CHAPTER 34

8008 Words
                “ Ano pwede mo ba akong tulungan ? “, tanong niya. “ Teka nga muna .. di ka pa nga nagpapakilala sa akin ehh .. tsaka ano ka ba ni Joey ahh ? “, Tanong ko. “ Pwede bang mag-usap tayo sa kwarto ?? “, tanong niya ulit. “ Ok “, Ako sabay sumunod na ako sa kanya pabalik sa kwarto. Umupo siya sa may kama at ako naman sa may isang upuan. Medyo natatakot kase ko sa kanya ehh lalo nung hinahawakn ko likod niya nung tinanggal niya kamay ko. Hmmmmp !! Ang damot magpachansing.                 Tapos Humarap siya sa akin .. wala paring suot na pang-itaas. “ SO tutulungan mo na ako diba ? “, sabi niya ulit. Di ko masyado naringig sabi niya .. parang mas gusto kong titigan yung yummy na katawana niya. “ Makapagdamit na nga lang “, Biglang sabi niya sabay tayo at Kinuha yung Sando niya ata yun na Puti. Hmmm Damot talaga. “ Oh yan siguro naman makakapagconentrate ka na ? “, natatawang sabi niya.                 “ Bakit sa tingin mo tinitignan ko yan ano mo .. mahiya ka naman. Hmm “, naiinis kong sabi. “ Kunwari ka pa .. Pasensiya di ko talaga kayang makipag-ano sa kapwa ko lalaki ehh “, Nakaka-inis na sabi niya. “ bakit mo yan sinasabi wala naman akong sinasabing gusto ko ah. “ Ehh ano yung ginagawa mo kanina .. heheheh nabitin ka noh “, nakangiti niyang sabi. “ Ano bang pag-uusapan natin ?? Bilisan mo na bago pa dumating yung mga kasama mo “, sabi ko naman sa kanya.                 “ Pero pwede mo naman hawakan to ehh .. Pero hawak lang . ANoo gusto mo ba ? “, Tang-ina ano nanaman ba pinagsasabi nitong .. Ewan di ko pa siya kilala. Kainis Pero Totoo kaya sinasabi niya na pwede ko hawakan hahahahahha. Anooo Bahhhh      -___-                 Lumapit siya sa akin habang ako ehh naka-upo. Nasa harap ko na yung ano niya … WOooooo !!! Parang napaka-init dito sa kwarto kainis. bakit puro nalang ata kalibugan meron dito sa paligid ko. “ Okay sige bahala ka .. alis na ko, balik na ko sa Upuan “, Sabay Lumayo na siya. Pero nanghinayang ako at ewan basta Tumayo ako .. “ Teka lang “, sabi ko. Humarap siya sa akin .. Tumakbo ako papunta sa kanya at lakas na Loob na Hinalikan ko siya sa Pisngi. Napansin ko na nagulat siya na biglang napangiti .. “ pabbigyan mo na ako simpleng kiss lang naman yan tsaka sa Pisnge lang naman ehh “, nakangiti kong sabe .                 Babalik na sana ako ng Bigla niyang Kinuha ang kamay ko at Nilagay sa ano niya .. AKo naman yung nagulat. “ Ang sabi ko hawak dito hindi halik sa Pinge .. lagot ka niyan kay Joey pag nalaman na hinalikan mo ko sa Pisnge “, Agad kong Tinanggal yung kamay ko. At parang nahiyang Yumuko. “ Wag ka na mahiya .. tara pag-usapan na natin yung dapat pag-usapan “, sabi niya.                 Bigla akong napa-isip. Baka daw magalit si Joey pag nalamang hinalikan ko siya ??? Anoo yun .. Oh My God sinasabi ko na nga ba. Si Joey Two Timer !!! at ginagawa niyang Modus ang magtomboy tomboyan .. kawawang karim.                 “ Paano pag naabutan tayo nila dito ? “, tanong ko.  “ Oo nga noh “, pagsang-ayon niya. “ Anong bang pangalan mo ?? “, tanong ko sa kanya. “ I.D ko ayun ohh “, turo niya sa nakasabit sa may pako malapit sa Bintana. “ Pwede kong kunin? “, tanong ko. “ Oo naman “, sabi niya. Lumapit na nga ako at Kinuha yung I.D niya at tinignan ang pangalan niya. Jhoven B. Ortiz 2-C                 Jhoven pala pangalan niya. tsaka section C siya. Uhmmmm .. Tingin ako sa kanya. Mas cute siya ngayon kaysa sa Pic niyang ito hehehehehe. “ Okay Jhoven .. Simulan mo na. Ano mo si Joey at anong pakay mo sa kanya. At Paano mo nasabing magagalit si Joey pag hinalikan kita ? Huh Aber .. Ehh Tomboy yun ehh “, sabi ko. --- Jhoven : Hindi naman siya magiging ganun .. Kung hindi dahil sa akin. Ako : So ikaw ba yung Tinutukoy ni Joey na nanakit sa kanya ? At nagbago sa kanya Upang Magalit at kamuhian ang mga lalaki ? Jhoven : Oo ako nga yun .. Ako : Ok sige .. magkwento ka pa ( Nakatitig ako sa kanya at nakatutuk ang mga tainga ko upang makinig sa kanya ng Lubusan ) Jhoven : Since Elementary Day’s si Joey ay naging mabait na Kaibigan sa akin. Turing ko sa kanya ang nakababatang kapatid .. Yung kuya niya kase ehh Bestfriend ng kuya ko. pero Iba siya nuon kesa ngayon. Masayahin at palatawa at lage akong gustong maka-sama. Hanggang sa nalaman ko nung Grade 6 ako at grade 5 siya na may Gusto siya sa akin. Umamin siya sa akin .. kaya pala lage niya akong binibigyan ng Chocolate at kung ano-ano pa. Nagulat nalang ako Valentine’s day nuon na. Umamin siyang mahal niya ako .. mahal na mahal. Hindi niya daw kayang mawala ako sa kanya .. Ayaw niya daw na may kasama akong iba. dahil mahal niya daw ako. Nagulat ako sa conffesion niyang iyon. Lingid kase sa kaalaman niya ehh may Girlfriend ako mula sa ibang Skul. Kina-usap ko siya pagkatapos nung Pag-amin niya. Sa Likod ng Library alas sais ng gabe. Hinitay ko siya. Dumating siya .. Puno ng Ngiti at ayos na ayos .. Maganda at Nakakahumaling , Pero di pwede parang kapatid ko na siya. Masaya siyang Lumapit sa akin at Bigla akong niyakap. Ako naman siyempre ayoko ko siyang Biglaan , Ipagtulakan , Itaboy .. Di ko kayang umiyak si Joey. Hanggang sa inamin ko na nga na may Iba akong Minamahal. Hindi siya naniniwala sa akin at lalong hinigpitan ang yakap sa akin. Hanggang sa nagsimula na siyang Umiyak ..  Iyak ng iyak hindi ko alam ang gagawin ko. Pero kaylangan ko itong gawin habang .. mga bata pa kame kaylangan na niyang malaman na Hindi kame bagay sa isat-isa. Hindi kame pwedeng magmahalan ng higit pa sa turing ko sa kanya. Bilang isang kapatid. “ Joey may sasabihin ako sayo “, sabi ko sa kanya. “ ANo yun Jhoven ? Tayo na ba ? magboyfriend na ba tayo ??? “, sabi niya habang umiiyak. “ Joey hindi pwede .. Kapatid lang turing ko sayo Tsaka … “, Hindi ko nga nun matuloy ang gusto kong aminin dahil ayoko talaga siyang masaktan. “ Tsaka anong meron Jhoven ??? Meron ka na bang ibang mahal ?? … Pleaseeeeeeeee diba hindi naman yan ang sasabihin mo ?? “, Umiiyak habang nakayapos pa siya sa akin. “ Joey hindi tayo para sa isat-isa pwede naman nating ituloy yung maganda nating samahan, Bilang isang magkapatid .. bestfriend . Diba mas maganda yung ganun ? “, Sabi ko sa kanya, habang pinapatahan ko siya. Lumayo siya sa akin .. “ Ayoko ng ganun .. gusto ko syotain mo ako, Ipagmalaki !! “, Sigaw niya sa akin. “ Hindi pwede Joey … Pwede kong ipagsigawan sa mundo na ikaw ang the best na kaibigan sa buong Mundo , Joey may Girlfriend ako .. at sana maunawaan mo yun “, Paliwanag ko. “ May Girlfriend ka na ?? Ganun ba ?? !! Sige …. Sana maging masaya ka at sana mahalin ka niya “, Ngumiti siya sa akin habang patuloy parin yung Pagtulo ng Luha niya. Kasabay nun ang mabilis na Pagtakbo niya. Hindi ko na siya nahabol pa nuon at .. Naguilty ako sa nasabi ko. Pero yun ang dapat at tamang gawin. Kinabukasan Biyernes nun kaya may pasok. Bigla akong nanibago .. yung Tipong may kulang sa araw na yun. Wala na akong kasabay maghintay sa may Bus Stop .. Wala na akong kasabay mag canteen .. wala na akong kasabay makipagkulitan sa mga classmate ko. Biglang nawala si joey sa dati niyang Pagkatao. Tuwing nakakasalubong ko siya sa eskwela batiin ko man siya .. Pero di niya na ako Pinapansin. Dumalaw man ako sa bahay niya .. sinasabi naman ng kuya niya na nasa kwarto niya nagpapahinga. Pero di ako naniniwala alam kong ayaw niya lang ako makita. Isang araw sa SkuL nakita kong may mga kaaway siyang lalaki. Inawat ko siya at ipinagtanggol , Pero nagalit siya sa akin. “ Wag mo ngang mahawakhawakan ang kamay ko !! Pare-pareho lang kayo mga lalaki .. Ang Tingin sa mga babae ay Laruan .. Pinagtatawanan !!! Mga manloloko manggagamit .. “, Sigaw niya sabay sapak dun sa isang batang lalaki. Pagkatapos nun nakita ko na ang pagbabago sa kanya .. Laging mag-isa at galit sa mga lalaki. Lagi na rin siyang nakabandana tulad ng ginagawa niya sa Skul ngayon. Nagsisisi ako .. ngayon ko lang napagtanto na mahal ko pala siya , na dapat pinahalagahan ko siya at di hinayaang tumakas sa Posas na nagdudugtong sa aming dalawa. Sana hindi pa huli ang Lahat .. --                 Nabaliw ? Naloka at gusto ko pa ngang maiyak ng malaman ko ang kwento nitong si Jhoven at Joey. Ito talagang tomboy na tohh .. malandi rin pala tohh nuon ehh. Patay na patay sa isang lalaki .. si Joey hehehehe. DI talaga ako makapaniwala. Ako : So in short sinasabi mong Ikaw ang dahilan kung bakit naging ganun si Joey ? naging galit sa mga lalaki ?? Sabagay .. sakit naman kase nung ginawa mo. Pero di rin naman kita masisisi .. Meron ka naman kasing sariling Puso ehh. Jhoven : Yun nga ang mali ko .. Hindi ko nagawang makita na siya pala ay may tinatagong Puwang sa aking Buhay. Ako : Oh ngayon anong gagawin natin ? ANo yung ipapaki-usap mo ? Jhoven : Gusto ko maka-usap si Joey .. This is my Last Week in Mendez Academy, tatapusin ko nalang ang 1st Periodical Exam at magtatransfer na ako sa Ibang Skul sa may Cebu. Ako : Huh bakit ??? Jhoven : Pwede bang wag ko nalang sabihin ang dahilan ? It so Private. Ako : Ok ( Ano bang kala mo sa akin ?? Super Chismoso ?? !!! Hmmmp ) .. Ok ganito gagawa ako ng paraan magkita kayo at dun kaylangan makapag-usap na kayo ahhh. Kung alam mo lang kase Jhoven, may tampuhan rin kame ni Joey. Jhoven : Hala bakit naman ? Ako : DI ko alam .. super galit siya nung nalaman niyang naging kaibigan ko yung Barkada niyo. Pero teka nga .. Alam niya bang Kasama ka ng mga Adik na yun ??? Jhoven : hala uy .. si Robin at harold lang ang naggaganun ahh. Kameng tatlo hindi kame naggaganun. Oo alam ni Joey na kaibigan ko yung dalawang yun. DahiL .. malapit din sa kanila nakatira si Robin na kaibigan ni Harold na kaibigan ko din. Huy Pero hanggang Inum lang ako. Paki-linaw kay Joey ahh..                 Alam ko na !! Kaya pala galit sa akin si joey na naging kaibigan ko ang mga ito. Dahil nandito ang .. First lOve never Dies niya na akala niya ehh Matitikman ko. Hmmm . Now alam ko na kung Paano ko siya makaka-usap .. Ting !!!! Bright Idea !! Ako : Jhoven , may Plano ako ( Sabay binulong ko sa kanya ang Gusto kong mangyari ) Jhoven : huh ??? Paano pag nagalit yun .. Ako : Magtiwala ka sa akin .. Ako ang bahala. Bestfriend ko yun. Kaya kilala ko na yun si Tomboy noh !! ANg side ng p********e niya lang ang di ko masyado kilala. Hehehehehehe Jhoven : Tatanggalin ko damit ko ? Ako : OO naman .. Jhoven : Sige … (Tapos tinanggal niya na yung damit niya at nahiga na Tulad ng utos ko ..Tumabi naman ako sa kanya naka-unan sa may Braso niya .. Hahahahaha Para-paraan ohhh !!! ) Ako : Basta wag ka mag-alala .. ako bahala ( Kinuha ko na yung Cellphone ko at Nagselfie kaming dalawa sa ganung posisyon ) .. Oh ayan ok na.  Oh sige mauna na muna ako ahhh .. sabihin mo nalang dun sa mga kaibigan mo umalis na ako. Dahil hinahanap na ako sa bahay. Ok ba yun ?? Jhoven : Hatid na kita sa may sakayan .. Ako : Wag na walang tao dito sa bahay ni Kuya Harold. Jhoven : Wag mong alalahanin yan .. Eh di isarado natin :) Ako : Sabagay .. alangan naman ibukas natin hehehe. tara na nga .. Corny mo ehh Jhoven : Hehehehe ganun talaga. Cute naman at Yummy diba ? Ako : Oo na yabang pa ehh .. -----                 Hinatid niya nga ako sa may sakayan. Hehehe ang cool at masaya siyang kasama. Bumalik agad siya dahil nga sa baka dumating na sila kuya Harold. hmmm Paano ko kaya ito magagawan ng paraan upang makapag-usap ang dalawa. Una galit sa akin si Joey .. pangalawa yung Asungot na si karim ang feeling pa naman nun na sa kanya na si Joey. Paano yun baka magalit sa akin.                 Bahala na sa Lunes. kailangan ko na muna magpahinga .. hehehehe . Kakapagod yung buong maghapon ahh. Tsaka konti plang tulog ko. Dahil nga sa Tinuruan ko si Thtrez .. mabuti naman at naipasa niya. ------                 Pagka-uwe ko ng Bahay , Nandun sa may labas sila Kuya Vince, Topher at Uno nagkwekwentuhan. Binati ko naman sila ng magandang gabi at pagkatapos deretso na ako sa kwarto. DI na ako nila tinatanong kung bakit ako ginagabi siguro nasanay na sila sa akin :)                 Hindi ko na nga masyado nakaka-bonding mga kuya ko dahil sa medyo busy na talaga ako hehehehe. Pagkatapos kung kumain ng walang kasabay ehh .. umakyat naman agad ako sa Kwarto at dun nagpahinga. Kinuha ko ulit yung cellphone upang Tignan ang Picture namin ulit ni Jhoven ng Mapansin ko ang Sumasabog na Inbox ko .. Hala !! Bigla kong naisip si Joross Hindi ko nga pala naibigay yung Hinihiram niyang Pera. Oh My G!!!                 May tatlong message na may laman at yung the rest ay Puro na blanko na parang tinadtad ako ng text .. Puro yun kay Chu. Unang text niya. Asan ka na ? Punta ka dito sa may Quarter. Pwede ko na ba makuha yung pera ? Pangalawang text niya , Ah ganun. Bz ka pala sa mga ibang lalaki. Dame lalaki sa canteen ahh Sige magsawa ka diyan ! Sayo na rin yang pero mo. Kabadtrip .. Pangatlong text niya, Wag ka na magtext d2 !! ----                 Hala , bigla naman akong natakot. Hala galit sa akin si Chu. Nakita niya ako sa Canteen kasama sila Threz siguro kung ano-ano nanaman iniisip niya. Kasalanan ko tohh ehh .. Di ko man lang naalala na may pabor palang hinihinge ang kasintahan ko. Hmmm !! ANg tanga tanga ko talaga !! Dennis naman Ohhh ..                 Di ako mapakali .. May 30 minutes free call pa naman yung Load ko kaya sinubukan ko siyang tawagan. Ring lang ng Ring walang sumasagot. “ Chu naman ohh sagutin mo Plzzz “, bulong ko sa aking sarili. Mga 10 minutes ata ang Lumipas .. Di na talaga ako mapakali .. Bigla nalang Kinakansel na niya yung tawag. Puro Kansel na ang nangyayari sa pagtawag ko sa kanya .. kay Tinext ko siya. … Plz Sagutin mo naman magpapaliwanag ako Chu. Nagmamaka-awa ako sayo. Plzzz :’( ( text ko sa kanya ) …                 Muli nga ay dinial ko yung number niya .. Ayun sinagot na niya. +(Ako) >(Joross) +Hellow chu ? galit ka ba ? >Oh ano nanaman kasinungalingan na sasabhin mo .. +Chu naman oh makinig ka naman. AAminin ko kasalanan ko. Pero Sorry nalimutan ko talaga ehh >Nalimutan mo dahil enjoy ka sa mga lalaki mo sa canteen. Oh sige palihim ka nanaman nakipagmeet dun sa ganny na yun +Chu naman oh. Wag ka na mandamay ng Iba.. walang kinalaman si ganny dito. >So mas pinagtatanggol mo pa yung gagong yun ? huh .. Sige at baka nakak-istorbo ako sa lambingan niyo. Panigurado nga Pinagtatawanan niyo ko habang pinag-uusapan niyo. Gehh bababa ko na tong cellphone. papahinga na ako +Chu naman Ohh .. sorry na. Hindi ko na ulet uulitin. Ikaw naman talaga mahal ko ehh. Sorry na Sorry na ohh. > ( Hindi sumasagot ) +Pleaseeee .. salita ka naman oh. 30 minutes call lang to eh > DI matulog ka na. +Dali na ohh .. yayain nga kita magdate bukas ehh . Dun ko narin bigay yung hinihiram mong pera. >Baka napipilitan ka lang. SIguro mas gusto mong kasama yung Ganny na yun. +Hindi ahh ikaw kaya gusto ko makasama .. >Baka iniisip mo Pineperahan lang kita. dahil hiram ako ng Hiram ng Pera.. +Huy di ahh. Wala akong sinasabing ganyan ahh. So Please wag ka na magalit .. Chu ko plzz >Ehh san naman tayo magdedate ?? +san mo ba gusto ?? >Gusto ko sanang magsine .. babysaur. Pwede ba yun ? + Sine ? Ahh Oo naman. No Prob. >Sorry ahh kung masyadong galit yung reaksyon ko ah +Ok lang .. Basta wag ka na magselos ahh. Ikaw lang naman talaga kase ang mahal ko. >San tayo kita baby ? +Sa may tapat ng Subdivision Pwede ka ba ? >SIge .. anong oras ba ? + Mga Hapon nalang ok ba yun :-) >SIge la naman ako gagawin ukas ng hapon eh. +Wag ka na magtampo ahh >Oo na hmmm .. Baby, Tulog na ko ahh, may gagawin pa kase bukas ng umaga. Pero hapon ok na ko available na. +Sige Chu .. ako rin tulog na. Good nyt I Love you. > I Love you 2 baby. Muah +Muah .. ---                 Ayun biglang napanatag yung Puso ko at handa na akong magpahinga ng Marami-rami heheheh. Basta Magigisng ako Bukas mga 9 Oclock na hahahaha *^_____^* --- 9:00 am                 Pagkagising ko ay agad akong naligo at Tumambay sa sala sa may baba. Pero nassan kaya yung mga tao. Lumabas ako .. at napansin kong Maganda siguro kung maglakad-lakad na muna ako dito sa Subdivision. Makita ko man lang mga KapitBahay ko. Naglalakad ako ng makita ko yung Isang bahay na may nagdidilig na babae tapos may naglalarong bata hehehehe saya nilang tignan. Meron naman akong nakita Yung Amo nakikipaglaro sa alagang Aso nila. Hehehehehe may mga nagjojoging na rin.                 Nung pagpawisan na ako sa kakalakad ay Binalak ko ng umuwi. Hmm tutal malayo-layo naman na ang narating ko. Palakad na ako pauwi ng maramdaman kong may .. Parang mga yabag sa aking likuran. Hanggang sa makaringig nalang ako ng Talbog ng Bola. Hanggang sa “ huy Bunso , naglalakad-lakad ? sayang di ka sumama sa amin mag Basketball “, Huh ??? .. Bunso. Napatigil ako at tumalikod .. Nagulat ako ng nakita ko sila Kuya Topher at Uno na naka Basketball wear .. Hmmm di ko sila napansin ahh. pawisan sila at halatang galing sa laro.                 Napansin ko rin si Kuya Brenth at Kuya Vince na naglalakad malayo mula sa aming tatlo. hala pati sila kuya ??? Andaya di ako kasama . Pero di naman ako mahilig magbasketball ehh ... eh kung kasama sana ako. maraming Lalaki .. di Joke lang Poh. “ daya di ako sinama mag Jogging o kung ano man yang ginawa niyo “, sabi ko sa kanila. “ Ehh tulog ka pa kase ehh “, sabi naman ni kuya uno. “ Ehh di ginising niyo sana ako hmmp “, pagtatampo ko kunwari.                 “ Heheheh Gumising ka kase ng maaga heheh DIba Uno ? “, Sabay tumakbo na ang dalawa at nagpasahan ng Bola. Hmmmm  bat kaya ganun. Napakaclose ng dalawang yun .. Pero dati naman kasama-sama nila si Kuya Brenth. Ngayon di na, solo na si kuya Brenth. Hinintay ko nalang si Kuya Vince at Kuya brenth .. Nakangiti akong hinihintay sila. Nakita naman agad ako ni Kuya Brenth na agad naman napangiti at Tinuro ako kay Kuya Vince.                 Nang nasa tapat ko na sila ay .. napangiti nalang ang mga ito. “ Sayang bunso di ka nakasama .. “, Si Kuya brenth na parang nasa good Mood ngayon. “ Oo nga ehh daya-daya niyo “, sabi ko naman. “ Next time gigisingin na kita .. heheheh nga pala May lakad pa ako ngayon, SIge iwan ko na kayo ng Kuya Brenth mo ahh .. “, Si kuya Vince na umalis na rin papuntang Bahay. Si Kuya Brenth naman eh naiwan kasama ko. “ Tara na kuya balik na tayong bahay “, aya ko sa kanya.                 “ Gusto mo Jogging Ulit tayo ? “, alok niya sabay tanggal nung isang headset sa kanyang tainga. “ huh ?? Jogging ulit paano naman ? at saan ? “, tanong ko. “ Ganto kase mamaya may Bisita ako sa bahay .. Hmmm may request kase sila ipaluto ehh .. EH yung mga sangkap di available sa bahay kaya mamalengke tayo. Ano jogging tayo papuntang palengke ? “, tanong ni Kuya .. “ Sige na nga hehehehe .. Tsaka ano ba kuya yung mga bibilhin mo ? “, Tanong ko. “ Secret …. “, sabi niya sabay nagsimula ng Mag jogging.                 Pawisan ng nakadating kame sa palengke ni Kuya brenth. Hiningal pa nga ako ehh .. napansin ko naman na may Binili si kuya  Brenth sa may Sari-sari store. dalawang gatorade :-) .. nararamdaman ko nung nagjojoging kame parang tanga lang hehehe kase tanghali na eh. Kung umaga sana mas Enjoy pa.                 Pagbalik sa akin ni Kuya ehh binigay niya sa akin yung Isang gatorade na kulay pink. Sabay tumabi siya sa akin na naka-upo sa may Silya sa Gilid ng palengke. Di pa kame nakakapasok ng husto. “ Bunso .. ang totoo kase niyan ang Bisita ko mamaya ehh si Ganny pati yung isa kong kaibigan na bagong dating dito sa manila “, Sabi ni Kuya brenth. Di na ako nagulat sa sinabi niyang iyon .. Alam ko naman si Ganny ang isa sa mga Bisita. “ Ah Ganun ba .. “, Sabi ko naman.                 “ Ganito kase bunso Tinanong ko sila kung ano gusto nilang kainin mamaya .. Ang sabi nila ito daw ang Gusto nila “, Sabay Abot sa akin ng Maliit na papel. nagulat ako ng makita ko ang nakasulat .. O____()                 Ginataang Alimango sa KAPIN (Kamyas at Pinya) !!                 “ Eh ang problema bunso, di ako marunong magluto niyan .. Kaya ewan ko kung kaya ko ba. “, Sabi niya. “ Ahh EHh di kuya paluto mo kay manang .. “, Sabi ko naman. “ Wala si manang ehh nagpaalam siya Kina kuya na magDeday-Off na muna daw “, tang-ina talagang ganny na ito .. Ang Demanding ahhhh !!! Hmm tsaka bat naalala niya prin ang Lutong yun !!  Matagal na yun ehh. Tsaka may Lakad ako ngayon bawal akong mahuli .. Hmmm Magagalit nanaman yun si Chu.                 “ Ahh sige bunso , ako nalang dito bahala mamaya Try ko nalang Lutuin “, Sabi ni Kuya Brenth. Tinulungan ko na nga si Kuya Brenth maghanap ng Igredients .. Naka-kuha na kame ng Pinatuyong kamyas at Yung Pinaapple Chunks na nasa lata nalang yung Binili namin. Dinagdagan ko na rin ng Sili para medyo maanghang. Dalawang gata rin ang Pinabili ko .. Bumili na rin ako ng isang balot ng langka. Para kay Kuya Brenth hehehe .. Oo ako na po ang nagprisinta para magluto sa mga Buysit na Bisita niya .. ay yung Isa nga lang pala. “ Talaga bunso ??? !! “, tuwang-tuwa na sabi ni Kuya Brenth. Pero di ko pa sa kanya sinabi na sa akin galing ang Lutong .. Gustong ipaluto ni Ganny da Ganid ..                 Ngayon ang Huli naming bibilhin ehh Yung alimango. Pumunta na kame sa nagbebenta ng mga Crabs. Super lalake .. Heheheh. “ Kuya Ikaw naman ang pili at Bumili ohh “, sabi ko kay kuya. “ Sige”, siya na tinatanong na si manang na tindera. Ako naman biglang napatingin dun sa batang Alimango .. super liit niya rin. Bigla tuloy akong may Naalala . May baliw kase akong kilala na kinaka-usap ang mga pulinggit na alimango at pinapangalanan pang Krab Krab at Krib Krib hehehe. Adik yun ehh. Kinuha ko yung maliit na alimango at tinitigan ko..                 “ ikaw anong pangalan mo ? “, tanong ko Pero mahina lang yun.. baka kase maringig ako ni Kuya magpagkamalan na baliw na rin ako :-) .. “ Dahil di ka nagsasalita papangalanan kitang KrabKrib heheheh “, Ako sabay binalik ko siya sa may lalagyan ng alimango. “ oh bunso tara na ? “, aya ni Kuya. Umalis na nga kame sa palengke na halos mga Alas diyes na ng tanghali. Madami na yung binili namin. Para kasama narin daw sila kuya hehehe at matikman nila ang masarap na Ginataang Alimango sa KAPIN , Siyempre ako yung magluluto :)))) , kaya masarap talaga!!!                 “ Bunso marunong ka ba talagang magluto ?? “, tanong ulit ni Kuya. “ Oo wag ka mag-alala di kita ipapahiya .. Laking Probinsya to ehh basta bicolano .. Magaling magluto .. hehehe “, Pagmamayabang ko sa kanya. “ Hehehe bait talaga ng kapatid ko “, siya sabay Gusot sa Buhok ko. Agad na kameng umuwi upang maasikaso na yung lulutuin , nasabi ko na kasi kay Kuya na may lakad ako mamayang hapaon.                 Pagdating ay nagsaing na muna si Kuya Brenth. Habang ako naman ehh inaasikaso ko na yung pagluto nung Ulam. Napiga ko na yung gata na gagamitin , nakapaghiwa na ako ng mga rekados, nahiwa ko na rin yung sili. Pati yung alimango nalinis at nahati ko narin. Hinihintay ko nalang na maluto yung Sinaing.                 Saktong alas'onse ng main'in yung sinaing. Agad ko ng SInimulan ang pagluto. Tulad nung sa Camp ganun din ang Method ng pagluto ko. ANg naiba nga lang may SIli at langka na akong Dinagdag. Habang nagluluto ako ay nakatingin naman sa akin si  Kuya brenth na parang manghang mangha. Huli kong nilagay ang Langka at Tinakpan ko na at Papakuluan lang ng higit sampung minuto.                 Pinatikim ko na kay Kuya kung anong lasa ng Ulam .. Kumuha ako ng maliit na tasa at Kutsara. Dun ko nilagay yung sample. Nang matikman ni Kuya .. “ Wow !!! Ang sarap Bunso .. Galing mo naman “, Natawa nalang ako kay kuya. Agad naman ako napatingin sa Oras.. 12:30 na pala. Kaylangan ko ng Magmadali at mag-ayos aalis na ako.                 Pagdating ko sa taas ay Agad kong kinuha yung cellphone. At may isang text akong nabasa .. Mula kay Joross. Sa Skul mo nalang aKu Puntahan . Tmad akong pumunta diyan Andito na ko sa tapat Bilisan mo. Masakit Ulo ko.                 Agad ko naman siya nireplayan .. nag-aalala ako sa sinabi niyang masakit ang ulo niya, Kawawa naman si Chu ko.. Chu.. Masakit ulo mo? Wag nalang kaya natin 2loy? Pahinga ka nalang kaya muna.                 Agad naman siyang nagreply : Bilisan mo nalang. Kaya ko pa naman eh.. Dali na. Nagugutom na ako ehh La ako pera now. :’(                 Rineplayan ko ulit siya .. Sige Papunta na ko Jan W8 mo lang aku ha.. Love u -----                 Nagmadali akong naligo at Inayaos ang mga dadalhin ko. Ang pera ko ehh 4,500 lang. Pero uutangin niya yun. Hmmm pano yung Iba kong Budget. hala .. oo nga. San ako kukuha ?? Alangan naman Bawiin ko yung pangako ko. Tiyak magagalit yun.                 Naglakas ako ng loob at nakahandang magsinungaling. Kaylangan ko tohh.. Pumunta ako sa kwarto ni Kuya Vince. Buti nalang di pa siya nakaka-alis at nakabihis pa lang. “ oh bunso .. bakit ?? Hmm aalis ka rin ? “, sunod-sunod na tanong niya. “ Ahhh kuya kase may bibilihin po akong Project .. ahh hihingi po sana ako ng pambili. kung pwede lang po “, mahina kong sabi. “ Magkano ba kaylangan mo ? “, tanong aman ni Kuya. “ Mga 2k po kuya ehh kase mahal po yung mga gamit “, Habang nanalamin si kuya ay may Kinuha na siya sa kanyang Pitaka. “ Oh ayan Bunso 3k na yan .. allowance mo next week yang 1k .. “, nakangiting sabi sa akin ni kuya.                 “ Ahh salamat kuya “, ako sabay abot naman. Tapos kinuha na ni kuya ang bag niya at lumbas na kasabay ko sa kwarto niya. “ Ano sasabay ka ba sa akin ? “, tanong niya. “ Ah ok na po kuya .. ako nalang po heheh “, sabi ko naman. naiwan na nga ako at Umalis na si kuya.                 Bumalik agad ako sa kwarto at kinuha ko na yung bag ko. Bumaba na ako upang umalis ng Makita kong may maingay ng bahagya sa baba. Patay nandito na kaya sila ???? Pero kaylangan .. wag magpa-apekto dennis. Chill lang at pag nakita mo siya. Isipin mo .. Friend lang. Yung tipong “ Ok lang “ .. bahala na.                 Bumaba na ako sa hagdan .. hanggang sa may nakita na nga akong tao sa sala .. isang lalaki ang katabi ni Kuya Brenth. Nakita naman agad ako nila … Tumayo si kuya brenth at lumapit sa akin.. " aalis ka na bunso ? “, tanong ni Kuya Brenth. “ Ahh oo kuya “, sagot ko naman. “ Ahh Bunso .. theo nga pala , kaibigan ko.. namin ni ganny “, Napatingin ako dun sa lalaking . Di ko mawari kung indigo o Violet ba yung Kulay ng Buhok .. Basta hindi siya itim. Hindi medyo pansin kung malayuan ang Kulay pero pag malapit ka ay Kitang kita mo .. Nakita ko rin yung kilay niyang may tabas yung parang Style .. na Guhit Hehehehe.. Pero sa kanang kilay niya lang. Pero nice din, kamukha niya si .. Lucho Ayala.                 Ay Oo nga pala kaylangan ko ng Umalis. Tulala nanaman ako .. “ Ahh bunso , salamat nga pala .. eto oh kunin mo ibaon mo nalang sukli yan nung pinamili ko “, Sabay abot sa akin ng 500 ni Kuya Brenth. Wow .. Anyare sa mga kuya ko at binibigyan nila ako ngayon ng pera. Siguro ramdam nilang kaylangan ko hehehe .. “ Ah sige kuya una na po ako ahh “, ako sabay nagmamadaling Lumabassa pinto ng may Nakasalubong ako.                 Walang iba kundi si ganny. Nakaharang siya sa Pinto at parang busy sa kakatext .. Eh sa nagmamadali ako kaya naki-usap na ako sa kanya. “ Escuse me .. padaan po , “, magalang na sabi ko. Tapos Umusog siya ng Konti. “ ANu ba ? Makakadaan ba ako sa kipot na yan ?”, tanong ko sa kanya. “ Ayaw mo nun .. maiipit ka sa piling ko ? “, Pakshet bumabanat nanaman ang walanjo .. Papansin talaga epal!!!.                 “ Excuse me po .. kaylangan ko talagang umalis. Padaan pwede ? “, mahinahon kong tanong ulit. “ Ayaw mong Dumaan sa puso ko ? bakit diyan pa sa Pinto ? “, Nakaka-asar !! Naiinis na ako sa mga banat niya. “ Isusumbong kita kay Kuya brenth .. Diba galit ka sa akin ?? kaya wag mo nga ako pansinin”, sabi ko sa kanya. “ Brenth Ohh .. aalis nanaman tong kapatid mo. Mukhang mahilig na toh sa galaan ahh ..  “, nagulat ako ng Bigla niya iyong sinabi kay Kuya. “ ANo Usog nga ! “, tapos Natulak ko siya ng Konti. kainis !!!                 “ Heheheh pabayaan mo na yan Pre .. pasalamat ka nga nga Pinagluto ka niyan ng Paborito mong pagkain ehh “, Huh ???? Paboritong pagkain ??? kaylan pa niya naging paborito ang Ginataang alimango na yun. Papansin lang.. “ Saan naman yan pre pupunta .. wala namang pasok ahh “, Di ako maka-alis sa mga nariringig ko. Siya naman papunta na sa pwesto nila kuya. “ Wag mo na nga biruin yan si bunso Ganny .. baka malate na yan sa date niya ehh “, Sabi naman ni kuya Brenth.                 Tang-ina !! Halos makagat ko na ang daliri ko dahil sa sobrang hiya na parang naiilang na nararamdaman ko. Kahit naman kasi papaano .. naging ispesyal na rin naman sa akin si ganny. Pero ngayon dahil sa muhi at galit .. Nawala na ang masayang turingan na yun. Kung sa isang papel nilamon na ito ng apoy at tanging abo nalang  ang natira na nilipad naman ng hangin sa malayong Ibayo ng Mundo *^___^* .. Drama ko noh .. maka-alis na nga.                 Pagkalabas ko ay nakita ko yung Isang sasakyan sa Labas at napansin kong may tao sa Loob. Hmm parang si kuya Joel yun ahh. Ahh siguro kay Ganny tong sasakyan at sinama nanaman niya si Kuya Joel. Sosyal tong Ho-Oh na tohh .. di service !! Nagsimula na nga akong maglakad buti nalang medyo ma-ulap. Naglakad ako hanggang sa may gate, pagkatapos ay nagmadali na akong sumakay ng Jeep papuntang SkuL.                 Malayo pa yung Jeep pero tanaw ko na si Joross sa may Waiting shed na naka-upo. Naka kulay Black siyang suot at nakapantalon. AT parang ewan yung Itsura niya. Parang so haggard .. Hmmmm ano kaya nangyari dun. Pagkahinto mismo ng Jeep ay nagmadali akong Bumaba upang puntahan siya. Paglapit ko ay nakita ko siyang Nakapikit at parang natutulog. Ang gulo rin ng Buhok niya. Sabi niya kanina ehh masama daw pakiramdam niya. Nang dinikit ko ang kamay ko sa noo niya ay medyo mainit nga siya. Pero hindi naman ganun kainit .. parang sinat lang. Ng bigla siyang nagising ..                 Bahagya niyang tinanngal yung kamay ko ., Yung pahawi ng Konti. Medyo tuloy parang nahiya ako sa ginawang niyang iyon. “ Andito ka na pala .. Tagal mo ahh kanina pa ko naghihintay “, parang seryosong sabi niya. “ AHh kase … may ginawa ako sa bahay eh “, rason ko. “ Hmm dame pa sinasabi , baka may iba ka lang inaatupag ehh “, sabi niya. “ Huh ?? Wala ahh sorry na ohh wag ka na magalit .. Tara na punta na tayong mall “, Aya ko sa kanya. Tumayo siya ng nakasimangot ang mukha. Tumayo nalang ako at sumunod nalang sa kanya.                 “ AH sige Chu, hintay nalang ako ng Jeep na di masyadong puno para masakyan natin .. Upo ka na muna dun “, ako sabay hawak ko sa kamay niya. “ Huh ??? Jeep ?? .. di mo ba nakikita na masama pakiramdam ko tapos Jeep ?? Dennis naman Ohh “, Naringig kong sabi niya , sabay pag-iinarte ng mukha niya , na parang naiinis. “ Ahh saan mo ba gusto sumakay chu .. Sorry di ko agad naisip na masama nga pala pakiramdam mo ??  “, paghinge ko ng paumanhin.                 “ Subukan mong dalahin dito yung eroplano dennis.. ano kaya mo ba ?? Dennis naman oh diba matalino ka .. gamitin mo naman yang Utak mo .. Plzz.. Masama na nga pakiramdam ko dinadagdagan mo pa “, parang galit na sabi niya. Ulit bigla naman akong natahimik at nagtaka sa kinilos niya. Bakit ganun ??? Parang galit siya sa akin dahiL ba dun sa kahapon ?? Tapos dennis lang din tawag niya sa akin nakakapanibago. Mula sa malayo ay nakakita ako ng taxi .. Naisip kong magtxi kame kahit medyo may kamahalan. For the sake na matuwa nalang si Chu at maging Komportable siya.                 Agad kong Pinara yung Taxi … Tumigil naman ito at tinanong kung saan daw kame. Sabi ko ay sa MOA ..   Pumayag naman yung Driver at ayun niyaya ko na siya na sumakay. Pina-una ko siya na mabilis naman Pumasok. At huli ako na tumabi sa kanya sa may Likuran. Tahimik lang kame sa buong biyahe hanggang sa makarating kame sa mall.                 “ Magkano po ? “, tanong ko sa driver. “ 400 lang “, sabi nito na labis ko naman kinagulat. Hala ??? Kalaki naman. Pero di ko na nagawang makapagreklamo ng makita ko si Joross na parang yamot na naghihintay sa akin. Di ko rin kase ugaling magreklamo sa mga driver. Bata pa kase ako.. kaya wala akong nagawa kundi ibayad yung 500 na agad naman sinuklian ng 100 ng Driver. “ Sorry na .. “, sabi ko ng Lumapit ako kay Joross. “ Kaw naman kase ehh lam mo naman na masakit ulo ko, tapos ganun pa asal mo. Kalimutan mo nalang yun .. Sorry din “, Siya sabay  inakbayan ako.                 “ San mo gustong kumain ? “, tanong ko sa kanya. “ Hmmm ikaw san mo ba gusto ? “, sabi niya naman. “ Ikaw na kase pili Plssss .. kung anong gusto mo, yun na din gusto ko :) “, sabi ko sa kanya. “ Sige na nga parang gusto kong MagChowking na muna .. Ano gusto mo ba ? “, tanong niya. “ Oo naman !! “, sabi ko. Pumunta na kame sa Chowkuing at Umorder ng mga gusto naming pagkain. Pagkatapos naming kumain ay Agad ko na siyang Niyaya na bumili na ng Ticket para sa sine. Napili naming panuorin yung Godzilla hehehehe. Pero mamayang 4:00 pm pa yun , saktong 3:00 pm palang naman kaya ang ginawa na muna namin ay namili ng mga kakainin sa Loob ng sinehan.                 Pumunta kame sa Hypermarket at naghanap ng makaka-in. dalawang Pic-A .. cheese at Barbeque Flavor. Siya naman ay Kumuha ng limang yakult parang gusto niya daw uminom nun. Isang malaking Pocari Sweat naman yung Drinks na binili namin. “ ok na ba toh ? “, tanong ko sa kanya. “ Parang gusto ko pa baby ng Yum at frenchFries .. “, palambing na sabi niya. “ Sige bibili tayo “, sabi ko.Agad nga ay pumunta kame sa Jolibee at bumili na ng Yum at French Fries.                 Time Check .. 3:20 na , 40 minutes nalang, Niyaya ko na siyang Pumunta sa sinehan, Pero sabi niya ehh tumambay muna kame sa may Tapat ng Blue Magic sa may Itaas kung saan tanaw yung mga nag-iice skating. Naka-upo kame nun sa pinakasulok ng may napansin ako sa bandang leeg niya. Bigla tuloy akong kinabahan .. Ano yun ??? Parang Kissmark .. Dalawang marka yun na kulay Pula at lahat nasa may kanaang parte ng leeg niya. Nainis ako sa ideyang Bakit siya may ganyan.                 “ May tanong ako ??”, seryoso kong sabi. “ Ano yun ?? “, habang nagpapak siya ng Fires na binili namin. “ bat parang puyat ka ? “, tanong ko sa kanya. “ Hindi ako puyat babe .. ano lang masama lang talaga pakiramdam ko kaya ganito itsura ko .. Bakit panget na ba ako .. Babysaur ??”, natatawa pang sabe niya. “ EH ano yang nasa leeg mo ?? “, Galit kong sabi. “ Alin ??? “, nagtataka niyang tanong . “ Ayan Oh !! “, sabay dikit ko ng daliri ko sa may Bandang kissmark. “ bakit galit ka ?? “, Sabi niya pa.                 “ Bakit may Kissmark ka huh ??!! “, Walang tao masyado sa bandang yun kaya ganun nalang ang galit na nailabas ko. “ Kissmark ??? Ano ka ba kagat lang ng lamok yan .. masyado kaseng malamok kagabi dun sa kwarto “, Pagrarason niya. “ Wag mo naman akong gawing tanga joross .. chikinini yan ehh “, sabi ko naman. “ Ano ba ha !! ANo bang gusto mong ipunto ??! huh ?? na niloloko kita ?? na may humalik dito sa leeg ko ha ?? !! Umayos ka nga dennis. Gumagawa ka nanaman ng Pag-aawayan ehh .. Nakaka-inis ka na huh !! Nakakwala sa Mood !! “, siya sabay bigay sakin nung mga Pagkain.                 “ Akin na nga yung hinihiram kong Pera “, sabi niya na pagalit sabay tayo  .. Di naman na ako nakakapagsalita. Kinuha ko naman sa bag yung 4,500 na hinihiram niya. Nilapag ko yun sa may sahig at Tumingin ako sa malayo. Nagpipigil ako ng iiiyak .. Naramdaman kong Pinulot niya yun at nakatayo siya. “ Masama pakiramdam ko .. mauuna na ako pauwe “, naringig kong sabi niya. “ Di umuwe ka na “, mahina at naiinis kong sabi. “ Ano sama ka na ba ?? “, tanong niya. Di ako umimik bagkus ay tumingin nalang ako sa malayo.                 “ Gehh mauna na ako, di kita pipilitin .. Enjoy watching nalang “, Tapos umalis na siyaa. Dun na nagsimula tumulo ang luha sa aking mga mata. Bakit ganun siya ??? Parang wala lang sa kanya tong date namin ngayon ?? T_____T .. Nakaka-inis siya. Tsaka bakit kasi siya may ganun ???? Napatingin nalang ako sa mga chichirya sa tabi ko at sa mga batang masayang naglalaro sa yelo .. Mga minuto ata ng mapansin kong nakatulala ko habang may mga unti-unti pang luha sa aking mga mata.                 “ Huy tara na magsisimula na yung Godzilla !! “, malakas na bulyaw nung babae sa mga kasamahan niya. Bigla ko tuloy naalala yung Ticket. Paano na yun wala na yung kasama kong manunuod. Inalisan na ako. Nag-away nanaman kame.. Away nanaman ulit !! :’(( .. tumayo ako at kinuha ko yung Ticket. Sayang naman kung di ko tohh gagamitin , atleast magamit ko tong isa. tsaka pati tong mga pagkain sayang.                 Naglakad ako mag-isa papuntang Cinema 6 kung saan, dun naka-assign akong manunuod. Nasa tapat na ako ng cinema ng malungkot ang mukha. Ng bigla akong makaramdam na may kumakablit sa aking likuran. Pagkatalikod ako ng makita ko siya. nakangiti siya sa akin .. “ Anong Ginagawa mo dito Dennis ?? “, tanong niya sa akin. {{ END of DENNIS P.O.V }} ************************** {{GANNY's P.O.V }}                 Alas tres na ng hapon , Pero wala pa rin yung bunsong kapatid ni Brenth. Saan kaya nagpunta yung Alimangong yun. Panigurado kasama nanaman niya yung Mukhang Perang Pinagpalit niya sa akin. Kawawa naman siya hindi niya alam na niloloko lang siya .. Hahahahhahaha kakatawa. Pero masarap parin ang luto niya. Hindi ako nagkakamali sa pagrequest kay Brenth. Pero nasaan kaya siya .. Sarap niyang kulitin eh. Galit man ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa Pinsan ko .. Unti-unti ko nayun kinakalimutan .. Nagiging ayos na rin naman kase ang karamdaman ni Janine. Hinihintay nalang na magising siya at dun malalaman ko kung totoo nga ang sinasabi ni Krib .. at kung malaman kong ako ang mali. Di ko mapapatawad ang sarili ko.                 Nasa sarap ng pag-uusap nun si Brenth at si Theo na bagong Luwas ulit dito sa Maynila ng Biglang nagring yung cellphone ko. Zhabby Calling . . .                 Anu nanaman kaya pakay nitong zhabby nato. Baka papagalitan nanaman ako na walang paalam na paggamit nung sasakyan. Eh kasama ko naman si kuya Joel ehh. Asungot talaga. “ Mga pre .. saglit lang ahh tumatawag si Utol “, Paalam ko sa kanila na di naman nila napansin sa sobrang kwentuhan at tawanan.. Di nga ako sinasama ng dalawa sa mga Pinag-uusapan nila ehh ..                 Lumabas ako sa kwarto ni Brenth at sinagot yung tawag .. +Oh Zhabby ano nanaman ba ? >Zhabby ka diyan umayos ka diyan Jhonny galangin mo ako .. Kuya mo parin ako +Oh sige na ano bang maipaglilingkod ko sayo aking mahal na kuya ? >May masama akong balita kaylangan mo umuwi agad dito sa bahay +Masamang balita kuya ? Tungkol saan ? >TUngkol kay Janine. Kaya umuwi kana upang malaman mo .. toot .. toot .. toot .. toot  ..                 Kaninis !! biglang pinatay ni kuya Yung Phone !! Letche wala pa naman akong Load na pangtawag. Ano kaya masamang nangyari kay janine ??? Kaylanga kong pumunta agad sa bahay .. kainis !! Agad akong bumalik at nagpaalam kay Brenth at Theo. NAunawaan naman ng dalawa ang paalam ko. Si theo naman sabi niya .. makikitulog nalang daw muna siya dito sa bahay nila brenth.                                 “ Geh mga pre una na ako .. Importante lang talaga “, Paalam ko sa kanila sabay takbo na ng mabilis palabas. Sinundan pala ako ni Brenth ng makita kong nasa may Likuran ko siya. “ Ganny sana maging ok kung ano man yang Emergency na tinutukoy mo “, Nginitian ko siya at lumabas na ako sa gate. Pumunta agad ako sa sasakyan na binuksan naman ni Kuya Joel. “ sa bahay tayo kuya Joel .. pakibilisan nalang “, utos ko dito.                 Lubos akong nag-aalala dahil sa ako ang may kasalanan kung bakit nangyari yun sa kanya. Alam kong may kasalanan si Dennis pero, hindi ko pa yun sinabi sa pamilya ni janine. Dahil natatakot ako dahiL .. May muhi man akong nararamdaman , pero mahal ko parin talaga si krib. :’(                 Nang makarating sa bahay ay agad kong hinanap si Kuya .. na nasa kwarto niya naman. Naka-upo ito sa sofa niya na .. Puno pa ng ngiti. “ Oh nandito na pala ang mabuti kong kapatid .. ano kumusta bilis ahh “, sabi nito sa akin. “ Hoy ano na yung masamang balita !! “, sigaw ko dito. “ Bago yun may itatanong muna ako sayo “, sabi niya. “ ANo yun !!! “, sigaw ko. Si Kuya : matagal na ba kayong magkakilala nung Dennis R. Hernandez ? ( Nagulat ako ng bigla niya iyong natanong sa akin .. anong alam nito kay Dennis at bakit si Dennis ang nasa usapan namin ? ) Ako : bat mo ba yan tinatanong ahh !! ( Ako na naiinis na sa kanya ) Si Kuya : Sagutin muna kase .. Ako : Hindi ko yun kilala bakit ba huh ??? Si Kuya : Ehh anong Ibig sabihin nito … Ako : AHhh ehhh bakit meron ka niyan !! San mo yan nakuha ??? !!! ( Nilapag niya yung Limang larawan na kasama ko si Dennis .. larawan na kinunan sa Photo Booth sa may Camping nuon, na may kapwa kameng Sumbrero ni Dennis na alimango ) Si Kuya : Pinadala na kase nung Photographer kahapon sa skuL itong mga Picture .. Ehh hinanap ko yung Picture mo kaya nakita ko tohh .. Ako : Oo na magkakilala na kame. partner kame nung Camping Oh ano masaya ka na ??? ( Inis man kay kuya pero parang natutuwa akong makita yung larawan. Nakakamiss na si Krib !!! ) Si Kuya : Eh bakit may naganap pang Awayan sa pagitan niyo ??? Nung naguidance kayo .. Naalala mo nung marami kang kasalanan na nagawa ? Ako : Kuya .. Pwede bang next time ko na yan ikwento ??!! ANg nais ko sanang malaman Anong balita kay Janine ?? .. Si Kuya : Basta bago ako umalis kaylangan mong sabihin ang totoo .. next month na balik ko sa State kaya kaylanagn malaman ko na kung ano mang Problema meron ang kapatid kong sutil.. Ako : Oo na .. Si Kuya : Punta ka dun sa Guest Room para malaman mo ang balita tungkol kay Janine .. Ako : Yung masamang balita ??? Sa Guest Room ?? ----                 Di na ako nagpatumpik-tumpik pa, Agad akong Pumunta sa Guest Room at Binuksan ito isa-isa . Hanggang sa dulong kwarto nalang ang natitira. Isa .. dalawa .. tatlo .. Pagkabukas ko ay agad bmungad sa akin si Tito Manuel at si Tita Jelly .. kasama si janine na nakasakay sa Wheel Chair. Lubos ang tuwa kong makita ko ang Pinsan kong nakangiti sa akin .. “ Hai Jhonny Boy “, tawag niya sa akin.                 “ Janine !! ", ako na napayakap naman sa kanya. “ Oh siya mag-usap na muna kayong magpinsan at lalabas na muna kame ng Papa mo Janine “, paalam ni Tita Jelly. Ngumiti nalang ako.. di kase ako sanay na maging malambing na Pamangkin eh heheh. pagkasara ng Pinto .. ay Agad kong Kina-usap si janine.                 “ Mabuti naman ayos ka na “, sabi ko. " Eh masamang damo tayo ehh “, Sabay tawa kameng dalawa. “ Gago ka talaga Janine ! Kaya ang may gawa siguro sayo niyan Sobrang naiinis at may galit sayo “, Gusto ko nang malaman kung ano ba talaga ang nangyari kaya ganun ang sinabi ko. “ Hahaha hehe Oo galit ata sa akin yun ehh “, Bigla akong nagulat  at Kinabahan sa Sinabi niyang iyon. Sinong galit sa kanya… Hindi kaya si Dennis na ito ??                 “ Sinong galit sayo ??? Siya bang may gawa sayo niyan ??? “, tanong ko. “ Oo ganun na ata galit nung Bato sa akin ehh Dumulas ba naman nung tinapakan ko kaya ayun Bagok !! hahaha kaya Insan walang oras na sinasanto ang Aksidente .. Buti nalang naawa pa sa akin si Lord at Binigyan ako ng bagong Pagkakataon para mabuhay “, Biglang Lumakas ang t***k ng Puso ko.                 “ Aksidente ??? “, Ulit ko sa kanya. “ Oo .. aksidente naman talaga yung nangyari ahh .. Nag-away kase kame ng Boyfriend ko nun ehh walang signal kaya tumaas ako ng Konti dun sa munting dalihis nung Parang bundok at nung bababa na ako nun basta tumapak ako dun sa bato Then dumulas ako tapos pagkabagsak ko sa Daan ay, ayun nabagok pa ulit ako sa isang Malaking bato at …. Ang naalala ko nun may isang taong Nasa harap ko parang gusto niya akong tulungan .. hanggang sa Nawalan na ako ng malay “, Bigla akong napatayo .. at napangiti na parang gusto kong suntukin yung Pader.                 “ Oh bakit insan ??? natahimik ka ata ?? “, Puna niya sa akin. “ janine .. may isa akong taong nasaktan at Pinagbintangan dahil sa akala kong may kinalaman siya sa pagkakaaksidente mo “, Malungkot at nagsisising sabi ko. “ Wag mong sabihin ??? na yung gustong tumulong sa akin ang napagbintangan mo ??? “, tanong niya na parang gulat.                 “ Oo at Pinagsisisihan ko na ang Lahat .. Gusto kong gawin ang lahat makabawi lang sa taong yun “, sabi ko sa kanya. “ Sino ba siya insan ?? “ ..                 “ Wag mo na siyang kilalanin insan basta ang masasabi ko .. Sya ang isa sa pinakamahalaga sa Buhay ko at Pinakamamahal ng Puso kong ito “ . . . . Sorry Krib , Hindi ko sinasadyang sisihin ka. Sana Hindi pa huli ang lahat .. Ako naman ngayon ang gagawa ng Effort Bumalik kalang sakin.. Humanda kang alimango ka.. Sisipitin ko na rin ulit ang Puso mo ! <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD