CHAPTER 20

8168 Words
#DENNIS (0____0!!) Nakakatakot siya .. Para siyang halimaw na kayang pumatay ng maraming tao. Naupo siya sa upuan , tapat sa akin Kasabay ang pagsulyap na tila nakadroga. “ Nagkakaintindihan ba tayo ? “ “ Opo sir .. “, sagot ko na takot na takot :’( Pagkatapos nun biglang may umalingawngaw na katok mula sa pinto. Tumayo si sir .. at pinandilitan niya ako. Pagkabukas niya bumungad yung dalawang nurse. “ Ahhh Sir. Renales , kanina pa daw naka-alis si Mr. Gonzales sabi nung security guard “, sabi ni ate nurse. “ Actually kanina pa talaga yun inutos sa akin ni Sir , late ko lang talaga  nasabi sa inyo .. dahil natagalan ako sa meeting kanina “, sagot naman ni Sir. Renales na halatang nagsisisnungaling. “ AH paano pu yun , baka magalit siya sa amin .. “, tanong naman ni kuya nurse. “ Don’t Worry ako na bahala magpaliwanag kay Sir “, sabi naman ni Sir. “ Salamat po sir “, sagot ng dalawang nurse. “ Pero Grace at Raymond .. ang pinag-aalala ko lang kung sino maghahatid kay dennis sa bahay nila, dahil for sure nag-aalala na magulang niya “ .. si Sir renales sabay tingin sa akin na puno ng pagkukunwari. “ Dennis san ka ba nakatira ? “, tanong ni kuya Nurse sabay lapit sa akin .. “ Ah sa may UPS 2 po .. “, sagot ko .. “ Ah eh di sumabay ka na sa amin ng ate grace mo .. tutal biyaheng alabang naman kami pauwi .. madadaanan natin yung subdivision kung san ka nakatira “ .. nakangiting sabi sa akin ni kuya nurse. “ Sige grace .. raymond kayo na bahala dito kay Dennis ah , wag niyong pababayaan kundi mananagot kayo sa akin ..”, SI sir sabay yakap sa akin .. at biglang bumulong ito ng mahina. “ Tandaan mo yung pinag-usapan natin, wag na wag kang magkakamaling kalabanin ako “ .. sabay bitaw na ito na ang mukha ay parang nag-aalala. “ AH don’t worry sir .. kami na po bahala sa kanya “, sabi naman ni ate grace kay Sir. renales. Pagkatapos nun, umalis na si Sir. Renales .. Sila ate grace at kuya raymond naman ay nag-aayos na para sa pag-alis na rin nila. “ Kainis ka mond iniwan mo tong cellphone na naka-upen yung … hmmmmp kainis ka talaga ! “, naringig kong naiinis na wika ni ate grace kay kuya raymond .. “ Ay sorry grace , nakalimutan ko palang isave .. Paki-save nalang ohh .. taz pasa mo nalang sa akin .. Sorry talaga “ .. paghingi ng tawad ni kuya raymond kay ate grace. “ Oo na ! “, sigaw naman ni ate grace .. “ Uy galit na siya .. kiss kita diyan eh “, si kuya raymond na may halong paglalambing ang pagsasalita. “ Yuck kadiri ka talaga mond ! mahiya ka nga may bata dito eh “, si ate grace sabay tingin sa akin. “ Diba dennis bagay naman kami ni ate grace mo ? “, tanong naman sa akin ni kuya raymond. Natawa naman tuloy ako sa tanong nayun. “ Oo naman “, sagot ko. Ayun sa sagot kong iyon lalong nagtuksuhan si ate grace at kuya raymond na talaga bagay naman sa isat isa .< , Pagtalikod ko agad ko naman nakita yung tatlong Pamilyar na mukha  .. Sina : Xavier , Ricky at Joe ! Ano nanaman kaya trip nitong tatlo .. Kung natatandaan ko lang ka-away ko din sila nuon eh hahahaha at napa-amo sila ni Ganny Hehehehe at sila rin ang dahilan kung bakit ko nakilala si Joross. “ Oh bakit ? “, tanong ko sa kanila. “ Wala lang .. namiss ka lang namin “, sabi ni Xavier. “ ganun “, sabi ko naman. Sumabay na sila sa paglalakad sa akin. Tapos bigla nalang may nagsalita mula sa gilid namin .. “ Girl amoy banyo dito ! “, sabi ng baklang si mark . “ Tama ka girL.. amoy kulob na banyo “, sabi naman ng isa niyang kasamang bakla. “ hay naku tara na nga ! at baka mahawa tayo sa malnding nandito “, sabi ulit ni Mark .. “ Tama ka diyan GirL ka-aga’aga pinasisingaw agad ang pagka Landi .. “, sabi ng isang bakla. Sabay mabilis na lumakad ang mga ito. “ Dennis ikaw ba inaaway ng mga yun ? “, tanong ni Xavier sa akin. “ Pabayaan niyo na yun .. kulang lang yun sa atensyon .. in Short papansin “, sabi ko naman. “ Ah sige … basta dennis sabihin mo lang kung inaaway ka ng mga yun .. dahil Kami na bahala rumesbak .. tama ba boys ! “, sigaw niya kay Joe at Ricky .. “ Yes boss ! “, sagot naman nung dalawa. “ Salamat .. pero wag na kayo mag-abala kaya ko na yun “, pagmamaybang ko. “ Wow .. astig ka talaga nutellove ! “, si Ricky .. “ Please wag niyo na ako tawaging nutellove nakakahiya na eh “, sabi ko naman. “ Bakit niyo ba kasi tinatawag na nutellove si dennis ! tigilan niyo na pagtawag ng ganyan ah “, sabi naman ni Xavier. “ Yes boss .. sorry dennis “, sabi sa akin ni Ricky. “ AH sige .. una na ako dito na ako sa Building tsaka baka malate ako sa klase ko “, paalam ko sa kanila. “ Sige Dhenz .. bye ingat “, paalam ni Xavier. Agad akong pumasok sa Room , Pero bakit ganun nakapaikot yung mga upuan. Walong bilog ang nakita ko, meron itong 5 upuan kada bilog. Nakita ko naman si Si Threz naka-upo siya sa isang bilog .. at tumabi nga ako sa kanya. “ Pwedeng maki-upo ? “, tanong ko  . “ Oo naman kagrupo ka namin eh “, sagot niya .. “ Kagrupo ? “ ========== Pinaliwanag nga sa akin ni Threz kung anong meron ngayon at kung bakit may paikot na upuan. Sabi daw kasi ni Mr. Ramos ngayong Whole 1st grading Music lang daw ang MAPEH namin. AT Art naman sa 2nd .. Physical Education sa 3rd Grading at Health naman sa 4th Grading. Tapos ang pinag-aralan daw nila last meeting ay tungkol sa History ng Music at kahalagahan nito sa bawat pilipino. At ngayon daw may gagawin daw na Fun Activity .. para daw makita ni Sir kung sino ang marunong magpahalaga ng Music sa ibat ibang .. Taon. At ang activity nga daw namin ngayon ay “ The Singing Bee “ .  Pamilyar ako sa larong yun .. at tiyak nakaka-enjoy ito at for sure panalo na kami dahil magaling sa Lyrics itong si Threz .. Singer ba naman eh .. Kagrupo daw namin Si Naruto , Louie at Billy. Kanya-kanyang gawa lang daw kasi ng group basta binubuo ng limang member. “ Bakit parang kokonti palang tao dito ? “, tanong ko kay Threz .. “ Kasi nga amoy banyo ! Ewwwwwwwwwwwwwwwwwwww !! “, sabad naman ni Mark. Hindi na ako nakatiis pa .. at hinarap ko na siya. “ ANo bang pinagsasabi niyang mabaho mong bunganga huh !!! “, sigaw ko sa kanya. “ Aba lumalaban ka ah !! “, sagot niya .. “ SUmosobra ka na eh ! kanina ka pa “, sagot ko. “ Kasi talunan ka ! loser ! Loser Loooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooser ! “ .. sigaw sigaw niya sa akin .. sabay lapit-lapit ng mukha niyang panget. “ Ikaw ang Looooooooooser ! UloL “, ako sabay tulak ko sa kanya .. “ Oh my Gad ! Mother of Frog .. demonyo  ka!! amoy ! C.R  ! “, tatayo sana siya, pero inunahan ko siya binato ko sa kanya yung Bag niya nakalagay sa upuan niya. “ Arayyyyyyyyyyyyyyyyyyy ! putcha ka Dennis ! “, sigaw niya. “ Ano sinong talunan sa atin ? huh ? “, sabi ko sa kanya …. Kumuha ako ng Isang upuan at binuhat ko yun .. at pinaghahampas ko yun kay Mark .. Hanggang sa nabasag na ang buo niyang mukha at duguan ang buong katawan. | | | Pero hanggang imahinasyon lang ang lahat. Yun ang gusto kong gawin kay Mark sa mga oras na iyon .. PATAYIN siya ,Pero di ko talaga kaya , naduduwag ako. T___T “ Huy tulala lang ? “ .. nagising ako sa pag-iisip ko ng nagsalita na si Threz at di ko nga namalayan nadun na rin si Billy naka-upo. “ Ah may iniisip lang ako “, sagot ko naman.  “ Wala pa rin si Ma’m ? “, tanong ko. “ Nasa faculty na raw .. basta sabi niya Magprepare na daw “, sabi ni Billy .. “ Ah ganun ba .. “, sagot ko. Di naglaon dumating na yung iba naming classmate pati rin Si Louie dumating narin at na-upo narin sa tabi namin. “ Asan kaya Si naruto ? “ --- sa isip isip ko. Pero nagulat nalang ako ng makita ko siya may dalang Projector at isang Speaker, nilapag niya yun sa lamesa at pumunta na rin sa amin. Napansin ko naman parang may Eye bag si Naruto .. “ Puyat ? “, tanong ko sa kanya ..  TUmango siya sabay sabing : “ Antok pa nga eh  .. “ Z____zzzzz Magtatanong pa sana ako , pero bigla namang dumating Si Sir Ramos. , may dala itong Laptop. “ Good morning Sir .. “, bati namin. “ Good morning din class “, sabi niya sa amin. tapos abala siyang Sinet yung Projector , Speaker at laptop. Pagkatapos maset, nagsalita na ito .. “ Okay .. can we start ? our game ? “, tanong niya. “ Yes Sir !!! “, sigaw namin .. “ Sige .. ang mananalong grupo ngayon ay bibigyan ko ng 5 packs ng Hany : Milk Chocolate Bar “, nakangiting sabi ni Sir. “ Wow ! … “, sa isip-isip ko. Kumpleto na ba lahat ng Group .. “ Yes ! sir “, sabi ng lahat .. “ Okay unang round na tayo .. – The To BEE Continue Round –    .. taas niyo lang kamay niyo kung alam niyo sagot!  first 5 na group na makasagot ng tama .. sila pasok sa next round at yung tatlong Group Goodbye na … “, paliwanag ni Sir .. “ Sige start na tayo .. First song : 1996 – BoyzonE – “Words” “ Tapos biglang tumaas ng kamay Sina Mark .. “ Okay Group 3 .. are you ready ? “, tanong ni Sir .. “ Always’s ready “, pagmamayabang ng hayop na bakla .. Tapos bigla ng Plinay ni Sir .. yung song Clip na icocontinue sa kanyang Laptop w/ The speaker … ♩♪♫♬ smile an ever lasting smile a smile can bring you near to me don’t ever let me find you gone ’cause that would bring a tear to me this world has _________ “ Lossing it’s Glory ! “, pag awit ni mark . “ Yes ! “, Biglang tuwa ng sarili ko, dahil alam kong mali ang sagot niya. Sir. Ramos : Mali ! Mark : Oh my gad ! bakit Sir ? Bigla akong tumaas ng kamay .. Agad-Agad ! :-) .. “ Alam mo dennis ?”, tanong ni Threz .. Sinagot ko nalang siya ng Ngiti at tango. Tumayo na ako at handa ng sumagot .. “ Okay Group 7 .. same song ! “ ♩♪♫♬ smile an ever lasting smile a smile can bring you near to me don’t ever let me find you gone ’cause that would bring a tear to me this world has _________ “ Lost its Glory “ … sagot ko “ Okay Group 7 pasok na kayo ! “, talunan kaming lima at tuwang tuwa sa pagkatama namin. “ Ewwwwwwwwwwwwwwwww ! girlz don’t worry pinagbigyan ko lang yung amoy banyo .. kasi kawawa naman “, si mark sabay tawa. At .. yun nga nagcontinue yung laro hanggang ang mga nakasagot pang ibang grupo at pasok sa next round ay ang Group : 2013 – Ylvis – “What the fox say “ : Group 2 2007 – Sam Concepcion – “ Even If “ : Group 8 1983 –  Air Supply - “ Making Love Out of Nothing at All “ : Group 5 At ang mga kulelat :-P Na nakipag-away pa bago makasagot ay grupo nung Bitter na bakla Hehehehe 2003 – Viva Hot Babes – “Bulaklak “ : Group 3 ======= “ Okay Paalam na muna sa tatlong grupo Group 1, 4, 6 .. paki alis na muna ng chair niyo at palagay sa gilid ..”, utos ni Sir sa mga talong Grupo. Mas lalong Lumawak Yung space dahil sa tatlong Bilog ng Upuan ang nawala. “ Okay makinig Group 7,2,8, 5 at 3 ang next round ay – The Jumble BEE Round - ..naka-arangge na toh at di niyo na kaylangan mag taas ng kamay dahil Point System ito .. nakahumble ang words na makikita niyo mamaya na nakaproject at sa mga word na yun manggaling ang sagot sa dudugtungan niyong Lyrics .. naintindihan ? “, tanong ni Sir .. “ Yes Sir ! “, sagot ng limang grupo. “ Magsisimula tayo sa last Group ..  na nakapasok ! ang Group 3  .. ito ang song niyo : 1981 – Nonoy Zuñiga – “ Doon lang “ ♩♪♫♬ Kung natapos ko ang aking pag-aaral Disin sana’y mayroon na akong dangal Na ihaharap sa 'yo at ipagyayabang Sa panaginip lang ako may ipagdiriwang Yaman at katanyagan sa akin ay wala Kakisigan ko ay bunga ng isang sumpa Ang aking inay ang tangi kong tagahanga Sa panaginip lang ako may nagagawa Doon – igapos – ihip – ay – Doon - Bituin – kaya – - kaya -  hangin – kong -  ipunin – kong –ay – ng – ng – Lahat – “ Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin “ ---- sagot ng isang lalaking kagrupo ni Mark. Pasalamat siya may Grupo siyang magaling .. Sir Ramos : Tama ! Group 3 “ Ay naku .. ang galing talaga ng group 3 !! for the win ! “, sigaw ni Mark .. … Sumunod Group 5 nakuha din nila yung tamang sagot sa mga Jumbled Letters sa awiting “Pamela” (2004) by Vhong Navarro .. … Sumunod Group 8 hindi nila nakuha tamang sagot sa Jumble BEE round sa awiting “She Bangs “ (1999) by Rick Martin .. Tulad din ng Group 2 hindi din nito nasagutan ang song na napunta sa kanila .. Kahit naman siguro kami di namin yung masasagutan super hirap kaya at napakatanda na nung song .. Di ko nga naalala kung ano tittle basta 1980 yung year .. “ Okay para naman sa last Group ito ang song para sa inyo : 1983 - Kenny Rogers and Dolly Parton – Island in the Stream “ .. “ Huh ? Anoo daw ? di ko alam yun ..”, napatingin ako kay Threz .. napa-iling nalang siya .. Tumingin ako kay Naruto .. di rin daw niya alam. Si billy din nag shout-out na din rin alam.. titingin sana ako kay Louie ng bigla siyang nagsalita .. “ Alam ko yung kanta Don’t worry guy’s .. paborito kaya yan ng Lolo ko at Number na kinakanta sa Video-Oke nila .. “, si Louie sabay tingin sa akin .. “ Video-Oke nila Mang Arturo ? .. “, patanong na dugtong ko sa kanya .. yun lang kasi alam ko nagpaparent na video-oke sa Probinsya maliban nalang sa Personel video-Oke nila Milo .. Tapos ngumiti siya. Tapos bigla ng nagplay yung Song .. ♩♪♫♬ Tender love is blind It requires a dedication All this love we feel needs no conversation We can ride it together, ah ha Making love with each other, ah ha Islands in the stream …. - are – what – we – is – that – another – between – wrong – sail – - away – one – no – worl – in – be – to – with – me – we – can – how – “ That is what we are No one in between How can we be wrong Sail away with me To another world “  ----- Mabilis na sagot ni Louie Tapos hinihintay namin yung .. sasabihin ni Sir kung Tama ba o Mali .  “ Hahahahaha sir sabihin mo na mali sagot nila ! Hahahaha alam ko kaya yang kantang yan kaya for sure ! .. kaya mali yang si Brother Louie louie !! “, si Mark sabay tawanan yung grupo nila .. “ Ulol bakla ka !!! “ .. sabi ni Naruto ! “ Shut-up mongoloid na ninja !!! “ si Mark sabay tawa ulit sila. “ Tahimik class tigil na yang asaran at baka magkasakitan kayo .. “, saway ni Sir. Ramos .. “ Okay .. ang sagot ng group 7 ay : Tama  !!!! “ .. “ Yahoooo ! .. oh ano yung bakla diyan “, si naruto , sabay tawa rin kami .. Ganti-ganti lang sa kanila. “ Galing mo naman .. “, papuri ko kay Louie .. “ Thank you .. “, sabi niya .. “ kainis ! “ .. naringig ko namang sabi ni Threz .. “ Bakit ? “, tanong ko sa kanya .. “ Wala .. wala pa kasi akong nasasagutan eh “ .. inis na sabi niya .. “ Don’t worry mamaya .. yung mga song baka para na sayo “, sabi ko sa kanya .. “ Sana ..”, sabi niya. “ Okay magrecap na muna tayo ng score .. Group 3 – 2 points ; Group 5 – 2 points ; Group 8 – 0 points ; Group 2 – 0 points at Group 7  - 2 points ! “ --- Pagsasabi ni sir ng mga puntos .. “ Okay ang susunod naman ay ang BEE-deo OKE round .. sa round na ito kaylangan niyo lang ng isang representative na lalaban .. at pipiliin niyo siya after i said the year the song released and who is the singer “ .. paliwanag ni Sir .. “ Sir hindi po ba pwedeng yung song title yung sabihin mo bilang clue ? “, tanong nung isang member sa group 2. “ hindi pwede .. so ready na ba kayo malaman ? “, tanong ni Sir .. “ Yes po “, mahinang sagot namin. “ The song was released on MARCH 2009 ..at kinanta ni Josh Santana “ ------- Pagbigay ni Sir ng clue … Tapos biglang nag-usap usap na may mga grupo … “ Di ko kilala si Josh santana , pero sure ako kung ano man yang kantang yan alam ko .. “, pagmamayabang ni Naruto .. “ Ganun, paano pag di mo alam ? “, tanong ko .. “ Eh di nganga .. “, sagot niya. “ naku wag na .. “, sabi ko. “ Threz kilala mo si Josh santana ? “, tanong ko .. “ Hindi eh .. “ ..sagot niya. “ kaw louie ? “, tanong ko sa kanya. “ Di ko rin siya kilala “, sabi naman ni Louie … “ So Group 2 kayo nalang ang walang representative “ --- paalala ni Sir . Bigla akong nagulat sa sinabing iyon ni Sir , Tinginan kami sa Grupo .. “ parang may kulang “ – sa isip ko. Tapos sabay-sabay kaming napatingin sa mga nakahelerang representative. At nagulat kami kung sino yung nandun .. Si BILLY ! .. Napatingin siya sa amin sabay sabing “ kaya ko na to “, sabay approved sign. “ Oh okey na pala tayo ,, so relax nalang guy’z .. tiwala tayo kay Billy alam kong alam niya ginagawa niya “, paliwanag ni Threz .. “ Okey dahil kumpleto na ang lima nating representative let’s start the game .. Pero bago muna yun pwedeng umusog muna sa hulihan ang di kakanta “, -- utos ni Sir. Ramos. Umusog naman kami at naupo sa likuran .. habang nakaharap sa amin ang lima. Napansin ko naman na pinsan ni Threz ang panlaban ng Group 3 .. “ Start na tayo .. March 2009 – Josh Santana – ‘ Biyahe ‘ “ – Nakangiting sabi ni Sir. “ Yes !”, nakita naming natuwa si Billy ng maringig niya ang title ng kanta. Ako naman di ko parin alam yung kanta ewan ko lang pag naringig ko yung tono at lyrics .. “ Okay kayong lima harap na kayo sa projector .. at magsisimula na tayo ..  Basta tandaan niyo may naka-assign na kulay sa inyo .. Group 7 – color violet , Group 2 – color green , Group 8 – color red , Group 5 – color yellow at Group 3 – color pink “ Tapos biglang nagplay na yung Song … “ Ahhhh .. yun pala ! naalala ko na Meteor Garden “ :-D ♩♪♫♬ Intro [ Play into MP3 – Speaker ] Alam mo ang ganda mo pala pag tumawa ang iyong mata Hinahanap ko ang bawat titig mo Wala akong maipagmamayabang Group 7: na akong pa simple simle lang Sino ba akong  ______ (Billy: walang)  dating sa’yo Di tayo bagay sobra mong ganda talaga… Group 2: Di ko alam hanggang kailan tayo Di ko mabago pag ikot ng (representative: mundo ) Pero sama ka sa aking biyahe Group 8: Atin lamang ang araw na ito Ang buhay ay sinasakyan lang yan Di mo malaman ang _____ (representative: daan ‘X’ ) kung saan Pero sama ka sa aking biyahe Group 5: Iaalay ko ang puso ko… Akala ko mapipigil ko ngunit lalong nahuhulog sa’yo Magaang dalhin kay sarap ______ (representative: mahalin ? ‘X’) yun nga lang ay kaibigan kita Group 3 : nang mabuko tinanong sakin dapat bang pagbigyan _____ (Cindy: pagmamahalan ‘X’)  natin Oooo… Di ko alam hanggang kailan tayo Group 7: Di ko mabago pag ikot ng mundo Pero _____ (Billy : sama )  ka sa aking biyahe Atin lamang ang araw na ito Group 2: Ang buhay ay ______  (representative: sinasakyan) lang yan Di mo malaman ang tungo kung saan Pero sama ka sa aking biyahe Group 8: Iaalay ko ang puso ko… Sa iba’y ito’y _____ (representative: biro ‘X’) lamang away-away puro selos lang Group 5 Ang iba’y nagsisisi ang sabi’y hwag ko daw ito _____ (representative: pasukan) Ba’t naman… Di ko alam hanggang kailan tayo Group 3: Di ko mabago pag ikot ng mundo Pero sama ka sa aking biyahe Atin lamang ang ____ (representative: pakiramdam ‘X’) na ito Ang buhay ay sinasakyan lang yan Ending [ Play into MP3 – Speaker ] Di mo malaman ang tungo kung saan Pero sama ka sa aking biyahe Iaalay ko ang puso ko…… Iaalay ko ang puso  ko…… Tapos nagpalakpakan na kami dahil nasagutan lahat ni Billy yung fill in the Blank … Isa lang ibig sabihin nun .. Pasok kami sa Finals Hehehehe Sino kaya makakalaban namin ? “ Okay magrecap na muna tayo ng score .. Group 7 – 2 points + 6 points = 8 POINTS ! ; Group 2  – 0 points + 6 points = 6 POINTS ! ; Group 8 – 0 points + 0 points = 0 POINTS ! ; Group 5 – 2 points + 3 points = 5 POINTS !  at Group 3  - 2 points + 0 points = 0 POINTS ! ! “ --- Pagsasabi ni sir ng mga puntos .. “ Kaya ang panalo at maglalaban sa final round ay ang Group 7 at 2 ! .. Congratulation guy’s .. Okay start na tayo dahil malapit na magtime “, sabi ni Sir. Ramos. “Yes Sir !!! “, masayang sagot namin sabay punta na sa harapan… Napansin ko naman na malungkot si Threz .. “ Malungkot pa rin ? “, tanong ko sa kanya. “ Kainis kasi .. ako tong mahilig sa music tapos ako tong walang ka-alam’alam “, sabi niya. “ Don’t worry Bro .. ok lang yan may time ka rin to shine “, sabi naman ni Billy .. “ wag mo nga ako dude buysitin wala ako sa mood makipag laro sayo “, galit na sabi ni Threz. “ Okay guy’s its .. the last round at ito ang FINAL COUNTDOWN !! “ --- Sabi ni Sir .. “ Okay sa round na ito .. may manuhan tayong magagawa .. babanggit ako ng singer at mag-uunahan kayo magbibigay ng kanta niya at after nun pipili na kayo ng category na kakantahin niyo  .. at hanggang maubos ang pitong kategory kung sino makakuha ng mataas na score siya ang panalo .. okay na ba?  “, tanong ni Sir .. “ okay na po sir ! “ – sigaw naman namin .. “ Let’s Start : Justin Bieber ! “, tapos biglang naunang magtaas ng kamay yung kabilang grupo .. “ Okay Group 2 … can i have your answer ? “ , “ baby “, sagot nila.. “ Okay pili na kayo ng category sa board .. CATEGORY - Mga Kulay - TOP - Feeling - Holding Hands - CHOOSE ============ Group 2 : Mga kulay !!! po sir Sir Ramos : Mula sa kategoryang “Mga Kulay” ..  2003 – South Border – “ Rainbow “ Tapos plinay na ni sir yung song  … ♩♪♫♬ But oh, can’t you see That no matter what happens Life goes on and on So baby, just/please smile Coz im always around you And ill make you see how beautiful ______________ Group 2 : Life for you and me ! [tapos bigla na silang nagsigawan] “ Yes mali sila ! “, naringig kong sabi ni naruto . “ Tama kaya “, sabi ko naman .. “ Mali may kulang sila “, sabad naman ni Louie .. “ So sinong kakanta ? “, tanong ko .. “ Ako nalang “, sabi naman ni Naruto .. “ Sige ikaw na bro “, sabay tapik sa kanya ni Louie .. Sir Ramos: Muntikan na ! mali ! Sir Ramos: Group 7 same song !!! ♩♪♫♬ But oh, can’t you see That no matter what happens Life goes on and on So baby, just/please smile Coz im always around you And ill make you see how beautiful ______________ Naruto : Life is for you and me [ patulang sabi niya hahahaha panget ng boses ] Sir Ramos : tama !!!  Okay dahil kayo ang nakakuha ng tamang sagot kayo parin ang may chance to play .. kaya choose category na . Naruto : Holding hands .. po sir “ Okay  .. mula sa kategoryang ‘holding hands’ .. 2007 – Yeng Constantino – HAWAK KAMAY “  .. Tapos tumingin si naruto sa amin .. at naghahanap kung sinong may alam  ng kanta. At dahil alam ko .. kaya ako na yung pumunta sa tapat para kumanta .. ♩♪♫♬ Minsan madarama mo Ang mundo’y gumuho sa ilalim ng iyong mga paa At ang agos __________________ Ako : ng problema’y tinatangay ka Sir Ramos : Tama ka ! .. next category .. ? Ako : For the win !!! TOP po sir .. Sir Ramos : For the win daw .. okay mula sa kategoryang “TOP “  - 2001 – Beyonce – Love on TOP !!! “ Oh my god alam ko yung tono ng kanta pero di ko alam yung Lyrics ..  Tapos tumingin na rin ako sa kanila .. “ it’s my time to shine !!! “, naringig kong sabi n Threz tapos nakangiti itong pumunta sa pwesto ko. “ Alam mo ? “ .. tanong ko. “ Yeah one of my Piece “, nakangiting sabi niya. Tapos pinalitan na niya ako .. “ Ok i’m ready na po sir .. For the win ! “ , sigaw niya .. ♩♪♫♬ Honey, honey I can see the stars all the way from here Can’t you see the glow on the window pane? I can feel the sun whenever you’re near Every time you touch me _________ ThreZ : I Just melt away ! “ okay parang hindi na natin kailangan ubusin yung category dahil may panalo na tayo  !!! Congratulation sa Group 7 dahil sila ang nanalo sa Fun activity natin ngayon .. Dahil kayo ang nanalo , ito na ang Premyo .. “, sabay inabot na sa amin ni Sir yung 5 pack ng Hany . “ Pahinge ! Pahinge ! Pahinge ! “, sigaw ng iba naming mga classmate   “ Ok .. pwede na kayong mag BREAK .. see you next week class “, paalam sa amin ni Sir Ramos. Tapos yung natanggap naman namin na Premyo shinare namin yun sa iba naming classmate .. EXEPT  sa isang grupo ..na ayaw tanggapin ang binibigay namin .. Grupo nila mark. “ Hay naku ! afford ko naman bumili niyan Girls .. tsaka di ako kumakain ng chipeepay na tulad niyan .. So cheap ! .. tara na nga bili tayo Toblerone “,Pagmamayabang ni Mark. Di nalang namin pinansin yun at pinagsaluhan nalang ng buong klase yung chocolate bar at wala na sa aming lumabas para pumuntang canteen Exept kay Mark at sa mga kaibigan niyang Uto-UtO :-D --------------------- Pagkatapos ng Klase namin sa values Education .. Nagpaiwan ako sa Klasroom upang dun hinatayin si Ganny. Nalimutan ko yung cellphone ko, sa bahay kaya di siya matext .. “ Asan na kaya yun ? “ – sa isip’isip ko. Hanggang sa nagdatingan .. yung iba kong classmate galing sa pag-LUNCH nila .. “ Kumain ka na ba dennis ? “, tanong nung isa kong classmate .. “ Ah oo , nagbaon kasi ako kaya dito nalang ako kumain sa Klasrum “ ..  pagsisisnungaling ko .. Dun ko na napagdesisyunan na pumunta na sa Junior’Z Building .. kung saan andun nagruroom si Ganny. Nakaka-inis talaga siya ! SObrang gutom na ako , tapos Promise siya ng Promise .. tapos napako nanaman. Malayo-layo rin yung nilakad ko bago ako nakarating sa building na yun ..  Pag katapos hinanap ko na yung classroom ng 3-B kung. Nagtanong ako sa guard na nagbabantay .. Tignan ko nalang daw yung mga karatula sa bandang Pinto .. naglakad-lakad na nga ako at umpisang pinagtitignan yung karatulang maliit .. 3-A .. 3-B .. At nakarating na nga ako. Ramdam ko yung ingay sa loob ng Classroom nila. Walang palya .. May napad-pad nga sa akin isang crumpled paper mula sa loob eh. Sumilip ako ng bahagya sa may Maliit na bintana ng Pinto .. Hindi ko alam kung anong gagawin at iaakto ko dahil sa nakita ko. Si Ganny may katabi siyang magandang babae .. at masaya silang nagsususbuan ng pagkain. Ang sarap sipain ng Pinto .. Pero di kaya ng paa ko .. Kahihiyan lang kung sumugod ako .. At kahihiyan na magselos ako. Tama nga naman ang sabi ng iba .. Walang totoong lalaki ang magmamahal sa tulad kong BakLa ! Letcheng Buhay to oh  ! Kinakarma na ba ako sa Pag-ibig ? Tapos bigla kong naringig yung sigawan .. sa Loob Kiss .. ! Kiss .. ! Kiss .. ! Kitang kita ko yung mukha ni Ganny. Masaya siya at parang kinikilig pa nga eh. Isa talaga siyang manloloko bakit nga ba naman ako maniniwala sa mga pinagsasabi niya ! .. Isa rin siyang Malaking Manloloko .. Ramdam kong nakatigil yung mga luha ko sa gilid ng aking mga mata .. AT naghihintay na pumatak pag nakita ko na ang isa sa masakit na gagawin ni Ganny .. At di nga natagal .. naglapat na yung mga labi ni Ganny at nung magandang babae :’( Hindi ko na nakaya pa .. tumakbo na ako habang lumuluha. Di ko alam kung saan ako pupunta. Mas masakit pa yung ginawa niya kaysa sa Ginawang kasamaan sa akin nila Sir Renales at Mark. Masakit malaman yung akala mong magtatangol sayo ay magbibigay rin pala ng galit sa puso mo ..  Tumakbo ako .. hanggang sa naramdaman kong may nabunggo akong tao. “ Dennis ? “, ringig kong sabi niya. Di ko siya nakita masyado dahil sa labo ng mata ko .. dala ng luhang sumakop dito. Hindi na ako , nagpaalam pa sa lalaki .. at tumakbo ako ng mabilis. Hanggang sa napatigil ako sa isang hagdan sa isang Building. Umakyat ako .. at nakita ko ang tahimik na paligid. Naupo ako sa sahig at Pinagmasdan ko ang paligid .. Ang asul na langit at Puting ulap na tila isla sa malawak sa kalangitan. Tapos dun ko na rin binaling yung pag-iyak ko .. Nakapatong sa nakalukot kong tuhod ang dalawang kamay ko ang dun ko inunan ang aking ulo. Kahit umiyak pa siguro ako ng malakas sa taas ng building na iyon ay walang makakaringig .. Kundi ang mga ibon na lumilipad sa kalangitan galing sa mga berdeng puno ng Eskwelahan. Pagkatapos Naramdaman ko na may tumabi sa akin .. “ Bakit ka nanaman ba umiiyak ?”, tanong ng isang lalaki. “ Alam mo bang nasasaktan ako tuwing nakikita kang ganyan .. Please naman wag mo ng pahirapan ang sarili mo “, sabi niya. Sa mga oras na iyon napatingin na ako sa kanya. “ Bakit ka nandito ? “, tanong ko .. “ Nandito ako para maging unan mo .. dahil alam ko inaantok ka na sa mga masasamang nangyayari sayo .. at nandito rin ako para kumutan ang puso mo ng Pagmamahal ko “, sabi niya . “ Pero ------ “, “ Wag ng pero pero .. Halika nga “ Si Joross sabay lagay ng ulo ko sa balikat niya .. “ Di ka na galit sa akin ? “, tanong ko. “ Ewan ko ba .. kahit siguro anong gawin mong kasalanan .. mapapatawad ko dahil .. Mahal kita .. at alalahanin mo ikaw na ang naCAPTURE nitong pokeball ko ay .. Este ng PokeHeart ko <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD