Kabanata 3

1543 Words
Samara Namumugto ang mga mata ko ng tingnan ko sa salamin. Hindi ko maiwasan na malungkot kanina ng sabihin sa akin ni Ate Kylie na isasama niya pansamantala sa US si Lolo at Lola. Sanay naman ako na mapawalay sa kanila. Malapit lang naman kung tutuusin ang pagitan namin kapag hindi ako umuuwi ng Lemery. Kahit na ganun ramdam ko pa rin sila kahit magkalayo kami pero sa US, ibang bansa na kasi yun. May social media naman at pwede ko sila maka-usap through video call pero iba pa rin talaga kapag personal. Naisipan raw ni Ate Kylie na isama sina Lola at Lolo dahil gusto niya na makaranas ang mag-asawa na makapunta sa ibang bansa. Hindi raw sumang-ayon si Lolo noong una pero nakumbinsi rin. Ilang linggo niya rin kinukulit ang mag-asawa hanggang sa pumayag. Wala namang ibang iniintindi sina Lola dahil pensyunado na sila pareho pero dahil matanda na sila at parang hinahanap rin ng katawan nila ang trabaho kaya sa halip na magpahinga ay kumutingting na lang ng kumutingting kahit hindi naman dapat. Sadyang ganun raw ang mga matatanda. Magkakasakit sila kung hindi makagawa ng kanilang gawain. Dinampian ko ng tissue ang mukha kong basa dahil naghilamos ako. Medyo halata pa rin na umiyak ako at hindi iyon maiitanggi ng aking mga mata. Mabilis mamula ang mga mata ko at namumugto agad kahit hindi naman ako magdamag na umiyak. Sinuklay-suklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri ko. Inayos ko rin ang T-Shirt ko. Pagkatapos ng lahat, saka ako bumuga ng hangin. Naghanda ng marami si Ate Kylie para sa dispidida nila. Kasama niya ulit sa US si Akira. May trabaho doon si Akira. Si Akiro naman ay mukhang walang balak na sumama dahil hindi ko naman narinig na kasama siya. Napanguso ako dahil talagang nagugustuhan na niya dito sa Lemery. Staka siguro mas pipiliin niya rin talaga na mamalagi dito dahil nandito lahat ng mga kaibigan niya. May bahay rin siya sa Manila at malimit rin siya doon dahil nandoon ang iba niyang kaibigan. Pinagpahinga na ni Ate Kylie sina Lola at Lolo dahil maaga ang flight nila bukas. Mamayang madaling araw ang alis nila dito dahil baka maabutan sila ng traffic at ma-late sa flight. Paglabas ko ng sala, nakita ko si Antonette na nagpupunas ng lamesa. Maraming pinggan na nakatangkas sa tabi ng lamesa. Huhugasan niya pa lang kaya mabilis akong pumunta sa gawi niya para tulungan siya kaso…natigilan ako ng makita kong pumasok si James. Nagkatinginan kami. Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata. Hindi agad ako nakagalaw dahil naunahan ako ng pagkataranta. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib habang nakikipagtitigan ako sa kanya. Para akong mahihimatay na parang nanglalambot! Hindi naman delubyo si James para magkaganito ako. Basta niya lang kami nilampasan pagkatapos niyang makipagtitigan sa akin. Humupa ang nararamdaman kong pagkataranta kaso napalitan naman ng kung anong panglulumbay ng hindi niya man lang ako binati ko kausapin man lang. “Tulungan na kita…” Kagat ang ibabang labi ng ibaling ko kay Antonette ang atensyon. Patuloy pa rin siya sa pagpupunas ng lamesa at hindi man lang na distract sa presesnya ni James. Mabuti pa siya, walang paki-alam samantalang ako parang mahihimatay na sa katarantahan. “Nako, ako na po Ate Sam!” Agap niya at mabilis na kinuha ang mga platong tangkas. “Ako na lang ang mag babanlaw–” “Kaunti lang naman po ‘to. Kaya ko na po ito ate…” Giit pa niya. Napakamot na lang ako ng ulo. Hindi ako nagpumilit na tumulong kay Antonette pero sumunod pa rin ako sa kanya papuntang kusina kahit alam ko na hindi pa nakakalabas si James. May pintuan sa kusina na papuntang labas at baka doon na dumaan si James. Feeling ko lang dahil may ilang minuto na ang nakalipas. Wala si James ng makapasok ako ng kusina. Sumilip ako sa bintana kaso medyo madilim sa labas dahil natatabunan ng mga puno ang ilaw. “Diyan po yata lumabas si Kuya James, ate…” Ani Antonette. Napanganga ako. Masyado ba akong halatado? Hindi naman ah! Hindi ba pwedeng….tinitingnan ko lang ang langit? Balak ko naman talaga maglakad-lakad mamaya kapag pauwi na ako. Hindi makakapag-drive ng maayos si Akiro dahil malamang lasing na ‘yon. “Tinitingnan ko lang ang langit kung uulan ba o hindi. Balak kong maglakad mamaya,” paliwanag ko kay Antonette bago umupo. Naghuhugas na siya ng plato kaya nakatalikod siya sa gawi ko pero pakiramdam ko hindi siya naniniwala sa akin. “Hinanap ka po nun kanina..” Nasamid ako ng sarili kong laway ng marinig ang sinabi ni Antonette. “S-sino? Ni James?” Humarap sa gawi ko si Antonette saka ngumiti ng wagas na para bang kinikilig. Shít! Ako nga ang hinahanap ni James? “Ang sabi ko nag-uusap kayo sa loob ng library. Tinanong ko kung bakit ka niya hinahanap–” “Bakit daw?” “Wala lang daw po eh.” Ani Antonette saka ibinalik sa lababo ang atensyon. Hindi ako nakaimik. Ano yun, trip niya lang? Napailing na lang ako. Matipid mag kwento si Antonette. Hindi niya mapantayan ang kadaldalan ko kaya nagpaalam na lang ako sa kanya na lumabas. Pagdating ko sa labas, nakita kong tuloy pa rin ang inuman nina Akiro pero dahil malinaw ang mga mata ko pagdating kay James kaya nakumpirma kong wala na siya sa grupo nina Akiro. Binalingan ko ang mga kotse na nakaparada at wala na yung kotse ni James. Nanghina ako at kulang na lang sabunutan ko ang aking sarili dahil sa inis. Gusto ko pa naman sumabay sa kanya mamaya kung sakali na uuwi siya kahit medyo naiinis pa rin ako sa kanya. “Uuwi ka?” bungad sa akin ni Akiro ng mapansin niya akong nakatayo dito sa labas. He is drunk but he can still manage to stand and to talk seriously. Umiling-iling ako sa kanya. “Dito ako tutulog.” Dahilan ko pero ang totoo hindi naman. “I see. You can sleep now, ihahatid na lang kita bukas–” “Hindi ka sasama sa airport?” “Hindi. Baka umiyak lang ako dun,” aniya sabay ngisi. “Ikaw ba? Sasama ka sa paghahatid?” Lumabi ako. “Hindi rin at baka umiyak lang din ako.” Panggagaya ko sa kanya na ikinaling niya. “Gaya-gaya ka pala. Kuha lang ako alak. Matulog ka na, Aunty..” aniya sabay pasokl sa loob ng bahay. Hindi ako tumugon dahil binabantayan ko siyang mawala sa aking paningin bago tumakbo. Mabilis akong nakalabas ng gate ni Akiro. Sana walang nakapansin sa akin. Sa tabi ako dumaan at takip iyon ng mga puno. Sinilip ko ang oras sa aking cellphone at alas diyes na ng gabi. May pera naman akong dala kaya malakas ang loob ko na bumyahe pabalik ng boardinghouse. Kinapa ko pa ang wallet ko na nakasingit sa aking tagiliran. Leggings ang suot ko at walang bulsa kaya sa tagiliran ko isingit. Gusto ko rin kasi maglakad-lakad ngayon at ewan ko ba kung bakit naisipan kong maglakad kahit medyo nakakatakot sa bawat dinadaanan ko. Bago lang ang village na pinagpatayuan ng bahay ni Akiro at marami pang bakanteng lote na hindi pa napapagtayuan ng bahay. Gubat rin ang magkabilang gilid ng daan dahil ongoing pa rin ang construction ng village. Nang makalampas ako ng guardhouse medyo malayo pa ang lalakarin ko papuntang highway. Hindi ko na rin binuksan ang flashlight ng aking cellphone kahit medyo madilim ang daan pero naaaninaw ko pa naman ang nadadaanan ko dahil sa ilaw ng poste. May ilang sasakyan pa rin naman na dumadaan kaya nababawasan pa ng kaunti ang kaba ko. “Sa kabilang direksyon niyo na lang isako ‘yan! Matigas ang ulo eh!” Hindi ko naituloy ang paghakbang ko ng marinig ko ang sinabi ng kung sino. Yumuko ako dahil sa takot na baka makita ako ng lalaki. Sino ang isasako nila? Nanlalamig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang aking cellphone. Natatakot ako na baka may makakita sa akin kaso may kung anong sumusulsol sa akin na sumilip sa pinanggalingan ng boses at mga galaw na naririnig ko ngayon. “s**t, ayaw ko pang matudas!” Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa takot. Bahagya kong inangat ang aking katawan. Mataas ang damo na sa pinagtaguan ko at madilim rin sa bahagi ko kaya hindi agad ako makikita. Napatakip ako sa aking bibig ng makita ang ginawa ng mga lalaki. May isang lalaki na nakahandusay sa damuhan. Duguan at mukhang patay na! Ilang lalaki pa ang nakatayo at may ilan ring lalaki ang nakaantabay sa malayo. Parang warehouse ang nakikita ko hindi kalayuan sa mga lalaking look out. Nanginginig ako sa takot pero hindi ko magawang umalis dahil pinipilit kong aninawin ang mga itsura nila partikular na ang lalaking nakahandusay. Sinako nila ng walang kahirap-hirap ang lalaki bago nilagay pa ulit sa isang sako bago pa ito tinadtad ng duct tape ang palibot ng sako. “Ay!” Napairit ako ng marinig ang pagputok ng baril. Dahil sa takot kung kaya't yumuko ulit ako habang nakatakip sa aking magkabilang tainga ang aking mga kamay kaso muli akong napairit at hindi na nakakibo ng maramdaman kong basta na lang may tumakip sa aking bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD