Nasaan ako ?
Napansin ko yung paligid ay halos kulay puti na dahil sa pag-ulan ng niyebe. Naka-suot ako ng makapal na jacket. Habang nakatayo sa lugar na ang kalupaan ay natatabunan na ng niyebe. May mga kahoy na halos puti na rin, dahil sa pagbalot ng niyebe sa buong parte nito. Umuulan ng niyebe??? at di ako makapaniwala sa nangyayari .. Nasa isa akong lugar na may Winter season. Nasaan ako ? Hindi ko alam kung anong oras na, tanging ang palatandaan sa paligid ay ang pagbuhos ng snow. Wala akong mga taong nakikita. Pero may mga bahay akong nadadaanan sa pagtahak ko sa dulo ng daan. May isang sasakyan akong nakita, kulay puti ito at nakaparada sa daan. Tumingin ako sa salaman at tinignan ko ang aking itsura. Nakasuot ako, ng sumbrero, meron din akong scarf na nakapulupot sa leeg. Napatingin naman ako sa aking suot pang ibaba. Mahaba at makapal na pants ang aking suot, at ramdam ko rin sa loob ng boots na suot ng aking mga paa ay merong medyas.
Nahihiwagaan ako sa nangyari … biglang may nakita akong isang babae na naglalakad. Nakapayong ito at papunta sa kaliwang bahagi ng daan. Sinundan ko siya. Pero bigo akong maabutan siya. Ang tanging nakita ko nalang ay isang malaking pintuan .. Kulay asul ito, halos kitang kita mo ang iyong sarili pag humarap ka dito, dahil sa kintab na taglay ng pinto. “ Ano kayang meron sa loob ? “, tanong ko sa aking sarili. Sinubukan kong buksan sana ang pinto , pero wala akong nakitang hawakan para magbukas ito. Pero may nakasulat sa pintuan ..
-----------
Anong tinitingin-tingin mo ? Pumasok ka kaya !
- May-ari
-----------
Medyo weirdo, yung nakasulat. Medyo natawa ako, bakit kaya tagalog yung nakasulat sa pinto? Ibig sabihin ba nito nasa Pilipinas ako ? Eh paano naman ako makakapasok .. sabi ko sa harap ng pinto. Nagulat ako ng biglang nawala yung sulat at napalitan ito ng iba.
Kumanta ka ! [ bagong sulat na lumitaw sa pinto ]
Nandilat yung mata ng makita ko yun. Di ko alam kung bakit nangyayari ang mga bagay na yun. Lumayo ako ng bahagya sa pinto at aalis na sana ako ng biglang di na makakilos ang aking mga paa. “ Hala bakit di ako makalakad ? “ , natanong ko sa sarili ko. Kasabay nun yung biglang pagliwanag ng pinto .. AT muli nanaman may mensaheng pinadala ito sa akin.
Kanta na ! [ muling sumulat sa may pinto ]
“ Huh? … buhay ka ? “ .. natanong ko sa harap ng malaking pinto. Nagulat ako ng biglang lumiwanag ng malakas. Napatakip ako ng mata ko nuon sa sobrang liwanag na sumabog sa aking harapan. Kasabay nun ang biglang pagsasalita ng isang tinig …
“ Ewan ko! Tanong mo kaya kay simsimi “, naringig kong pagsasalita ng ng Pinto ! Bigla akong natakot ng makita kong nagkaroon ng mata .. ilong .. at bibig yung malaking asul na pintuan. Nakatulala at di ko alam ang sasabihin …
HALIMAW !!! … biglang pagsigaw ko . “ Halimaw ka diyan ! ako kaya si Don Pintu-ino ! “, pagsasalita niya. Parang lalaking ermitanyo ang boses ng pinto at kamukha niya si Domo .. pero blue version nga lang. “ Huh ? Don Pintu-ino ? “, gulat at patanong na sabi ko sa kanya. “ Oo at ako ang diyos ng mga Pintuan ! Hahahaha “, sabi ng pintu sabay tawa na parang .. mamaw. “ Eh asan po ba ako ? “, tanong ko sa kanya. “ Ay aba .. ewan ko sayo ! “, sabi niya sa akin. “ Huh ? ano bang lugar to ? “, tanong ko ulit .. “ Secret , malalaman mo lang pag nakapasok sa sa mundo ko .. “, paliwanag niya. Nakakatakot talaga siya .. ang laki ng mata niya pero .. Cute na rin para siyang bagong species ng Pokemon. “ Nge eh itong kinatatayuan ko, hindi mo ba ito lugar ? “, tanong ko sa kanya. “ Hindi noh ! lugar yan ng kalaban kong si DOORnitoryo .. pero tignan mo naman ang mundo niya .. so cheap ! di mo ramdam ang pasko ! at ang place niya parang ghost town na ! at wala man lang katao-tao kasi nga Ang Panget ! “, siya sabay tawa ulot ng malakas.
“ Ok , ok .. Eh paano ako napunta dito sa mundo ni DOORnitoryo “, tanong ko sa kanya. " Ay ewan ko sayo .. siguro isa kang cheap na tao kaya diyan ka nilaglag ng Oneiro mo ! “ .. sabi niya sa akin. “ Anong oneiro .. ?”, tanong ko. “ See oneiro nalang di mo pa alam ! Secret ! tanong mo nalang kay Mr. Google next time “, sabi niya .. “ Ano bayan ! sige na nga .. gusto ko ng pumasok sa mundo mo ! Paano ba? “, tanong ko .. “ Simple lang kaylangan mo kumanta ng CHRISTMAS SONG at yun ang password para sa tulad mong Stranger ! “, sigaw niya sa akin. “ hala ! eh bakit yung babaengnakapayong kanina ang bilis nakapasok ? .. unfair naman ! “, pagrereklamo ko. “ ANong unfair dun !? Eh wala ka magagawa .. member na siya dito sa mundo ko noh at may PINTU-ino CARD na siya .. “, sabi niya sa akin. “ Nge paano ba maging member dito at makakuha ng PINTU-inu CARD na yan ? “, tanong ko. “ EH di kaylangan mo magbayad ng Membership Fee “, sabi niya. “ Huh ? may ganun ! eh magkano naman ? “ .. “ 7 sako ng Ginto ! “, sabi niya sa akin .. “ Huh ! .. pitong sako ng ginto ? sure ka ba diyan ? Eh di kakanta nalang ako ! “, sigaw ko sa kanya. “ Okay handa ka na bang iparingig ang 700 christmas song na hinanda mo para sa akin ? “ , nakangiting tanong niya .. Kaya kitang kita ko yung malalaking puting ngipin niya.
O____0 ----- “ 700 hundred X-mas song ? Nababaliw ka na po ba ? “ , tanong ko sa kanya. “ Ganito lang yan .. kung suko ka na ! sige pagtiyagaan mo nalang ang tanawin diyan sa mundo ni DOORnitoryo ! Wahahahaha “, sabay tawa siya na parang diablo. “ Pintu-ino naman please .. kahit tatlong kanta nalang Please ???? “, pagmamaka-awa ko sa kanya. “ Ayoko nga kanta ka na kaya ! “, sabi niya sa akin. “ Ayoko nga sabi ko tatlo na nga lang diba ? Pleaseeee …. ?”, sabi ko ..
“ Pikit ka “ ….. isang boses ng babae ang naringig ko mula sa malayo. “ Naringig mo yun ? “, tanong ko sa kanya. “ Ang alin ? Naku huh !! pinagloloko mo akong bata ka “, sabi niya sa akin. “ Hindi kaya may naringig naman talaga akong boses ng babae “, sabi ko sa kanya. “ Anong sabi niya ? “, pag-usyoso niya. ‘ AYoko nga sabihin .. papasukin mo na muna ako “, sabi ko sa kanya. “ Ayoko nga ! “, madiin na sagot niya. Hmmmmmmp di wag … ! [ sa isip-isip ko ]
“ Pumikit ka na … “, sabi ulit ng babae na parang anghel ang boses. “ Oh yun diba!!! di mo ba naringig yun ? “, tanong ko ulit sa kanya. “ ANo nga ba kasing sinasabi ? di ko talaga nariringig “, sabi ni Don Pintu-ino. “ Sabi nung boses .. pumikit daw ako “, sabi ko sa kanya. “ Pumikit ? … wag mong gawin yan ! “, sabi niya sa akin. “ Bakit naman ? “, tanong ko. “ Basta wag mong gawin dahil mapapahamak ka “, sabi niya. Pero huli na yung lahat nakapikit na ako. At huli ko narang naringig ay ang malakas na sigaw ni Don Pintu-ino ..
|
|
|
Agad kong minulat ang aking mga mata ng naringig ko ang , ang mga awit sa paligid. Puro ito christmas song at talagang napakagandang pakinggan. Pagdilat ko ay wala na sa harapan ko ang malaking pituan. Pero nagulat ako ng biglang may nagsalita mula sa aking likuran. “ Humihingi ako ng paumanhin sa paglalaro sa iyo ng aking asawa .. sana’y iyong mapatawad siya. “ .. napatingin ako sa mukha ng babae. Kung hindi ako nagkakamali siya yung babaeng. Bumulong sa akin na pumikit na .. Napakaganda niya, mahaba ang buhok at napakaputi. may-dala dala itong isang batang sanggol at ito’y yakap-yakap niya. “ Sabi ko na nga ba mahal ikaw yung nag-utos sa kanyang pumikit .. ayan tuloy nakapasok siya sa mundo nating dalawa .. “, napatingin ako sa lalaking pamilyar na pamilyar sa akin. Tinitigan ko ito , pero .. tinatago nito ang kanyang mukha gamit ang isang kapa. Napatigil ako sa pag-uusisa ng lalaking lam kong kilala ko talaga ng napatingin ako sa mukha ng babaeng napakaganda. Pero bakit ganun ? malakas talaga ang kutob ko na kilala ko ang lalaki .. Bakit ! Bakit di ko siya makilala sa pangalan ?
“ May problema ba iho ? “, tanong ng babae sa akin. “ Ah wala naman po, nasaan po ako ? nasaan si Don Pintu-Ino ? “, tanong ko. “ Ako si Don Pintu-ino bakit ? “, naringig kong sabat ng lalaki. Na nakasuot na parang isang anghel na mandirigma. “ Huh ? Paano nangyaring naging tao kayo ? “, gulat na tanong ko ..
“ Wag ng maraming tanong bata .. Basta salamat sa pagpasok sa aming mundo “, sabi ng lalaki at biglang humangin ng malakas …
|
|
Pagkatapos ng malakas na hangin muli kong naramdaman ang lamig ng paligid. Pagdilat ng aking mga mga nagulat akong makita ko ang paligid .. Nasa United Paranaque Subdivision 2 , na ako. Pero may iba sa paligid .. Bakit may Snow na sa subdivision ? Ibig sabihin may Snow na sa Pilipinas ? .. Oh my God ! di ako makapaniwala.
Nakita ko na ang kalsada ay puno na ng Snow na makakapal, at wala rin akong nakitang mga sasakyan. May mga taong naglalakad. Di ko sila kilala pero tuwing nakakasalubong ko sila .. ay binabati nila ako ng MERRY CHRISTMAS .. Lubos akong nagtatako sa ideyang pasko na ba ? Sa hindi ako mapakali, agad kong kinuha yung cellphone ko sa bulsa at tinignan ko agad ang petsa .. 12/25/2013 !!!
Di ako makapaniwala sa nakita ko .. Pasko na nga .Sa tuwa ko ay nagsimula akong naglaro sa snow .. Pero bakit ganun , parang may kulang ? .. naupo muna ako sa upuan sa ilalim ng isang puno .. malapit sa may Guard House na wala namang tao. Naramdaman kong biglang bumugso nanaman ang napakalakas at napakalamig na hangin ..Yinapos ko ang sarili ko sa mga oras na iyon .. dahil sa lamig. Malamig talaga at nanginginig na ako .. Ng biglang naramdaman ko ang isang katawan .. na yumayakap sa aking likuran ..
HInawakan ko yung kamay na nakayakap sa akin .. at hinaplos haplos ko yun. At tinignan ko kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na yun at ng katawan na nagbibigay ng init sa lamig na nararamdaman ko. Pagkatingin ko nakita ko si Joross .. Agad siyang pumunta sa harap ko, at agad ko siyang niyakap .. yakap na napakahigpit. “ Chu … “, sabi ko sa kanya. Bigla niya rin akong niyakap. Pagkatapos nun , nagkatitigan kaming dalawa. Sabay hinalikan niya ako ng marahan .. “ I Love you Babysaur .. “, bulong niya sa akin. kasabay nun .. ang pagtigil ng malakas na hangin at pagbalik ng ma-aliwalas na Snowy field.
Na-upo si Joross sa tabi .. ko. Sabay may kinuha siya sa bulsa ng jacket niya. Nakita ko regalo ang kinuha niya duon. Nasa maliit yun na Box. Tapos inabot niya yun sa akin sabay sabing .. “ Merry Christmas babysaur ko .. “, sabay niyakap niya ako uli. “ Mahal na mahal kita .. “, sabi niya pa. “ Merry Christmas din at i Love you .. Chu “, sabi ko rin sa kanya. “ ANo pala tong regalo mo ? “, tanong ko sa kanya .. pagkatapos naming humiwalay sa pagkakayakap. “ Buksan mo nalang para malaman mo .. “, nakangiti sagot niya sa akin. Sinimulan ko namang buksan yung regalo .. Pagkatapos kong tanggalin yung Gift Wrapper .. isang Box ang bumungad .. at Binuksan ko yun, Natuwa ako sa nakita kong laman ..
|
|
Isang Wallet na may burdang .. Babysaur <3 Chu . At ang nakaka-tuwa pa meron itong dalawang Keychain na nakasabit. Keychain na ang design ay Bulbasaur at yung isa ay Pikachu. Ang cute napaCute ng Gift niya .. Gustong gusto ko. “ Thank you Chu .. I love you “, ako sabay tinitignan ko yung mga keychain. “ Cute ba ? “ .. tanong niya. “ Super cute Chu ! and for me ito ang pikamagandang Gift “, sabi ko sa kanya .. “ Ahmm di pa yan diyan nagtatapos Babysaur , nakikita mo ba yung maliit na red button sa may ilalim ni Bulbasaur at Pikachu ? “ .. tanong niya sa akin. “ Yup .. bakit ? “, nakangiti kong sagot sa kanya. “ Pindutin mo .. “, sabi niya. Sinunod ko nga yun at una kong pinindut yung button para sa Bulbasaur Keychain. Pagkapindot ko .. biglang nagsalita yung bulbasaur at sabay sabing ..
Bulba-Bulbasaurrrrrrr !!! Muah muah ..
^___^
Ang ganda-ganda lalo akong namangha .. sinusod ko naman yung Pikachu na Keeychain at ito naman yung sound na lumabas ..
Pika-Pikachuuuuuuuuuu ! I Love you Muah muah muah ..
Napayakap talaga ulit ako kay Joross dahil labis akong natuwa sa binigay niya sa aking regalo ngayong pasko. “ Hindi pa yan diyan nagtatapos .. “, sabi ulit niya. napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at .. nagmamadali akong tinanong siya. “ Meron pa ba chu ? “, tanong ko .. “ Buksan mo yang wallet “, utos niya ulit sa akin. Agad ko namag binuksan yung nasa lob ng wallet at may nakita nga ako dun picture na nakalagay. Picture ng isang Bulbasaur at Pikachu na magkatabi at magyakap. napatingin ako sa kanya. “ Hmmm thank you talaga chu ah .. Masaya ako dito sa Gift mong ito ..”, ako .. sabay natahimik ako at biglang naramdaman kong .. dapat may regalo din ako kay Joross, pero eto ako .. Walang regalo sa kanya ngayong pasko. “ Oh kala ko ba masaya ka ? , bakit parang ang lungkot mo naman ? .. may Problema ba babysaur ? “, tanong niya sa akin .. “ kasi Chu .. ikaw may regalo sa akin .. tapos ako wala regalo sayo “, malungkot na sabi ko sa kanya.
“ Ano ka ba wag kanang malungkot .. Okay lang yun , masaya na rin ako ngayong pasko dahil kasama kita .. at para sa akin iyon ang gusto kong matanggap ngayong pasko .. ang makasama ka ngayon “, Lubos akong natuwa sa sinabi niyang iyon .“ talaga ? “, sabi ko sa kanya .. “ Oo naman .. “, siya sabay nakangiti .. “ Ganito nalang sasamahan nalang kita buong araw at yun na ang gift ko sayo “, sabi ko sa kanya .. “ Sige ba .. “, sabi niya sabay tayo. “ Oh bakit ka tumayo ?”, tanong ko sa kanya .. “ Diba .. magdedate tayo ngayon ? Kaya ano pahinihintay mo .. Tara na “, sabi niya sa akin .. “ Hala excited lang ? mamaya na kaya .. “, sabi ko naman. “ Sige ka .. pag di ka diyan tumayo hahalikan kita .. “, babala niya sa akin .. “ Eh di halikan mo .. “, sabi ko na tuwang-tuwa na hinihintay niyang gawin yun. Nakapikit na ako nun at hinihintay kong halikan niya ako .. Pero wala parin akong nararamdaman na labing lumalapat. Minulat ko yung mata ko, at nakita ko ngang .. papalayo na siya sa akin .. Tapos bigla siyang humarap .. “ Habulin mo ko “, sabi niya. Kainis iniwan niya ako ..
Kahit tamad na tamad ako .. agad akong tumayo at hinabol siya. Nang mahabol ko siya nag-umpisa siyang batuhin ako ng snow na nasa paligid. Pinabibilog niya yun gamit ang kamay niya, pagkatapos binabato niya sa akin. Natamaan ako sa mukha sa una niyang tira .. at di ko na yun pinalampas. Gumawa rin ako ng snow ball at binato ko rin siya. Ganun ang naging sistema namin .. naglaro kami ng batuhan ng snow .. Pagkatapos nun niyaya niya akong bumili daw kami ng kape. Pumasok kami sa subdivision at binaktas namin yun. Maraming bata ang naglalaro ng batuhan ng snow .. “ Kaylan pa nagkaroon ng Coffee shop dito ? “, tanong ko. “ Nge taga dito , tapos di mo alam ? “, sabi niya. “ Eh wala naman kasi talagang Coffee shop dito eh .. “, sabi ko. “ Ayun oh ..”, sabay turo niya sa isang Coffe stand sa gilid ng kalsada .. Nagulat ako ng makita ko yun .. “ Wow ah .. coffee stand sa gilid ng kalsada, sa subdivision ? pwede ba yun ? “, tanong ko sa sarili. NAupo kami sa lamesa .. sa tapat ng Stand .. dun namin hinintay yung order naming kape .. Habang naghihintay kami sa order na kape .. Napansin ko yung laruang tren na umaandar sa kalsada .. sa iba ibang direction at dala-dala nito ang awiting pampasko ..
Christmas in our Hearts .. yung sound dun sa maliit na laruang tren. Sakto naman yung pagdating ng Kapeng Order namin. Habang hinihigop namin yung kapeng mainit at sinasabayan namin yung Lyrics ng kanta at tinitignan din namin yung pakikot-ikot na pag andar ng munting Tren.
Whenever I see girls and boys
Selling lanterns on the streets,
I remember the Child
In the manger as He sleeps.
Wherever there are people
Giving gifts, exchanging cards,
I believe that Christmas
Is truly in their hearts.
Let’s light our Christmas trees
For a bright tomorrow
Where nations are at peace
And all are one in God
Let’s sing Merry Christmas
And a happy holiday,
This season may we never forget
The love we have for Jesus
Let Him be the One to guide us
As another new year starts
And may the spirit of Christmas
Be always in our hearts.
In every prayer and every song
The community unites,
Celebrating the birth
Of our Savior, Jesus Christ
Let love, like that starlight
On that first Christmas morn,
Lead us back to the manger
Where Christ the Child was born
So, come let us rejoice
Come and sing a Christmas carol
With one big joyful voice
Proclaim the name of the Lord!
====
Pagkatapos nung kanta .. palayong umandar yung tren na maliit mula sa pwesto namin. Nagkatinginan kami ni Joross at sabay naming binigkas ang mga katagang “ Merry Christmas “ …
Pagkatapos namin dun sa Coffee stand niyaya niya ako na gumawa daw kami ng Snow Man mula sa snow .. Pumunta nga kami sa malayo sa mga bata at iba pang tao. Dun namin inumpisahan ang pag-gawa. “ May suggestion ako .. “, naringig kong sabi ni Joross sabay sira sa Snow man na malapit ng mabuo. “ Hala bakit mo sinira .. “, malungkot na sabi ko. “ May naiisip kasi ako .. may gagawin tayong iba “, sabi niya. “ Anu yun ?” mabilis na tanong ko .. “ Gagawa tayo ng Snow Bulbasaur at Snow Pikachu “ .. “ Huh ? napakahirap nun chu”, reklamo ko sa kanya .. “ Don’t Worry magtutulungan tayo sa paggawa “, sabi niya sabay halik sa akin ng nakaw .. “ Hmmm sige na nga “, ako sabay halik din sa kanya ng mabilis. :-)
muah muah muah …. :-*
Halos isang oras ng nagawa namin yung dalawang Figure. Si bulbasaur at Pikachu ! Snow Version. “ Wow .. ang ganda ! ang galing natin chu ! “, papauri ko sa aming ginawa. Agad ko namang kinuha yung cellphone ko at pinicturan ko ang gawa naming Snow Figure. Ang cute ni bulbasaur na nilagyan namin ng dahon sa may bulb na part niya. At ang mata niya ang mga maliliit na stick at .. dahon na kulay kahel . Habang si pikachu naman na nasobrahan sa tangkad ang yung bilog niya sa magkabilang pisnge at dahon na tuyo naman na hinugis bilog.” Tara papicture tayo “, aya ko sa kanya. “ Sige ba .. “, siya.
Tumabi kami sa ginawa naming Snow Figure at si Joross naman ang naghawak ng kamera at siya ang kumuha ng Picture. “ Ang cute talaga natin “, sabi ko .. “ Try mo kaya babysaur .. pagcompare yung sa keychain diyan sa ginawa nating .. Snow Figure ni Bulbasaur at Pikachu. “ Ay oo nga pala ! “, ako .. Agad ko naman kinukuha sa bulsa ko yung wallet pero .. wala akong nakakapa !
s**t ! nawawala yung Wallet na regalo sa akin ni Joross. Agad ko yung pina-alam kay Joross , at nagmadali naman kaming dalawa pumunta sa mga napuntahan naming lugar .. Una sa Coffee shop pero, wala duon, sumunod sa may Pinaglaruan namin ng batuhan ng snow, Pero bigo parin kami. At ang huling .. chance nalang namin ay sa may Bench sa tabi ng Guardhouse. “ Chu .. Sorry huh ? “, sabi ko sa kanya. “ Okay lang yun babysaur .. wag ka ng malungkot mahahanap rin natin yun “, sabi niya. Ng nasa bench na kami ay laking tuwa ko ng makita ko yung wallet kasama ang keychain na nakapataong sa upuan.
“ Chu .. nahanap ko na yung wallet .. naiwan ko pala kanina dito sa upuan “, ako sabay talikod upang ipakita kay Joross yung wallet. Pero biglang nawala si Joross .. at nagulat nalang ako ng biglang lumiwanag yung paligid … “ Huh !!!! “, bigla akong nagising. Isang maliwanag na kwarto .. at nakahiga ako sa isang kama. Nakasuot ako ng Puting damit na maluwag sa akin ng Konti. At nakita ko sa paligid ang ibat ibang chart tungkol sa mga information sa isang sakit, at nakita ko rin sa loob ang Cabinet ng mga gamot. At ngayon napagtanto ko na nasa Clinic pala ako ng School ..
|
|
|
Isang Maganda at nakakatuwang panaginip lang pala ang nangyari. Pero bakit ganun ? Parang si Joross nalang ang naalala ko sa aking panaginip .. Naalala ko parin yung dalawang mag-asawa sa panaginip ko pero di ko na tanda yung mukha nila ? tsaka ano yung ibig sabihin nila na “ Salamat sa pagpasok ko sa mundo nila ? “, hindi ko maintindihan anong mundo sinasabi nila ? Buhay nila o yung lugar na nasasakupan nila?
Tsaka yung Regalo sa akin ni Joross ? Yung wallet na may Keychain .. isa lang palang panaginip yun :’( . Pero bakit kaya ganun ang napanaginipan ko ? Tungkol sa snow .. at sa malamig na paligid ? Hindi kaya dahil sa nilalamig ako ng nasa C.R pa ako ? At yung malaking pinto na yun ? Si Don-Pintu-ino ? ano ibig sabihin nun ? dala lang ba yun ng pag-iisip ko na makalabas sa pinto ng C.R kung saan ako nakulong ? At higit sa lahat ? anong ginagawa ko dito ? at sino ang nagdala sa akin dito ?
Nakita ko yung orasan sa wall clock .. Alas siyete na pala ng Gabi. “ s**t kaylangan ko pang umuwi ! “, agad akong bumungaon at tinungo ko ang pinto. Pagkalabas ko bumungad sa akin ang dalawang nurse .. isang lalaki at isang babae .. “ Oh gising ka na pala .. “, sabi sa akin ng isang nurse. “ Ah ano pong ginagawa ko dito ? at sino po nagdala sa akin dito ? “, sunod sunod na tanong ko .. “ Ah relax .. Dennis , maupo ka muna dito “, alok nung lalaking nurse sa akin na maupo ako sa sofa. “ bakit niyo po ako kilala ? “, tanong ko .. “ Ah nakita ko sa I.D mo yung name mo “, sagot niya. Eto pala yung mga gamit mo .. yung Uniform mo at pants .. nakalagay sa plastic basa kasi eh. Yung nurse na babae sabay abot sa isang plastic at sa bag ko. “ Sino pong nagdala sa akin dito ? “, tanong ko .. “ isang lalaki nagdala sayo dito .. di siya nagpakilala, basta siya ang nagbantay sayo .. siya ang nagbihis sayo at tumulong siya sa amin para sa pagpapababa ng lagnat mo .. ang init mo kasi kanina “ .. paliwanag nila. “ Hindi niyo po siya nakilala ? “, tanong ko .. “ Hindi siya nagpakilala eh .. “, sabi ng nurse na lalaki. “ Asan na po siya ? “, tanong ko .. “ kaka-alis palang niya … “ .. “ Ganun po ba, sayang gusto ko pa naman sana magpasalamat sa kanya .. “, sabi ko naman.
Naramdaman kong tumabi sa akin yung nurse na babae. At bigla itong may tinanong sa akin. “ Ikaw anong ginagawa mo sa C.R ? Bakit ganun yung naging kalagayan mo ? “, tanong niya .. sa akin .. “ Oo nga , kawawang kawa ka kanina, meron bang nangTRIP sayo ? .. tinakot ka ? or pinaglaruan ka ? or kinulong ksa sa C.R ? .. sabihin mo sa amin , at tutulungan ka namin magreport sa Guidance “, sabi ng lalaking Nurse .. “ Ganito po kasi yun kuya at ate nurse -----
Hindi ko natuloy .. ang pagsasalita ko ng biglang bumukas yung pinto. At bumungad sa amin ang isang lalaki .. ang lalaking dahilan kung bakit ako nasa sitwasyon na ito :’(
|
|
|
Si Sir Renales ..
“ oh my Godness anong nangyari sa student ko “, sabi niya na parang naiiyak. Bigla akong nagulat sa naging ugaling yun ni Sir. Renales .. anong nakain niya at bakit? Feeling close siya sa akin. Tumabi siya sa akin at inalo-alo ang ulo ko .. “ Ayos ka lang ba dennis ? “, pag-aalala niyang tanong. “ Okay lang po Sir .. “ .. “ Ah nurse tawag nga pala kayo ni Mr. Gonzales may ipapagawa daw siya sa inyo “, sabi ni Sir sa dalawang nurse. “ Pero paano po sir .. wala pong magbabantay dito sa clinic at kay dennis ? “, sabi ni ate nurse. “ Don’t worry ako na muna bahalang magbantay kay dennis .. “, sabi niya sa dalawang nurse. “ Ah sige po mauuna na muna kami .. Dennis balik kami mamaya diyan ka muna kay Sir .. “, sabi ni kuya Nurse. Napatingin naman ako sa mukha ni Sir. Renales at malakas ang kutob ko na nagpapanggap lang siya at may binabalak nanaman siyang masama. [ Please ate at kuya nurse wag niyo kong iwan ] --- gusto ko sabihin at isigaw pero, di ko nagawa. naka-alis na nga yung dalawang nurse at kami nalang ni Sir ang naiwan. Tumayo at pumunta sa pinto at Nilock niya iyon .. at tumingin siya ng masama sa akin.
Kinakabahan ako sa inaakto ni Sir .. “ Ang kapal mo rin noh ! may plano kang magsubong noh ! “, siya sabay duro sa akin. “ Subukan mong magsumbong at ipapangako ko naman sayo na masisira ang buhay mo ! “, siya sabay pinitik niya ako sa noo. “ Sir sobra na po ata tong ginagawa niyo sa akin ! “, sigaw ko sa kanya. “ Aba at wala kang modong bata ka ! sumasagot ka sa guro mo ! “, siya sabay sampal sa akin .. “ .. “ Aray ko po sir .. , tama na po “, pagmamaka-awa ko sa kanya. Tapos lumapit siya ulit sa akin .. Hinawakan niya yung braso ko ng mahigpit at niyugtug niya ako ng walang habas sabay nagsalita siya ng mahina at gigil na gigil ..
“ Wag na wag mong subukan na magsumbong sa kahit kanino dito sa school tungkol sa nangyari sayo ! kundi malilintikan ka sa akin .. at hindi lang yun baka mapatay pa kita ! “ ...