Samara Maaga akong gumayak kaysa kay James. Pagpatak pa lang ng alas singko, naligo na ako kahit medyo nag-aalangan akong pumunta. Alam ko naman na iba ang paningin sa akin ng magulang ni Ethan. Sapul yun simula ng pumutok ang balita na nakulong ang nanay ko. Hindi ako nagmamalinis. Hindi ako marunong nun kaya kung ano ang paningin nila sa akin, hindi ko na yun babaguhin kahit magkaiba naman kami ng nanay ko. “‘Yan ang isusuot mo?” magkasalubong ang mga kilay na tanong sa akin ni James ng basta siya pumasok sa kwarto ko. Kumunot ang noo ko dahil napaka-komportable na niya sa akin simula ng may mangyari sa amin. Niyuko ko ang sarili kong suot. Ayos naman ah. Naka-short ako na maong tapos naka blouse na puti na v-shape. “Anong mali dito? Hindi naman nakikita ang mga tinatago ko kaya–” “

