chapter 4

848 Words
"Well, this might be the first time that I will make friends with a woman." He smiled crookedly. Nagbuga siya ng hangin. Nauubusan na siya ng pasensiya. "Stop hitting on me. I know what you're trying to do. Spare me." Tinalikuran na niya si Rick pero napahinto siya sa paghakbang patungo sa pinto nang maramdaman alok ang biglang pagsama ng kanyang sikmura. Pakiramdam niya ay maduduwal siya. Mabilis siyang humakbang patungo sa kusina at nagduwal sa kitchen sink. Naramdaman niya ang paghagod ng palad sa likod niya. Hindi niya magawang sawayin si Rick sa paghawak sa kanya dahil patuloy siya sa pagduwal. will Inabutan siya ng lalaki ng tissue paper. "Are you sick?" kunot-noong tanong ni Rick nang dumeretso siya nang tayo habang pinupunasan niya ang bibig at humihinga nang malalim. "Do you need medicine?" Tinitigan niya si Rick. Maybe he had to know the truth. Maybe that would make him stay away from her. "I'm sabi pregnant," siwalat niya. Halata ang pagkabigla sa mukha ng lalaki. Nakita niya ang disappointment na lumarawan sa mga mata nito nang makabawi sa pagkabigla. "How did you get pregnant?" he asked, curious. "Wala kang boyfriend." Unti-unti ay gumuhit ang malisyosong ngiti sa mga labi nito. "So, Lindy, you're also naughty, huh?" Iniisip ba ni Rick na nakikipagtalik siya sa mga lalaking hindi niya nobyo? Pinandilatan niya ang lalaki. "Hindi ako kagaya ng iniisip mo! Hindi ako promiscuous! I had a boyfriend for three years. Actually, we were supposed to get married But we broke up." Hindi sasabihin ni Lindy kay Rick na bumili siya- ng semilya sa sperm bank at sumailalim sa artificial insemination kaya hindi niya kilala ang ama ng magiging anak niya. Malamang na pagtawanan siya ng lalaki. Wala siyang balak na sabihin kahit kanino ang kanyang ginawa Si Maris lang ang nakakaalam ng tungkol sa bagay na iyon She would let everyone believe that she was impregnated by Alvin. She had heard Alvin was currently in Hawaii to open a new business there and he might stay there for a long time or could be forever. Tagaroon kasi ang babaeng ipinalit ng kumag sa kanya. Ngunit kung sakaling mabalitaan ng dating fiancé ang pagbubuntis niya ay sasabihin niyang sa ibang lalaki ang dinadala niya. Which was true, anyway Hindi nga lang niya kilala kung sino. "Ilang buwan na?" Tinapunan ni Rick ng tingin ang tiyan niya. "Two months." Halata ang panghihinayang sa mukha ng lalaki habang nakatitig sa kanya. "Alam niya na buntis ka?" "Hindi at hindi niya kailangang malaman," mabilis na sabi niya. "So, you're planning to raise that baby alone?" Taas-noong tumango siya sabay haplos ng kanyang tiyan. "I don't need him," aniya, tukoy si Alvin na alam niyang inakala ni Rick na ama ng kanyang dinadala. Nagkibit ng balikat si Rick. "Well then, good luck," kaswal na sabi nito. Wala na ang interes sa mga mata ng lalaki para sa kanya. Wala naman sigurong lalaki ang magnanasa pa sa isang buntis na babae. Mainam iyon. Hindi na siya aakitin pa ni Rick. "I have to go," paalam ni Lindy at lumakad na siya papunta sa pinto. Bago pa niya maiikot ang seradura ng pinto ay muling narinig niyang nagsalita si Rick. "We'll talk about our date later." Marahas na napalingon siya. "What?" "While you still don't have that big, nasty bump in your belly, we can still go out on a date." Napanganga siya sa pagkamangha. Nag-init ang bungo niya nang ngumiti nang pilyo si Rick. Bumalik ang pang-aakit sa mga mata ng lalaki. Halatang hindi lang isang simpleng date ang ipinahihiwatig nito. Wala ba talagang puso ang lalaking ito? Nakuha pa siyang tudyuin sa kabila ng nalaman na nga nitong iniwan siya ng lalaking sa pagkakaalam nito ay nakabuntis sa kanya at magiging isang single mother siya? Wala man lang bang pakikisimpatya at compassion ang lalaking ito kahit kaunti? At ganoon ba ka-pervert ito na maski buntis ay hindi pinaliligtas? He might be very good-looking and a lot of women would jump into his bed in a tick, but he was an asshole. "Asshole," nagpipigil ng galit na sambit niya. Ibinalibag niya pasara ang pinto nang makalabas na ng bahay ng lalaki. NAG-INIT ang mga mata ni Lindy habang nakaupo siya sa sofa sa living room ng kanyang apartment at nakatitig sa isang partikular na larawan niya kung saan kasama niya si Alvin. Kanina, nang kunin niya ang isang libro mula sa kanyang shelf ay may nahulog mula roon na larawan nilang dalawa. Hanggang sa matagpuan na lang niya ang sariling binubuklat ang kanyang photo album na puno ng masasayang alaala nila ng dating nobyo. Yakap-yakap nila ni Alvin ang isa't isa sa larawan at masaya ang ngiti sa mga mukha nila. That picture was taken the night he proposed marriage to her. That was the happiest moment of her life. at Pumatak ang kanyang mga luha. Ang akala niya ay unti-unti na siyang nakaka-move on. Hindi pa pala. Dahil habang nakatitig siya sa larawan ay naramdaman niya ang eksaktong sakit na naramdaman niya noong sinabi ni Alvin na may iba nang mahal ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD