Kabanata 2

1608 Words
Samara Nasanay ako na nagpapaka-independent sa aking buhay simula ng makulong ang aking Nanay at ng si Lola at Lolo na lang ang tumayo bilang aking ama at ina. Tinuruan nila ako kung paano tumayo gamit ang sariling mga paa. Hindi ako umasa kay Lola at Lolo at kahit sa pinsan kong si Ate Kylie dahil pinatunayan ko sa kanila na makakaya kong gawan ng paraan ang pang-araw-araw kong kakainin at gagastusin simula ng magkatrabaho ako. Kahit ang pag-aaral ko noon ay wala pa sa kalahati ang naitulong nina Lola dahil ilang scholarships ang pinasukan ko para maka-minus sa mga gastusin sa pag-aaral. Awa ng diyos, nakaraos at naka-graduate ako. Kung tutuusin hindi lang sina Lola at Lolo ang nagturo sa akin para maging isang matibay na tao kundi pati ang mundo. Tinuruan ako ng mundo kung paano lumaban sa buhay. Hinubog ako ng mundo kung paano maging madiskarte na kahit may diploma ako dahil nakapagtapos ako ng kurso na gusto ko, hindi pa rin yun naging basehan para masasabi kong naabot ko na ang ninanais ko dahil ang totoo, diskarte ang naging daan sa lahat ng meron ako ngayon. Diploma is just a recognition of one's efforts, but it's up to the individual to take control of their own life and create their own success and that's the reality in this world. Hindi naman porket nagtapos ng cúm laude ang isang tao ay ibig sabihin matutumbok niya na agad ang propisyon ng trabaho na gusto. Nag-aaral ang isang tao para makalikom at makahubog ng sariling kaalaman pero kapag nasa point na ng pagtatrabaho kailangan pa rin talaga maging didikado, magtiis, masaktan at mag pursige para makamit ang pangarap. Lahat ay hindi nadadaan sa mabilis at magaan na proseso dahil kahit ang langgam ay nagpapakahirap na lumakbay at makipag-siksikan sa mahabang prusisyon para lamang maka-imbak ng kakainin nila para sa darating na tag-ulan at ganun din ako. Hindi lahat biniyayaan ng magaan na buhay. Hindi lahat pinapanigan ng mundo. Ilang taon bago ako na promote bilang manager sa store na pinagtatrabahuhan ko. Ang dami kong pagkakamali at ilang tao ang humusga sa akin bago ko naabot ang posisyon na’to dahil na rin sa sipag at tiyaga at pagiging didikado ko sa aking trabaho. Hindi naman ako naghahangad ng mas mataas na posisyon dahil para sa akin sapat na kung ano ako ngayon para matustusan ko ang mga pangangailangan ko at makatulong sa mga taong tumulong sa akin noong panahon na kailangan ko ng tulong nila. Nakakapag-ipon din ako kahit papaano. Kaya ganun kahalaga sa akin ang trabaho na meron ako. Masaya ako sa trabaho ko at iyon ang mahalaga. Advance pa ako ng fifteen minutes ng dumating ako sa store kaya may oras pa ako para ayusin ang sarili at i-briefing ang mga kasamahan ko. Senior manager ang bibisita ngayong araw at medyo istrikto iyon kaya ganun na lang ako kung magkumahog kanina. Minsan lang bisitahin ang store namin kaya sa tuwing malaman ko na bibisitahin kami, hindi agad ako tantanan ng kaba at pagkataranta. Hindi ko na rin nga alam kung nakapag-pasalamat ba ako kay James bago ako bumaba sa kanto dahil imbes na sabihin ko iyon, nawalan na ako ng tapang na ibuka ang aking bibig ng malaman niya ang ginawa ko kagabi. Pero kailangan ko muna isantabi ang nararamdaman kong inis kay James. Mamaya ko ‘yon po-problemahin kapag nakaraos ako dito sa aking trabaho. Nagpatawag ako ng meeting. Pinaalalahanan ko ang mga kasamahan ko. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang toka. May mga ipinaliwanag lang ako sa kanila. Kahapon pa lang ay pinatawag ko na sila para i-briefing at alam kong areglado naman sila. Hindi pa naman nila ako binigo simula umpisa kaso may ilang baguhan kasi na staff kaya hindi ko maiwasan na mangamba. Strict pa naman ang senior manager namin dahil medyo may pagka-malambot. The meeting was going smoothly until our senior manager arrived and everything was good to him. Pare-pareho kaming nakahinga ng maluwag ng wala akong narinig na negative mula sa senior manager. At siguro kung employee ko pa rin si Aria malamang, hindi lang tapik ang nagawa nun sa akin kapag ganitong all goods sa nakakataas ang performance ng store namin. Eksaktong breaktime ng umalis ang bumisita sa store kaya nagkaro'n ako ng oras para sa aking sarili. Kaharap ko ang computer at ilang inventory folders kaso ang isip ko lutang na lutang dahil sa sinabi kanina ni James. Medyo na hurt ako sa totoo lang. Dismayado ako kahit hindi naman dapat. Dahil sa nararamdaman at sa halip na kumain na ako, mas inuuna kong hanapin ang cellphone ko kaysa ang ilabas ang pagkain na pinabili ko sa labas. Lumitaw sa screen ang ilang text messages at missed calls ni Akiro. Ngayon ko lang nahawakan ang cellphone ko kaya hindi ko talaga alam na tumatawag rin siya. Kumunot ang noo ko ng i-unlock ko ang aking cellphone. Kiro: Hey… Nagpumilit si James na sundan ka Kiro: Text me when you're at the store. Sorry na kung hindi kita naihatid. Ang loko nag pumilit na sundan ka ng malaman ang pagpanggap mo kagabi Kiro: Galit ka Sam? Damn. Nai-send ko na ang bayad ko sa'yo. Sobra-sobra pa yun bukod pa ang allowance mo at pangbayad sa renta. Love you, Aunty Sam! Shít me. Lihim akong natawa sa huling message ni Akiro. Saka niya lang talaga ako ituturing na tiyahin kapag pumapalpak siya sa akin. Parang napawi ang nararamdaman kong inis kay James dahil sa isipin na hindi ko na kailangan pang ibawas sa sasahurin ko ang pambayad sa renta ko at personal expenses. Galante naman talaga si Akiro pero bukod doon, mabait rin naman ‘yon at matulungin…kaso hindi ko naman ginagawang trabaho ang manghingi o tumanggap ng tulong galing sa kanya kahit minsan basta niya na lang ako pinapadalhan ng pera. Magugulat na lang ako na nai-send na niya sa bank account ko. Ayaw ko ng ganun sa totoo lang kaya kinumpronta ko siya at hindi na ulit yun dahil pare-pareho naman kami na may trabaho at may kanya-kanya kaming pinagkakagastusan. Maliit lang naman yun para sa kanya pero hindi ko tino-tolerate ang ganung bagay. Nakakahiya. Alas otso na ng gabi ng maka-uwi ako ng boarding house at nung lumabas ako para sana pumunta sa supermarket, nadatnan ko sa labas si Akiro na kakarating lang yata dahil kakalabas niya lang ng sasakyan. Nagsalubong ang mga kilay ko. “Bakit ka na naman nandito?” Agap kong bungad sa kanya. Tumaas agad ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko. Namaywang ako habang kunot ang noo. “Sinusundo lang kita dahil nasa bahay ngayon si Ina. She'd like to see you before she heads to the US…” Aniya. Bumalik sa normal ang itsura ko ng marinig ang sinabi ni Akiro. Ibig sabihin matagal-tagal ulit bago bumalik ng Pinas sina Ate Kylie. Ang hindi ko lang alam kung bakit niya ako gustong makita. “Magbibihis lang ako.” “Huwag na. Nagmamadali ako sa Sam..” Pigil niya habang hinuhusgahan ang suot ko. Napa-tsk ako dahil sa kaapurahan niya. Tiningnan ko ang suot ko at pormal naman. Naka-leggings ako at T-Shirt na puti. Medyo malaki ang T-Shirt ko at lampas ng aking puson ang hem na matatakpan talaga ang harapan ko. Karamihan kasi kapag ganun ang suot ng mga babae, nakaka-agaw ng pansin lalo na sa mga traysikel driver. Nakakainis ang mga ganun dahil may nalalaman pang pagsipol. Komportable kasi isuot ang leggings kaya ito lagi ang sinusuot ko kapag lumalabas para mang-grocery. Sa City lang din ang bahay ni Akiro at medyo may kalapitan lang sa boarding house ko. Kabisado ko ang daan kaya binalak ko ng umidlip at hindi na abalahin ang mga mata para pagmasdan ang bawat dinadaanan namin. Umuulan rin kaya masarap umidlip. Wala rin akong sa mood makipag-usap kay Akiro. Wala kaming pag-uusapan at kung meron man, wala talaga akong sa mood dahil naalala ko na naman ang sinabi kanina ni James. Nakakasakit siya ng damdamin. Dumaan lang siya saglit sa store kung saan ako nagtatrabaho para bumili ng mga alak at chicherya. Hindi na ako bumaba. Mag si-siesta na naman siguro ang mga ito kaya hinanda ko na talaga ang aking sarili dahil alam kong nandoon na naman si James. Always present yun! Nakukuryuso tuloy ako kung hindi ba yun nali-late sa kanyang trabaho bilang personal driver nina Aria kapag napasarap siya ng inuman kasama ang mga barkada niya. Pagdating namin sa bahay ni Akiro, natanaw ko agad si Lola at Lolo dahil sadya nila akong inaabangan. Nandito rin sila? Tinakbo ko agad ang pagitan namin dahil sa kasabikan at hindi ko na inintindi si Akiro. “Mano po, La, Lolo,” sabay yuko ko sa harapan nila. Halinhinan silang naglapat ng kanilang mga palad sa aking ulo. Pagkatapos nun, saka ko sila inakbayan habang papasok kami ng bahay. Nasa sala si Ate Kylie at anak niyang panganay na si Akira at parang may pinag-uusapan sila pero ng makita nila kami, tumayo na rin si Akira. Ngumiti lang ako kay Akira ng lampasan niya ako pagkatapos umalis sa kanyang kinauupuan. Ngumiti din siya sa akin pero simple lang. Hindi kami madalas mag-usap nun dahil naiilang ako sa kanya. She's older than me. Mahigit limang taon yata ang agwat naming dalawa. Si Akiro ang ka-edad ko sa aming tatlo kaya close talaga ako sa lalaking ‘yon. Magka-klase rin kami noong high-school. At staka isang rason rin si James kung bakit naiilang ako kay Akira. First boyfriend niya si James pero hindi rin sila nagtagal dahil ang pagkakaalam ko nakipaghiwalay si James dahil nagloko si Akira at ang malupit pa, boyfriend ko ang sinulot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD