"ARE YOU two siblings?" Nagtatakang tanong ko nang lumapit ako sa kanilang dalawa. Kunot noong pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanila. Lalo akong nakumbinse na related nga sila nang pareho silang ngumiti sa akin. They are both handsome... No! They are perfect. Kahit di pa nila masabi na tama ang pagkakahula ko ay malalaman mo na agad. Sobrang hawig nila. Sa kulay lang sila magkaiba at sa mga... labi. Napalunok ako. Hmmm... Medyo pinkish ang labi ni Vrougn habang kay Dazsher naman ay bloody red lips. Their eyes, nose, shape of their face and even their body built are so the same.
"Yes." Vrougn answered. He's still smiling, even his eyes are both shining.
"Actually, we're half brother... Miss Amirah." ani Dazsher na nakangiting tumabi sa gawi ko.
Namilog ang mata ko. I can't believe it! So I am right! They are siblings. Pero, akala ko pa nga ay twin sila, eh. "Really? Half sibling, huh?" wala sa loob na tanong ko.
"Yeah." tumatangong saad ng dalawa na nagkapanabay pa sa pagsagot.
"Pero mas gwapo ako sa kanya, di 'ba?" nakangising tanong ni Dazsher na ikinangiwi ni Vrougn.
Yeah ofcourse! Ikaw ang like ko, eh! Psh!
But because I've never shown my real feelings... I only shrugged my shoulders.
Hindi ko sinagot ang pagyayabang ni Dazsher. Mas maappeal naman talaga siya kesa kay Vrougn. Pero gwapo talaga sila pareho. Ngiwi ang isinagot ko sa kanya na ikinalaylay niya ng balikat habang lihim na nakangisi ang isa. Tumalikod na rin ako nang mapatingin ako kay Dazsher na ngayo'y nakikita kong nangungusap ang mga mata. Marahil ay may importante silang paguusapan. Parang sinasabi nitong iwan ko muna sila.
Tumaas ang isang kilay ko do'n! Psh! Inis tuloy akong naglakad papalayo sa kanila at tinalunton ang daan papunta sa dalampasigan.
Psh! Kahit naman siguro naroon ako sa kanilang harapan ay wala akong pakialam sa paguusapan nilang dalawa! Pero bakit nga ba nandito ang magkapatid na 'yon? Share holder? Business Partner? Private Investor? Board members? Or whatsover na related sa company and properties ni Dad. Alin ba sila roon? Kasi ang alam ko ay mga ganong tao lang ang maaaring makapasok sa resthouse. If you're just a guest, your not allowed to step in.
Andami na namang tanong na pumapasok sa isip ko. Nakakapagtaka naman kasi kung bakit naririto silang magkapatid at malayang nakakalabas-masok sa resthouse. Specially Dazsher na siyang nagpalipad pa ng sinakyan namin papunta rito. Na inakala ko nga ay piloto lamang siya ni Dad na ihahatid ako at babalik na uli sa mansyon. Hindi rin naman nasabi ni Dazsher kung anong relation niya sa company at kung bakit siya magi-stay dito. Well, I remember na hindi ko naman pala siya pinapagsalita when I asked him about it. Sabagay... wala naman kasi akong interest sa company at mga properties ni Dad kaya hindi ko sila lubos na kilala.
They are still stranger to me 'coz I don't know them yet. Wala din akong balak alamin. Wala akong pakialam. Masaya na ako sa buhay ko.
I am a happy go lucky young woman and a party goer. Loves shopping and travel. But most of the time, I love to spend my day, week, or even month inside in my room without taking a second glipmse outside of my door. Specially when I am stressed, depressed and sick. Nagtapos naman ako ng kurso na hindi naman related sa business kaya hindi ko magagamay ang pagpapatakbo ng kompanya. Althea is enough for Dad, mas matalino kasi ito sa akin. I admit that.. Mas maganda nga lang ako sa kanya. Hehe!
And maybe, I don't need to manage this Island just like what Dad obligated me. I don't see nor feel what's wrong in here, by the way. And ofcourse... I don't need his money anymore. I have my own money kaya hindi ko na kailangan pa'ng magtrabaho kay Dad. Sapat na sa akin ang mana na iniwan sa akin ng lolo ko na si Señior Arman Del Fuego, mayari nitong Isla. Can't imagine how rich I am because of that. Nasa bank lahat at hindi ko pa nagagalaw.
And why I'm here is that... you know, it's because of my Mom. A vacation too. I just want to find Mom even the smallest part of her body or things. But, when or where do I start searching? Maybe... I can start it now? Napalinga-linga ako.
"Where am I?" nakakunot noong tanong ko sa sarili.
Sa dami ng pumasok sa isip ko ay hindi ko tuloy namalayan na nakakalayo na pala ako. But I'm sure this place is also part of our Island, no more worries. Dito ako napadpad sa may batuhang parte ng dalampasigan. Abala ako sa pagmamasid sa paligid nang bigla akong mapatili nang may kumiliti sa paa ko. Napatalon pa ako dahil doon. Nang tingnan ko ito ay isang maliit na alimango lang pala. Naapakan ko siya... Tsk! Kawawa tuloy!
Lumapit pa ako sa gilid ng dagat na inaabot na mismo ng tubig. Mabilis kong hinubad ang sandalas ko saka nangiti nang humaplos ang malamig na tubig sa talampakan ko. Parang ang sarap tuloy maligo ang kaso kakaligo ko lang kanina! Pero pwede namang umulit, eh! Kaso... wala rin akong dalang pamalit! Ayokong umuwing basa! Pero kasi... naiengganyo talaga ako at parang hinihikayat ako ng tubig na lumubog sa kanya. Aiiissst! Matagal na panahon na kasi no'ng huli akong makaligo sa dagat.
Nagpalinga-linga muna ako sa paligid. Sinisiguro ko lang na walang makakakita sa akin kapag naghubad ako. Baka kasi may ibang tao rito ay masilipan pa ako! Swerte niya! Napangiti na ako nang mapansing walang tao kundi ako lang. Ngunit nagtataka naman ako na hindi ito inaabot ng mga nagbabakasyon rito? Pero mas mabuti nga kung ganon! Solo ko rito! Hihi!
Mabilis kong hinubad ang dress na suot ko at ipinatong ito sa ibabaw ng isang malapad na bato. Tanging underwear ko na lang ang natitira sa katawan ko. Masyadong daring pero okay lang! Hindi ko naman kasi ito napaghandaan. E di sana two piece ang isinuot ko. Wala namang makakakita sa akin, eh.
Tumakbo na ako papalapit sa tubig. Ang lawak ng ngiti ko nang dumampi sa katawan ko ang lamig ng tubig. Ang sarap sa pakiramdam. Lumangoy na ako paroo't parito. Para akong bata na tuwang-tuwa habang naglalangoy. Lumusong ako papunta sa medyo malalim saka tumigil nang hanggang sa dibdib ko na ang tubig. Hindi na ako lalayo pa dahil baka anurin ako ng alon. I don't know how to float kaya nananatili lang akong nakatayo habang nakasayad ang talampakan sa ilalim pagkatapos lumangoy. Habang nasisiyahan ay nakangiti kong ipinikit ang mga mata at dinama ang hampas ng alon sa aking katawan. Sandali kong nirelax ang sarili.
Nasa gano'n akong momento nang bigla kong marinig na mayroong lumusong sa tubig. Napamulat ako at nagpalinga-linga sa paligid. Naging alerto ako. Hinintay kong lumitaw ang mukha ng kung sinuman itong pangahas na sumabay sa akin sa paliligo. Damn! Medyo kinakabahan na ako! Nang ilang sandali pa'y lumitaw na ito pero buhok pa lang ay naging pamilyar na sa 'kin. Napataas ang isang kilay ko. Nakayuko ito habang hinilamos ang tubig sa mukha. Nang hindi pa man niya naimumulat ang mga mata at akma siyang tatawa ay walang anu-ano'y sinabuyan ko siya ng tubig sa mukha! Na di ko inasahang papasok ang karamihan ng tubig eksakto sa kanyang bibig. Napamura tuloy ito sabay ubo! Ubo ng ubo hanggang sa mapatampal pa siya sa dibdib dahil sa dami ng nainom.
Nakonsensya ako sa ginawa ko pero hindi pa rin maalis ang inis ko dahil sa kapangahasan niyang sabayan ako rito. Makikita niya tuloy ang katawan kong underwear lang ang suot!
"Grabe ka naman, Miss Amirah! Papatayin mo naman yata ako sa dami ng tubig na nainom ko!" anya habang panay ubo pa. "Ahhh!!!! Ang alat!"
"You deserved it! Psh!" kunwari'y inis kong sigaw habang pinupukol siya ng matalim na tingin. "Tinakot mo kasi ako! Akala ko kung sino na, eh! 'Tsaka, bakit mo ba ko sinundan, huh?"
Pasimple kong itinakip ang mga kamay sa mga maseselang parte ng katawan nang mapansin kong nanunuot bigla ang titig niya sa 'kin. May kung anong gumagalaw sa loob ng tiyan ko na di ko mawari dahil sa titig niyang iyon. Para akong kinikiliti! Sigurado akong kitang-kita niya ang katawan ko sa ilalim dahil sa anlinaw ng tubig.
Nakita kong napapalunok ito dahil sa galaw ng adams apple sa kanyang lalamunan. "G-Gusto lang naman kitang samahang m-maligo, eh." Nauutal pa niyang sabi habang nakatitig pa rin sa akin. "Sinundan kita at gusto kitang samahan dahil baka maligaw ka at baka rin may makakita sayo rito na hindi ka makilala, gawan ka ng masama." pagpapaliwanag niya habang sinusuklay ng kanyang daliri ang nabasang buhok. Napatitig ako roon.
Shocks! Soo gwapo niya doon...
Napatikhim ako. "And you? Do I know you? Baka nga isa ka rin sa kanila na gagawa ng hindi maganda sa 'kin, eh, " biro ko na himig ang taray ng boses ko.
Napakagat ako ng labi nang biglang tumiim ang titig niya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo at wari'y disappointed sa narinig mula sa 'kin. Nang ilang sandali ay lumapit siya na halos isang dangkal na lang habang hindi inaalis ang paningin sa 'kin. Napalunok ako. Gusto kong umatras pero parang ayaw sumunod ng katawan ko. Kinabahan ako nang mapansing may kakaiba sa mga titig niya. What is that? Sadness? Frustration? Pain? Lust??? Damn! Nagtayuan ang mga balahibo sa katawan ko sa huling naisip. Bigla akong sinuot ng lamig!
"You know I'm not that kind of person, Miss Amirah," he seriously said. "Maybe, you still don't know me yet but soon you'll know me... If you let me in on your sweetest world, I would show you who I am," anya sa namamaos na boses. Sobrang lapit na ng kanyang mukha at nasa labi ko siya nakatitig. Halos maduling na rin ako sa pagtitig sa kanya.
"W-What do you mean?" Oo, naintindihan ko ang mga sinabi niya pero hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. Para lubos ko siyang makilala ay papasukin ko siya sa mundo ko? Bilang ano?
He looks so serious now and I don't know why he looks so gorgeous in that serious face.
"Matagal na kitang kilala, Miss Amirah pero hirap akong lumapit sa 'yo noon. Anf this is my dream... to be with the gorgeous woman I've ever known. I really want you to be my girl... friend. But, It is so imposible to happen." malungkot niyang pahayag.
Napalunok ako sa sinabi niya at napatitig lalo nang dumako ang tingin ko sa mga labi niya na lalong pumula when he bit his lower lip. I want him to kiss me, but—no! Naipilig ko ang ulo ko sa isip. Hindi ko pa siya gaanong kilala. Don't be attract to someone you did'nt know yet, payo ko sa sarili.
Hindi naman ako mahirap makuha lalo na kung gusto rin kita kaso... sa isip ko lang iyon. Wala pa akong karanasan sa pakikipagrelasyon. Pero matutunan din naman iyon lalo na kung ipupursige niya ako. Why not? Sino rin ba ang hindi papatol dito sa lalaking nasa harapan ko? He's like a goddess man on earth. Kahit na sino ay magkakandarapa rito.
"I —" sasagot na sana ako nang bigla kaming hampasin ng malaking alon. Napatili ako at muntik na ring makainom ng tubig. Buti na lamang ay nahawakan ako ni Dazsher at napayakap rin ako sa kanya. Hindi niya ako binitawan hanggang sa hampasin kaming muli. Kaya naman ay nagmadali kaming lumangoy papunta sa gilid.
Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ang lamig ng hangin nang makarating na kami sa pampang. Nakita niya akong nanginginig kaya lalapitan niya sana akong muli para yakapin pero pinigilan ko siya.
"Are you sure you're okay? Nilalamig ka na."
I nodded. "Yeah, but... Don't come too close to me, Dazsher. You are still stranger to me and yah, I don't know you yet."
He sigh heavily. "Do I need to start introducing my self to you? I am Da—"
I shook my head and took a glance on his serious face. "I knew your name already. Psh! And will you stop the formality, Dazsher? For now, just call me by my name. Just Amirah!" sabi ko sa kanya na ikinangiti niya.
I rolled my eyes.
Kumibit-balikat siya. Nakangiti pa rin. "Okay then... Amirah. Well, sabi ko nga na matagal na kitang kilala dahil nagtatrabaho ako sa company ninyo." pasimula niya na ikinalingon ko sa kanya. Tumabi siya sa 'kin papaupo. Inalalayan niya rin akong maupo sa tabi niya.
"So, what's your position?"
Tumikhim siya at nakataas ang noo. "I am the Vice President of Del Fuego Real State and Empire, next to Miss Adriana Samsom who's now the newest President of the big company."
Tumaas ang kilay ko nang madinig ang pangalan ni Adriana. So, that b***h is the president? Psh! She's really getting into my nerves! Parang gusto ko tuloy na lusubin ang kompanya and fire her! Damn it!
Lumingon siya sa 'kin nang bigla akong natigilan. "Hey? Are you with me?"
I took a deep breath. "Yeah. So, you are the Vice Pres... And, how about Althea? My sister. For sure you know her." hindi ko alam ang posisyon ng kapatid ko sa kompanya. Sabagay, bago lang din siya sa kompanya dahil kakagraduate niya lang sa college. And, no'ng magsimula siyang magtrabaho roon ay siya namang paglayo ng loob ko sa kanila.
Narinig kong natawa si Dazsher. "You don't know her position?" nagtataka niyang tanong. Naka-O pa ang bibig.
"Do you think I'm going to asked you if I already know about it? Psh!" singhal ko saka siya pinalo sa braso.
Nahaplos nito ang nasaktang braso. Masakit iyon dahil mabigat ang kamay ko. "Damn. Ikaw lang nakakagawa nito sa 'kin." nakangisi siyang tumitig sa akin. "But... It's okay."
"Psh! Now tell me, what's her position?"
He sighed. "She's the newest Chief Exectuvie Officer in the company."
Natigilan ako ulit habang nakatitig sa kanya. So, Althea is now in a higher position. Good to her. I'm happy for her. Yeah, I am. Atleast hindi naagaw ng Adriana ang position na 'yon. Iyon kasi ang position ni Mommy sa kompanya. Kaya mabuti naman kung si Althea ang siyang humalili kay Mom.
"Okay ka lang? Nilalamig ka na ba masyado? Tsk kasi..." nagulat ako sa ginawa niya. Ikinulong niya ako sa malalaki niyang braso. Pipiglas sana ako ngunit ayaw sumunod ng katawan ko.
Ilang sandali ay nagpumiglas na ako dahil sa hindi na ako makahinga. Ang higpit ng yakap niya, eh! Psh! Pero hindi niya ako pinakawalan. Nakikiliti ako sa bawat dampi ng mga daliri niya sa likod ko at di ko na maipaliwanag pa ang pakiramdam ngayong magkadikit ang mga katawan namin. Tuloy ay bigla akong pinagpawisan. Oh shocks! Kailangan kong makawala dahil baka bumigay na ako.
"I-I'm okay na, Dazsher. Bitiwan mo na ako." saka lang siya bumitiw at lumayo ng kunti sa akin ngunit nasa akin pa rin ang kanyang paningin. "Thanks. Magbibihis na ako."
Tumayo na ako at naglakad papalapit sa bato kung saan ko ipinatong ang damit. Doon ay nakita kong naroon din ang hinubad na damit ni Dazsher. Maingat kong kinuha ang damit ko. Magbibihis na sana ako nang mapalingon ako kay Dazsher para sana tignan kung nakatingin ba siya pero napatalon ako sa gulat ng makita itong nasa aking likuran.
"Shocks! Bakit ka ba nandiyan?" napapahiya akong itinakip ang damit sa katawan.
Ngumisi siya. "Magbibihis rin ako." anya saka kinuha ang kanyang damit. "Magbihis ka na. Stop covering that precious thing. As if this your first time wearing two piece."
Inirapan ko siya. "Psh! Tumalikod ka! Hindi ako sanay magbihis ng may audience!" inaamin ko na sanay akong magladlad ng katawan sa harap ng maraming tao noon. I am always in a rampage when I was a teenager. I am a crown holder as a top model of the youth in fashion. Sayang nga at hindi ko na ipinagpatuloy. Nawalan na kasi ako ng gana sa lahat ng bagay since my Mom left me.
Tumalikod nga siya sa akin. Kaya naman ay dali-dali kong isinuot ang dress. Natataranta ako dahil baka may iba pang makakita sa akin, nagmamasid lang sa malayo. Nang matapos ay lumingon na ako kay Dazsher na nakatalikod pa rin. Bihis na rin siya. Ewan ko ba kung bakit parang biglang sumilay ang ngiti sa aking labi.
"I'm done!" sabi ko kaya agad naman siyang napaharap sa 'kin at ngumiti nang matamis. Ngumiti rin ako.
Lumapit siya sa akin at masuyo niyang sinuklay ang basa kong buhok gamit ang kanyang malalaking daliri. Natulala at nalula ako sa ginagawa niya.
Oh shocks! Why are you doing this to me, Dazsher? Ngayon lang tayo nagkita at nagkasama pero parang antagal na nating magkakilala?
Pilyo siyang ngumisi nang mapansing nakatulala ako sa kanya.
"You are so damn beautiful..." bulong niya sa pagitan ng kanyang ginagawa. Napalunok ako. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Ibinaling ko na lang sa ibang tanawin ang tingin ko. "I've promise to your Dad that I'll took care of you while you were staying here and I told him that I always obey nor follow you whether it's bad or good. But, he told me not to spoil you. And, the reason why I'm here because I want to spend my vacation leave... with you, Amirah."
Muli akong napatitig sa kanya. "Why?"
Tumitig siya sa mga mata ko. "Because... I.." huminga siya ng malalim.
"What?" Kinakabahan ako. My heartbeat became so fast.
Tumikhim siya at muling tumitig sa 'kin. "I.. I want to befriend with you and I also need a break. You know, stressed. Work, home, work, home. I also need to relax. I need some air to breath. That's why I said yes to your Dad to be your handsome pilot and... you know!" kumindat siya. Nagsimula na na siyang maglakad.
'Tsk! Akala ko pa naman ay magtatapat siya ng nararamdaman. Shocks umasa pa naman ako! Kainis!! Bakit ba kasi??
Nakasimangot akong sumunod sa kanya. Kainis naman! Akala ko ba gusto niya akong maging friend? Wala yata siyang balak na hintayin ako. Ang laki ng mga hakbang niya kaya hindi ko siya mahabol. Nakapaa pa naman ako dahil hindi ko na isinuot nag sandalyas ko. Ansakit tuloy sa paa!
Napapapadyak ako sa sama ng loob hindi lang dahil sa nauuna na siyang maglakad kundi dahil yata sa iba ang inexpect kong sasabihin niya. Kaya naman ay hindi ko namalayang may batong nakausli sa aking unahan at bigla ko itong maapakan dahilan para ma-out balance ako. Napahiyaw ako sa sakit ng matumba ako at maupuan ang kaliwang paa ko.
Namimilipit man sa sakit ay kita kong tarantang napabalik sa kinaroroonan ko si Dazsher. He's worried, rumehistro iyon sa kanyang gwapong mukha. Kaagad niya akong inalalayang umupo at iniunat ang isang paa kong naipit. Ilang sandali ay sinubukan niya na akong tulungang makatayo ngunit hindi ko maigalaw ang isang paa. Na-strain yata. Napapaaray na ako sa sakit. Hindi tuloy malaman ni Dazsher ang gagawin kaya naman ay agad niya na akong kinarga. Napahiyaw akong muli nang bigla akong umangat sa ere. Napakapit tuloy ako sa kanyang leeg. Shocks! Kahit na nagdideliryo ako sa sakit ay hindi pa rin mawala ang attraction ko sa lalaking ito! He's so damn gwapo! I closed my eyes when I saw him staring at me. Nakaramdam ako ng ilang.
At sa hindi ko inaasahan ay bigla na lamang may lumapat na malamig na bagay sa labi ko. I immediately open my eyes and I am shocked!
He Kissed me...