CHAPTER 7- Funny Feelings

3201 Words
"WHY you're always staring at me, Dazsher? Huh?" Nakataas ang kilay ko habang nakikipagtitigan sa kanya. Kanina ko pa itong napapansing panay tingin sa 'kin magmula pa no'ng sunduin niya ako sa kwarto ko. Hmmm... maybe because of my outfit? Sinipat kong muli ang suot ko, I was wearing a royal blue crop top sleeveless and a white sexy shorts, with my white sneakers. And I am wearing a summer hat. Dahil sa pumayag akong sumama sa kanya sa pamamasyal ay nangako rin itong ililibot ako sa ibang pasyalan dito sa Isla na napuntahan niya na dati pa. And because I was so excited, I hurriedly go upstairs to change my clothes. Syempre, nakaalalay siya sa akin pagakyat sa kwarto ko at iyon nga... No'ng lumabas ako ay doon na siya napapatulala sa akin. Ano bang meron sa suot ko? Napakasimple lang naman. Wala rin naman akong make up. I only put a baby powder on my face. So bakit ganyan siya kung makatingin sa akin? Hmmm... "Hey! Dazsher! Will you please stop staring at me? It makes me feel uncomfortable.. Psh!" maarte kong sabi. Inikutan ko pa siya ng mata saka pinameywangan. Nakangiti siyang napapabuntong hininga. "I'm sorry.. It's just that–" "Am I ugly for my outfit? Huh?" Umiling ito. "No. You're not. You are so beautiful with your looks and even without make up." Itinagilid ko ang mukha ko saka lihim na napangiti. Pagkuway muling ibinaling ang tingin sa kanya. "And so, bakit panay ang titig mo sa 'kin? I know na maganda ako... 'Wag mo 'ko masyadong bolahin. Psh! Sumama na nga ako sa 'yo 'di ba?" Napangisi siya. "Sorry.. but, hindi kita binobola, Amirah. And thank you again. I just can't believe you're coming with me. You know.. after what I did?" napailing siya saka bahagyang yumuko para itago ang ngiti sa mga labi na akala mo naman ay hindi ko nakita. Napaismid ako. Muli siyang nag angat ng tingin. Abot tenga na ang ngiti. "It feels like, I am the luckiest man on earth now because I'm with the most gorgeous woman I've ever seen." Sandali akong natigilan sa huling sinabi niya. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na mas lalo pang gumwapo dahil sa lawak ng kanyang nakakaakit na ngiti. We feel the same, Dazsher... I'm the luckiest woman right now 'coz I'm with you too... Gusto ko mang isatinig iyon ngunit parang hinihila ang dila ko. Kaya naman imbes na ipakita sa kanya na pareho kami ng nararamdam ay nagkunwari na lang ako na balewala iyon. Sabagay, sanay din naman akong makarinig ng ganyan noon.. Pero kasi ibang-iba talaga kapag galing na mismo sa bibig niya. "Really, huh?" tanging nasabi ko. Iniwasan ko ng tumingin sa mga mata niya dahil pakiramdam ko ay inaarok nito ang totoong laman ng puso't isip ko. Umalis na kami sa resthouse. Medyo malayo-layo ang pupuntahan namin kung kaya kinailangan naming sumakay sa kabayo. At dahil nga sa iisa lang ito ay wala akong nagawa kundi ang sumakay, di rin naman ako nakapalag dahil sa bigla na lang akong umangat sa ere saka isinakay ni Dazsher dito. Napahampas ako sa likuran niya nang makasakay na rin siya. "Yakap ka sa 'kin, Amirah. Baka mahulog ka diyan sa likuran." sabi niya na ikinalunok ko. Yayakapin ko siya? But of course! Idiot! Napaismid ako sa sariling kong naisip saka wala sa loob na kumapit sa damit niya. "You wish, Dazsher! Hindi ako yayakap sa 'yo... no way!" Napabuntong hininga ito. "Bahala ka kapag nahulog ka... 'wag mo akong sisihin, ah? I told you—" "Psh! Sige na, sige na! Yayakap na..." mataray kong sabi saka mahigpit na yumakap sa beywang niya. Napalunok pa ako nang maramdaman ko kung gaano katigas ang katawan niya. Shocks! Rinig kong natawa siya bago pinatakbo ng matulin ang kabayo. Sa dami kong nakitang magagandang tanawin ay halos hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa pupuntahan namin. Nandito na kami ngayon sa ibaba ng burol. Inihinto na ni Dazsher ang pagpapatakbo sa kabayo at saka mabilis na bumaba. Maingat din niya akong inalalayan. "Mula dito sa ibaba ay lakarin na lang natin papaakyat sa itaas para na rin makapag-exercise tayo. And it's good for you too, Amirah. Like what you said, ayaw mong tumaba.. Dami mong kinain kanina—" Nahampas ko siya sa braso at pinandilatan. "Oo na! Sige na! Maglalakad na... Dami mo pang sinasabi, eh! Psh!" Ang lakas ng tawa niya. Nagpatiuna na akong maglakad at sinundan ang mga signage patungo sa tuktok ng burol. Nakasunod siya sa akin at tatawa-tawa pa rin habang hila sa tali ang kabayo. Hindi ko naman maintindihan ang nararamdaman ko. Madalas, naiinis ako kapag may lalaking lumalapit sa akin pero kay Dazsher... He's different. Nakikiliti, kinikilig at para akong kinukuryente kapag nalalapit siya sa 'kin lalo na kapag nahahawakan niya ako. Parang pakiramdam ko ay bibigay na lang agad-agad ang sarili ko sa kanya. Ewan ko ba... Naiilang din ako sa mga pasulyap-sulyap at mga titig niya. Natigilan ako ng maramdaman kongdumaosdos ang braso niya sa beywang ko. Nanigas bigla ang kalamnan ko at para na namang may nagliliparang insekto sa tiyan ko. Napalingon ako sa kanya at inismiran nang makita kong ang lawak na naman ng ngiti niya. Hinayaan ko na lang. Matarik din kasi ang daan at pakiramdam ko ay mabubuwal ako anytime. Kaya mas maigi ng nakaalalay siya sa akin. Pero naramdaman kong mas humigpit pa ang pagkakayapos niya sa beywang ko. "You're taking advantage to me again, Dazsher." I murmured.. "Your hands.. You we're too close to me! Lumayo-layo ka nga ng kunti? Psh!" singhal ko na ikinatawa niya. Kaya inis ko siyang hinampas sa braso. After he laughed loudly he smiled at me sweetly and shrugged his broad shoulders. Lalo pa niyang idinikit ang katawan sa akin na halos mabundol na ang ulo ko sa balikat niya. I rolled my eyes. "I want some fresh air to breath, Dazsher! Hindi ko malanghap ang sariwang hangin dahil pabango mo ang naaamoy ko!" Pilit kong niluluwagan ang pagkakadikit sa kanya kaya naman sa likot ko ay na out balance ako. Ngunit, para naman itong si flash na agad akong naagapan. Imbes na matumba ay napasubsob ako sa matitipuno niyang dibdib nang saluhin. Kaya sa ganoon naming posisyon ay muling dumantay ang mga katawan namin. Para na naman akong nakuryente ng 220volts! Shocks! Umiinit ang buong katawan ko na hindi ko mawari. Tumatahip din ang dibdib ko sa sobrang kaba. Grabe naman ang epekto niya sa sistema ko! Nakakapanghina... Hindi pa ako masyadong makatayo dahil sa idinudulot ng pagkakayakap naming dalawa ngayon. Nanghihina talaga ako sa totoo lang. Subalit sa kabila nito ay lihim akong napapangiti. Napaayos lang ako ng pagkakatayo ng hapitin niya akong muli sa beywang at magkaharap na kaming dalawa. Dahil sa mas mataas siya sa akin kaya nakatingkayad ako sa kanya at siya naman ay nakadungaw sa akin. Nakatitig kami sa isa't-isa habang walang salitang lumalabas sa mga bibig namin. Tanging ang mga malayang mata namin ang nangungusap. Subalit, ako ang unang sumuko, umiwas ako ng tingin sa kanya. Rinig ko namang napatikhim siya. "You are too clumsy.. Babe!" Oh wait? Babe again?? Napatingin akong muli sa kanya at tinaasan ito ng kilay. "I'm sorry? What did you call me?" Ngumiti ito. "I said.. you are the most beautiful babe here in Island.." Napangiwi ako saka kumalas sa kanya. Pero bago pa man ako makalayo sa kanya ay muli niya akong hinapit sa beywang kung kaya't napaharap ako sa kanya. Sa kabiglaan, hindi ko inaasahan ang gagawin niya. Hinalikan niya ako! It's not a smack kiss 'coz it took a one minute kiss. Nakadilat pa ang mga mata ko ng tunghayan niya ako. I'm speechless! "I kissed you trice already.. This is my third time kissing you, Amirah." he seriously said. Bakit malungkot siya? Di ba dapat ay masaya siya dahil nagpaubaya ako? "I know I deserve your punishment.. Actually, I'm ready for it. Hinanda ko na talaga ang katawan ko para sakaling kayanin ko ang magbubugbog uli sa akin." may bahid na kirot sa kanyang pananalita. Ano ba'ng pinagsasasabi niya? Inis ko siyang hinampas sa kanyang malapad na dibdib. I glared at him. "What are you saying? And, w-what punishment are you talking about?" Nakita kong nagtaka rin siya sa tanong ko at bigla siyang natigilan. Tsk! Gano'n ba talaga kasama ang tingin sa akin ng lahat? Lalo na itong nasa harapan ko? Kahit 'yong halik na nagustuhan ko naman ay iisipin pang gagantihan ko ng masama? Hmmf! Well, I can't blame him.. He knows me I think, that I am the daughter of Don Armiendo Del Fuego, the evil-brat. Pero muling nag sink in sa utak ko ang sinabi niya. "Hinanda ko na talaga ang katawan ko para sakaling kayanin ko ang magbubugbog ULI sa akin." Uli?? Nabugbog na siya noon? Dahil sa... "Hey! What do you mean... nabugbog ka? Is it about the kiss you stole from me? Sinong bumugbog sa 'yo?" Nangunot ang kanyang noo saka hinawakan niya ako ng mahigpit sa magkabilang braso. Tinitigan niya ang mga mata ko, nangaarok. "Amirah, can't you really remember what you have done a year ago? Can't you remember your first stolen kiss? It was me, Amirah. I was the one who steal your first kiss. And after that, you punished me. Ipinabugbog mo 'ko sa mga tauhan niyo." Ako naman ang nabigla sa sinabi niya. Napaatras pa ako ng kunti sa kanya. Umiling-iling ako pagkuwan. "I can't do that, Dazsher. I'm not like that! And, yeah. I still remember what you did, hinalikan mo 'ko noong nasa high school pa lang tayo. It was our prom night. And, I can still remember you called me by my sister's name. Tell me now, nagkamali ka lang ba sa pangalan naming dalawa o inakala mo lang talaga na ako si Althea?" Napanganga siya sa sinabi ko. Hindi malaman ang sasabihin. Lalong nangunot ang kanyang noo at mas lalo niya akong kinatitigan sa mga mata. "What now? I told you, hindi kita ipinabugbog. Why should I? Just for a damn kiss? Ambabaw naman ng reason ko para mang-utos pa akong ipabugbog ka? Kung kaya ko namang gantihan ka pagkatapos mong gawin 'yon." nakahalukipkip ko ng sabi. Wala na.. Hindi na yata kami makakaakyat pa sa tuktok ng burol. Na-stucked na kami rito. "Y-You never command your father's men to beat me down that time?" tsk! Ang kulit! Umiling ako. "No! I did'nt! Because if I did so, you might end up in cemetery for sure. Knowing them, they have no souls, they have no mercy when it comes for revenge." mga halang ang kaluluwa ng mga tauhan ni Dad. "Then, why did they do that to you? Sinong nag utos sa kanila na galawin ka? At bakit mo naman nasabi na ako ang nag utos sa kanila, ha?" Hindi na naman siya nakakibo. Naguguluhan pa rin ang mga mata niyang hindi mapuknat sa pagtitig sa akin. "Are you really sure na hindi mo sila inutusan na bugbugin ako?" Aba't— "Hindi nga ako! Ano ba?! Psh! Fine, kung ayaw mong maniwala!" Naiinis na ako sa pambibintang niya. "But, they told me na ikaw ang nag utos sa kanila, Amirah." "Whaatt?? Sino ba sa mga iyon? Pagbalik natin sa mansyon ituro mo sa 'kin kung sino bang mga bobong 'yon! Aba! Sawa na yata sila sa buhay nila.." Binitiwan niya ang mga braso ko at napahawak siya sa kanyang sintido saka marahang yumuko. Bigla akong nalungkot sa inakto niya. Iniisip niya siguro kung sino ang totoong nagpabugbog sa kanya noon. Sino nga ba talaga? Is it Dad? If he is, papa'no niya naman nalaman na ginawan ako ng kapangahasan ni Dazsher gayong hindi naman ako nagsusumbong? Kaming dalawa lang naman ni Dazsher ang naroon sa lugar kung saan niya ako ninakawan ng halik. No one was there. Unless... May ibang nakakita sa ginawa niya at nakarating kay Dad.. Kung si Dad nga ba ang nag utos. Naawa tuloy ako kay Dazsher nang mag sink in sa imagination ko kung papaano siyang bugbugin. Buti na lang ay binuhay pa siya ng mga ito. Nakatanggap siya ng parusa sa maling bagay na ginawa niya na hindi ko naman akalaing mangyayari sa kanya. I pity him. He don't deserve it. Dazsher... For me, what he did was just nothing. It's just a kiss and I like it too! My gosh! I'm not angry with him because of what he did a year ago. And for the second and third time he kissed me, I still not mad at him. I don't know why! I just like his kisses... Nakayuko pa rin si Dazsher ng pagmasdan ko siya. Ang lalim naman ng iniisip... Sabagay, hindi ko din siya masisisi. Lumapit ako sa kanya habang nakayuko pa rin siya. Hindi ko namalayan na nakayakap na ako sa kanya. I really feel pity for him, sa sinapit niya noon. Gulat man siya sa ginawa kong pagyakap ay tinugon niya rin ito. Mahigpit siyang yumakap sa akin. Ipinatong pa niya ang ulo niya sa balikat ko. Ngayon, hindi ko na tuloy malaman kung anong nararamdaman ko, kung anong gagawin ko. Damn it! I can't breath! But, I can't explain what I really felt right now, that now we're hugging each other tightly. Ang gaan sa pakiramdam. I feel.. I'm comfortable here. Gusto ko na lang na dito tumira at makulong sa matitipuno bisig niya! Hehe! Nais ko pa sanang tumagal kami sa ganong posisyon pero pareho kaming napukaw nang biglang umambon. Psh! Kumalas kaming bigla sa pagkakayakap. Nakita kong seryosong nakatingkayad ang mukha ni Dazsher sa langit kaya tumingin din ako sa itaas. Napasimangot ako dahil kanina lang ay pagkaganda ng panahon tapos ngayon, pabigla-bigla na lang na uulan. Marahil ay naramdaman din ni Dazsher na nagbabadya na ang malakas na ulan. Kailangan na naming makahanap ng masisilungan dahil siguradong mababasa kami. Imbes na maglalakad sana kami ay dali-dali na kaming sumakay sa kabayo at mabilis itong pinatakbo ni Dazsher. Muli, napayakap ako sa kanya... ng mahigpit na mahigpit. "Kahit bilisan natin ay aabutin na tayo ng ulan, Amirah. Okay lang ba sa 'yong magpaulan?" "Oo, okay lang!" Ilang sandali pa'y bumuhos na ang malakas na ulan. Tuluyan na kaming nabasa ni Dazsher. Ngunit sa kabila ng malamig na hangin at ulan ay hindi ko iyon maramdaman dahil pinapainit ng katawan niya ang katawan ko. Mas lalo pa kong sumiksik sa kanya. Lihim akong napapangiti sa kanyang likuran. Subalit naging mas madulas ang daanan. Bumagal ang takbo ng sinasakyan naming kabayo. At sa hindi inaasahan ay biglang nawalan ng balanse ang kabayo. Nagpadausdos kami ng mahulog kaming dalawa at nagpagulong-gulong pababa ng burol. Napadilat ang mga mata ko nang maramdaman kong may tumatapik sa aking pisngi. Ni ayoko pa sanang imulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa paningin ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Napakunot ang noo ko nang makitang nakatunghay sa 'kin si Dazsher habang nakangiwi. Babangon na sana ako nang maramdaman kong may kumirot ang balakang ko. Napahawak ako doon. Ouch... Napahiga akong muli. Ngunit nasisilaw ako sa sinag ng araw na tumatama sa akin. Muli kong ipinikit ang mata ko at bahagyang tumagilid. Nang magmulat ay bumungad sa 'kin ang nagaalalang mukha ni Dazsher. Nakayakap siya sa akin habang inaalalayan akong makaupo. Sinipat ko ang hitsura niya. May mga galos siya sa kanyang kanang braso. Ako? Wala ni isa... Nabali lang yata ang balakang ko. Higit sa lahat, naligo kami sa putik. Ano nga ba ang nangyari? Tsk! Saka ko lang napagtanto kung anong nangyari samin. Napabuntong-hininga ako. Tumayo na rin ako habang todo alalay pa rin si Dazsher. Nakakapit ako braso niya. Bakit kaya ang tahimik niya? Hindi ko alam kung anong sinapit niya magmula ng mahulog kami. Nawalan yata ako ng malay... "Thanks for saving me, Dazsher." Tumingin siya sa akin saka tipid na ngumiti. Tumango siya kapagkuwan. Hindi alintana sa kanya ang mga galos na natamo niya. Abala na siya sa pagpapaamo ng kabayo nang lumapit siya rito. Kasabay din namin itong nagpagulong-gulong. Medyo napapaso na ang balat ko sa sinag ng araw kaya lumapit na ako kay Dazsher para tulungan siya sa ginagawa niya. "Is he okay?" I'm asking about the horse. He nodded. "Yeah. Pinapakalma ko lang dahil medyo na-stress sa kanyang pagkakabagsak," anya saka seryoso siyang tumingin sa 'kin. "How about you? Are you okay? May masakit ba sa 'yo?" Tumango ako. "Hmmm.. medyo masakit lang ang balakang ko." sabi ko na ikinapagalala niya. Napasulyap pa siya sa ibabang parte ng katawan ko. Uminit tuloy ang mukha ko. "Pwede na ba tayong magpatuloy papunta doon sa pupuntahan natin? Nandidiri na ako sa itsura ko, eh.. And, it's so mainit na, Dazsher." maarte kong sabi na napapapadyak pa habang tumitilamsik ang mga daliri. Tinitigan niya ako ng pagkalagkit-lagkit saka ngumiti. Tumaas na naman tuloy ang kilay ko. Naiilang ako... Shocks! "Bakit ba ngiting-ngiti ka na naman diyan, huh?" "Kasi po.. ang ganda mo pa rin kahit halos naligo ka na sa putik," malambing niyang sabi. Pakiramdam ko'y pinamulahan na naman ako ng mukha. "So? Kasalanan ko ba 'to?" 'yong putik ang tinutukoy ko na nakuha naman niya. Umiling siya. "No. I'm sorry.. naligo ka tuloy sa putik ng dahil sa 'kin." Nagsi-self blaming na naman siya! Psh! "It's not your fault." sabi ko sabay hila ng lubid ng kabayo. "Come on! Let's go na! I'm hungry na, Dazsher.." Napailing siyang nakangisi. "Okay." anya saka ako binuhat papasakay bago siya sumakay sa kabayo. Halos manigas ako dahil sa likod ko siya sumakay! Kinurot ko ang tagiliran niya kaya napaigtad siya at tumawa. Tuloy hindi ko alam kung saan ako mangungunyapit. Saang parte ng katawan niya ang kakapitan ko para hindi ako mahulog? Bago pa man din ako makapagdesisyon ay nakapulupot na sa beywang ko ang isang braso niya at ang isang kamay niya ang humahawak sa lubid. Psh! Nakayakap na naman siya sa akin. Nakaisa ka na naman, Dazsher! "Hold on.. Babe.. Let's go!" Imbes na sagutin ay muli ko siyang kinurot sa tagiliran. Muli rin siyang napaigtad at ang lakas ng tawa. Ang saya niya ah? Mamaya babatukan ko siya. "Alisin mo 'yang braso mo, Dazsher! Di ako makahinga!" sigaw ko habang sinisimulan na ng pagpapatakbo sa kabayo. Tumatawa siya sa sinabi ko. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa beywang ko. My... Shocks! "Just behave.. babe. Relax!" sabi niya sa mismong tenga ko na ikinatindig ng mga balahibo ko. "You're pervert!" siniko ko siya saka nilingon. Sinamaan ko siya ng tingin pero kindat ang isinukli niya. Psh! Mannerism niya siguro 'yang pakindat-kindat niya! Kung ibang babae lang, baka nangingisay na sa kilig at baka nga nalaglag pa underwear niya. Buti na lang... iba ako. I'm attracted to him but I can control my feelings. But theres a part of me saying that it's okay to gamble my feelings.. for him. It's a reward if I won it. I'm attracted to him. I like him. I do. Psh! What a funny feeling! I can't believe it. Pinabilis niya pang lalo ang pagpapatakbo ng kabayo na marahil ay sinadya niya para lalo akong sumiksik at madikit pa ang nagiinit kong katawan sa kanya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD