After two months...
MAINGAT na inakyat ni Lindy ang malaking hagdan
ng apartment building na tinitirhan niya sa San Diego
California. Kauuwi lang niya mula sa
kanyang day shift sa
ospital na pinagtatrabahuhan bilang nurse. Halos apat na
taon na rin siyang isang US-registered
nurse sa Amerika
Simula nang magtrabaho siya roon ay hindi pa siya
nakakadalaw uli sa Pilipinas. Kunsabagay ay wala na rin
naman siyang dadalawin doon.
Her mother died when she was twenty-one. Buhay pa
ang kanyang ama ngunit nang iwan nito ang kanyang ina
noong tatlong taong gulang pa lamang siya ay tuluyan na
silang inabandonang mag-ina. May ibang pamilya na ang
kanyang ama at ang huling balita niya ay sa isang malayong
probinsiya sa Pilipinas ito nakatira. Namatay ang kanyang
ina na hindi na nag-asawa pa uli. Dahil siguro labis na
nasaktan sa ginawa ng kanyang ama ay nasira ang tiwala
ng kanyang ina sa mga lalaki.
She remembered her mother always warning her
about men. Mag-ingat raw siya at maraming mga lalaking.
manloloko. Tatlong beses na siyang nasaktan sa pag-ibig
ngunit kahit ganoon ay hindi siya nawawalan ng pag-asang
may isang lalaking magmamahal sa kanya nang totoo. Patuloy
siyang nanalig na darating din ang lalaking para sa kanya.
Then three years ago, she met Alvin Moore a Filipino-American businessman who lived in the US. They had been
together for three years and were about to get married but
he left her suddenly for another woman.
Naisip ni Lindy na tama ang kanyang ina. Hindi
mapagkakatiwalaan ang mga lalaki. Kaya nagdesisyon
siyang tularan na lamang ang ina. Hindi na rin siya mag-
aasawa. Palalakihin na lamang niya nang mag-isa ang
kanyang magiging anak.
Hinaplos niya ang kanyang tiyan. She was eight weeks
pregnant. She knew that the baby was meant to be hers.
Hindi lahat ng sumasailalim sa artificial insemination
ay nabubuntis sa unang beses na pagsubok. Ngunit
nagtagumpay siyang makabuo.
Simula nang mabuntis siya ay natulungan na siya ng
fetus na mag-move on. Her baby had been keeping her busy
imagining about her life being pregnant, giving birth, being
a mother and being a woman who was happy even without
a man in her life.
Siyempre ay hindi agad-agad mawawala sa kanyang
dibdib ang pait sa kinasapitan ng pag-ibig niya at ang galit
niya kay Alvin. Ngunit unti-unti na niyang natatanggap ang
kanyang kapalaran. Alam niyang sa mga susunod na buwan
ay tuluyan nang mabubura sa kanyang puso si Alvin at
mapapatawad na niya ito.
Nang makarating
sa third floor, malayo pa lang ay
natanaw na ni Lindy ang nakabukas na pinto ng apartment
na halos katapat ng sa kanya. Lumabas mula roon ang isang
seksing Amerikana, kasunod ang may-ari ng apartment-si Rick na boxers lamang ang suot.
Wala nang bago roon. Lindy was used to seeing Rick
almost naked every morning. Kunsabagay, hahanapan pa
ba niya ng decency ang lalaki sa pananamit, samantalang
wala namang ginawa ito kundi ang magdala ng iba't ibang
babae sa apartment nito halos gabi-gabi?
Rick Evans was Filipino-American like Alvin but Rick
looked more American than Filipino. He was over six feet
tall, with a handsome face and ripped muscles all over. He
was undeniably hot. No wonder he did not have a hard time
getting all those girls Lindy had been seeing coming in and
out his apartment.
Isang buwan nang kapitbahay ni Lindy si Rick. Tandang
tanda pa niya noong unang dumating ang lalaki sa building
nila. Paglabas niya ng kanyang apartment ay nakita niya ang
lalaki sa tapat ng pinto ng apartment nito, shirtless.
Ngumiti ang lalaki nang makita siya. "Hi!" bati nito.
Hantaran pang pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya
Dala ng kagandahang-asal ay binati rin niya ang lalaki
pabalik kahit bahagya siyang nailang sa nakabalandrang
abs nito.
"It's nice to know that I have a pretty Filipina neighbor
Namumungay ang mga mata ng lalaki habang nakatitig sa
kanya.
Marahil kung hindi pa tuluyang nasisira ang tiwala niya
sa mga lalaki nang panahong iyon ay baka naakit na siya sa
bagong kapitbahay.
"What's your name?"
"I'm Belinda," magalang na tugon niya. "But you can
call me 'Lindy."
"I'm Rick. And I am half Filipino." Iniabot ng lalaki ang
kamay sa kanya.
Tinanggap ni Lindy ang kamay na nakaumang sa kanya.
Hindi naman niya akalaing dadalhin ng lalaki sa mga labi
nito ang kamay niya. Kinintalan nito ng halik ang likod ng
palad niya. "You can come inside my apartment any time
you're lonely."
Kumindat pa ang lalaki.
Napaawang ang mga labi niya sa karinyosong tono
ng lalaki at sa implikasyon ng sinabi nito. The guy was a
pervert! Puwes hindi siya malanding babae para patulan
ang lalaking ito kahit gaano pa ka-hot ito.
Marahas na binawi niya ang kamay. "I'm definitely not
lonely. At binirahan na niya ng alis.
Nang sumunod na araw ay kumatok si Rick sa pinto
niya na wala uling suot na T-shirt. May nakasabit na apron
sa leeg nito na hindi naman nakatali sa likod.
Ngumiti ang lalaki nang mabungaran niya. "Hey, Lindy
I'm cooking and I ran out of soy sauce. Puwede mo ba akong
bigyan ng kaunti?"