CHAPTER 3- So Mysterious

3263 Words
NAALIMPUNGATAN ako sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdamang kumakalam na ang sikmura ko. Marahan kong iminulat ang mga mata saka bahagyang ikinurap-kurap. Napatingin ako sa wall clock ng lumiwanag na ang paningin... Napabalikwas ako at bumangon na sa kama nang makita kung anong oras na... Shocks! It's already two in the afternoon na! Hapon na... kaya pala naninigaw na ang tiyan ko! Tsk! Napasarap ang tulog ko ah? Tuloy di ko namalayan ang oras... Napasma na ako... Pero bakit hindi man lang ako ginising ng mga katulong o ni Manang Cita para makakain? Takot ba silang gisingin ako? K... Fine! Sabagay... Kilala yata nila ako, eh. Alam yata nilang ayaw ko na iniistorbo sa pagtulog. Kaso... nalipasan naman ako ng gutom.. Pero... sana man lang ay dinalhan na lamang nila ako ng pagkain dito! Hmmp! Baka takot talaga silang maistorbo ang tulog ko? Siguro baka nga... Pero nakaramdam ako ng kaunting-kaunting inis! I shrugged my shoulders and took a deep breath. I need to be calm. I remember what I've said to Manang Cita— that I'd promise to become nice to them... Hmm well... Fine! Sige, magiging mabait ako dito. Hindi ko sila susungitan kahit na fail sila ngayon at gutom na gutom ako. Nakangiting napapailing na lang akong dumiretso sa bathroom to take a bath as quickly as I can... So... Mabilis nga akong natapos magshower at dali-daling naghalungkat ng damit na ipambibihis ko sa isa sa mga maleta ko na naipasok na pala nang hindi ko man lang namalayan... Grabe... Gano'n ba talaga kasarap ang tulog ko? Napangiti ako. Hmmm... I'm glad to know that I'm very much comfortable in here. Well, thanks to them! Nang makapagbihis ay agad akong humarap sa dresser upang siyasatin ang sarili. Simple blue floral dress ang napili kong isuot, fitted ito kaya bakat na bakat ang makurba kong katawan. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko gamit ang blower at hinayaan na lang itong nakalugay. After that, naglagay na rin ako ng manipis na foundation at blush on and lastly I put a red lipstick on my sexy lips. Inilabas ko rin sa gamit ko ang two inches sandals na black at mabilis na isinuot. Nang makuntento na ay agad na akong lumabas ng room ko. Naglalakad na ako sa hallway at ilang hakbang na lang bago maabot ang hagdan ay naramdaman kong bumilis ang pintig ng puso ko. Medyo nahilo ako nang tumama ang tingin ko sa ibaba ng hagdan nang tuluyan na akong makarating sa b****a. I'm afraid of heights and I have a phobia on stairs since I was a kid. Actually, paikot naman ang hagdan kung kaya't di ako mangangambang baka matumba at mahulog ng dire-diretso if ever na mahilo ako at talunin ng kaba. But, sobrang liliit ng steps. Kapag paakyat naman ay hindi ako ganon natatakot... kapag pababa lang. I have to go downstair because I'm really really starving na. Kaya nama'y kahit nanginginig ang katawan at kabado ay humakbang na ako pababa ng hagdan. Kapit na kapit ako sa railings ng hagdanan dahil pakiramdam ko ay talagang matutumba ako. Shocks! Tinitingnan ko ang bawat steps dahil baka magkamali ako ng tapak ay ma-out balance ako. Sa sobrang pangamba ay saka ko lang napansin at naramdamang may kamay ng umaalalay sa akin sa likuran. "Bakit parang hindi ka sanay maglakad ng hagdan, Miss Amirah?" Nangingising saad ni Dazsher. Nakahawak na siya sa siko ko dahil muntik na akong mabuwal nang mapapitlag ako sa kanyang presensya. "Wala bang stairs sa mansyon niyo?" Lumingon ako sa kanya at pinukol siya ng matalim na tingin. Pero ako ang unang umiwas dahil naasiwa ako nang makipagtitigan siya sa akin. Ibinalik ko na lamang ang paningin sa steps. "I had a phobia in here and I'm afraid of heights." Kalmado kong sabi. "I'm sorry to hear that, Miss Amirah. And, sorry I was just joking." mahinahon rin niyang tugon. Lihim akong napangiti. Ewan! Parang tanga lang! Subalit agad na nanigas ang kalamnan ko ng bumaba ang kamay niya sa beywang ko. Dumako ang paningin ko sa kamay niya papunta sa nakangisi niyang bibig. "Ganito ka din ba sa mansyon niyo? Kasi di hamak na mas mataas ang hagdan doon kesa dito, di 'ba? At... kaya pala antagal mong makaakyat sa rooftop no'ng sunduin kita dahil katulad kanina, iniisa-isa mo pang titigan ang mga steps bago ka humakbang." Hindi ko alam kung maiinsulto ako dahil sa pagkakangiti niya o mabibighani dahil sa ganda noon. Kinurot ko siya sa tagiliran nang pumantay na siya sa akin. Natatawa naman siyang napaigtad. "Iniinsulto mo ba ako o sadyang inaasar mo 'ko? Psh! Your such a bully! And will you please shut up your mouth? I don't wanna hear your damn ugly voice!" Sabay irap ko sa kanya ngunit tumawa lang siya lalo sa ginawa ko. Kukurutin ko sana siyang muli ng pigilan niya ang kamay ko. "It's not what I mean, Miss! Hehe!" nangingisi pa rin. Binawi ko ang kamay ko saka marahan siyang sinipa sa binti kaya naman aksidente niyang napisil ang tagiliran ko nang muntik na kaming tumimbuwang sa pagbaba. Nakiliti ako sa ginawa niya kaya napaigtad ako subalit nananatili pa rin siyang nakaalalay sa akin. Bulta-bultahrng kuryente ang dumadaloy ngayon sa sistema ko. Nang lingunin ko siya ay panay na ang hagikhik niya! Di bale na nga! Kahit naiinis na ako sa kanya'y siguraduhin niyang huwag akong matutumba. And so atlast, nakababa na kami ng hagdan. Nagpalinga-linga ako kung saan ang daanan papuntang kusina. Kung puwede lang na takbuhin ko na ito ay gagawin ko dahil gutom na gutom na ako! Grabe! Halos naglalaway na ako... Uhhh! Kaso wala akong makitang gumagalang katulong na maghahatid sa akin sa kitchen. Nasaan ba kasi ang mga 'yon? Huli na nang mapansin kong nakahawak pa rin pala sa beywang ko si Dazsher. Ang loko! Mabilis kong tinampal ang kamay niya na ikinagulat niya. Kaagad naman itong bumitaw sa akin. 'Nananamantala pa'ng loko na 'to, eh! Buwiset!' "Why?" nagtataka niyang tanong habang hinahaplos-haplos ang nasaktang kamay. Pinameywangan ko ito at tinaasan ng kilay. "Bakit di mo pa kasi ako binitawan kanina? Kung makahawak ka sa beywang ko, eh.... Psh!" Ngumisi ito. "Akala ko kasi... Okay lang sa 'yo." napapailing niyang sabi. "Anong okay? Nananamantala ka, eh, no? Psh!" pinahina ko ang boses ko sa tonong nanggigigil. Dahil baka may makarinig sa pinaguusapan namin. Sumeryoso siya. "Sorry... I did'nt mean it, okay? I'm sorry." anya pero biglang sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya. "Gagawin ko na lang uli 'yon kapag aalalayan kita sa stairs. I'll be your guide or whatever you want me to be. Basta ba payagan mo 'kong gawin uli 'yon, huh?" Tumaas ang kilay ko ulit. Tsk! Kumalma na sana ako dahil sa ngiti niyang iyon, eh kaso parang hindi ko gusto na naenjoy niya ang alalayan ako habang nakahawak sa beywang ko! Haiisst! Gusto ko sana siyang tarayan ng tarayan ang kaso baka makita ako ni Manang Cita. Naisip ko na naman 'yong ipinangako ko. Napapikit ako sa inis. Naku! Pasalamat ka, Dazsher! Bumaling ako ulit kay Dazsher na nakatayo na sa harapan ko at masuyo na akong tinititigan. Napatitig din tuloy ako sa kanya ngunit nakakunot ang noo. Kumikislap ang mga mata niyang ang sarap titigan. "W-why are you staring at me? Bakit hindi mo pa ako nilulubayan? Nakamaang ka lang sa akin, eh. Psh! Sinabi ko ng ayoko ng bodyguard, eh! Di ba?" kunwari naiirita kong sabi para pagtakpan ang ibang uri ng pakiramdam na bumabangon sa aking sistema. Pero imbes na sagutin ako ay nakatitig lang siya sa akin at mukhang timang na nakangiti pa. Psh! Baliw rin 'to, eh! "Where's the kitchen, Dazsher? Alam mo ba kung saan ang daan? Im really hungry!" Saka lang siya napukaw. "Oh, t-there! Doon din ang punta ko, eh, Miss Amirah! Hinihintay lang kita, eh." napakunot ang noo ko sabay taas ng kilay nang agad niyan hinawakan ang kamay ko at hilahin papuntang kusina. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Gusto kong tampalin ang braso niya dahil kinukuryente na naman ako kaso parang may pumipigil sa aking gawin iyon. Nakakainis! "Come on! Gutom na rin ako, Miss Amirah," untag niya nang mapansing nahinto ako sa paglalakad. Sa hindi ko inaasahan ay lumingon siya sa 'kin saka ngumiti. Napakagat ako ng labi dahil sa ngiting iyon! Shocks! Kung kanina ay para akong kinukuryente, ngayon naman ay kinakabahan ako. My heartbeat became soooo faster... Binawi ko ang kamay ko na kanina'y hawak-hawak niya dahil malapit na kami sa pintuan ng kusina. Para na kasi akong mahihimatay sa kaba. Hindi ako makahinga! Ano ba! Ginagayuma yata ako neto, eh! Aiiiissst! Lumingon uli siya sa akin dahil sa ginawa ko. Nawala tuloy sa labi niya 'yong ngiti kanina at napalitan iyon ng seryosong mukha. Nagtatanong ang mga mata niyang nakatunghay sa akin. "I can walk without a guide... And.. don't you ever touch my hand again, Dazsher. I can't breat—" naputol ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto at iluwa no'n si Manang Cita. Lumiwanag ang mukha nito pagkakita sa amin. Nagpapalipat-lipat ang paningin nito sa amin ni Dazsher. "Miss Amirah, Sir Dazsher, nandiyan na pala kayo. Kanina pa ako kumakatok sa mga silid niyo para yayain sana kayong kumain kaso sobrang sarap ng tulog ninyo kaya di ko na kayo ginising pa. Halina kayo at ipaghahain ko kayo ng pananghalian," anang Manang Cita. Nakangiting tumalikod na siyang muli sa amin. Nagkatinginan kami ni Dazsher nang ilang saglit ngunit agad din siyang umiwas. Kung gano'n sabay kaming nagising? Really? What a coincidence! Habang papasok ng kusina ay wala akong imik. Naiilang ako kay Dazsher. Ewan ko ba kung bakit kasi anlakas ng karisma niya. Gaaddd!! Sobrang gwapo niya! Psh! Lihim kong nakurot ang sarili. Kung kanina lang na pagsundo at habang sa himpapawid ay wala siyang epekto sa akin... Ngayon ay parang umiba ang ihip ng hangin! Shocks! Bakit kasi lagi siyang nangingiti kapag napapasulyap sa 'kin at biglang nangingindat? Mannerism lang ba niya iyon? Ganyan din ba siya sa ibang babae? O talagang natural na niya ang ganyang gesture... Muli ay lihim ko siyang sinulyapan. Papunta ito sa Ref para kumuha yata ng maiinom niya. Ang ganda ng tindig niya. Gwapo kahit nakatalikod... Aiiissst naku! Ewan! Baka mahuli pa niya akong nakatingin sa kanya! Kaagad na akong umupo sa may dulong upuan malapit sa may bintana. Parihaba ang mesa at apatan ang upuan kaya imposibleng tumabi sa akin si Dazsher. Pero sa kasamaang palad, iniisip ko pa lang ay lumalapit na ang loko at umupo na rin sa upuan na nasa tabi ko. What is this happening to me? This is not me! Ughhhhhh!!!! Mariin akong napapikit. Naiilang ako! Gusto ko pa namang kumain ng marami lalo pa't gutom na gutom na ako. Paano ako makakasubo nito ng malalaki kung nasa tabi ko siya? Nakakahiya! Ughhhhh! "Hey! Bakit dito ka umupo sa tabi ko? Huh? Doon ka na sa kabilang upuan. Tsk! Feeling close!" bulong ko sa kanya sabay irap. Ngunit ngumisi lamang siya. Hindi siya umalis sa kinauupuan. Napairap ako sa hangin saka ipinagsalikop na lamang ang mga kamay para huwag akong makagawa ng hindi kaaya-aya. I was just waited for Manang Cita to serve our food... And so atlast, after a 10 minutes I think, the food are now served. Uhhhhh I'm so hungry! Hindi ko na lang pinansin ang mga ipinupukol na tingin ni Dazsher at baka mawalan pa ako ng gana. I almost ate three cups of rice and one extra rice. Ganon ako kagutom! The food is soooo yummy kasi. Katulad ng foods sa mansyon but I am not enjoying eating there. Mas gugustuhin ko pang sa labas na lang kumain kung lagi ko lang kasi na nakikitang umaaligid ang Adriana na 'yon. But for now... inerase ko na muna siya sa isipan ko. I just want to enjoy myself here without thinking bad memories with her— with a witch rather! I burped after drinking the last drop of pineapple juice. Napapikit ako dahil medyo napahiya ako doon pero saglit lang hahaha! I don't care. I'm full and... happy. Pagmulat ko ay nakatingin na sa akin sina manang Cita at Dazsher na nakangisi. "Ang lakas mo palang kumain Miss Amirah! Grabe halos simutin mo ang mga hinain ng Mo—Manang Cita," ani Dazsher habang umiinom ng kanyang red wine. Muntik pa siyang masamid. "Ayan kasi! Inaasar mo 'ko tuloy kinarma ka agad! Haha!" tawa ko na ikinatulala nilang dalawa. "Why?" tanong ko na ikinailing nila pareho. Psh! Sabay talaga? Pero nagtaka ako sa muntikan nang itawag ni Dazsher kay Manang. Wierd. Ngunit ikinibit-balikat ko na lamang ito. Baka dahil nasamid lang siya kaya gano'n. Tumingin ako kay Manang na sumeryoso ang mukha. Nakatitig lang din siya sa akin. Ganon din si Dazsher. What's happening with this people? Ganon ba talaga ka-rare ang tawa ko at di pa sila makaget over? "Ang sarap pala ng mga luto dito, Manang Cita. Fresh from the sea ba 'yong mga seafods na 'yon? Grabe! Sana araw-araw ganito," nakangiti kong saad kay Manang na ikinangiti nito. Tumango ito. "Oo, hija. Kakadating lang niyan galing laot. Ipinaluto ko na agad sa kusinera para ihain sa inyo ni Sir Dazsher. Salamat naman at nagustuhan mo ang lasa," anya ng ituon na nito ang tingin sa pagsalansan ng kinainan naming tatlo. "So obvious naman na nasarapan si Miss Amirah sa pagkain, Manang. Naubos niya nga 'yong pagkaing nakahain, eh! Hahaha!" muling pangaasar ni Dazsher. Sabi ko na nga ba, hindi ito madadala sa karma. 'Masamid ka uli sana loko!' Palihim ko siyang pinanlisikan ng mata. Ang loko naman, parang wala lang! Nakangisi lang siyang nakikipagtitigan sa 'kin. Psh! Pasalamat ka gwapo ka! Kinalma ko ang sarili. "Thank you for the yummy foods, Manang Cita," tumingin sa akin si Manang saka muling ngumiti. "And I hope ganito lagi kasarap ang luto. Panigurado ako na tataba ako dito," napahagikhik ako sa sinabi ko. Napaisip ako. Ano kaya ang magiging hitsura ko kapag tumaba ako? "Kahit naman na tumaba ka, maganda ka pa rin, Miss Amirah!" nakangising sabi ni Dazsher pero irap ang sinukli ko sa kanya. Hindi ko siya pinansin at pagkuwa'y bumaling ang tingin kay Manang Cita na abala pa rin sa pagsasalansan at paglilinis. Gusto ko sana siyang tulungan kaso natatakot ako na baka makabasag lang ako. Like the last time na nagpadala ako ng foods sa room ko sa mansyon. Nabasag ko 'yong mga platong pinagkainan namin ni Gale nang subukan ko itong ligpitin. Some say, that was a bad sign but I just ignored it. I don't really believe that saying. Nagmamadali na kasi ako noong umalis kaya hinayaan ko na lang na si Gale at katulong ang maglinis ng kalat. Napakunot ang noo ko nang biglang tumayo si Dazsher after niyang lunukin ang last drop ng red wine sa wineglass na hawak niya kanina para tulungan si Manang Cita sa ginagawa. Nakatingin lang ako sa kanila habang sinusundan sila paroo't-parito. Abala na ang dalawa sa paglalagay ng mga pinagkainan sa labatory. Pero natigilan ako nang mapagmasdan ko sila nang minsan silang magtabi... Napakunot ang noo ko. Bakit parang may similarity sila? 'Tsaka 'yong napansin kong pagkakahawig nila kapag ngumingiti... Di kaya magkamaganak sila? "Bakit parang may similarity kayo?" Di ko napigilang itanong. Umangat tuloy ang paningin nila sa akin. "Magkamag-anak ba kayo?" Nakita kong nagkatinginan ang dalawa saka sabay na napangisi. Umiling si Dazsher nang tumingin sa 'kin habang si Manang naman ay bumalik ang tingin sa ginagawa. "No. We're not relatives, Miss Amirah," si Dazsher ang sumagot. Itinuon na niyang muli ang sarili sa pagtulong kay Manang. "Oh? Sorry... I thought.. Never mind!" muli ay ikinibit balikat ko na lang. Ayoko manghimasok sa kanila. Baka may secret sila na di dapat mabunyag kaya ganon na lang nila ideny na di sila related. Oh well... Bahala sila! Halata naman kasi, eh! Para nga silang magina. Nagpaalam muna ako sa kanila na lalabas na. Maglalakad-lakad muna ako para bumaba 'yong mga kinain ko. Baka nga kasi tumaba ako. Ayoko! Ayokong maging balyena ever! Habang palabas ng resthouse ay napansin kong paroo't parito ang mga tauhan ng Isla. Mangilan-ngilan din ang nakikita kong turista sa seashore. Some are swimming, some are playing beach volleyball, some are just walking under the heat of the sun. Mula din dito ay tanaw ko ang building kung saan marahil nagi-stay ang mga guest. This is hidden and a private Island. Limitado lang ang nakakarating dito. Kailangan pang makipag-appointment sa Daddy ko para madayo ito. Dad told me to handle and manage this Island for some reason I don't really know. I have to find out what's the worst situation he's talking about here. Pero sa nakikita ko'y maayos naman ang pamamalakad sa Isla base sa mga galaw ng mga tauhan at sa ganda ng kapaligiran. This is a living paradise! You can't even describe the place. Lahat ng kagandahan, kalinisan at kaayusan ay dito mo lang yata makikita. The flowers are so colorful. Ang sarap pa ng simoy ng hangin. Nakikibagay rin ang ganda ng kalangitan. Ngayon ko lang naranasan na makaramdan ng ganitong kaginhawahan. Ang payapa. Naipikit ko halos ang mga mata sa sobrang gaan ng pakiramdam ko habang sinasamyo ang malamig na simoy ng hangin at halimuyak ng mga bulaklak. "So peaceful in here, right?" Napatalon ako sa gulat nang marinig ang baritonong boses ng kung sinuman! At tumaas ang mga balahibo ko dahil sa may tenga ko ito nagsalita. Humarap ako sa kanya. Hmm another kind of my man just like Dazsher. He's also gwapo. Andami yatang napapadpad na gwapong lalaki rito? Marami na akong nakitang gwapo but they are different. Hindi lang gwapo... I think Dazsher and this man in front of me is so damn perfect. But... I raised my left eye brows. "Who are you?" I asked. Naglahad siya ng kamay. "It's Vrougn Zean James here," ngumiti siya sa akin ng ubod tamis. Hindi ako nagabalang abutin ang kamay niya para makipagkamay. It's my thing. Ayoko ng nakikipagkamay talaga. Nang mapansin niyang wala akong balak na kamayan siya ay agad niyang binawi ang kanyang palad at ipinasok sa bulsa ng itim niyang pantalon. Subalit gano'n pa ma'y nakangiti parin siya. Napansin kong medyo may pagkakahawig sila ni Dazsher pero may pagkatisoy ito dahil sa kulay ng balat niya, sobrang puti at namumula ang kanyang pisngi. Parang mas maputi pa yata sa akin. Gayong katamtaman lang ang kulay ni Dazsher. Psh! Bakit ko ba sila ipinagkukumpara? Bakit ba naman kasi magkakamukha ang mga tao dito? So wierd talaga! Medyo naasiwa ako sa mga titig niyang katulad ng kay Dazsher kaya ako na lang ang umiwas at nilampasan na lamang siya. Ok lang tawagin niya akong maldita, supladita o ano pa man, sanay na ako. Bahala siya kung isumbong niya ako kay Manang dahil sa ipinakita ko pero ewan di ko makontrol ang sarili ko. Umiiral ang pagsusuplada ko sa isang 'to. Ganon din naman kay Dazsher no'ng una. Nabago lang ng kunti dahil medyo attracted na ako sa kanya. Nakakailang hakbang na ako nang bigla akong napahinto ng maalala ang pangalang sinabi nito. James? Vrougn... James? Oo nga no? Magkaanu-ano sila ni Dazsher? James? Are they siblings? Is it their surname or just a coincidence... again? Napalingon akong muli kay Vrougn. Naroon pa rin ito sa kinatatayuan nito. Nakatingin pa sa akin. Subalit nabaling ang tingin ko sa di kalayuan nang makita kong papalapit sa dereksyon namin si Dazsher. Malayo man ito ay kita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Napatingin akong muli kay Vrougn na nakangisi... His smile... So mysterious..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD