Tumingin ito sa loob ng bahay niya na
tila ba ipinahihiwatig na papasukin niya ito.
Hindi siya tanga para papasukin ang lalaki gayong hindi
naman niya kilala ito.
"Okay, wait," bilin niya at bago pa makapasok ang
lalaki ay pinagsarhan na niya ito ng pinto. kinandado niya
iyon, pati ang chain lock ay ikinabit niya. Baka kasi biglang,
pumasok ang lalaki habang nasa kusina siva
Nagtungo siya sa kusina at kinuha ang bote ng soy
sauce, saka muling binuksan ang pinto. Nabungaran niya
si Rick na umiiling-iling habang naka-smirk. Mukhang
na-offend ang lalaki sa ginawa niyang pagsasara ng pinto.
Iniabot niya rito ang bote ng soy sauce.
"Do I look like a criminal to you?"
"No. Don't get offended, okay? Nag-ingat lang ako
Hindi pa kita kilala."
"Paano mo ako makikilala kung hindi mo ako binibigyan
ng chance para magkakilala tayo?" cool na cool na sabi ni
Rick. "You seem so aloof. I'm not a bad person, you know.
Wala akong kaso. Wala pa akong babaeng ni-r**e, FYI"
Lindy snorted. "Kunin mo na ito at balikan mo na ang
niluluto mo, aniya, tukoy ang hawak na bote.
Hindi pinansin ni Rick ang sinabi niya. "Why don't you
come to my house sometime? Maybe we can chat and watch
a DVD movie together while getting to know each other
and" Natigil sa sinasabi ang lalaki nang idikit niya ang
bote ng soy sauce sa dibdib nito.
rito.
"Get it and go" Nagbabanta ang tinging ibinigay niya
Rick looked amused as he stared at her. Umangat ang
isang sulok ng mga labi nito at sinakop ng kamay nito ang
kamay niyang nakahawak sa bote. Marahas na binawi niya
ang kanyang kamay. Nasalo naman ng kamay ng lalaki sa
dibdib ang boteng binitiwan niya.
Hindi niya itinago ang inis sa ginawang kapilyuhan ni
Rick. Padabog na pinagsarhan niya ng pinto ang pilyong
lalaki.
"Thanks, Lindy!" sigaw ni Rick mula sa labas.
Pervert! bulong niya sa isip. Bale-wala lang siguro kay
Rick ang ginawang paghawak sa kamay niya at mukhang
inaasahang ganoon din iyon para sa kanya dahil nasa
States sila. Pero hindi siya Amerikana kaya para sa kanya
ay kalapastanganan ang ginawa nitong paghawak sa kamay
niya.
Tuwing nagkakasalubong sila sa hallway o sa hagdan ay
hindi maaaring hindi siya batiin o i-tease ni Rick. Madalas ay
hindi niya pinapansin ang lalaki. Paano ba niya papansinin
ang kumag kung pakiramdam niya ay nababastos siya kahit
sa mga simpleng pagbati nito? Tulad ng "Hey, sexy! How's
your day?" o "Looking good, sweetie."
O sa mga tingin at ngiti ng binata na tila ba may
kahulugan at pilyo. Inaakit siya nito.
Kung nakukuha ni Rick ang mga babae sa ganoon, hindi
siya kasama sa mga babaeng iyon. Kahit siguro may balak
siyang makipagrelasyon uli ay hindi niya papatulan ang
kapitbahay niyang bagaman talagang guwapo ay pervert
naman at mukhang walang respeto sa mga babae. Ito ang
klase ng lalaking kung kanino siya pinag-iingat ng kanyang
yumaong ina.
"Call me, lover boy!" narinig ni Lindy na sabi ng blonde
girl na lumabas mula sa apartment ng lalaki.
"I will," tugon naman ni Rick.
Huminto siya sa tapat ng pinto ng kanyang apartment
at ipinasok ang kamay sa bag upang kunin ang susi. Hindi
niya pinansin si Rick na ramdam niyang nakatayo pa rin sa
tapat ng pinto ng apartment nito at alam niyang nakamasid
sa kanya.
Kailangang makapasok kaagad siya sa kanyang bahay
dahil ayaw niyang makausap si Rick. Siguradong magpapa-
cute na naman sa kanya ang lalaki. Kaya lang ay hindi niya
makapa ang susi sa inner pocket ng kanyang bag. Binulatlat
na niya ang kanyang bag para hanapin ang susi pero wala
siyang makita at makapa.
"You lost your key?" tanong ni Rick.
Patuloy si Lindy sa paghahanap at hindi pinansin ang
lalaki. Hanggang sa mag-panic na siya dahil wala talaga sa
bag niya ang susi.
"I guess you really did lose your key," narinig na naman
niyang sabi ni Rick.
Napagpasyahan na niyang lingunin ang lalaki. Iniwasan
niyang tingnan ang nakabalandrang abs nito. "Did you see
me drop it last night?"
Nakasalubong niya sa hagdan si Rick kaninang umaga.
Mukhang galing ito sa pagdya-jogging.
Umiling ang lalaki. "Nope."
She sighed heavily in frustration. Pagod na pagod
siya at medyo masakit ang kanyang ulo. Gusto na niyang
magpahinga. Pero paano siya makakapasok sa bahay kung
wala siyang susi? "Where is that freaking key?" she cried.
"You need help?"
Muli niyang nilingon si Rick. Hindi niya itinago ang
pagdududa sa mga mata niya. "Ano'ng magagawa mo?"