chapter 8

963 Words
Kung hindi nito ihinarang ang katawan sa kanya ay baka sa tiyan niya tumama ang mabigat na carpet. "Are you shocked?" kunot-noong tanong ni Rick na pa rin inaalis ang kamay sa balikat niya. "Shall I take you to the hospital?" "I-I'm fine," napilitang sagot niya. "Thanks" Hinimas niya ang kanyang tiyan. Ngumiti si Rick at tinapunan ng tingin ang tiyan niya "I think I'm becoming your baby's protector already. Like his hero, or guardian angel." She exhaled a faint laugh. Dumarami na ang utang-na loob niya sa lalaki. "Hindi bagay sa 'yo ang maging anghel "And now you're insulting me after I let my butt get spanked hard by a carpet for you," nakangising sabi ng lalaki Natawa si Lindy. Kanina lang ay inis na inis siya kay Rick ngunit ngayon ay bigla na namang naglaho iyon. "Rick?" Kapwa sila napatingin ni Rick sa tinig-babaeng nagsalita. Nakita ni Lindy ang isang brunette na sa tantiya niya ay mas bata sa kanya nang ilang taon. Nag-uumapaw ang dibdib ng babae sa suot na fitted dress, nasa mukha ang pagkamangha habang nagpapalipat-lipat ang tingin kay Rick, sa kanya at sa tiyan niya. "Angie..." Mukhang namangha rin si Rick pagkakita sa brunette. Pakiramdam ni Lindy ay parang gustong tumakbo ng lalaki. "Rick... I've been searching for you..." wika ng babae. "Ah... really?" animo ay nasukol na sabi lang ni Rick. Nakabuo ng ideya sa isip si Lindy. Mukhang pinagtataguan ni Rick si Angie. Siguro ay isa lamang ang babaeng ito sa mga babaeng tinakbuhan ni Rick nang mapagsawaan ng huli. Tila bumalik na naman ang inis niya sa lalaki sa naisip. "What are you doing here?" tanong ni Rick. "I just came here to visit someone. Did you move here in San Diego?" Saglit na natigilan si Rick pagkatapos ay umiling, "No." "So, where do you live now?" "L.A." Lindy secretly rolled her eyes. Liar! "I see." Tumingin sa kanya si Angie. "So, who is she?" Tinapunan uli ng tingin ng brunette ang tiyan niya. Nakita niya ang pagkislap ng mga mata ni Rick. "Oh, yes!" Bahagyang tumawa si Rick. At nagulat na lamang siya nang akbayan siya nito. "She's my wife." Nanlaki ang mga mata ni Lindy sa pagkabigla. At mukhang hindi napansin ni Angie ang reaksiyon niya dahil namangha ito. "What?!" bulalas ng babae na animo ay magha- hyperventilate. "You're married?" Tumango si Rick. Naramdaman ni Lindy ang pagpisil ng lalaki sa balikat niya na tila ba sinasabing "sumakay ka na lang." Naalala niya ang mga utang-na-loob niya rito na kanina lamang ay nadagdagan kaya hindi na siya kumibo at sumakay na lang sa gusto nitong mangyari kahit hindi niya gusto ang ideya na gamitin siya para pantaboy sa isa sa mga babaeng tinatakbuhan nito. "And we're about to have our first baby," patuloy ni Rick. "No!" sigaw ni Angie. "Tell me this isn't real!" "It's real," sabi ni Rick. "No!" sikmat ni Angie na animo ay isang nauulol na aso. Nanlisik ang mga mata ng brunette kay Lindy. "You snatched him away from me, you slut!" Napanganga si Lindy. Nang umakto si Angie na susugurin siya ay hinagip ito ni Rick palayo sa kanya. Hindi na niya naririnig ang pag-uusap ng dalawa ngunit pinanonood niya kung paano pumalahaw ng iyak si Angie at nagpumilit na yumakap kay Rick na parang isang obsessed freak. Poor girl, sabi na lamang niya sa isip. Ilan kayang tulad ni Angie ang tinakbuhan ni Rick pagkatapos pagsawaan ng lalaki? HABANG naglalakad sina Lindy at Rick ay ikinuwento ng lalaki na huli na dati itong nakatira sa Weschester, New York ngunit lumipat sa San Diego, California para pagtaguan si Angie. "She's crazy," anang lalaki, tukoy si Angie. "Angie is nuts. She kept doing weird, scary things. Ang sabi ko raw sa kanya, we were officially on pero wala naman akong sinasabi. She even edited a picture of us and turned it into a wedding picture. I was scared of her kaya tinakbuhan ko siya. Kung hindi kita kasama ngayon at hindi ko naisip na ipakilala ka as my 'wife,' she would surely act as if we've come back together and the funny thing is... there was never an 'us." Nakita ni Lindy kung paano umatungal si Angie habang kinakausap ni Rick. Mukha nga talagang may sayad ang brunette. Muntik pa yata siyang saktan kanina. Mabuti na lang at kumalma ang babae at lumayo na nang malamang wala na talagang pag-asang mapasakamay nito si Rick. "Iyan ang napapala mo sa pagiging babaero," pasimpleng banat niya sa lalaki. Nakuha pang ngumisi ni Rick. "Girls come to me. Who am I to turn them down?" "Yabang," mahinang sambit niya. Somehow, she understood the male nature. Rick was a typical healthy male. And s*x was a primary necessity for males. Lalo na sa bansang iyon na normal lamang sa mga lalaki, o kung minsan ay pati sa mga babae, ang may multiple sex partners. At kung ang mga babae na ang lumalapit sa lalaki, natural na hindi tatanggi ang mga lalaki. "Do you even have plans of settling down in the future, Rick?" tanong niya. Nagkibit-balikat ang lalaki. "I don't know." Nadismaya siya sa narinig na sagot. "And you?" tanong ni Rick. "Do you have plans to fall in love again?" Umiling siya. "Really? Really? Why?" "I just don't want to fall in love again. I just want to live alone with my baby. Masaya na ako sa ganoon." "Did the father of your child hurt you that bad?" biglang tanong ni Rick. Napatingin si Lindy sa lalaki. Bigla siyang nakadama ng habag sa sarili sa itinanong nito. "It's rude to ask things like that when we're not even friends." "We can be friends, you know." "I don't think so." "Okay. We can't be friends," pagsuko ni Rick. "Still, you owe me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD