-inis na ehh .. parang may gagawin sila nung Joshua. pero wala yang Joshua na yan .. dahil ako ang kakikitain ni Krib )
--
Nasa malayo ako pero bigla kong natanaw si Krib na may kausap na lalaki mula sa harapan ng GYM .. Kainis ahh sino kaya yun. SIya ata yung tinutukoy na Joshua ni Krib. Bakit ganito .. Naiinis nagagalit ako .. para gusto kong sapakin yung lalaki. kainis !! Tapos umalis yung lalaki at Tumakbo ito. Si Krib naman ay papunta sa may pwesto ko. Kaya nagmadali ay nagtago ako sa may Gilid mula sa likuran ng GYM.
Nasa Gilid ako nun at nakita ko si Dennis naka-upo dun sa Lumang Bench. ANo kayang ginagawa nito ?? Parang may hinihintay siya .. Pero sino ??? Diba ako yung katext niya Pero bakit ?? Ewan nalilito ako. lalapit na sana ako sa kanya hawak yung paper bag ng maduwag ako. Ewan ko kung bakit. Kaya naupo rin ako sa may Lupa at naka-andig sa may may pader. Parang napapapikit tuloy ako siguro dahil sa pagod ko na rin.. Ewan ko ba parang gusto kong hintayin kung anong magaganap sa tagpong ito. parang hindi lang ako ang katagpo niya parang yung Joshua din .. :’(((((( .. Sa sobrang lungkot at inip naramdaman kong napapapikit na yung mata ko at naramdaman kong .. unti-unti ay napapa-idlip ako ..
….
Nagising ako ng maringig kong parang may nag-aaway sa may Likuran. Sumilip ako ng bahagya at nakita ko Si Dennis at Si Tomboy .. para silang nag-aaway. Higit sa lahat nagulat ako sa mga naringig ko.
“ Weh ??? Paano ko malalaman na patay na patay ka sa kanya ?? .. Ebidensya ba ?? Oh ito ohh “, naringig kong sabi ni Krib kay Tomboy sabay inabot nito yung cellphone niya kay Joey. nakita ko yung mukha ni Tomboy parang nanghinang , galit na galit. Ano kaya yun Pinakita ni Dennis ?? at anong nangyayari sa magkaibigan na ito ?? “ Ayan titigan mo !!”, Sigaw ni Krib .. Biglang napababa ni Joey ng bahagya yung cellphone at nagulat ako sa nakita ko. Yung nasa larawan .. Si Krib may katabing lalaki :’(((((( .. Ibig sabihin ba nito ??? Meron siyang Iba pang lalaki bukod dun sa Joshua at ngayon Jhoven naman ?? Nakakpagtaka bakit Puro nalang nagisisimula sa “ J “ ang mag nang-aagaw kay Krib ko :’(((
“ May nangyari sa inyo ni Jhoven ?? “ , nagtaka ako dun sa tinanong ni Tomboy kay Dennis. Ngumiti si Dennis at mayabang na nagsalita ... “ oo Joey may nangyari sa amin .. Masarap nga siya ehh ..malaki din yun ano niya .. So ano selos ka ?? “, Biglang nalungkot ako .. parang nadaganan ako ng sampung Barko .. bakit ganun .. Si Krib muli nanaman akong sinaktan. Sa sama ng nararamdaman ko ay iniwan ko yung paper bag at naglakad ako na ramdam ang sakit .. Bigla akong may nakitang Pusa. Sa Sobrang inis ko ay Binato ko ito !! At sabay nun ay Tumakbo ako patakas at pumunta sa Kwarto kung saan ako tumatambay. Leche !! Kainis !!! Ako pa itong nasorpresa .. Dennis !! bakit ka ganyan sa Akin.Pinapatay mo ako sa Selos </3
Malungkot akong Pumunta dun sa Secret Room na tanging ako lang at ang mga kaibigan ko ang nakakapunta, Nakapunta na rin dito si Krib... Habang hawak ko yung cellphone ko ay gumalaw yung kamay ko at di ko napigilang magtext .. Tinext ko nga si Dennis. Pero ng isang Emoticon lang .. na nagpapakita na Lubos akong nasasaktan. Umiiyak na emoticon yun ang text ko sa kanya. naupo ako at Umidliup nalang sa may lamesa. Siguro nga kasalanan ko naman kase kung bakit eto nangyari kasalanan ko ..!!
….
Lumipas ang Minuto ng Biglang Bumukas yung Pinto !! Shet .. Sino ba ito !! Pagtingin ko ay agad kong nakita si Dennis !! Si Krib !! .. Bigla akong napamulat at napatayo. Sumaya yung isipan kong nakita ko siyang nakangiti habang hawak niya yung Bigay kong regalo. Pero di ko yun Pinakita sa mukha ko. Gusto kong magtampo !!! Gusto kong suyuin niya ako !!!
“ hoy anong ginagawa mo dito !! Wala kang paalam ahh pasok ka lang ng pasok !! “, Sabi ko kunwaring galit. Tinignan ko reksyon niya. Medyo napapangiti siya. Sinara niya yung pinto at kameng dalawa ang nasa Loob. “ Sayo ba ito galing ahhh ?? my new txtm8 ?? “, natatawa niyang sabi. “ ANong textmate ka diyan !!! OO galing yan sa akin pero kay Brenth yan .. para kay brenth yan !! “, palusot ko .. Nakakahiya pala pag ganito . Yung mahuli ka shettt pano ko lulusot. Prang nahihiya ako dito. “ Weh ??? Kaylan naman naging alimango si Kuya brenth at kaylan naman naging ako si Kuya Brenth “, sabay pakita nito sa Picture.
“ Hoy itago mo nga yan !! “, galit pero nahihiya na talaga ako sa nangyayari. Adik ba tong si Krib. “ Hmmmmm di ka na galit sa akin ??? “, bigla niyang natanong sa akin. “ Sorry na .. sa lahat , Peace offering ko talaga yan para sayo “, Mahinang sabi ko. “ Ano di ko naringig .. “, nakangiting sabi niya. Ang kulit din nito noh !!! “ Sorry na !! ", malakas na sabi ko.
“ Ehh para saan ?? “, tanong niya. “ Alam ko na na wala ka talagang kasalanan sa pagkaka-aksidente ng pinsan ko, ok na siya dennis “, Sabi ko. “ Wow .. talaga ??? mabuti naman ayos na siya .. pakikumusta nalang ako “, Sabi niya. “ Gusto mo samahan mo ko .. dalawin natin siya ??? “, sabi ko Please Pumayag ka naman Krib, … “ Marami pa ko gagawin ehh .. sorry “, sabi niya.
“ Maraming gagawin dun sa Joshua at Jhoven !!! “ , Inis na sabi ko. “ Huh ??????? Ikaw ha nakikinig ka sa usapan hahah.. Si Joshua kaklase yun ni Joey, siya ang tumulong sa akin na maka-usap ko si Joey para magbati na kame at para masabe ko na rin sa kanya na Gusto siya maka-usap ni Jhoven ex .. Love ni Joey hahaha.. Kung yung Picture nakita mo rin Props lang yun para pagselosin si Joey “, Nakangiting paliwanang niya.
“ Ehh ano naman yung sine ??? Bat ka nagsine kasama yung Joshua !! “, Galit na sabi ko. “ Hala bakit ka ba nagagalit ??? Ano ba kita ?? “, Natahimik ako bigla sa sinabi niyang iyon. “ Sige salamat pala dito ahh very appreciated “, nakangiting sabi niya. tapos unti-unti na siyang Humahakbang palabas. Lumingin ka .. Lumingon ka Please ..
Lumingon naman siya. “ Nga pala ang ganda nung tulang gawa mo ahh .. pwede ka ng Writer. ALIMANGONG BAKLA talaga yun pamagat ahh .. kakainsulto pero ayus lang “, Nakangiti parin siya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Bigla akong tumingin sa kanya at nagsalita habang nakatingin pa siya. “ Eh ano yung sagot mo sa tanong ko sa Tula ??? “, Kinakabahan na tanong ko.
“ Ay Oo nga pala yung sagot ko pala dun .. Hmmmm Friend .. “, nalito ako sa sagot niya. Ineexpect ko ang sagot niya ay maybe Yes or No . Medyo malabo pa sa akin yung sagot niya. “ friend ??? “, ulit ko. Ngumiti at Tumango siya sabay salita.
" Friend nalang tayo, Pwede naman yun Diba ? "
</3