James
“Boss!”
Napatigil ako at kunot ang noo ng lingunin ko si Diego. Nagmamadali siyang lumakad para lang makarating agad sa kinatatayuan ko. He knew that my time is gold at alam niya na mabilis akong mainip. Galit ang itsura niya at kulang na lang ay dumampot siya ng mga tubo sa bawat nadadaanan at ihampas sa akin. I'm calm, unlike him, who's on edge. Wala pa sa kalahati ng galit ko ang galit na meron siya at alam na alam niya ‘yon.
I spat because the smell inside the warehouse was so bad.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Boss, paano kung tumuga yung babae na pinakawalan mo? Baka makatimbre ang kapulisan. Ayaw kong makulong boss!” His voice thundered. Tumaas ang isa kong kilay pero kalmado pa rin ako. Then my jaw clenched. The silence within me growing thicker, a stark contrast to Diego, whose chest heaved with palpable fear.
Naiintindihan ko ang takot na nararamdaman niya. He has been my right hand since I accepted this position. Didikado siya sa trabaho niya at ang buong buhay niya ay umiikot lang kung nasaan at kung anong meron siya ngayon. And I know where his madness comes from.
Ngumisi ako bago siya tinapik-tapik sa balikat. “Hindi nun gagawin." I said it with a calm and reassuring tone, hoping to dispel the fear creeping into his mind.
“Pero paano tayo nakakasiguro na hindi niya ‘yon gagawin? Halos mamatay siya kagabi sa pagmamakaawa na pakawalan siya. May trauma na ‘yon boss at panigurado sa pulis station ang tungo nun!”
Umiling-iling ako ng tanggalin ko ang kamay ko sa kanyang balikat. He's just confused or maybe scared. Unang beses na may pinakawalan akong tao. It was an accident to see what they did last night. Hindi ko sinasabi na hindi maayos ang siguridad ng warehouse na pinag-transaksyunan nila dahil alam ko na sa bawat isang miyembro ay may sariling toka. Malas lang nila dahil aanga-anga sila.
“Problema ko na ‘yon kung sakali na timbrehan niya ang kapulisan. I can handle this, Diego kaya ibigay mo na sa'kin ang problemang ‘to. Magpalamig ka muna para mabawasan ‘yang takot mo.”
Hinilot ko ang magkabila kong sentido habang papalabas ng warehouse. Madaling araw na, and this time is always my safe time to drive alone back to my other persona with a decent job and personality.
Tinapon ko lahat ng wipes na ginamit ko para punasan ang kamay kong madungis. Bago ako pumunta sa bahay, sinisigurado ko na malinis ako at walang halong amoy na galing sa madumi kong pinanggalingan. I hate my secret position in my secret job but there's nothing I can do to change what I have now. Sana…masaya ang nakatungo na nasa itaas dahil sinunod ko ang gusto niya.
I can't deal with my job, but I have no choice but to accept the position they offer to prove to them who I am. Their roots came from hell, and unfortunately, I am one of those dark roots.
Hindi ko gusto kung ano ang meron ako ngayon dahil simula ng malaman ko na konektado ako sa kanila, sinumpa ko sa aking sarili na hindi ako lalapit sa kanila. Pinalaki ako ng Nanay ko na may takot sa Diyos. Pinalaki ako ng isang babae na hindi ako pinilit na gumawa ng masama kahit na ang dugo na dumadaloy sa aking katawan ay galing sa masama. I have morals while growing up in this damn world. Hindi ko sinasabi na perpekto akong tao. Ang akin lang, mamumuhay ako ng matiwasay na hindi madungis ang pagkatao kaso…hindi sumasang-ayon sa akin ang mundo.
Masaklap ang buhay na meron ako at pinipilit kong maging mabuting tao pero saan ako kukuha ng lakas ng loob na gawin ‘yon kung lahat ng tao na konektado sa akin ay walang ibang ginawa kundi ang ipursige ako na panindigan ang posisyon na meron ako.
Alas kwatro ng umaga ng makarating ako sa apartment ko. Nagkape lang ako bago maligo. Every part of my body, I make sure it's not dirty. I shave after I take a bath. Naging malinis na ulit ang mukha ko. Tinagilid ko ang aking mukha para tingnan ang tattoo ko sa leeg. Binabalak kong ipa-laser ang tattoo ko kaso sa tuwing binabalak ko, may kung anong pumipigil sa akin rason para hindi ko matuloy ang binabalak gawin.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili, sa kotse na rin agad ang punta ko. Nasa ibang bansa si Vaughn kaya wala akong trabaho sa kanya. Mahigit isang buwan siyang nagbabakasyon kaya ibig sabihin lang nun, isang buwan rin akong libre. I have enough money to sustain myself kahit ilang taon pa ako na hindi magtrabaho. Matagal akong nagtatrabaho bilang personal driver ni Vaughn at maiipagmayabang ko rin ang sahod ko sa kanya. Sapat na naman ang pera ko na naipon galing sa malinis kong trabaho. At kung may naipon man ako, nasa bahay ko na lahat. Gusto ko lahat ng pera ko na galing sa malinis kong trabaho ay makikita ko sa malinis rin na bagay. At iyon ay ang pinapagawa kong bahay. Kahit walang kasiguraduhan kung magkakaroon ako ng sariling pamilya balang-araw, doon ko sila ititira at iyon ang ipapamana ko sa kanila at ipagmamayabang ko sa ibang tao na nakapagpundar ako ng malaking bahay galing sa malinis kong trabaho.
I was about to start the engine when someone threw a magazine at me. Salubong ang kilay ng mapabaling ako sa bintana.
“Basahin mo ang headlines.” Dismayadong bungad sa akin ni Gabby. Her expression was a mix of shock and dismay. So..the news is out. Hindi ko siya masisisi kung gano'n ang reaction niya. Malamang hindi lang sa kanya nakaabot ang balita. I know it's new to her what I did last night. Kaya ko namang resolbahan ang pagpapatakas ko sa binihag nila.
Hindi ko nilabanan ang yamot niya. Binasa ko rin agad ang headlines. Hindi na bago sa akin ang makabasa ng mga balita tungkol sa organisasyon. Pero itong bumungad sa akin, shít. They all know how to pull out the shít inside of me! Nagtagis ang mga panga ko habang binabasa ang nakasaad sa dyaryo.
*DARK ALLEYS, DARKER FUTURE*
*The Krieg Organization's Grip on the City Tightens*
In the dark alleys of the city, where shadows whispered secrets and streets reeked of desperation, the Krieg Org. ruled with an iron fist. Guns, greed, and corruption fueled their empire, casting a long shadow over the city's underworld. A new player was about to emerge, one who would either rise to power or succumb to the darkness.
*Sources near the oraganization reveal a power struggle brewing beneath the surface.* Insiders claim that a mysterious figure, known only by their shadowy reputation, is poised to make a move against the Krieg leadership.
*The city's residents are on edge, wondering what this means for their already fragile safety.* Will the Krieg Organization's maintain its grip on power, or will this new player bring about a wave of change? One thing is certain: the city's underworld will never be the same.
*Stay tuned for further updates as this story unfolds.*
“See? My God, James!” Bulyaw ni Gabby. She's furious so I need her to stay calm. Bumaba ako ng kotse. Tinapon ko ang magazine. Parang si Diego rin ‘to eh. Bakit ba napaka-big deal sa kanila ang ginawa ko eh halos pare-pareho lang din naman ang mga headlines na nababasa ko sa tuwing may lumalabas na balita! Ang pinagkaiba lang ay may gusto silang tumbukin na persona. f**k!
“I will clear the organization's name, okay? At staka hindi naman kayo dapat kabahan dahil wala naman silang sapat na ebidensya para mapatunayan nila kung sino-sino ang mga nasa pwesto. Sadyang maglalabas lang sila ng mga haka-haka tungkol sa atin dahil gusto nila mabigyan ng pansin ang Krieg but no one will face to prove the illegal activities of the group. So stop being furious Gab. Kaya kong linisin ang Krieg.”
“Gawin mo na agad, James dahil ayaw kong mapahamak. Hindi ko alam kung ano ang pumasok diyan sa kukute mo para pakawalan yung hinuli nila. She could have told the police about what she saw! Baliw ka ba o baka naman….–”
“Stop it, Gab. May sarili akong plano sa kanya kaya ko ‘yon ginawa. Shít! You're the one I trusted the most in our
organization so I hope this is just between us. Ibigay mo na sa akin si Samara.”