Samara “Anong ibig mong sabihin Akiro?” Kwestyun ko sa kanya. Sinuklay niya ang kanyang mga buhok gamit ang mga daliri at tila problemado na yumuko saka nag angat ulit ng paningin. Umiling-iling siya saka tipid na ngumisi. Pero ang ngisi na ginawa niya ay hindi man lang nakaabot sa tenga niya para masabi ko na may laman yun na kapilyuhan. Namaywang siya saka ako tutok na tutok na tiningnan. “Hindi mo ako maiintindihan Sam.” Naiiling niyang sabi na ikinakunot naman ng noo ko. Inakma kong ihakbang paabante ang aking mga paa kaso umurong siya. “Don’t…” aniya sa mahinang boses. Mapait siyang ngumiti saka problemado na sinapo ang ulo. Natigilan ako at hindi agad maproseso ang nangyayari at inaakto niya. “Hindi ko talaga maiintindihan kung hindi mo sasabihin sa akin, Kiro! Ano ba ang pin

