"LET'S GO now, Mr. Pilot!" utos ko sa piloto ng chopper na sasakyan ko papuntang Isla. Napalundag pa ito sa kinauupuan sa lakas ng boses ko. Tsk!
Pansin kong kanina pa siyang pasulyap-sulyap sa 'kin at minsan pa nga'y nahuhuli kong napapatulala sa mukha ko magmula pa no'ng sunduin niya ako sa kwarto at kunin ang mga bagahe ko.
Oh, well... Di ko siya masisisi... Sa ganda ko ba naman? Psh!
Tumingin siya sa 'kin at bahagyang ngumiti. "Its Dazsher William James, Ma'am. At your service!"
I rolled my eyes. "I don't care who you are. Just start the engine and let's go!"
"Yes, Miss Amirah!" nakangiti pa niyang sabi na mabilis na tumalima sa utos ko. Sumaludo pa muna siya sa 'kin at muling ipinukol ang tingin sa unahan. "Let's go!"
Weirdo!
Nasa katabi niya ako. Kaming dalawa lamang ang nasa loob ng private chopper ni Dad. Ayoko kasi ng bodyguards! Ayoko rin ng maraming asungot na binabantayan ang bawat galaw ko. Pero nabubuwiset naman ako sa pilotong 'to na parang tanga kung makangiti habang panakaw na sinusulyapan ako. Kahit pa naka-shades ako at nakatingin lamang sa unahan ay kita ko sa gilid ng mga mata ko ang mukha niya.
Napapasimangot ako sa tuwing napapangiti siya kapag napapatingin sa akin at napapasipol pa. Napapangiwi ako.
Akala mo naman kung guwapo! Nakakadiri! Tsk!
Oh, well! May hitsura din naman siya kahit papa'no. Moreno ang kulay ng balat niya. Mapungay ang mata. Matangos ang ilong lalo na kapag nakaside view. Natandaan ko agad ang itsura niya kanina lang pagsundo sa akin. Pagkuwa'y sinulyapan ko siya. Di ko alam kung bakit sa labi nito dumako ang paningin ko. Bigla akong natigilan. Oh? Red lips? Beki ba siya? Bakit ampula ng lips niya? Is that real?
"Enjoying the view, Miss Amirah?!" pasigaw niyang untag sa akin para marinig ko. Nasa himpapawid na kasi kami. Tumaas ang kilay ko nang kumindat siya sa akin sabay ngiti. Lumantad tuloy ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin.
Oh wow! Bagay siya sa commercial ng toothpaste. Yeah... Ang guwap–
Shocks! Naipilig ko ang ulo. Ano ba 'tong naiisip ko? Psh! At teka... Nagpapacute ba siya sa akin? Lihim akong napalunok. This is'nt right! Napabuga ako sabay irap sa kanya. Ngali-ngali ko siyang batukan ng muli niya akong kindatan bago muling tumingin sa unahan.
"Excuse me?!" pinanlakihan ko siya ng mata. "I was just criticizing your goddamn ugly face!" sigaw ko para marinig niya. imbes na mainis ay napangisi pa siya sa sinabi ko. "But... I'm... curious on your lips... Is that real?! I mean... is that the real color of your lips, huh?"
Imbes na sagutin ako ay bigla itong tumawa. Tumaas tuloy lalo ang isang kilay ko! Pero ilang sandali akong natigilan...
Bakit ang gwapo niyang tumawa? Oh shocks!!
Muli siyang lumingon sa akin at ganon din ako sa kanya. Tuloy ay nagkatitigan kami ng mata kahit pa may nakaharang sa mata ko. "Do you wanna know if it's real, Miss Amirah?" Pagkuwa'y balik tanong niya sa akin.
I nodded. "Yeah."
He gave me his naughty smile. "Then... Lick it."
Biglang nanindig ang mga balahibo ko. Uminit bigla ang katawan ko, eh. Napandilatan ko siya ng mata! "Damn you!" Bigla kong inalis ang shades ko para tignan siya ng masama.
Tumawa siya. "I mean... Lick it using your fingers... Miss. 'Coz there is no other way for you to believe it," pilyo niyang sabi na para bang balewala lang sa kanya ang talim nang titig ko. "Di ko naman alam kung maniniwala ka kapag sinabi ko lang. Mas maigi ng ikaw mismo makapatunay, right?" nakangiti niyang sabi ng lingunin ako.
Mas lalo akong nainis sa sinasabi niya. Damn this man ever!
Ano kaya kung pagsamahin ko kayo ni Adriana sa loob ng kulungan ng tigre?! Naughty man! Psh!!!
Actually sanay na ako sa mga ganitong klase ng lalaki dahil sa mga kakilala ko at iba't-ibang lalaking nakakasalamuha ko sa bar, na nagiging friend ko. Pero iba ang isang ito. Pinainit agad ang dugo ko.
Dugo mo o katawan mo? Tsk! Ano ba!!
"Do you love yourself naughty bastard, huh?" Pagkuwa'y seryosong tanong ko.
Bumaling siya sa 'kin nang may bahid ng pagtataka ang mukha dahil sa itinanong ko. Nawala ang pilyong ngiti sa kanyang labi. "Yes, Miss. Why do you ask?"
"You want me to lick your lips for me to believe if its real?" I seriously asked and He nodded. "You wish! I'll kill you before I do that!" I glared him to death. "Sipain kita diyan sa kinauupuan mo ng mahulog ka!"
"Ouch! No! Don't you ever do that to me, Miss Amirah. Ayoko pang mawala.. Kasi... magiging tayo pa."
"I asked you seriously about your damn lips but– WHAT??" natigilan ako ng marealize ang huling sinabi niya. "What did you just say, naughty man??"
Umiling-iling siya habang pilyo uling ngumiti. "You know, I am just kidding and teasing you that way, My Lady Miss. I just want to see how you reacted. And there it is. Lalo ka palang gumaganda kapag nagagalit hehe!" may kapilyuhang saad niya sabay kindat uli sa 'kin. Ang saya ng malanding lalaki na 'to! Pinalo ko siya sa braso kaya napapitlag ito.
"Ano 'yong huling sinabi mo kanina?" nanggigigil kong tanong. Pinandidilatan ko pa siya ng mata.
Nangunot ang noo niya. Waring di matandaan ang kanyang sinabi. Lalo tuloy akong naimbyerna! Ayoko naman ng ulitin 'yon sa kanya at baka ma-misinterpret niya. Kasalanan ko pa kung bigla itong nagkapagasa!
Imbes na matuwa rin ako sa pagpuri niya sa ganda ko lalo pa raw kapag galit ako ay mas lalo lang akong naimbyerna sa indearment na ginamit niya at sa pakindat-kindat niya. Psh! Tusukin ko kaya ng matutulis kong kuko ang mata niya ng matigil siya? Naiinis na ako. Kaya imbes na makipagsagutan at makipagtitigan sa kanya ay itinuon ko na lang ang aking paningin sa mga tanawin na nakikita ko sa ibaba. Nagsasalita pa siya ng kung anu-ano ngunit di ko na pinansin. Naagaw na ng tanawin ang paningin ko. Feeling ko ay biglang gumaan pa ang pakiramdam ko sa mga nadadaanan at natatanaw kong tanawin.
"Malapit na tayo, Miss Amirah," 'yon ang narinig kong sabi niya kaya napalingon na ako sa kanya. Nakatingin siya sa unahan. Nangingislap ang mga mata niya habang nakatuon sa kung ano o saan man ito nakatingin.
Kaya naman ay sinundan ko ang tingin niya. Wow! Oo nga, malapit na kami sa Isla. May nakikita na akong isla na hugis puso! Dito lang ako nakakita ng ganitong hugis ng Isla na nasa parteng timog ng Luzon. Halo-halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Tuloy ay iniisip ko na kung ano ang unang gagawin sa Isla. Magsu-swimming, mountain climbing, or whatsoever! Haisst! Bigla akong naexcite! Pero... sandali lang pala 'yong saya ko at agad napalitan ng lungkot. Naisip ko si Mom at ang reason why Dad sent me here... Makikita ko na ba ang bangkay ng Mommy ko dito? Sana lang. At sana makibagay din sa akin ang mga taong dadatnan ko. Ayoko nang makasagupa ng katulad ni Adriana.
"It's so nice in here!" Bigla kong nasabi na ikinangisi ng katabi ko. Binalewala ko na lang iyon.
Naaaliw ang paningin ko sa ganda ng tanawin. Para akong pupunta sa isang malawak na paraiso. Asul na asul ang kulay ng tubig sa dagat. Berdeng-berde ang nagtataasang bundok. Kulay puting buhangin. May natatanaw akong magubat na parteng hilaga. Ang sarap sigurong gumala doon. Mayroon na rin akong natatanaw na isang bahay... Malaking bahay. Marahil iyon ang resthouse na pinagawa pa ng yumao kong lolo.
Ilang sandali pa'y unti-unti ng lumalapag ang sinasakyan namin. Bumalik ang sigla ko. Mas lalo akong nakaramdam ng saya na di ko mawari. Hindi ko alam pero parang tama 'yung sinabi ni Gale. Baka dito ko nga masumpungan ang peace na kailangan ko. Pero, 'yung huling sinabi niya na baka dito ko din makita ang lalaking magpapatibok ng puso ko–? Mukhang imposible.
"Posible!" Anang konsensya ko! Oh shocks!
Biglang dumako ang tingin ko sa katabi ko nang marinig kong tumikhim ito. Nakatitig pala siya sa akin. Hmmp! Buwiset. Inirapan ko siya! Subalit ngiti lang ang isinukli niya. Oh my shocks! That smile...
Sa wakas ay nakalapag na ang private chopper. Dali-dali kong tinanggal ang seatbelt at kung ano-anong nakakabit sa katawan ko at patakbong lumabas. Hindi ko na hinintay pa'ng pagbuksan ako ni Dazsher– Oh, wow! It's really new to me na makaalala ng pangalan ng lalaki. Ngunit ikinibit-balikat ko na lamang ito.
Nakita kong nakasunod na din siya sa akin habang bitbit ang mga bagahe ko nang mapalingon ako sa kanya. Anlalaki ng mga hakbang niya! Tumakbo na ako't lahat ay naabutan pa niya ako. Nagkunwari akong nagpapaikot-ikot na nakapikit habang nakadipa ang dalawang kamay. Sinasamyo ang preskong hangin. Nang bigla akong mabundol sa kung saan. Napamulat ako at laking gulat ko ng halos nakayakap na ako kay Dasher! Tuloy bigla ko itong naitulak dahil sa kuryenteng dumaloy sa aking katawan na hindi ko maipaliwanag. Muntik pa siyang mabuwal sa ginawa ko. Napalunok ako ng mataman niya akong titigan. Napapailing na lamang siya habang nagpatuloy sa paglalakad at hindi alintana ang mga dala-dalang mabibigat na bagahe. Sa laki ba naman kasi ng mga muscles niya ay imposibleng di niya madala lahat! Darn! Katawan na naman ang napansin ko. Tsk! Napakunot ang noo ko sa isang malaking army bag na nasa likuran niya. Bakit mayroon siyang bag na gano'n? Dati ba siyang sundalo? At saka... balak din ba niyang mag-stay dito? But why? Tsk! Andaming tanong sa isipan ko! Ano ba'ng pakialam ko sa lalaking iyon na ngayo'y naghihintay sa akin sa unahan.
Kumikibot-kibot pa ang bibig ko habang nakayuko dahil tinitingnan ko ang dinadaanan ko. Sunisigurado ko lang na wala akong maaapakang bato o kung anuman lalo pa't Isla ito.
Napamulagat na lang ako nang nasa harapan ko na siya. Hindi ko napansin na nakalapit na pala ako sa kanya. Umangat ang tingin ko dito at muli akong natigilan ng makita ng malapitan ang buong mukha niya...
Shocks... His eyes... Ang ganda ng kulay ng mata niya! Light brown... Oh! Shocks... Ang perfect ng mukha niya.
"Naga-g'wapuhan ka na ba sa akin kaya ganyan ka na lang kung makatingin, Miss Amirah? Kinikilig ako, eh," ngiting-ngiting sambit ni Dazsher.
Nahimasmasan ako sa sinabi niya. "Sapakin kaya kita ng mabawasan 'yang kakapalan mo, huh? Ang assuming mo! For your information, Dasher William James... You.. Are.. Not.. My.. Type!! Hindi ka guwapo! Psh!" sabi ko sabay talikod sa kanya at padabog na naglakad papasok sa gate ng resthouse. Nakakainis pa ay wala man lang sumalubong sa amin! Wala ba'ng mga tao dito??
"Eh, sorry na, Miss! Ikaw kasi ang lagi kong napapansin na nakatitig sa 'kin kaya bumabalik tingin din ako sa 'yo. Ayoko namang tawagin mo akong suplado," may kaakibat na lungkot sa kanyang namamaos na boses.
Ambilis naman niyang makabuntot sa akin? Psh!
Inirapan ko siya nang pumantay siya sa 'kin sa paglalakad. "Just so you know, I am just curious... again, diyan sa malaking bag na dala mo. Hindi dahil sa tinitignan ko ang mukha mo!" Why do I have to explain? Ah basta! Sasagot sana siya nang pigilan ko siyang huwag magsalita when I raised my hand and sway it on the air kaya itinikom na lamang niya ang kanyang labi na lalong pumula ng kagatin niya ito. Napalunok ako. "N-No need to answer because I knew the answer already. Its obvious. You're staying here... also. But, why– Oh! No need to answer too because I don't care! Pero huwag naman sanang maging bodyguard ko dahil ilulunod kita sa dagat!"
Napatawa siya ng malakas sa sinabi ko. Tsk! Ambabaw naman ng kaligayahan niya! Oh damn! Ang guwapo talaga ng tawa niya! Shocks! Naiinis na ako sa sarili ko. Kung anu-ano ang napapansin ko sa kanya!
'What is really happening to me?'
I just ignore it. Psh! I'm convincing my self its nothing, he's nothing! Again, hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pero kinukulit ako ng kung anong kumikiliti sa katawan ko!
Okay! Okay! Fine! I'm attracted to him! Crush lang! 'Wag ka ng humirit!
Nasa b****a na ako ng pinto ng maramdaman kong nasa tabi ko na si Dazsher. Nakangiti ito sa akin ng bumaling ako sa kanya at agad na umiwas ng marinig namin ang nagbubulungan sa loob.
"Welcome to Isla Del Fuego, Miss Amirah Jade and Sir Dazsher William!" Sabay-sabay na bati sa amin ng mga nakahilerang tauhan ng Isla nang bumungad kami sa lobby ng resthouse. Nakangiti ang mga ito sa amin habang nakasalikop ang mga kamay nila sa kanilang likuran. Magkakatabi ang mga babae na marahil ay nasa 40's ang edad. Apat naman ang pawang dalaga pa. Sa kabilang hilera naman ang mga lalaki na pawang nakasumbrero ng abaka at nakapantalon na tinupi na aabot sa tuhod. Tatlong lalaki naman na pawang mga binata pa. Nasa pinakadulo naman ang isang matandang babae na marahil ay nasa 60's na ang edad base sa hitsura. At marahil ito rin ang pinakanamamahala dito. I don't know. I'm not sure.
"Thank you!" Nakangiti namang tumugon si Dazsher sa mga ito.
Medyo nakaramdam ako ng kunting hiya nang mapagtanto ko na hindi ko pala sila pinapansin dahil abala ako sa pagtingin sa kanila isa-isa. O baka naman hindi talaga ako sanay sa ganito. Dedma ko lang kasi ang mga kasambahay at tauhan sa mansyon. Naplingon ako kay Dazsher na nakatingin na rin pala sa 'kin. Tuloy ay napilitan akong ngumiti.
'Why am I doing this things today?'
Mabilis na nagsilapit sa amin ang mga tauhan ng Isla. Kinuha ng mga ito ang mga bagahe ko na nasa kay Dazsher na ibinigay na rin kapagkuwan. Samantalang bitbit parin niya ang malaking bag na nakasukbit pa rin sa kanyang likod. Ang matandang babae naman ang lumapit at umalalay sa akin. Inalok niya kaming kumain pero tumanggi ako dahil sa busog pa naman ako. Gusto ko munang magpahinga. Kaya naman ay iginiya niya ako sa kwarto na tutuluyan ko. Bilib din ako sa kanya kasi kahit matanda na siya ay napakalakas pa rin niya nang makayanan pa niyang umakyat sa napakataas na hagdan ng resthouse. Kasi imbes na siya ang alalayan ko ay siya ang gumagawa no'n sa 'kin. Marahil alam din nito na may phobia ako sa hagdan. Pero napansin ko na medyo hiningal siya ng makaayat kami ng tuluyan subalit hindi halata sa mukha niya. Bakas pa rin ang kanyang ganda kahit na may edad na.
"Naririto na tayo sa silid mo, Miss Amirah. Nawa'y magustuhan mo ang desenyo ng inyong silid. Nais naming maging komportable ka at nawa'y magustuhan mo ang iyong pananatili rito sa Isla na pagmamayari ng mga yumaong sina Señior Armando at Señora Mienda, na iyong lolo at lola," kapagkuwa'y saad niya habang binubuksan ang seradura ng pintuan.
"Salamat po–?" I wanna know her name.
"Cita. Tawagin mo na lang akong Manang Cita, hija. Ako ang kasalukuyang pangalawa sa namamahala rito sa Isla Del Fuego," anya habang ipinipihit ang pinto para pagbuksan ako. Ngumiti siya sa 'kin nang ubod tamis.
Sinuklian ko din siya ng isang tunay na ngiti. Magaan ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero parang may similarity sila ng Mommy ko. I'm not sure. O baka magkasing edad lang sila..
Kaagad na akong pumasok sa loob ng magiging silid ko. Nabigla ako sa nakita ko nang buksan ni Manang Cita ang ilaw. Napakaaliwalas sa aking paningin. Everything is green. Mula sa kurtina na bulaklakin, sa bulaklak na nakalagay sa white vase na nakapatong sa yelow green center table, ang sapin naman ng kama ko at mga unan ay katulad ng desenyo ng kurtina at kulay dark green naman ang carpet ng sahig. Ang sarap sa mata at sa pakiramdam. Hindi ito katulad ng silid ko sa mansyon na all blue naman ang kulay, that's my favorite color kasi. Maganda din pala ang green. It's the color of nature. Bumabagay ito sa lugar. Napakasimple lang ng silid at medyo maliit kumpara sa silid ko sa mansyon but this is perfect. Sino kaya ang nagdesenyo nito at nang mabigyan ko ng pabuya? Lihim akong napangiti.
"Nagustuhan mo ba ang iyong silid, Miss Amirah?" pukaw sa akin ni Manang Cita.
Tumango ako. "Oo... po, Manang, nagustuhan ko."
Sumilay uli ang malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. Ang ganda niyang ngumiti. Parang may similarity sila ni Dazsher the way they smile. O baka nagkataon lang!
"Salamat naman at nagustuhan mo, hija. Nababahala kami, lalo na ako kung sakaling hindi mo magustuhan."
"Now relieved, Manang Cita. I like it. No more worries." ngumiti ako sa kanya. "And, I promise not to be harsh to anyone of here unless someone is forcing me to be evil again. You know I can't control my temper," natatawa kong saad na may halong babala. Hinawakan ko ang nangungulubot na niyang kamay.
Lalong lumawak ang ngiti niya. "Salamat, hija. Iiwan na muna kita at nang makapagpahinga ka na. Ipapasunod ko dito ang mga gamit mo."
I nodded. "Thank also, Manang Cita." I smile again to her.
Tumango din siya bilang tugon at agad nang lumabas ng kwarto ko.
Tuluyan na rin akong pumasok sa loob at lumapit sa tukador at doo'y pinasadahan ng tingin ang kabuuan sa aking repleksyon sa malaking salamin. I took a deep breath and ask my self... Am I going to change or maybe this is the real me? Its not good for me to become nice hanggat naandiyan si Adriana! Pero naisip ko naman na wala naman dito ang bruhang 'yun kaya okay lang na maging lie low sa pagiging attitude ko. Change mood ako muna dahil mababait naman yata ang tao rito.
How about Dazsher? Mabait naman siguro siya kaso naiinis ako sa kanya!
Nakikita kong napapasimangot ang mukha ko sa repleksyon ko nang maalala ang pagmumukha ni Dazsher. Pero di rin mawala sa isip ko ang labi niya.. at mga mata niya... Totoo ba ang kulay ng labi niya? Naiinis na naman ako nang sumagi sa isip ko ang sinagot niya sa akin... 'Do you really want to know if it's real? Then... Lick it..... Using your fingers... Because there is no other way to believe it.'
"Buwiset lang! Bakit di na lang tong lips ko ang sinabi niya?! Eh, di sana doon pa lang sa himpapawid napatunayan ko na!"
Sarili ko mismo ay nagulat sa lumabas sa bibig ko! Shocks! Hindi ko kailanman idadampi ang mga labi ko sa lalaking 'yon! The nerve! Never been kiss, never been touch pa ako at iaalay ko lang 'to sa lalaking mamahalin ko and it's not him.
Really?? Huh?? Ahhhh stop!
Sa inis ay tumakbo na ako papunta sa kama at ibinalibag ang sarili kong katawan. Niyakap ko ang isang malambot na unan at mariing ipinikit ang aking mga mata.
I need to rest. Rest my mind rather.
Anyway, Welcome to Isla Del Fuego my self... This is the beginning of your life here... Just enjoy!