Kaya ang ibig sabihin ay mahal
pa rin niya ang dating nobyo at hindi pa siya nakaka-recover
sa pang-iiwan sa kanya ng lalaki.
Hinaplos ni Lindy ang kanyang maumbok na tiyan
Limang buwan na ang dinadala niya. Ang sanggol sa
sinapupunan niya ang dahilan kung bakit nananatili
siyang matatag sa kabila ng pinagdaanan niya. Nang dahil
sa sanggol ay nakakangiti na siya at mayroon na siyang
inspirasyon upang ipagpatuloy ang buhay. Ngunit nang
dahil lang sa muling pagtunghay sa mga larawang iyon ay
tila biglang nabuwal ang lahat ng piraso ng puso niya na
unti-unti niyang tinipon sa nakalipas na ilang buwan.
Namalayan na lang niyang humihikbi na siya habang
yakap-yakap ang kanyang tiyan. Alam niyang hindi siya
dapat umiiyak dahil maaapektuhan din ang sanggol sa
sinapupunan niya. Bawat emosyon niya ay nadarama ng
sanggol sa loob ng kanyang tiyan.
Itinapon niya ang kanyang photo album sa basurahan at
pinahid niya ng likod ng palad ang kanyang mga luha. Hindi
na niya dapat itinatago ang mga larawang iyon. She should
stop getting hurt. Wala namang mangyayari kung didibdibin
pa rin niya ang pagkawala ni Alvin sa buhay niya. She had
to move on completely. She was not alone. She was having
a baby. She should be happy.
"I'm sorry, baby," kausap ni Lindy sa anak habang
hinahaplos ang kanyang tiyan. "I know I shouldn't cry like
this and be hurt like this anymore because I have you now.
I will always be happy from now on, Ezekiel. We will be
a happy."
Nalaman na niya ang kasarian ng kanyang dinadala.
The baby was a male and she decided to give him the name
"Ezekiel."
She was excited to see how Ezekiel would look like.
Would he look like his father? Kung mangyayari iyon
ay magkakaroon siya ng ideya kung ano ang hitsura ng
ng anonymous donor na napili niya. She was pretty sure
Ezekiel's father was handsome, based on the short
a description that was written in his profile.
Tinungo niya ang refrigerator upang kumuha ng
tubig. Ngunit napasinghap siya nang may matapakan sa
sahig at dumulas ang kanyang tsinelas. Ang sumunod na
lamang niyang namalayan ay nakaupo na siya sa sahig. She
stayed in that position, unable to move in shock. Hindi siya
makapaniwala sa nangyari. Bumagsak ang pang-upo niya sa
sahig. Naramdaman niya ang sakit ng puwitan at balakang,
Nang sa wakas ay makagalaw si Lindy ay kaagad niyang
sinilip ang kanyang pundiya upang i-check kung may
nangyaring masama sa dinadala niya. Ganoon na lamang
ang pagkamangha niya nang may makitang dugo sa pagitan
ng kanyang mga hita.
Pinahid niya iyon ng kanyang palad at tinitigan ang
dugo sa nanginginig na kamay. "No... No!" Namalayan na
lamang niyang pumapalahaw na siya ng iyak. "Ang baby
ko... ang baby ko..."
Kailangan niyang pumunta sa ospital. Hindi siya
maaaring makunan. Hindi maaaring mamatay ang baby
niya. Kaya lang ay hindi siya makatayo. Gayunpaman ay
ginapang niya ang patungo sa pinto. Medyo malayo ang
pinto sa kinalalagyan niya.
Narinig niya ang sunod-sunod na katok sa kanyang
pinto at isang panlalaking boses na hindi niya gaanong
marinig kung ano ang sinasabi dahil wala siyang naririnig
nang malinaw kundi ang kanyang pag-iyak.
Nagpatuloy siya sa paggapang. Palakas na nang palakas
ang katok. Saka lamang luminaw sa kanyang pandinig ang
sinasabi ng lalaking tinig nang malapit na siya sa pinto.
"Lindy! Buksan mo itong pinto! Ano'ng nangyayari sa
yo? Lindy!"
"Tulong!" palahaw niya habang nagpupumilit pa rin sa
paggapang. "Tulungan mo ako!"
Narinig niya na tila binabalya na ng lalaki ang pinto.
Nang sa wakas ay marating niya ang pinto ay inabot ng
nanginginig niyang kamay ang seradura. Nang bumukas
iyon ay bumungad sa kanya si Rick na kaagad na lumuhod
para daluhan siya. Mukhang namangha ang lalaki sa hitsura
niya.
"Ano'ng nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ng
binata.
"I'm bleeding," umiiyak na sabi niya. "D-dalhin mo ako
sa ospital, please... Hindi puwedeng mamatay ang baby ko..."
Kaagad siyang pinangko ni Rick. Nawalan siya ng malay
pagkatapos.