Kabanata 5

1229 Words
Samara Isa’t kalahating araw rin na hindi ako lumabas sa aking boarding house at hindi sinasagot ang mga tawag sa akin ni Akiro. Alam kong nakarating na sa kanya kung ano man ang nangyari sa akin. Natatakot pa rin ako. Parang pakiramdam ko kapag lumabas ako ng mag-isa bigla na lang may tatakip sa bibig ko hanggang sa makatulog ako. Kung hindi lang dahil sa isang lalaki na hindi ko man lang nakita ang mukha, ay hindi pa ako makakaalis sa warehouse na ‘yon. Hindi ko sukat akalain na may mga masasamang grupo rin pala dito sa lugar namin. Mga armado sila. Totoo ang mga baril na hawak nila ng huli kong makita ang mga lalaking iyon. At mas lalo kong napatunayan na totoo ang baril nila ng marinig ko na mismo ang pagputok noong gabing iyon! Tinali ko ang buhok ko dahil pakiramdam ko sobrang bigat na ng ulo ko. Pati katawan ko ay ganun rin. Kahapon pa ako hindi naliligo. Ayaw kong maligo dahil sa takot na baka kapag nasa loob ako ng banyo, bigla na lang may papasok dito at basta na naman ako kunin at dalhin kung saan. Na trauma agad ako! Sinulyapan ko ang mga pagkain na pinapadala ni Akiro. Halos mapuno na ang lamesa dahil sa mga pagkain. Kung sino-sino na lang ang kumakatok dito sa akin para ibigay ang pagkain na pinapabigay ni Akiro. Nakailang subo lang naman ako sa huli niyang pinadala kanina. Natakam ako sa pritong manok pero kumagat lang naman ako ng isa at inistapwera ko na ulit. Hindi muna ako nagtrabaho. Nag file ako ng leave for two two months. Gusto ko mag bakasyon sa bukid. Gusto mapag-isa doon kaysa dito sa bayan ng Lemery. Pakiramdam ko mas safe ako doon kaysa manatili dito. Bigla ko naalala sina Lolo at Lola! Dalí-dali kong kinuha ang aking cellphone para tawagan si Akiro. “H-hello–” “Shít! Bakit ngayon ka lang tumawag?” Ang lakas ng boses niya kaya nailayo ko sa tainga ko ang cellphone ko. Bastos ang lalaking ‘to! “Sinabi mo kina Lola at Lolo?” “What the hell? Ano ako, bobo? Hindi ko sinabi! Bakit ngayon ka lang tumawag? Ni ang sagutin ang mga tawag ko sa'yo kagabi at kanina ay hindi mo man lang nagawa!” Sunod-sunod niyang reklamo sa kabilang linya. Nayamot ako kaya in-on ko ang loudspeaker saka inilapag sa kama ang cellphone ko. “Wala akong gana na makipag-usap kahit kanino. Kaya ako napatawag dahil gusto ko lang makasigurado na hindi mo sinabi kina Lola yung nangyari sa akin…” Narinig ko siyang mabigat na nagbuga ng hangin. “I’m not. You know what, I'm really disappointed in you. Ang sabi mo sa akin sa bahay ka matutulog that night pero nabalitaan ko sa mga security ng village na lumabas ka mag-isa kahit gabi na?! Damn, and now look at what happened!? Sam naman!” Paninermon niya sa akin. Pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata namin. He is always beside me. Pinagtatanggol niya ako sa mga nang-aaway sa akin. Siya ang kuya ko kapag may mga lalaking umaaway sa akin noon. Akiro is my greatest protector. Kahit na dapat ako ang magtatanggol sa kanya dahil pamangkin ko siya sa pinsan pero baliktad ang nangyari. Napasinghot ako dahil kusang nanubig ang aking mga mata. Narinig niya ang paghikbi ko kaya nagmura siya ng mariin. “Nagpunta ka ba ng pulis station?” Aniya. Umiling-iling ako na para bang nakikita niya ako. “H-hindi… Natatakot ako magsumbong..” Kalmado kong sagot. Pinunasan ko ang pisngi kong pinaglandasan ng luha. “Good. Ako na ang bahala dun.” Siya na ang bahala.. Alam ko tutuparin niya ‘yon. Kilala ang pamilya ni Akiro dito sa Lemery. Ma-impluwensyang tao ang Lolo niya at kahit si Kuya Akinn. Lahat ng gusto nilang ipagawa at ipakiusap ay gagawin ng mga nasa taas. Ganung sila kalakas dito sa Lemery. “Kumain ka na ba? Kung gusto mo–” Huwag niyang sabihin na dadalhan na naman niya ako ng pagkain! “Sobrang dami ng mga pagkain na pinadala mo dito, Kiro.. Hindi ko na’to mauubos lahat kaya huwag ka ng magpadala pa,” pigil ko sa kanya habang sinusulyapan ang mga pagkain na nakalapag sa lamesa. Yung iba hindi ko pa naiilabas sa paper bag dahil hindi na sila magkasya sa lamesa. “Anong mga pagkain? Hindi pa kita dinadalhan ng mga pagkain diyan, Sam! Nandito ako sa Manila.” Kumunot ang noo ko. “Eh kanino galing ang mga pagkain na’to?” bulalas kong tugon. Ilang segundo siyang hindi nagsalita hanggang sa narinig ko na lang ang pagmumura niya. Tumayo ako para lapitan ang mga pagkain sa lamesa. Iisang brand ng paper bag ang pinaglalagyan ng mga pagkain pero iba’t-ibang klase ang laman. Walang pangalan o sulat na nakalagay kung kanino galing. Ang sabi ng mga nagbigay sa akin ay galing daw kay Akiro kaya ko tinanggap! “Kainin mo na lang lahat ‘yan. Sayang kung itatapon mo. Wala naman yata nakahalong lason diyan. Malas mo na lang kung binulungan niya–” “Ha? Sinong bubulong? Ano bang pinagsasabi mo, Kiro?” “Never mind. Puntahan kita diyan mamaya. Malapit ng matapos ang meeting ko, anong gusto mong ipabili?” Napanguso ako. Sabi niya kainin ko na lang ang mga pagkain na’to. Sayang naman nga kasi. “Wala. Ihatid mo na lang ako mamaya sa bukid. Nag leave ako ng dalawang buwan.” sagot ko bago binuksan ang isang pack ng pagkain. Sumalubong sa akin ang bango ng spaghetti. Iinitin ko ‘to sa mikrowave kasama ang fried chicken. “Kaso baka mamayang gabi pa ako makakarating diyan. Aabutin ako ng traffic pero kung gusto mo….libre si James ngayon. I can ask him..” Natigilan ako bigla sa aking ginagawa. Kumabog agad ang dibdib ko kahit pangalan niya pa lang ang narinig ko! Grabe naman.. Epekto niya sa akin sagad na sagad! “Nakakahiya. Huwag na.” “Nai-message ko na siya. He said yes. I will drop this call now. Maghanda ka na, papunta na yun.” Then he ended his call. Stk. Nakakahiya talaga! Bakit ang bilis naman! Napatulala pa ako sa cellphone at kung hindi pa nag off ang screen, hindi pa ako kikilos! Ano ba yan. Parang bigla akong nagka-energy. Kahit may nararamdaman akong takot, parang bigla na lang tumakas dahil kay James. Ano yun, natakot sila? Nasindak ba sila? Kunsabagay, hindi ko sila masisisi. Aba'y kahit ako nga eh natataranta na! Lihim akong napangiti habang ngumunguya ng kinakain kong spaghetti. Niligpit ko agad ang pinagkainan ko. Pati yung mga pagkain na nasa lamesa, ibinalik ko sa mga pinaglagyan. Dadalhin ko ‘yon sa bukid. Mabilis akong nakaligo at nakapag-bihis. Parang ipo-ipo ang bawat galaw ko. Parang nawala ang bigat ng katawan ko ng makaligo ako. Gumaan rin ang pakiramdam ko at hindi na sumasagi sa isipan ko ang nangyari sa akin noong isang gabi. Gusto ko sana magsumbong mamaya kay James kaso bakit pa? Baka nga hindi niya alam. At staka ano naman ang magagawa niya? Hindi naman yata siya mag-aalala para sa akin. Napatigil ako sa pagsusuklay ng aking buhok ng makita kong umilaw ang screen ng cellphone ko. Nakapatong lang sa vanity table ang cellphone ko kaya nabasa ko agad ang text. Unknown number: I'm here outside your BH Si James? Ang bilis niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD