Samara Pagkatapos ng limang minuto, parang walang nangyaring kababalaghan. Pero ang bawat tingin sa akin ni James ay dikit na dikit pa rin. Parang may pinapahiwatig ang bawat tingin niya sa akin sa tuwing magtatagpo ang mga namin. Minsan gusto kong matawa dahil alam ko naman kung ano ang gusto niyang iparating. Hindi ko malilimutan ang sinabi niya kanina. Pabalik na kami sa bahay. Hindi rin naman kami nagtagal kina Ethan dahil ang totoo, naiilang pa rin ako na makihalubilo sa pamilya niya. Nag shot lang ilang beses si James bago kami nagpaalam para umalis. Hinigpitan ko ang paghawak sa kanyang kamay habang magka-holding hands kami. Wala siyang pakialam kung sino-sino ang makakita sa amin. I like this gesture lalo na kapag siya ang hinahawakan ko. Mas lalo ko rin nagugustuhan na hindi s

