James Parang masisiraan na ako ng ulo sa pag-iisip ng mga paraan para pansinin lang ako ni Samara! Kagabi bago kami matulog, naka-ilang beses ako sumubok na kausapin siya at kung kinakailangan, magpapaliwanag naman ako kahit paulit-ulit pa basta magbati lang kami kaso hindi niya talaga ako kinakausap! Damn it, ang tigas-tigas niya! Parang mahimbing pa ang tulog niya ng silipin ko siya nung magising ako nung madaling araw samantalang ako ilang oras lang ang tulog. Ang hirap niyang tonohan at ewan ko ba kung bakit napaka-big deal sa kanya yung pagiging virgin ko at hindi niya pagiging virgin. f**k that nonsense argument! Ano bang meron sa kanya at pilit pinapalaki ang maliit na away! She's stubborn! Always a stubborn and hard headed woman! Nagiging iritado na ako dahil nakailang beses na

