prologue

499 Words
Manhattan, New York HUMINTO si Lindy sa tapat ng pinto ng Repro Lab. Kinakabahan siya sa nakatakdang gagawin. Ngunit yari na ang desisyon niya. Nakahanda na ang lahat. Naka-ready na ang sperm na ii-inseminate sa kanya na mula sa isang anonymous donor. Yes. She was about to undergo artificial insemination. She was ready to conceive a child without a father. She did not need a husband. She only wanted a child. Ang sabi ng best friend niyang si Maris ay baka nabibigla at nagrerebelde lamang siya sa kanyang sinapit. Ang sabi ng kaibigan ay huwag siyang magpadalos-dalos ng desisyon. Palipasin daw muna niya ang dalawa hanggang tatlong buwan bago magdesisyon uli sa gusto niyang gawin. Kapag malinaw na ang kanyang isip at kahit paano ay makaka- move na. Tatlong linggo pa lang ang nakakalipas mula nang iwan siya ng kanyang fiancé na si Alvin. Or she must say, ex-fiance. They had been together for three years. They were about to get married. But three weeks before their wedding, she found out that was having an affair with his childhood friend. He broke off their engagement. He left her feeling devastated. She was thirty years old. Her clock was ticking. She wanted to settle down so badly. She wanted to have a husband and children, a family of her own. Ang akala niya ay natagpuan na niya ang lalaking magmamahal sa kanya ng habang-buhay. Nagkamali siya. Kaya sa panahong nagdadalamhati sa sinapit ay nakaisip si Lindy ng isang desisyon. Gusto na lamang niyang magkaanak, ayaw na niyang mag-asawa. Ayaw na niyang magmahal uli. Kaya siya naging exposed sa ideya ng artificial insemination at sperm donors ay dahil kay Dr. Martina Adams na isa sa pediatricians sa USD Medical Center, ang ospital na pinagtatrabahuhan niya bilang nurse. Thirty- five years old na ang doktora at hindi pa rin nakakapag- asawa. Kaya naman sumailalim ang babae sa artificial insemination pagkatapos nitong bumili ng semilya na nagmula sa isang anonymous donor sa Repro Lab. Sa ngayon ay magdadalawang taong gulang na ang anak ng doktora. Binubuhay ni Dr. Martina ang anak nang mag-isa. Naisipan niyang gayahin ang doktora. A week ago, she went to that sperm bank with Maris. Namili siya sa listahan ng anonymous donors kung saan nakasulat ang physical characteristics at profiles ng mga lalaki. Ngayon nga ang schedule ng kanyang insemination. She wanted to have a child so badly. Alam niyang sa oras na magkaroon ng anak ay magiging masaya siya. Makakalimutan niya ang ginawa sa kanya ni Alvin. Hindi na siya maghahanap pa ng lalaking magmamahal sa kanya dahil sapat na ang magiging anak niya para pasayahin siya. Bubuhayin ni Lindy nang mag-isa ang kanyang anak. Hindi niya kailangan ng lalaki para mag-provide para sa kanila. She would be her child's mother and father at the same time. She was a strong woman. She could fare well being a single mother. Huminga siya nang malalim. Hinawakan niya ang door handle. She was ready. She was ready to get pregnant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD