Dazsher POV
"I DID'NT expect you can do this to me, Vrougn. You know that I'm courting her. Tsk! Now tell me... why she's here?" hindi siya sumagot. Nakamaang lang siya sa akin. Nagsalubong ang mga kilay ko. "Kaya ba imbes na sabihin sa akin ay dinala mo na lamang ako rito? Para ano? Para ba ipakita sa akin na ikaw ang nanalo sa kanya? Tsk! Bro naman!" napapahimas ako sa noo habang nagpapaikot-ikot ng lakad. I know that she likes her too. Pareho kaming nanliligaw sa babaeng nakahiga sa kama ngayon na hindi ko maintindihan kung bakit tulog na tulog ito at ni hindi man lang magising sa lakas ng boses ko. Ano bang ginawa ni Vrougn dito? Napapamura tuloy ako sa ako sa loob-loob ko.
He sighed. "I'm sorry, but no. Its not what you think. The truth is, I just saved her. I saved her from those freak men who tried to kidnapped her. And I'm not sure who the hell they are, Bro." gulat akong napatitig sa kanya ngunit siya ay kalmado pa rin. "But, I think, maybe this is one of her plan." he's talking about my Mom.
Napahinto ako at napatitig sa kanya. Ganon din siya. Napabuntong hininga ako ng malalim. I knew it. Mom was the responsible of this. Lahat ng masasamang mangyayari sa pamilya ng mga Del Fuego ay kagagawan niya. Tsk! I told my mom to stop this! Bakit di na lang niya tanggapin ang lahat! Naguumpisa na siya at alam kong si Althea ang uunahin niya.
"Hindi nga lang siya nakuha ng mga dudukot sa kanya dahil dumating ako kaagad. Pero bago ko pa siya maligtas ay nawalan na siya ng malay. Hindi man lang niya nakita kung sinong nagligtas sa kanya. For sure, pag gising niya ay aakalain niyang ako ang kidnapper! Tsk! I bring her here for her safety and I assure you, Bro, she's safe with me." humalukipkip siya saka tipid na ngumisi. "I am the first one who got the bet, bro! So... back off now. Therefore, you had already your greatest dream."
"Tsk! Fine! You win," sumusukong sabi ko, nakataas pa ang dalawang kamay. Muli akong napabuntong hininga. Napasulyap akong muli kay Althea na payapang-payapa sa kanyang pagkakatulog. She really look like an angel. Napakaganda niya kahit tulog. "How is she anyway?" wala sa loob na tanong ko.
"Don't worry about her, she's fine... with me." pagdidiinan niyang sabi. Talagang inaalisan niya na ako ng karapatan sa babaeng ito.
Napailing ako. "Fine!"
Sa isip ko, ako ang dapat na nandirito para kay Althea. Hindi lang dahil sa matagal na akong nanliligaw sa kanya pero dahil sa obligasyon ko iyon. Kailangan ko siyang protektahan against my Mom, na hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang galit nito. Kaso, biglang sumulpot si Vrougn at nagkagusto rin sa kanya. At dahil sa napagkasunduan naming dalawa na kung sino man ang unang makapagliligtas kay Althea ay siya ang magpapatuloy sa panliligaw. We we're not playing games 'coz we know it's the only way to avoid war between me and Vrougn. She's not a thing and we know that, hindi rin siya laruan na pwede naming pag agawan. We both like her but I think Vrougn fell inlove with her already. Kaya kahit gaano ko pa kagusto si Althea ay magpapaubaya ako. I can sacrifice my own feelings. Hindi rin naman namin alam kung sino ang gusto ni Althea, she only treat us as a friend. We admit that it's a bet, yes. But in a good way naman. Who did the first one saving her, the one who continue courting. Vrougn won. I know that she's safe with my brother.
Subalit malaking gulo ito. Sigurado iyon. Nagsisimula ng gumalaw si Mom sa walang kwenta niyang paghihiganti. Siguradong alam na niya ang nangyari, palpak sila sa pagkuha kay Althea. Sigurado rin ako na alam na nitong na kay Vrougn ang target nila. But, Vrougn can handle this. I'm not worried that much. He's ready to face the consequence.
"I'll go ahead, Vrougn. You know what to do. Ikaw na ang bahala sa mga magulang niya, for sure magaalala iyon. Gumawa ka na lang ng alibi. Bahala ka na. Responsibility mo na iyan, panindigan mo. Please take care of her." paalam ko na sa kanya at walang lingon-likod akong umalis. Panigurado kasi na maya-maya lang ay magigising na si Althea. Ilang oras lang ang epekto ng pampatulog na ipinaamoy ng dudukot sana rito.
I really have to go. Kinalimutan ko na rin ang kagustuhan kong tumikim ng inumin.
Bumalik ako sa tinutuluyang Isla. Dali-dali akong umibis sa sinasakyan at agad itong inihabilin sa isa sa mga tauhan na naroon na siyang sumalubong sa akin. Kaagad kong tinakbo ang loob ng resthouse. Hindi ko malaman kung bakit parang excited akong makabalik. Biglang naglaho ang kanina'y bumabagabag sa loob ko. Ewan ko ba kung bakit hindi ako masyadong naapektuhan sa nasaksihan kanina. Oo, nagalala ako sa nangyari kay Althea... pero 'yong masaktan? I don't think I'm affected that much. Iniisip ko tuloy... nagkagusto ba talaga ako sa kanya? O sadyang paghanga lamang iyon? Tsk! Napabuntong hininga ako.
Pagkaakyat sa taas ay agad na dumeretso ang paningin ko sa pintuan ng kwarto ni Amirah. May kung ano sa 'kin na nais lumapit upang alamin ang kalagayan niya. Kaya dumiretso ako rito. I was about to knock her door when someone inside the room pull the door open. Tumambad sa paningin ko si Manang Cita na masuyong nakatitig sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"I'll check her, Manang." Papasok na sana ako nang pigilan niya ako sa braso. Napalingon ako dito.
"Huwag mo na muna siyang abalahin, hijo. Nagpapahinga na siya," anya saka isinarado ang pintuan at tumalikod na.
Napabuntong hininga ako habang nakasunod ang paningin sa papalayong matanda. Napabuga ako at nilisan ang kwarto. Hahayaan ko na lang muna siyang gumaling at... lumamig ang ulo. Gagawa na lang din ako ng paraan para maging okay kami uli.
————————
Amirah POV
————————
From: 09123456789
"Caring for someone is easy, but to make someone care for you is difficult. So never lose the one who really cares for you."
Muli kong ipinikit ang mga mata ko pagkatapos basahin ang text message na galing sa unknown number. I don't know kung sino ito, ni hindi man lang nagpakilala. But, I'm pretty sure it was Dazsher. What does he mean? Is he really cared for me? Ni hindi man lang niya ako nagawang dalawin! Kahit silipin man lang dito sa kwarto ko... Psh!
Nagtataka ako kung papa'no o kanino niya nakuha ang number ko gayong iilan lang ang nakakaalam ng private number ko. Who gave it to him? Isa na namang paglabag sa patakaran ko! Ayokong ipinamimigay ito kung kani-kanino. Pero... Si Dazsher ito...
Muling nag-beep ang phone ko and I immediately open it.
From: 09123456789
"Lotus, tulips, Jasmin, Lily, all the flowers are sweet... But, they have no comparison with you."
Napapangiti ako habang inililibot ang paningin sa bawat sulok ng kwarto na punum-puno ng mga sariwang bulaklak. Araw-araw ay pinapadalhan niya ako ng mga ito habang may kasama pang card at paborito kong pagkain na di ko malaman kung kanino niya nalaman. Tuloy ay halos flower shop na ang kwarto ko sa dami ng mga ito. Nangangalimuyak pa ang bango. At ang nakakatawa pa ay pati banyo ko punum-puno rin ng bulaklak! Shocks Dazsher! Napapailing na lamang ako.
Why is he doing this? Iniisip ko tuloy na nanliligaw ka sa 'kin.. Kaso baka ginagawa mo lang ito dahil sa nangyari sa akin at doon sa... paghalik mo. Peace offering lang ba talaga? But, I smell that there is something on you... I would know.
Its been effin weeks na since no'ng ma-sprain ang paa ko. Isang linggo akong hindi pinalalabas ng doktor for my fast recovery. At isang linggo na rin ng halikan ako ni Dazsher. It's just a smack kiss 'coz I felt it. I was awake that time. Ghad! Hindi maalis sa isip ko ang ginawa niya. Akala ko nga kanina lang, eh! This is the second time he kissed me but I told him it was my damn first kiss. Psh! I don't know why I said that! Kaya hindi rin ako lumalabas ng kwarto kahit maaari na akong lumabas ay dahil hindi ko alam kung papa'no siyang haharapin. Ako itong nahihiya sa kanya! My shocks! Siya dapat ang nakakaramdam nito pero ako 'tong naiilang sa kanya.
What is really happening to you Amirah? Are you really attracted to him that much? Huh? Shocks!
Napatalon pa ako sa gulat nang muling mag-beep ang phone ko na naipatong ko pala sa dibdib. Kinuha ko ito at binuksan ang message. It's from Dazsher again.
From: 09123456789
"Hi, Amirah. I just want to say good morning. How's you, beautiful? I know you're okay now. And I hope I'm forgiven too. ?"
So I am right. Everything he did is for his peace offering not because he's... damn courting! Psh...
"Okay, fine! Your forgiven!" napapaismid kong sabi. Gusto ko mang ireply sa kanya iyon pero ayokong magabala. Ayokong makipaglokohan o makipagbolahan through phone.
I want to go out. I'm okay already. But, there is something in me na nahihiyang lumabas. This is not the typical Amirah I know! This is not me... Maybe shy type of a someone possessed me. Oh my gosh! How do I really feel when I finally see him? Baka kapag nakaharap ko siya ay madetect niya na attracted na ako sa kanya. Hindi ko na lang siya papansinin mamaya paglabas ko. Magkukunwari akong galit sa kanya. Oo! Gano'n nga ang gagawin ko.
Kaagad na akong bumangon sa kama na medyo lumubog na dahil sa bigat ko. Halos hindi na ako bumabangon kasi. Wala na rin dito si Anitha na matyagang nagalaga sa akin, ganon din si Manang na pabalik-balik para pagsilbihan ako. Kaya ko na kasi ang sarili ko. I can stand alone now.
Kaagad na akong pumasok ng bathroom para maligo at nang matapos ay agad na tumungo sa favorite area ko, my dresser. Humarap ako rito at umupo sa silya. Mabilis kong kinuha ang lotion at nagpahid sa buong katawan. After that, I put some make up on my face. As usual, I fixed my long blonde curly hair. Then, I showered my favorite perfume and lastly, I put my clothes on. I chose to wear a fitted blue sleeveless top and a hawaiian design mini skirt. It so nice and suits on me. I look like a barbie doll! I look like a sixteen year old girl on my outfit.
"I'm sure madami na naman magkakandarapa sa 'kin! Hehe!" pilya kong saad saka humagikhik.
I shook my head and took a deep breath when I hold the doorknob. This is it. Siguradong masu-surprise sila sa paglabas ko. Ngunit... ako ang nabigla nang pagbukas ko ay mabungaran ko ang pinakagwapong lalaking nakilala ko. Gulat na gulat rin itong nakatingin sa akin habang nakataas pa ang isang kamay na akmang kakatok. Nakatulala siya at nakabukas pa ang mapupulang labi.
"What are you doing in front of my room, Dazsher?" gulat kong tanong. I crossed my arms and glared at him.
Napalunok siya saka muling gumuhit ang ngiti sa labi. "You did'nt reply any of my messages, so... I came here... to invite you out. I mean... I-I know you're okay already. Manang Cita told me."
Bahagya akong nabigla saka kinabahan sa pagiimbita niya sa akin pero hindi ko iyon ipinahalata. I'm used to act very well. Nakatingin lang ako sa kanya as if wala akong narinig.
Napayuko ito saka bumuntong-hininga.
"Can I go downstairs so I can take my breakfast, Dazsher? I'm hungry na..." maarte kong sabi na ikinaangat niya ng tingin. Napatitig siya sa akin ulit at saka nakangiting hinagod ng tingin ang kabuuan ko. Talagang nanunuot ang mga titig niya. "Why are you staring at me like that, huh? I said, I'm hungry!"
"I'm sorry. I was just captivated by your beauty, Amirah. You look so cute today." he playfully bit his lower lips. Even his eyes are adoring me.
Hindi pa rin ako nagpaapekto sa mga titig niya o kahit sa kagwapuhan niya kahit pa nakakapaglaway ang suot niyang simple white v-neck shirt at summer shorts. Napakasimple. Pero ang hot niya!
"Only today? As far as I know, I am beautiful everyday!" I smirked.
Tumango-tango siya habang lalong lumalawak ang ngiti. "Yeah. You are beautiful as always, Amirah. But today, you look so young and... cute again." anya sabay kindat.
"Psh! Your flattering me na!" I rolled my eyes. Pakiramdam ko ay medyo umiinit ang pisngi ko dahil sa kindat niyang iyon. Kaya naman, tinalikuran ko na siya. Ayokong makita niya na naapektuhan ako roon.
Ramdam kong nakasunod na siya sa 'kin. Grabeng elektrisidad ang gumagapang sa sistema ko kahit hindi pa naman kami nagkakadikit. Bababa na ako sa hagdan at alam niyang takot ako kaya naman naramdaman ko ng humawak na siya sa braso at bewang ko.
Naninigas ang kalamnan ko habang inihahakbang ang mga paa sa riles ng hagdan. Nasa kalagitnaan na kami ng hagdanan ng makita kong nagkumpulan ang mga tauhan ng Isla sa paanan. Nakapalibot ang mga ito sa ibaba at nakangiting nakatingin sa amin.
Ang o-OA naman nila...
Pero kahit papa'no ay nakaramdam ako ng kaunting saya knowing that they really happy seeing me again after a long week hiding in my room. Kaya naman gumanti ako ng tipid na ngiti pabalik sa kanila. Subalit, tila kinikilig ang ilan sa kanila, lalo na si Anitha na namimilipit pa. Napagtanto kong kaya ganon ang kanilang reaksyon ay dahil sa halos nakayakap na si Dazsher sa akin. Ngiting-ngiti ito nang lingunin ko. Psh!
Pagkababa namin ay kaagad akong kumalas sa pagkakahawak ni Dazsher na siya namang paglapit ng ilan para kumustahin ako.
"Sigurado akong gutom ka na, Miss Amirah." nakangiti kaming dinaluhan ni Manang Cita habang hinuhubad ang apron sa katawan. "Halina kayong dalawa nang makakain na ng agahan."
"Well, hindi pa naman ako gaanong gutom, Manang. Sa dami ko ba namang nakain kagabi... feeling ko nga, eh, hindi pa bumaba. 'Tsaka, kain-tulog lang ang ginagawa ko sa loob ng isang linggo. I'm afraid to be fat! Ehhh..." sabi ko na ikinahagikhik ng mga tauhang naroon. Ngunit biglang nagsialisan ang mga ito nang pandilatan ni Manang. Napangisi ako.
Tanging si Dazsher lang ang hindi nasindak sa malaking mata ni Manang. Ganon pa man, hinihintay kong asarin niya ako pero wala akong narinig sa kanya kundi ngiti lang. Kung pwede lang na huwag siyang tingnan ay gagawin ko 'coz I felt something flying inside my tummy everytime he stare at me.
"Come on, Amirah! I thought your hungry?" yaya ni Dazsher.
"Nawala 'yong gutom ko, eh."
"Sabayan mo na lang akong kumain nang ganahan ka. At baka nga, magutom ka ulit kapag nakita mo ang inihanda namin." mabilis ang mga hakbang na nagpatiuna nang maglakad patungo sa kusina.
Tapos nangiwan! Hindi man lang ako hinintay... Psh!
"Really, huh? Baka wala ka lang kaagaw sa pagkain, eh!"
Natatawa siyang lumingon ngunit wala ng lumabas sa bibig niya. Nakatayo lamang siya sa unahan habang inaantay akong makalapit.
Inirapan ko siya. Kung nakamamatay lang ang irap, kanina pa siya nabuwal sa kinatatayuan niya. Kaso parang manhid. Okay lang sa kanya ang mga inaasta ko. Hindi umiepekto sa kanya ang pagtataray ko. Sabagay kahit naman no'ng una pa, no effect sa kanya. Nakita kong tumalikod na siyang muli.
"Halika na, Miss Amirah nang makakain na. Huwag mo ng intindihin ang kapilyuhan ni Dazsher, ganyan talaga yan." tawag ni Manang na sumilip sa pinto ng kusina.
Tumango ako sabay tipid na ngumiti. Tumuloy na ako sa loob. Naroon si Dazsher na prenteng nakatayo sa dati kong inupuan no'ng last time na kumain ako dito. I rolled my eyes when he smiled at me and pointing his finger on the chair he reserved for me. Pinapahiwatig niyang doon ako umupo.
"Sit beside me, Amirah." sobrang lawak ng ngiti niya. Psh! Ano bang nakain nito? Wala pa naman yata dahil kakain pa lang kami... but, his actions makes me uncomfortable. It's weird.
"Nah! Apat ang upuan kaya hindi ako uupo sa tabi mo, Dazsher. You wish! Psh!" I rolled my eyes and sat on the other chair.
Napapailing na lamang siya sa sinabi at inasta ko. Naupo na rin siya.
"Kumain na kayo mga bata." nangingising sabi ni Manang habang abala sa paglalagay ng orange juice sa baso namin. After she prepared the food, she left us. Kaya kaming dalawa na lamang ni Dazsher ang narito.
Nakatulala ako habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Manang kanina. Meron talaga silang hawig ng mommy ko. Ewan ko nga lang kung saang part.
Napukaw lang ako ng tumikhim si Dazsher. He told me to eat na. Nakasimangot ito dahil yata sa hindi ako umupo sa upuan na inihanda niya para sa 'kin. Tumayo pa naman siya kanina as sign of respect, I mean being gentleman pero hindi ako umupo doon. I smiled knowing na naasar ko siya.
"Okay lang sa 'kin na hindi ka umupo sa tabi ko, atleast mas maganda pala ang pinili mong pwesto... Nasa harapan kita at kitang-kita ko ang ganda ng ngiti mo." nabibighaning sambit ni Dazsher habang nangingislap ang mga matang nakatitig sa akin.
Napalunok ako. Napakamabulaklak talaga ng mga lumalabas na salita sa bibig niya ngayon. Ganyan ba talaga siya o epekto lang ng pagnakaw niya ng halik sa akin? Ewan ko! Hindi ko na lamang siya pinansin pa.
Natatakam na ako sa mga nakahaing pagkain. Lahat paborito ko! Sa dami ay hindi ko na masabi. Parang mas masarap ang mga ito kesa sa mga dinadalang pagkain ni Anitha sa kwarto ko. Una kong nilantakan ang Sweet 'n sour lapu-lapu. Isang buo ang kinuha ko dahil for sure mabibitin lang ako kung puputulin ko pa iyon. Kumuha din ako ng one fourth cup of rice, medyo bawas ako sa kanin dahil pakiramdam ko ay medyo nanaba ako. After that, kumuha din ako ng five pieces of buttered shrimp. Inamoy ko pa ito bago ko sinimulang tanggalin ang balat. Sobrang sarap ng amoy niya. Agad ko na itong kinain. Naubos ko kaagad ang limang piraso ng hipon kaya ng kukuha pa sana ako ng isa dahil bitin ako nang makita kong iisa na lang talaga ang nasa bandehado. Tutusukin ko na sana ito ng tinidor nang mabilis pa sa alas kwatrong inunahan ako ni Dazsher. Kaya naman, sinamaan ko siya ng tingin.
"Give it to me, Dazsher! Bitin pa ako!"
Pero imbes na ibigay ay mabilis niya itong isinubo sa kanyang bibig. Humalakhak pa siya pagkatapos lunukin.
"Psh! I hate you!" Inis ko siyang binato ng pakwan na naka-slice ng maliliit. Sapol siya sa noo. Tulo ang mga katas sa pisngi niya. Ganon pa man, naiinis pa rin ako.
"Aww... That's hurt! You're acting like a kid, babe! Tsk!" Pinupunasan niya na ng tissue ang buong mukha. Nang matapos ay tumingin siya sa 'kin. "But, it's okay... I think we're quits." sabi niyang nakangiti.
Sa dami ng sinabi niya ay 'yong indearment na nabanggit niya ang tumatak sa isip ko.
Babe?
Really? He called me 'Babe'? My heart jumped like a jumping rope! Pero bigla rin akong nanlamig at napasimangot. Baka naman kasi gano'n ang ginagamit niyang indearment sa lahat ng kakilala niyang babae! Psh! Ilang babae na ba ang tinawag niyang gano'n? O baka nga iba-iba ang tawag niya! Hmmp!
Nagaalala si Dazsher sa pananahimik ko.
"I'm so sorry, Amirah. I-I did'nt mean to call you a kid or telling you we're acted like that. It's just that—"
"Fine! We're quits!" Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi naman iyon ang dahilan. Pero hindi ko na sasabihin pa. Baka kung ano pa'ng isipin niya. "I'm done. Nawalan na ako ng ganang kumain," nakasimangot kong sabi saka tumayo para maghugas na ng kamay sa lababo.
Napansin kong malungkot na nakamasid sa direksyon ko si Dasher. Kita ko sa repleksyon niya sa tiles na nasa harapan ko. Pagkuwa'y tumayo ito at lumapit sa akin.
"Amirah..." tawag niya kaya lumingon ako sa kanya. "I ask you again... Can I invite you out? Pasyal tayo?"
Saglit akong natigilan at napaisip sa imbitasyon niya. May kung anong nagsasabi sa loob ko na gusto ko siyang makasama muling lumabas? Gusto ko ring muli na makalanghap ng preskong hangin sa labas. At ni hindi ko pa nalilibot ang buong Isla.
"I understand if you don't want to come with me—"
"Sige." putol ko sa sasabihin niya. Natigilan din siya at ngumiti ng sobrang lawak. "I'll come... With you."