Dazsher POV
"AMIRAH!!!" sigaw ko.
Nataranta ako pabalik sa kanya nang makita ko siyang nakasalampak sa buhanginan at namimilipit sa sakit. Hindi ko namalayan na nakalayo na pala ako sa kanya dahil sa mga bumabagabag sa akin. Tuloy ay hindi ko man lang naagapan ang pagkakatisod niya.
Damn! Nangako pa naman ako sa kanyang ama na babantayan siya pero ngayon pa lang ay palpak na! Ano na lang ang sasabihin no'n? Bahala na!
Dahil sa naramdamang pagkapalya ng obligasyon ay walang sali-salita ko siyang dinaluhan saka inalalayang maiunat ang naipit niyang binti. Subalit sa ginawa ko ay lalo lang siyang nasaktan. Nakapikit at halos naiiyak na siya sa sakit. Inalalayan ko siyang muli at hindi na nagdalawang isip na buhatin.
"Ahhhhhh!!!!"
Halos mabingi ako sa lakas ng tili niya nang kargahin ko siya. Hindi ko alam kung bakit siya sumigaw. Dahil ba iyon sa sakit ng kanyang paa na na-sprain o dahil sa bigla siyang umangat sa ere? I don't know. Hindi ko na lamang pinansin. Dali-dali na akong naglakad pabalik sa resthouse upang magamot siya. I really don't know what to do when it comes to this. O dahil hindi talaga ako nagaral ng first aid about sprain. Wala akong alam dito! Kung puwede ko nga lang takbuhin pabalik ng resthouse ay gagawin ko para makarating kaagad dahil nagaalala na akong masyado kaso medyo malayo-layo itong narating namin ni Amirah at di biro ang bigat niya. Sobrang sexy pero napakabigat!
Habang binabaybay ang daan ay napapasulyap ako sa maamong mukha niya. Nakapikit siya at bakas sa mukha niya ang nararamdamang sakit dulot ng nangyari sa kanya. Pero sa kabila ng itsura niya ngayon ay hindi pa rin mabawasan ang kanyang ganda. Napakaamo ng kanyang mukha lalo na ngayong nakapikit siya pero kapag ka-gising naman at nakamulat ang mata ay napakasama kung tumingin. Napapailing ako at lihim na napangisi. I know that she's awake dahil ramdam ko ang mahigpit niyang pagkakakapit sa batok ko.
Hindi ako mapakali habang naglalakad habang buhat-buhat siya. Patuloy pa rin ako sa pagsulyap sa kanya. Napapalunok ako sa tuwing napapadako ang paningin ko sa kanyang mapangakit at natural na pagkakapula ng kanyang labi. It is naturally red and it's so seductive. Parang ang sarap niyang hagkan...
Naipilig ko ang ulo ko. This is not right. Ayoko nang maulit pa ang nangyari noon. Napabuntong-hininga ako habang naaalala ang nakaraan. Ibinaling ko na lang muli sa daan ang paningin at nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit may kung anong nagsasabi sa akin na sulyapang muli ang kanyang mapupulang labi... At iyon nga... nasunod ang isang bahagi sa katawan ko na titigan ko itong muli para lang mas lalong mabighani sa babaeng ito, lalo pa ngayong bahagyang nakabuka ang labi niya.
Pinagpapawisan tuloy ako ng malagkit! Oh, damn! Napapikit ako sabay malutong na napamura sa hangin!
I bit my lower lip when I open my eyes and stare at her lips once again. I can't control my self anymore. I really really wanted to do this... Like before... Yeah, like what I did before... Eight years ago.
Huminto ako sa paglalakad at pinakatitigan ko nang muli ang kanyang mukha. Pinakiramdaman ko muna si Amirah. Sinisiguro ko lamang na hindi niya malalaman ang gagawin ko. Nananatili pa rin siyang nakapikit. And I think that she fell asleep because of the pain she felt right now. Kailangan ko ng madaliin dahil kailangan na rin niyang magamot. It's now or never. Muli akong napalunok habang dahan-dahang inilalapit ang mukha ko sa kanya. My eyes we're pointing her lips and mine are very much ready to kiss her.
And that is! In just a blink of an eye, I kissed her. Its just a smack kiss but I felt the softness of her sweet lips. I smiled. Damn! I want more... I was about to kiss her once again when someone pull my head away from Amirah's face... That's when I noticed, she's now awake and... damn it! Now I'm doomed!
"How dare you stole my damn first kiss, Dazsher?!" she shouted at me. Her eyes glared me like hell.. Damn! If her glare can kill, I'm dead already!
It takes a second that I can't speak. Actually, I didn't know what to say. How can I explain it? Damn! Napayuko ako at naibaling ko ang tingin sa daan. Hindi ako makatingin sa kanya. Tsk! Nahuli niya na naman ako! Napalunok ako. Paano ko sasabihin sa kanya na nadala lamang ako at na-seduced kaya ko siya nagawang halikan? Pero, hindi ko maisatinig iyon! Why do I felt a little bit coward when it comes to her?
"Why did you do that?" Muli niyang tanong na ikinataka kong naging malumanay ang kanyang nakakatakot at palaging nambubulyaw na boses. Saka lang ako muling napatitig sa mga mata niya.
Hindi na ba siya galit? O baka... ganyan siya kapag umaapaw na ang galit? Di kaya?
Napatikhim ako para maalis ang nakabara sa lalamunan ko. "A-Amirah... I'I'm so sorry! Sorry.. It's just that–I mean, I did'nt mean to do that. I'm sorry." Nauutal kong sabi.
Seryoso ang mukha niyang nakipagtitigan sa 'kin. Napansin kong may bahid ng lungkot ang mga mata niya na ikinataka ko. "Don't do that again, Dazsher," anya saka muling ipinikit ang mga mata. Muli niyang ikinapit sa batok ko ang mga kamay niya na ipinagsabunot sa buhok ko kanina.
Lumunok ako saka tumango pero hindi niya na 'yon nakita pa. Napabuntong hininga na lang ako. Alam kong nagalit siya sa ginawa ko. At alam ko rin na pinipigilan niya lang ang galit niya. Kinakalma niya lang yata ang kanyang sarili dahil sa mayroon siyang iniindang sakit ngayon. I know her. Hindi niya ito palalagpasin. Baka nagiisip na naman siya ng ipapataw na parusa sa akin. Ipapabugbog na naman ba niya ako kagaya nang dati? Gaya no'ng nasa high school pa lang kami nang nakawan ko rin siya ng halik... At no'ng papauwi na ako sa 'min nang bigla akong harangin ng mga tauhan ng daddy niya. Nautusan lamang daw sila pero halos ikamatay ko na ang ginawa nila.
Sabi niya kanina ay kung bakit ko raw ninakaw ang first kiss niya... hindi ko alam kung bakit niya tinawag na first kiss iyon gayong nahalikan ko na siya noon. Nakalimutan niya na ba 'yong una? Really? 'Tsaka hindi ko rin naman maipapangako na hindi ko na siya magagawang halikan ulit dahil isang buwan niya akong makakasama rito.
Napapabuga ako habang patuloy sa paglalakad. Medyo malapit-lapit na rin kami. Tanaw ko na ang b****a ng resthouse. May mga tauhan at ilang bakasyunista ang napansin kong napapasusulyap sa amin. Ang iba'y nakangisi at ang iba naman ay mukhang kinikilig. Akala marahil ng mga ito ay magnobyo o magasawa kami at nasa honeymoon stage. Napangiti ako ng palihim.
Pagkarating namin sa resthouse ay kaagad kong inilapag sa mahabang sofa si Amirah. Marahan kong iniunat ang kanyang mga paa at dahan-dahan ko namang inalalayan ang nabaling paa na ngayo'y pulang-pula na. When I look at her, she's still not opening her eyes even she's awake. Nakangiwi nga lang ang bibig niya dahil siguro sa sobrang sakit. I feel so worried. Yeah, I am. Parang sinisisi ko tuloy ang sarili ko dahil sa nangyari. Masisira pa yata ang bakasyon niya dahil dito...
Kaagad kaming dinaluhan ni Manang Cita na kalalabas lang galing sa kusina. Humahangos itong lumapit sa amin at tiningnan si Amirah. Nangungusap ang mga mata nito. Kaya, sinabi ko sa kanya kung anong nangyari. Tuloy ay hindi na maipinta ang mukha nito sa pagaalala. Kaagad nitong ipinatawag ang doktor na kasalukuyang nakapirme sa klinika nito na nasa loob mismo ng resthouse.
"Where's the damn doctor! Ang sakit-sakit na ng paa ko, eh!" nangingiyak na sigaw ni Amirah habang nananatiling nakapikit. Nangingilid na ang luha niya.
Fvck! What I'm going to do?
"Kunting tiis na lang, Miss Amirah, ilang saglit lang ay narito na ang doktor," rinig kong pagpapakalma ni Manang Cita habang nakatunghay kay Amirah na di malaman kung saang parte ito hahawakan. Pagkuwa'y nabaling ang tingin nito sa 'kin. Nakatingin ito sa damit kong basa. "Magpalit ka na muna, Sir Dazsher at magpahinga. Kami na ang bahala sa kanya."
"No! I'll stay here until I saw her perfectly fine..." I worriedly said.
"Please, leave," narinig kong mahinang sambit ni Amirah habang nananatili pa ring nakapikit.
"Amirah... Please let me stay. Your my responsibility, but sorry I failed. I'm sorry. Just tell me what to—"
"I said! Please leave! Your not helping..." mariin niyang sabi pero bigla siyang kumalma. "I'll let the doctor do their responsibility. It's not your job, Dazsher. And I'm not your responsibility. You may rest na. I know you're also tired by carrying me. Thank you." she sincerely said in a low tone of voice..
Napabuga ako sabay hinga ng malalim. "F-Fine. But, I'll be back later to check you up, Amirah. I'll go upstairs to change my wet clothes first." nasabi ko na lang para may dahilan rin ako para sa pagalis. Hindi ako mapapahiya masyado sa pagpapaalis nila. Pakiramdam ko talaga nasa akin ang sisi.
Wala akong narinig na tugon mula sa kanya nang maghintay pa ako ng ilang segundo para sana sa ibang sasabihin niya. Kaya naman, mabibigat ang paang tumalikod na ako at lumayo sa kanila. Papaakyat ako sa hagdan nang malingunan ko ang doktor na halos patakbong lumalapit sa kinaroroonan ni Amirah. Nais ko pa sanang makita kung papaano siya nitong gamutin. Upang magkaroon rin ako ng ideya kung papaano siya malalapatan ng first aid kung sakaling mangyari uli ito. Kaso... Tsk! Nagpatuloy na ako sa pagakyat ng hagdan.
Kaagad na akong pumasok sa kwarto ko at tumungo sa banyo. Hinubad ko ang mga damit ko saka ibinabad ang sarili sa lumalagaslas na tubig sa shower habang nakatingkayad. Hinayaan kong bumagsak sa mukha ko ang tubig nang mariing nakapikit ang mga mata. Ngayo'y bumabalik sa isipan ko ang mga nagawa ko. Hindi lang ang pagkakatisod niya ang sumasakop sa utak ko kundi pati na rin ang ginawa kong kapangahasan. Pangalawang beses ko ng ginawa sa kanya ang halikan siya. Naiinis ako! Kung bakit ba naman kasi hindi ko makontrol ang sarili ko everytime na nagkakaroon ako ng tyempong halikan siya. Noong una, inaamin ko na malaki ang atraksiyon ko sa kanya kung kaya ko nagawa iyon. Pero... 'yong ngayon? Ano ang itatawag ko sa halik ko ngayon?
Napabuga ako sa hangin! Kamuntikan ko pang mainom ang tubig na pumasok sa bibig ko. Damn it! Ibinalik ko sa huwisyo ang sarili at huminga ng sobrang lalim.
Amirah is mad at me... again. I knew it, I felt it. But, what should I do? How can I make her calm? Kailangan ko siyang makasama ulit. Kailangan kong mas mapalapit pa sa kanya. I want her... fell inlove with me...
Binilisan ko na ang paliligo para mapuntahan ko na si Amirah. Aalamin ko kung maayos na ang kalagayan niya. I know, hindi madali ang pag galing ng paa niya lalo pa't hindi iyon basta lang natapilok. Bali iyon at kailangan pa yatang sementuhin.
Pagkalabas sa banyo ay napakunot ang noo ko nang mabungaran si Vrougn na prenteng nakasalampak sa ibabaw ng kama ko at nakapandekwatro pa ang loko.
"What are you doing here, Vrougn?" nakabusangot kong tanong habang namimili ng isusuot sa cabinet.
"Do you have an amnesia, Bro?" Tanong niya habang nakatulala sa chandelier. "I told you I have something to tell you importantly." hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa kung anong tinitingnan niya, kung 'yong chandelier ba o 'yong mga bagay na nakadikit sa kisame na umiilaw tuwing madilim. Nasa paanan niya ako kaya kitang-kita ko na nagsasalubong ang makakapal na kilay niya.
Saglit akong nagisip. Ni-recall kung kelan niya sinabi iyon. May importante siyang sasabihin sa akin—Tsk! Napalatak ako nang maalala na kanina lang niya sinabi. Dahil nasakop ang isip ko ni Amirah ay nakalimutan ko na. Hindi pala natuloy ang paguusap namin kanina ng lalaking ito dahil agad kong sinundan si Amirah. Nawala sa isip ko na may mahalaga nga pala siyang sasabihin sa akin.
"So, are you ready to hear what I'm going to say? I tell you... this is so shocking news and I know you will like it." nakangising sabi ni Vrougn na bumangon na sa pagkakasalampak sa kama. Inayos nito ang suot na maong na jacket at itim na pantalon at saka isinuot ang black sneakers. Pinasadahan rin nito ang nagusot na buhok.
"Siguraduhin mo lang na magandang balita 'yan! Dahil kung hindi... Alam mo na ang mangyayari sayo, bro! Haha! But.. Let's not talk about it here in my room. Let's go somewhere else," suhestyon ko habang nagbibihis. Parang gusto ko rin kasing masahiran ng malamig at mainit na likido ang lalamunan ko ngayon.
Nakangunot noong napatingin siya sa 'kin. "Why not here?"
Nangunot rin ang noo ko. "Pwede namang sa labas, di 'ba? Sobrang importante ba talaga at mukhang ayaw mong patagalin pa?" natatawa kong sabi na ikinaseryoso naman ng mukha niya.
Saglit siyang nagisip habang tiim ang bagang na nakatitig sa 'kin at saka tumango na lang kapagkuwan. Napabuntong-hininga.
"Fine! Kung ayaw mo pang marinig... ipapakita ko na lang sa 'yo. May alam akong lugar," pagkuwa'y saad niya sabay talikod at papalabas na ng pinto. "I'll wait you outside, Bro!" anya saka kumaway at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Akala ko ba ay sasabihin lang? Ngayon, ipapakita na lang daw... Tsk! "Sige! Mabilis lang ako." pahabol ko habang inaayos ang sarili.
I took a deep breath when I stared at my self in the mirror. I wear a simple plain white shirt and black pants. Bakat na bakat ang mga muscles ko dahil sa suot ko. At lalong mas nagpaangat ng kaguwapuhan ko. Tsk! Tsk! Tsk! Masuwerte ang babaeng mabibigyan ko ng magandang lahi. Napapailing akong napangisi. Pero, sino nga ba?
Amirah...
Napakunot ang noo ko sa biglang paglitaw niya sa isip ko. Bakit si Amirah? Bakit hindi si—! Tsk! Napabuntong-hininga ako.
Kung anuman ang sasabihin o ipapakita ni Vrougn ay alam kong totoong mahalaga ito. Ito ang tipo ng tao na hindi magaaksaya ng oras at panahon sa walang kabuluhang bagay. Tuloy ay may kung ano akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag.
Mabilis kong kinuha ang black jacket na nakasabit sa cabinet at agad ko itong isinuot. Agad din na isinilid sa bulsa ng jacket ko ang pitaka at cellphone ko. Kuntento na ako sa hitsura ko nang bumalik ako sa salamin para siyasatin ang ayos ko kaya naman ay agad na akong lumabas ng kwarto at saka sinundan sa baba si Vrougn.
Bago pa man ako makababa ng hagdan ay sinulyapan ko muna ang pinto ng silid ni Amirah. Damn it! Nakalimutan kong babalikan ko nga pala siya! Alam kong naroon na siya sa kwarto niya dahil maliwanag na roon. Parang gusto ko siyang katukin upang kamustahin. Okay na kaya siya? Galit pa rin ba siya sa 'kin? I think so. Gaga
wa na lamang ako ng paraan para maging okay kami ulit. Napabuntong-hininga na naman ako ng malalim kaya dumeretso na lang ako pababa.
Madilim na sa labas dahil pasado alas siete na ng hapon nang tingnan ko ang oras sa relos ko.
Malapit na ako sa may balkonahe nang matanaw ko si Vrougn na may kausap sa cellphone. Nagmadali akong lumapit kaya narinig ko ang sinasabi niya sa kausap.
"Bantayan mo lang ang bawat galaw niya, Holmer. Hindi niya magagawang tumakas dahil mapapahamak siya," narinig kong sambit ni Vrougn sa kausap. Napapabuntong hininga ito ng malalim.
Hindi man lang niya napansin na nasa likuran na niya ako kaya naman ay tumikhim na ako para kunin ang atensyon niya kaya agad siyang napalingon sa akin. Gulat siyang napatitig sa 'kin sabay baba ng cellphone niya.
"Kanina ka pa diyan?" seryoso niyang tanong.
Umiling ako. "Kararating ko lang." pagsisinungaling ko. Oo, may narinig ako pero hindi ko naman ito maaaring panghimasukan. "Hindi pa yata kayo tapos magusap ng kausap mo? Why did you ended up the call? I can wait."
Umiling rin ito saka nagkibit-balikat. "It's Holmer, my best buddy."
I shrugged my shoulders too. Hindi ko alam ang mga ginagawa nila at kung sino ang pinapabantayan niya.
"So, saan tayo?" usisa ko.
"Sa kabilang Isla." seryosong sabi niya saka nagsimula nang maglakad palayo sa 'kin.
Napakunot ang noo ko. "Saang Isla, Vrougn?" tanong ko habang nakasunod sa kanya.
So, pupunta kami sa na nabanggit niya kanina? Nagkibit-balikat na lamang ako.
Hindi niya sinagot ang tanong ko. So, pupunta kami sa kabilang Isla para lang sa ipapakita niya sa akin? Really, huh? Tahimik lang siyang lumapit sa jetski na inihahanda ng isa sa mga tauhan ng Isla. Nagpatianod na lamang ako. Agad na akong umangkas sa likod. Seryoso at tahimik pa rin si Vrougn habang mabilis na pinapaandar ang sinasakyan namin. Hindi ko maiwasang mapailing sa kapatid kong ito.
"How really important is that para pumunta pa tayo sa sinasabi mong Isla, Vrougn?" pasigaw kong tanong para marinig niya.
"Malalaman mo pagdating natin doon!" Saglit siyang lumingon sa akin subalit hindi ko maaninag ang mukha niya dahil biglang dumilim nang matakpan ng ulap ang liwanag na nanggagaling sa buwan.
"Malayo ba 'yong Isla?" pangungulit ko.
"Ten minutes more ay nandoon na tayo!" Sa bilis ng pagpapaandar niya ay nasisiguro kong medyo malayo nga ito mula sa Isla Del Fuego. Naramdaman kong mas lalo pa niyang binilisan ang pagpapaandar ng sinasakyan namin. Tuloy ay halos mapaubo na ako sa hangin na humahampas sa mukha ko.
Ilang minuto nga ay huminto na kami. Kaagad na kaming bumaba sa jetski at nagpatiuna na ako sa paglakad papunta sa pampang. Medyo nakaramdam ako ng lamig sa katawan kahit pa nakajacket ako. Nakita kong iginarahe ni Vrougn ang sasakyan sa may mataas na bahagi at nang matapos ay lumapit na rin siya sa 'kin. I don't know where to go kaya hinintay ko na lamang siya na magpatiuna sa paglalakad.
"Where are we going? Bakit dito mo ako dinala, Vrougn? Baka may aswang dito!" Pagbibiro ko. Subalit walang response galing sa kanya. Napakatahimik talaga ng kapatid kong ito! Boring kasama!
Tumahimik na lang din muna ako habang naglalakad. Nang nasa gitna na kami ng gubat ay may natatanaw na akong isang bahay. Iisa lang yata ang ilaw sa labas dahil hindi man lang masakop ng liwanag ang daanan. Tsk!
Siguraduhin lang ng lokong ito na may inumin dito dahil kung hindi... Magpambubuno kami! Hehe!
Atlast, nakarating na kami. Umupo muna ako sa upuang gawa sa kawayan dahil medyo nakaramdam ako ng kaunting pagod. Hindi na talaga ako sanay sa mga adventures. Nasanay ang katawan ko na bahay-opisina lang. Minsan nga lang ako magbar, kapag nalaman kong pupunta rin ng bar si Amirah. I'm stalking her, yes! I admit that. Binabantayan ko lang naman siya doon. Ayoko na may ibang lalaki na lumalapit sa kanya.
"Come inside, Bro!" pukaw sa 'kin ni Vrougn. Niyayaya na niya akong pumasok sa loob kaya pumasok na rin ako.
Medyo malamig din sa labas dahil taglamig. Sinundan ko si Vrougn. Nakita kong pumasok siya sa isang silid na ikinakunot ng noo ko.
Papasok ako ng masalubong ko ang isang lalaki sa pintuan na papalabas ng kwarto. Tumango ito sa akin at saka ako nilampasan. Napahinto ako sa pagpasok. Nagtaka ako at naalala na iyon yata ang lalaking kausap ni Vrougn kanina, si Holmer. So sino ang binabantayan nito na hindi pwedeng tumakas dahil sa mapapahamak lang din? Napabuntong hininga ako saka nagpatuloy sa pagpasok sa may kalakihan ring kwarto. Nakita kong prenteng nakaupo si Vrougn sa mini salas at nakahalukipkip habang nakatingin sa queen size bed. Inaninag kong mabuti kung may nakahiga ba roon dahil pulos puti lang ang nakikita ko. Nang tuluyang makalapit ay biglang naninagas ang kalamnan ko nang gumalaw ang nakahiga roon at bumungad sa paningin ko ang mukha ng isang babae... Hindi lang isang babae, kundi importanteng babae! Tulog na tulog ito at parang anghel sa sobrang ganda...
Marahas akong napamura at napatingin kay Vrougn na ngayo'y nakakunot ang noo habang nakamasid sa nakahigang babae.
Agad kong hinarap ang kapatid ko at kinuwelyuhan. "Why she's with you, Vrougn? You know that she's mine!"
He smiled and shrugged his broad shoulders. "She's not totally yours, Bro. She's mine too! And... she's now my responsibility... This is my real intention, right? To catched her..." anya na itinuro ang babaeng nakahiga. Napabuntong hininga ako ng malalim. "Because you? You were busy flirting with somebody else just for your nonsense– oh! Nevermind! And, because you're not around, I am here for her." ngingisi-ngisi niyang sabi na ikinatiim ng bagang ko.
Damn it!