Amirah's PoV
NAMUMUGTO pa ang mga mata ko nang magising ako kinaumagahan. Halos hindi ko pa maimulat ang nananakit kong mga mata. Ni hindi ako halos nakakatulog at gabi-gabi akong umiiyak kakaisip sa huling naging sagutan namin ng Daddy ko. Kaya tuloy medyo nangingitim na ang buong bahagi ng mga mata ko. Sa sobrang inis kay Dad ay ibinuhos ko na lamang sa iyak ang nararamdaman imbes na habulin at pakiusapan siya para bawiin ang naging desisyon niya. Binigyan pa niya ako ng isang linggong pananatili dito sa mansyon subalit imbes na magliwaliw at ubusin ang araw at oras sa barkada ay ikinulong ko na lamang ang sarili ko dito sa sarili kong kwarto. Gano'n ako. Iniiyak ko na lang ang inis na nararamdaman. At tanging itong kwarto ang saksi sa mga paghihinagpis ko.
Bumangon na ako sa kama nang bigla na lang dumilim ang paningin ko. Psh!
"Oh my shocks! My head! Urrgghh!" Sigaw ko habang nakahawak sa sintido.
Napapikit akong muli. Napapadalas ngayon ang pagbisita ng migraine ko o baka dahil sa kulang na ang dugo ko. Anemic na rin yata ako! Shocks!! Nakakabawas ng ganda! Ugh!
Nang maging okay na ang pakiramdam ko ay nanatili muna ako sa kama. Sumandal ako sa headboard at tumingin sa kawalan.
Kagabi ay napagisipan ko na rin na siguro nga ay kailangan ko na munang lumayo, be independent just like what they call it. Para nang sa gano'n ay makapagisip din ako ng paraan kung papaano ko mapapalayas ang Adriana na 'yon sa mansyon, sa buhay ni Dad. Dinudumihan niya lang kasi ang isip ng daddy ko! Tsk! Tsk! Pati na rin ang apelyedo namin. Baka doon sa Isla ay makapagisip na ako ng way para mawala siya sa landas namin.
Ayoko sanang lumayo dahil alam kong magrireyna-reynahan na naman ang b***h na Adriana na 'yon just like the last time she did noong maglayas ako. Pero sa ngayon ay wala akong magawa kung naisin ng daddy ko na ipadala ako sa Isla dahil kahit pa makipagpatayan ako ay wala akong panalo dito. Kaya ko din naman siyang suwayin through walk out and hide somewhere else but I just wanna help to find my mom. 'Tsaka naisip ko na baka 'yon din ang ibig sabihin ni Dad... Baka doon ko makita sa Isla ang hinahanap ko, ang mommy ko. Pero imposible! Eh, di dapat noon pa man ay natagpuan na ito kung naroon sa Isla si Mom. But, if she was really dead, I just want to have her soul a peace. Its already two years since she left... and died? But why the plane was also missing? So, maybe... there is a possibilty that Mom was still alive and hiding somewhere else place. May pakiramdam talaga ako na nagsasabi sa 'kin na buhay pa siya.
"I want to find her! I want to know the truth about what really happened to you, Mom! I'll do everything to find you. Sorry kung hindi ko ito nagawa noon...Mommy." Nagbabadya na namang bumuhos ang luha sa mga mata ko ngunit agad ko itong pinigilan. Sawang-sawa na akong umiyak! Kaimbyerna!
Padabog kong binitawan ang salamin na kanina'y nahagilap ng kamay ko pagkagising. Muntik pa 'tong mahulog sa sahig. Mabuti na lang ay nakasabit ito sa kumot, kung hindi ay matataranta na naman ang mga katulong sa paglilinis ng kwarto ko.
Inis akong bumaba sa kama at dumeretso sa bathroom upang maligo. Nagbabad lang ako ng ilang minuto sa bathtub dahil pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Nang matapos ay agad kong isinuot ang favorite bathrobe ko na palaging nasa loob ng bathroom, sa dinami-rami ng bathrobe ko ay 'yong bathrobe ng mommy ko ang paborito ko. I miss her a lot! Nang maisuot ito ay tinungo ko na ang walk in closet para magbihis. I chose to wear black fitted strapless dress na may burda sa neckline niya. It is simple yet elegant dress. One of my favorite.
Nang makapagbihis ay lumapit ako sa aking paboritong tukador at umupo sa maliit na silya paharap sa malaking salamin. Matagal kong tinitigan ang repleksyon ko dito at kita kong namumugto pa rin ang mga mata ko. Napaismid ako. Nasisira ang ganda ko kapag naiinis. Ugh! Hinalungkat ko ang make up kit ko na nasa maliit na drawer at agad na kinuha ang mga gagamitin. Mabilis kong nilagyan ng concealer ang palibot ng eyes ko at ibang part ng mukha. Naglagay na rin ako ng kunting blush on and as usual my favorite red lipstick. My life cannot complete without putting a red lipstick on my seductive lips... And.. Done! I don't need to put any kind of make up on my face 'coz mild make up is enough. Sobrang ganda ko na doon. Marahan kong sinuklay ang medyo basa pang buhok. I wear some of my jewelries; like necklace, earings and wristwatch. Lastly, I wear my two inches high heeled white sandals.
"Hmm... You are so gorgeous as always, Amirah Jade Del Fuego!" Puri ko sa aking sarili. Bigla ay napangisi ako. Ngayon ko lang nasabi ito sa sarili ko dahil nasanay na ako na ibang tao ang nagsasabi noon sa akin.
Agad na akong tumayo nang makuntento na sa hitsura ko. I smiled widely as if nothing's gonna happen today. For the second glimpse, I look myself on the mirror and quickly walk like a model, turned around and pose. I laugh at myself. After that... I took a deep breath. Ngayon ko na lang ulit ginawa ito.
I smirked! Ano ba 'tong iniisip ko? Nagpapabago-bago ang mood ko! Tsk!
Mabilis ko nang tinungo ang mga lagayan ng mga bag at kinuha mula sa cabinet ang dalawang maleta na color black at blue. Nang makuha iyon ay agad ko namang pinuntahan ang lagayan ng mga damit, nang makapili ng dadalhin ay maayos ko na itong isinalansan sa loob ng maleta. Mga importanteng gamit lang at kaunting damit ang dadalhin ko dahil hindi naman ako magtatagal doon... For sure!
Naramdaman kong medyo kumakalam na ang sikmura ko dahil hindi ako kumain kagabi. Nawalan na ako ng ganang kumain since the day I had a traumatic conversation with Dad. Buti na lang ay hindi naapektuhan ang katawan ko. Psh! I am still sexy and... sexy! Tatawagan ko na lamang ang personal maid ko para dalhan ako ng pagkain. Matagal ko na kasing sinibak ang personal assistant ko kaya wala ng nagaasikaso sa mga needs ko, masyado kasing makiri!
Nasa kalagitnaan na ako ng pagi-impake ng may malamig na boses na tumikhim sa likuran ko. Bigla akong napalingon at inangat ang tingin dito. Nakabusangot ang mukha nito at tila iiyak anumang oras.
What a dramatic face? Psh!
Imbes na maawa ay napakunot ang noo ko dahil iniisip ko kung papa'no nakapasok ang isang 'to! Ayoko kasi nang may pumapasok basta sa kwarto ko ng hindi nagpapaalam. It's about my privacy! Tsk!
"Are you really going to the Island of Del Fuego's, Amirah Jade?" si Gale, the only friend of mine. Ganyan ang tawag niya sa 'kin, just like Dad. Well, maituturing ko na siyang higit pa sa kaibigan dahil siya lang ang bukod tangi kong natatawagan kapag kailangan ko ng makakausap, kapag feel ko magbar hoping, liwaliw, gala at kung ano pa. Masasabi ko rin na pareho kami ng ugali kaya kami nagkasundo. Hindi katulad ng kapatid ko na masyadong mabait. Psh!
Pero hindi ibig sabihin no'n ay maaari na siyang pumasok ng silid ko ng walang pahintulot mula sakin.
I raised my left eye brow and smirked. "How could you enter my room without asking my permission, Gale Danielle Salvador?"
Imbes na matakot ay ngumiti lang siya ng bahagya kaya lumabas ang dalawang biloy niya sa magkabilang pisngi na lalong nagpainis sa 'kin! Nakakainggit kaya! Psshh!
"Oh, so sorry besty! Hiningi ko sa maid 'yong susi ng kwarto mo kaya nakapasok ako. Kanina pa kasi ako kumakatok, eh, ayaw mo naman akong pagbuksan. I just wanna talk to you for the last time. Nabalitaan ko kasi na aalis ka na, eh. Nalungkot ako." anya sa malungkot na mukha. Tsk! Makapagsalita akala mo naman na di na ako babalik! Psh! Inirapan ko ito pero abala na siya sa paglilibot ng mga mata sa bawat sulok ng closet ko.
Akala mo ngayon lang nakapasok dito gayong labas-masok na siya rito! Psh!
"Kaya pala hindi mo ko marinig sa labas ng room mo ay naandito ka lang pala sa mala-department store mong closet!"
I rolled my eyes. "Alam mo namang sound proof ito kaya di kita maririnig sa labas. 'Tsaka... Uso na rin naman na ang f*******: at iba't-ibang apps, Gale! Duh! At may cellphone ako! We can still talk through it."
"Tsk! Kahit na... Gusto kitang makausap in person. Kaya nagmadali akong pumunta rito para maabutan ka, eh! Naistorbo ba kita?"
Umiling ako. "Ako ba talaga ang pakay mo dito o ang kababata ko? Psh! I know you, Gale Danielle!" inirapan ko ito pero ngiti lang ang itinugon. Alam ko na. Andali niyang basahin. "Ang kaso... May iba yatang gusto ang isang 'yon! Kaya 'wag ka ng umasa pa. Masasaktan ka lang, Gale."
Napasimangot siya saka sumalampak sa isang upuan na naroon. "Ramdam ko din 'yon... Pero... May time naman na pinapansin niya ako, Amirah Jade. So, I am still hoping na magiging kami." Nakangiti ng saad niya habang kumikinang ang mga mata na nakatingin sa kawalan.
Napapailing na lamang ako. Ayoko siyang umasa sa kababata ko na si Kean dahil iba ang taste no'n sa babae. Nasabi na nito sa akin na wala siyang gusto sa kanya no'ng minsan ko itong kinausap about her feelings. Kapag ayaw no'n... ayaw talaga! Di mo mapipilit. Ayoko namang aminin sa kay Gale ang tungkol doon dahil alam kong masasaktan siya. Hay naku! Ewan!
Tumalikod na ako uli kay Gale para ipagpatuloy ang ginagawa kong pagiempake. "Well, you asked me earlier if I am going to Isla Del Fuego... Yes. I have no choice. 'Yon ang gusto ni Dad, eh." naalala kong tanong niya kanina. "Heto nga, eh, nagiempake na ako ng mga dadalhin ko."
Narinig ko siyang pagak na tumawa at ilang sandali pa'y nasa harapan ko na siya, nakapangalumbabang tumitig sa akin habang nanlalaki ang mga mata.
"Really? Akala ko kagustuhan mong pumunta roon?" umiling ako. Ngumisi siya lalo. "I know you, Amirah Jade! Kaya mong baliin ang salita ni Tito Armiendo. I don't know why you say yes to him? It's new to you!" Humalukipkip siya, nangingiti pa rin.
Napapailing na lang ako saka bumuntong-hininga ng malalim. "Maybe because I need a vacation too, Gale. He gave me one month vacation and I accepted it. Nasa sa akin na rin daw kung nais ko pang manatili." Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sa kanya ang totoong rason kung bakit ako ipadadala sa Isla. Baka magdrama na naman kasi. Kahit na matigas ang ulo at puso nito, minsan iyakin din ito katulad ko. "Anyway, how did you know that I'm leaving?"
She rolled her eyes. Kaya mukhang gets ko na.
Pumalatak siya sabay hawi ng bangs na tumatakip sa mata niya. "Eh, saan pa ba kundi sa witch stepmom mo, duh! Hindi mo alam na ipinagkakalat na niya sa buong mansyon na aalis ang paborito niyang si Amirah Jade?" Pagak siyang tumawa. She knows my evil witch step mom.
Tsk! Crazy woman! Pasalamat 'tong Adriana na ito dahil buhay pa si Dad... Kundi ipapakain ko talaga siya sa mga alaga naming tigre! At una kong ipapalapa ang bunganga niya! Kaimbyerna!
"She's such a crazy b***h is'nt she?" Pukaw sa 'kin ni Gale nang sandali akong natigilan. Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko. Psh!
Tumikhim ako. "Well, yeah! She is. She's crazy!" Di pa rin maalis ang inis ko kapag naiisip ko ang babaeng 'yon!
"By the way, alam ba ng sister mo na aalis ka?" pagkuway tanong ni Gale.
Isinara ko muna ang zipper ng mga maleta at itinayo ang mga ito bago ako lumapit kay Gale at umupo sa katabi niyang silya.
"No," tipid kong sagot. Ayoko kasing pagusapan ang tungkol kay Althea dahil lalo lang akong naiinis. Hindi dahil sa galit ako dito kundi dahil mas nagagawa nito ang mga bagay na ikinasisiya ni Dad. Ito kasi ang katuwang sa pagpapatakbo ng kompanya. Masaya ito sa buhay nito... sa mga ginagawa nito. Wala itong problema katulad ng sa akin. Masyado itong mabait at ayaw patulan ang kabaliwan ni Adriana.
"Oh, okay... Where is she anyway?" Tanong pa niya.
"Out of town, I think. Rinig kong may pupuntahang farm na gusto nilang bilhin," walang gana kong sagot.
"Business minded talaga siya at napaka-obedient sa Dad niyo, noh? While you–"
"Oh, shut up, Gale!" putol ko sa sasabihin niya. Nahampas ko pa siya ng marahan sa braso. "Do not ever compare me to her or else I'll beat you down, right here, right now!" I glared her to death. Sa lahat kasi ng ayoko ay 'yung ikinukumpara ako.
"Ooppss! Sorry...hahaha!" nag peace-sign pa siya para humingi ng despensa... Grabe kung humagalpak sa tawa. Alam niya kasing iyon ang isa sa kinaiinisan ko at ayaw kong marinig.
Inirapan ko siya ng pagkatalim. Ang loka tawa lang ng tawa. Ni hindi man lang matakot sa akin. Aalis na nga lang ako ay bubuwisitin pa ako. Kapag ganitong nambubwiset na siya ay madalas na napapalayas ko siya dahil mas gugustuhin ko pang wala akong kausap.
Wala na rin namang kwenta ang pinaguusapan namin kaya tumayo na ako at agad na kinuha ang mga bagahe ko. Tumigil na sa katatawa si Gale at tumayo na rin para kunin ang ibang gamit na di ko mabitbit. Tahimik na siyang nakasunod sa akin habang palabas kami ng walk in closet ko.
Pagkalabas ay inilapag na namin ang mga bagahe ko sa may malapit sa pinto para madaling kunin ng susundo sa 'kin. Agad ko naman na tinungo ang telepono para tawagan ang personal maid ko. Magpapadala na ako ng almusal dahil gutom na ako, grabe! Isang ring lang ay agad sinagot ang tawag ko. Mukhang nanginginig pa ang boses nang katulong. Parang iba ang boses? Hindi siya ang P.M ko. Pero ikinibit-balikat ko na lamang.
"In 2minutes dapat nandito na ang almusal ko! Maliwanag? Hurry up because I'm so... sooooo hungry!" pasigaw na utos ko at di ko na hinintay pa ang sagot nito, agad ko ng ibinaba ang telepono.
Tahimik lamang na nakamasid sa akin si Gale nang masulyapan ko. Nakaupo siya sa ibabaw ng kama. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya habang matiim akong tinititigan. Napalitan ng lungkot ang singkitin niyang mata na kanina lang ay halos guhit na lang sa katatawa.
"You will miss me, right, Chinita lady?" nakapameywang kong tanong.
Tumango ito at nakangusong lumapit sa 'kin. "Yeah, Miss Gorgeous Lady. Wala na kasi akong katarayan dito kapag umalis ka na. Tinigilan ko na rin kasing inisin ang mga maids niyo dahil baka isumbong na naman nila ako kay Tito Armiendo, baka ma-ban na naman ako," anya at humalukipkip. Nakasimangot.
Ako naman ang napahagalpak sa tawa. Naalala ko nga nang pagbawalan siya ni Dad na pumunta dito for two weeks. Hindi alam ni Don Ramuel na daddy niya ang pinag-gagagawa niya kaya tinanggap niya ang punishment ni Dad or else isumbong siya at mawalan ng mana.
"Bakit di na lang si Adriana ang inisin mo, Gale?" nakangising pangaasar ko.
"Duh!! Eh, di mas lalo akong di nakaapak dito! Over protective pa naman ang Daddy mo sa mistress niya," napapailing na sambit nito.
"Psh! Like I told you... You're right." I rolled my eyes.
"You know what? Mamimiss talaga kita, Amirah. Kahit na ganyan ka," natawa siya ng marahan ko siyang kinurot sa tagiliran. Inirapan ko pa. "Bato na yata ang puso mo at laging galit sa mundo! Well... Alam ko na hihilom din yan. Baka nga sa Isla mo matagpuan ang peace na kailangan mo. Oo, tama. Kailangan mo munang lumayo para hindi ka na nai-stress sa witch stepmom mo."
My eyes widened. I can't believe she can say that. Baka napulot niya lang? Haha!
"Oh, darn! Is that you?! Gale Danielle Salvador? The brat heiress of Salvador Empire?" asar ko. Napasimangot tuloy siya. "Nice advice from a brat lady! Hahaha!"
Sumimangot siya lalo. "That was just a simple advice or should I say right advice for you to move on and make your life colorful, Amirah Jade! Nabuburo ang beauty mo dito! My Goshhh!! Saka... baka doon mo na rin makita ang soulmate mo. Yieeehhhhh... My gosh!" kinikilig niyang sabi.
Kukurutin ko na sana siya nang biglang may kumatok ng sunod-sunod sa pinto. Tumayo ako at agad itong pinagbuksan. Ibang mukha ng katulong ang bumungad sa akin. Pinakatitigan ko ito.. Hmmm... Maganda siya. Lalo na siguro kapag naayusan. Kasing tangkad yata siya ni Althea...
"M-Miss Amirah, n-nandito na po ang mga p-pagkain na p-pinaakyat mo." utal-utal na saad nito habang inilalahad ang dala nitong pagkain.
"Where's Angeline?" 'yong personal maid ko ang tinutukoy ko.
Umiiling ito habang nakayuko. "H-hindi ko po a-alam, M-Miss Amirah..." utal pa rin niyang sagot.
Bumuntong-hininga akong tumango. Iminuestra ko ito na ipasok ang pagkain sa loob ng silid ko na mabilis din namang tumalima. Ipinatong nito ang tray sa ibabaw ng coffee table sa mini sala ko at nang matapos ay nagpaalam na itong aalis. Nakayuko lamang ito at ni hindi man lang makatingin sa akin pati na kay Gale. Napakamahiyain. Pinakatitigan din ito ni Gale na nakataas ang kilay.
Oh? May hindi ba ako nalalaman? Isa siguro ito sa napagtripan niya! Psh!
Palabas na sana ito nang bigla itong tumigil. Humarap itong muli sa akin. "M-Miss Amirah... g-gusto ko lang po sanang sabihin na..." nagaalinlangan nitong binitin ang sasabihin. May lungkot sa mga mata nito. "M-magiingat po kayo sa pagalis," malungkot nitong sabi. Yumuko ito ng mataman ko itong tiningnan. Pakiramdam ko ay meron itong nais sabihin pero di lang masabi... So mysterious!
I shrugged my shoulder. Wala akong balak magtanong.
"Thanks." tipid ngunit nakangiting saad ko. Napaangat ito ng tingin. Di yata makapaniwala sa narinig mula sa akin, lalo na sa ibinigay kong ngiti sa kanya. Ewan ko pero magaan ang pakiramdam ko sa kanya. "What's your name, by the way?"
Ngumiti ito. "Lorie Leigh po, M-Miss Amirah."
Ngumiti din ako ulit. "Okay. Nice name."
"T-Thank you din po." yumukod siya sa 'kin bago nakangiting patakbong umalis.
Muli kong isinarado ang pinto ng kuwarto at agad na dinaluhan si Gale na nauna ng pumapapak ng pagkain.
"Marunong ka din pala'ng mag-thank you sa mga kasambahay niyo, Amirah Jade? Hehe! Pagkakakilala ko sa 'yo ay demonyeta– este! Masungit ka sa kanila? Lumalaos na yata ngayon ang Lady Supreme ng The Brat Heiress, ah? Nangangamoy resign na ba yan?" ani Gale na abala sa pagnguya ng pagkain niya na nagawa pang magsalita at mangasar.
"Its just a simple thank you, Gale Danielle." Inirapan ko siya. "And pwede ba? I'm not a member of your cheap group! Shocks! Ginawa mo pa akong Lady Supreme, huh?!" Angil ko na ikinasimangot niya.
Kumuha na rin ako ng pagkain ko dahil baka malingat ako– masimot na ng babaeng ito! Ang takaw pero payat naman.
"Whether you like it or not, you are our Lady Supreme! Bagay na bagay ka doon! Sa ugali mong 'yan, eh..." nahinto ito sa sasabihin ng pukulin ko siya ng masamang tingin. "Well... Unless bumait ka! Ako na mismo tatanggal sayo, hahaha!" tawa niya.
"No way!"
"Be our Lady Supreme or be nice and kind?"
"I dont want both!"
She shrugged her shoulders. Hindi na madrawing ang cute niyang mukha. "Fine! I wont force you to join our group. But still... we're friends... right? Close friends," pagdidiin niya at pinagdikit pa ang dalawang daliri.
Tsk! Childish brat!
I nodded. Para tapos ang usapan.
Patapos na kaming kumain ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang screen... Napasimangot ako kung sino ang caller. It was Dad. Wala sa mood na sinagot ko ito.
"Dad?"
"Our private chopper is now waiting for you at the rooftop. Just go there if you're done preparing. IT'S TIME, Amirah Jade..."