chapter 3

1324 Words
"I can't help you find your key but I can try to open your knob." Napamaang siya. "Kaya mong magbukas ng doorknob nang walang susi?" Umiling ang lalaki. "Hindi. Pero susubukan kong distrungkahin ang doorknob mo." Wala naman siyang choice kundi ang pumayag sa iniaalok na tulong ng lalaking hindi niya kasundo. "Okay." She was too tired to be swollen with pride at that moment. Sumandal si Lindy sa pader. Pakiramdam niya ay matutumba na siya sa sobrang pagod. Hindi naman siya gaanong nagpapakapagod dahil alam niyang hindi makabubuti iyon para sa dinadala niya. Si Maris pa lang ang nakakaalam na buntis siya ngunit balak niyang sa lalong madaling-panahon ay ipaaalam niya sa mga kasamahan sa ospital na pinagtatrabahuhan niya na nagdadalang-tao siya. Alam niyang magiging extra considerate ang mga kasamahan niya sa kanya kapag nalaman ng mga iyon na buntis siya. "You look tired," puna ni Rick. "Kung gusto mo, pumasok ka muna sa bahay ko at magpahinga ka sa couch habang sinusubukan kong buksan ang pinto mo." Bahagyang nandilat si Lindy. "No, thanks." Hinding- hindi siya papasok sa bahay ng lalaki. Baka hindi na siya makalabas pa. Ngumisi ang lalaki na para bang nahulaan ang nasa isip niya. "Iniisip mo ba na may gagawin akong masama sa 'yo sa loob ng unit ko? Do I look like I r**e women?" Bumuntong-hininga siya. "No." Bakit pa kailangang manggahasa ng lalaki kung ang mga babae mismo ang kumakatok sa pinto nito? Nag-aalala lang siya na baka akitin na naman siya nito. Ayaw niyang Isipin ni Rick na hinahayaan niyang akitin siya sa pamamagitan ng pagpasok sa bahay nito. "Kung ganoon, get inside." Itinuro ni Rick ang loob ng bahay nito. "So you can sit on my couch comfortably and take a rest while you wait." "No, thanks. Dito na lang muna ako uupo." Maingat siyang sumalampak sa lapag at sumandal sa pader. "Would you rather sit on dirt than enter my house? tila hindi makapaniwalang tanong ni Rick. "Yes. I don't want to abuse your kindness." Kung sarkastiko man ang pagkakasabi ni Lindy sa mga salita ay hindi na niya napansin. Pumikit na siya at sinubukang magpahinga kahit hindi siya kumportable sa inuupuan. Ramdam niya na naroon pa rin sa kinatatayuan nito si Rick habang nakatingin sa kanya. Mayamaya ay narinig niya ang pagkilos ng lalaki. Mukhang wala na ito sa kinatatayuan kanina. Baka kumuha ng gagamitin sa pagsungkit sa kanyang doorknob. Ilang saglit pa ay naramdaman niya uli ang presensiya ni Rick. Narinig na niya ang tunog ng doorknob na ginagalaw. Mga ilang ulit na pumasok at lumabas ang lalaki sa bahay nito. Hanggang sa maramdaman niyang nahuhulog na ang ulo niya dahil hinihila na siya ng antok. Sa sobrang antok ay wala sa sariling inilapag niya ang bag sa sahig at saka humiga rin siya't ginawang unan ang bag. Pagkatapos niyon ay tuluyan na siyang hinila ng antok. NANG magising si Lindy ay nakahiga na siya sa couch at natatakpan ng kumot hanggang sa leeg. Napag-alaman niyang hindi niya couch iyon at hindi niya bahay ang kanyang kinaroroonan. Halatang panlalaki ang bahay dahil sa royal- blue wallpaper. May nakita pa siyang gitarang nakapatong sa center table. Napabalikwas siya at nakita si Rick na nakaupo sa single black leather couch at nakataas ang kamay na may hawak na remote control na nakatapat sa malaking LCD TV. Bakit naroon siya sa bahay ni Rick? Nagpa-panic na kinapa niya ang sarili. Hindi siya nakahubad pero hindi ibig sabihin ay walang ginawang kapilyuhan sa kanya ang lalaki. Mukhang naramdaman ni Rick ang pagkilos niya kaya lumingon sa kanya. Ngumiti ito. "Oh, hi! You're awake." "Bakit ako nandito?" marahas na tanong niya. "I carried you here. You were sleeping on the floor in the hallway. Anong klaseng lalaki ako kung hahayaan kitang natutulog doon?" Nagtagis ang mga ngipin ni Lindy. "Hinayaan mo na lang sana akong matulog doon." Nagdududa ang tingin niya sa lalaki. Rick squinted. "Wait a minute. Iniisip mo bang may ginawa akong masama sa 'yo habang natutulog ka sa couch ko?" She snorted. "How would I know?" He laughed. "I admit I touched you 'cause I needed to carry you. How was I supposed to carry you if I won't touch you? But rest assured, I didn't touch your body the way how your malicious mind might be imagining." Wala siyang tiwala sa lalaking halos gabi-gabi ay may iniuuwing babae sa apartment nito. Lalo na at unang pagkikita pa lang nila ay hayagan na siyang inaakit. "Nabuksan mo ba ang pinto ko?" pag-iiba niya ng usapan. "Yup. Napalitan ko na rin ng bagong doorknob. Bumili ako sa hardware store habang natutulog ka. There's your new key." Itinuro ng lalaki ang dalawang magkaparehong na susing nakalapag sa center table. Muli siyang nagkaroon ng pagdududa. "You didn't filch na a duplicate key, did you?" "Hey, aren't you being too conceited? Do you really think I am dying to break into your house?" He looked amused rather than insulted. Napahiya si Lindy sa sinabi ng lalaki. "I'm sorry. It's just that I don't trust you... yet. Hindi kita kilala. You're a stranger even though you're my neighbor." Tumaas ang isang sulok ng mga labi ng lalaki. "That's because you're not giving us the chance to know each other well." Titig na titig sa kanya si Rick. Nailang siya sa klase ng titig nito. It was as if he was trying to seduce her with his gorgeous gray eyes. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin bago pa siya tuluyang maapektuhan. "There's really no need for that." Tumayo na siya at kinuha ang susi sa center table. Na-appreciate naman niya ang pagtulong ni Rick. Gusto niyang isiping kaya siya tinulungan ng lalaki ay dahil kahit paano ay may pagka-gentleman pa rin ito sa kabila ng pagiging babaero. At hindi dahil ginagamit ng lalaki ang pagkakataong iyon para maakit siya at ibilang sa mga babaeng labas-masok sa bahay nito. "Thank you," she said sincerely and stepped towards his door. "Why are you so aloof?" tanong ni Rick na nakapagpahinto sa kanya sa patuloy na paghakbang. "I thought nurses are friendly and patient people due to the nature of their work." "I am friendly and patient to people but not to everyone, especially sa mga playboy," kaswal na wika niya. "Whoa!" He grinned. "Man hater ka ba?" Saglit na hindi sumagot si Lindy. Hindi naman siya man hater. Wala lang siyang tiwala sa mga lalaki. She did not want to trust any man anymore. She had to avoid falling in love again or she would be in a deep mess again. Naplano na niya ang kanyang buhay. From then on, it would only be herself and her baby. "You're single, right?" patuloy ni Rick. "Wala akong nakikitang lalaking pumupunta sa bahay mo." "Hindi ako man hater. Hindi lang ako ang tipo ng babaeng game makipaglaro sa mga lalaking tulad mo." Tinitigan siya ni Rick habang nakataas ang isang sulok ng mga labi. She was not sure but it seemed as if he looked impressed. "I have to go. Excuse me," paalam niya at muling tumalikod pero muling nagsalita si Rick. "You owe me." Nilingon ni Lindy ang lalaki. "I know. Don't worry. I will not only pay for my new doorknob, I will also pay you for your services. Sabihin mo na lang sa akin kung magkano ang ibabayad ko sa 'yo sa ibang araw." "Hindi ako utility man. Hindi ako nagpapabayad ng pera. One date. Iyon ang gusto kong kapalit." "What?" manghang sabi niya. She snorted. "Kasasabi ko lang na hindi ako ang tipo ng babaeng nakikipaglaro sa mga katulad mong lalaki." "It's just a normal date," laid-back na sabi ni Rick. "Just dinner. We're not going to have s*x afterwards, don't worry. Umawang ang mga labi niya. "I just want us to get to know each other as neighbors and, potentially, as friends." Umiling-iling siya, tanda ng disapproval sa sinabi ni Rick. "I don't think you make friends with women."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD