Samara Alam ko kung gaano kalawak ang koneksyon ng pamilya ni Kuya Akinn at kabilang na rin dun sina Akiro. Isang Cuevas si Akiro at nakadikit na sa pagkatao niya ang mabagsik na pangalan ng kanyang ninuno. Konektado sila sa mga De Sevilla kaya hindi nagkakalayo ang malihim nilang personalidad. Malamang sa malamang, maraming alam si Akiro tungkol sa mga De Sevilla at lalo na kay James! Hindi ako sinagot ni Akiro at hindi na rin ako nangulit. Alam ko na agad ang pag-iwas niya at pananahimik niya. Basang-basa ko na ang ugali ni Akiro at hindi niya yun maiipagkaila. Lumabas ako ng kwarto ng tiid na tiid sa paglalakad hanggang sa makapasok ako ng kusina. Patay na ang ilaw sa sala ng dumaan ako pero si Akiro alam kong nasa labas pa. Nakita ko sa na may kausap sa kanyang cellphone habang nak

