Michelle POV Isang lalaking may kausap sa kanyang cellphone ang una kong nakita pagmulat ng aking mata. Napatingin ako sa paligid at iba na naman ang nakikita ko at wala na ako sa isang malaking kwarto na may magandang kama at unan. Hindi pa din malinaw ang aking paningin pero isa lang ang sigurado ako, may dextrose na nakasabit sa aking gilid at may mga machine na hindi ko alam kung para saan. “are they going to get my internal organs? Mga sindikato ba ang mga tao na ito?” tanong ko sa aking sarili habang lumingon ako sa kabilang side ng aking bed at nakita ko ang pangalan ng hospital California State Hospital. Kung tama ang pagkakabasa ko ay nasa hospital ako ngayon. Tinanong ko ang lalaki na busy nakikipag-usap sa ka niyang cellphone. “Where am I?” tanong ko sa kanya at ng lumingon

